Share

Kabanata 0005

ASHLEY POV

Halos gustong manginig ang buo kong laman ng mapansin kong tumigil sa gilid ng table namin ni Si Sir Ryder. Hindi pa rin maalis-alis ang pagkakatitig sa akin kaya naman parang gusto ko na lang na lamunin ng lupa para makatakas sa masakit nitong tingin.

"Ashley!"tawag nito sa pangalan ko. Lalo naman akong napayuko. Kulang na lang isubsob ko ang mukha ko sa pinggan para lang maipakita dito na naiilang ako sa kanyang presensya.

Naramdaman ko na kinalabit ako ni Ate Sam kaya naman napaangat ako ng aking tingin. Inginuso nito si Sir Ryder na salubong na ang mga kilay na nakatitig sa akin. Kapansin-pansin din na masama ang tingin na ipinupukol nito kay Rustom. Lalo akong nakaramdam ng pagkailang ng mapansin ko na sa amin nakatoon ang attention halos lahat ng tao dito sa cafeteria.

"Ashley, huwag mo ng hintayin pa na buhatin kita dyan sa kinauupuan mo. Bilisan mo na dahil gutom na ako." wika nito. Parang gusto kong mawalan ng ulirat ng banggitin nito ang pangalan ko. Nagtataka naman na napatitig sa akin sila Ate Sam at Ate Cecil.

"ehhhh Sir...may....may kailangan po ba kayo? Tapos nyo na po ba pirmahan iyung dala kong documents kanina? Pupuntahan ko na lang po mamaya." wika ko dito kasabay ng pagpapakawala ng hilaw na ngiti. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sa isang iglap lang ay hawak na ako ng mahigpit sa aking braso. Pilit akong pinapatayo kaya wala na akong nagawa kundi ang tumingin sa mga kasamahan ko na takang taka habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sir Ryder.

"Lets go!" malamig nitong wika sabay hila ng aking kamay. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama na dito. Nahihiya na din ako dahil pinagtitinginan na kami ng ibang empleyado at ayaw kong pag-tsismisan nila ko lalo na at ka-bago-bago ko lang sa sa trabaho.

Kamalas-malasan naman kasi. Sa dami ng kumpanya na inapplayan ko dito pa talaga ako natapat sa taong ni sa panaginip hindi ko na gustuhin pang makita. Ewan ko ba lumalakas talaga ang kabog ng dibdib ko tuwing nakikita ko ito. Pakiramdam ko hindi ako safe sa taong ito eh. Although ikinasal kami noon pero hindi ibig sabihin asawa niya ako.

"Eh Sir, pwede po bang bitawan niyo na ako? Sasama na po ako sa inyo." wika ko dito sabay hila ng kamay ko na hawak nito. Masama lang ako nitong tinitigan at mabilis ang hakbang na naglakad papuntang elevator. Wala na akong nagawa pa kundi ang binilisan na lang din ang hakbang dahil hawak-hawak niya pa rin ako sa aking kamay. Isa pa nakasunod ang tingin sa amin ng ibang empleyado. Kitang kita ang pagtataka sa kanilang mukha habang nagbubulungan

Pagpasok sa loob ng elevator ay sa wakas binitawan din ako ng gago. Hindi ko alam kung ano ang nakain nito. Hindi ko din alam kung ano ang kailangan nito. May thirty minutes pa ako bago bumalik ng trabaho at imposible naman na hindi niya alam ang oras.

"Sir dapat pinatawag nyo na lang ako after breaktime." wika ko dito sa kawalan ng sasabihin. Tahimik kasi itong nakatitig sa akin kaya naiilang ako.

"Who's that guy? Nanliligaw ba siya sa iyo?" tanong nito. Hindi ko naman makuha ang ibig nitong sabihin kaya sandali akong nag-isip. Biglang sumagi sa isip ko si Rustom.

"Ah si Rostum po? Nakasabay lang po namin siya kanina papuntang cafeteria. Ngayun ko lang din po sya nakilala dahil first day ko lang din ngayun sa trabaho." sagot ko dito. Saglit itong nag-isip habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"Ayaw ko ng makita ulit na lalapit-lapit sa iyo ang lalaking iyun. Iwasan mo siya." diretsahan nitong wika. Natigilan naman ako. Ano na naman kaya ang drama ng kumag na ito. Bakit bawal na akong lapitan ng kahit sino? Kasama ba ito sa rules and regulations dito sa company? Matanong ko nga mamaya sila Ate Samantha at Ate Cecil.

"Bakit po? I mean...nakipagkilala lang naman po sya. Mas mabuti nga po na marami akong kakilala dito sa opisina. Para marami po akong friends." hindi ko maiwasan na sagot. Masama naman ako nitong tinitigan. Napa-peace sign tuloy ako ng wala sa oras. Letse talaga! Bakit ganito ang may ari ng RJ? Bakit mukhang may topak? Isa pa ano kaya nag kailangan nito sa akin. Naku! Kailangan kong maging alerto. BAka mamaya gagawin niya sa akin ang ginawa niya sa Secretary niya kanina. Ayaw kong makuha ng kahit na sino ang virginity ko noh? Para lang iyun sa magiging asawa ko....Well hindi sa kanya pero sa totoo kong maging asawa.

Pagkalabas namin ng elevator ay naabutan pa namin ang secretarty nito na katalik kanina. Nakaupo sa kanyang pwesto at nakabusangot. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ang aking kilay lalo na ng mapansin ko na nakatitig ito sa akin.

"Baka nagseselos." hindi ko maiwasan na bulong sa aking sarili. Sumunod naman ako kay Sir Ryder hangang sa makapasok kami sa loob ng opisina.

Nagulat pa ako ng makita ko na maraming pagkain na nakalagay sa lamesa nito. Nagtataka akong napatingin dito at katulad kanina seryoso pa rin. Hindi ko alam kung masama ba ang araw nito o talagang normal na sa kanya ang palaging nakasimangot.

"Sit! Sabagayan mo akong kumain." wika nito sa akin at itinuro ang isang upuan. Gulat akong napatitig dito bago sumagot.

"Pinatawag niyo lang po ako para sabayan kayong kumain? Pwede niyo naman po yayain ang girl friend niyo ah?" hindi ko maiwasan na sagot dito. Minsan gusto ko na din kutusan ang sarili ko. Hindi ko talaga mapigilan ang bunganga ko. Pwede naman akong manahimik na lang muna at tumanggi. Masasarap ang pagkain na nakahain pero busog na ako.

"Sit down at lets eat!" ulit nito sa seryosong boses. Hindi naman ako natinag at tumitig dito.

""Busog na po ako. Kumain na ako kanina sa cafeteria. Dapat kanina pa lang sinabi niyo na sa akin na balak niyo akong librihin ngayun. Nakatipid sana ako ng isang meal ngayung araw." sagot ko. Natigilan ito at biglang lumapit sa akin. Naalarma naman ako kaya bigla akong napaupo.

"Kapag sinabi kong kakain ka....kakain ka. From now on, bawal ka ng pumunta o kumain ng cafeteria. Bawal ka din makipag-usap kahit kaninong lalaki diyan. Ako lang ang kakausapin mo at ang dalawa mong ka-trabaho!" wika nito. HIndi ko naman alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Pero mukhang seryoso dahil hindi ito ngumingiti. Katunayan nga nakakapaso ang kanyang mga tingin na pinapakawalan sa akin.

"Nagbibiro po kayo diba? Imposible naman po na hindi ako makipag-usap sa iba. Gusto ko po magkaroon ng madaming kakilala dahil gusto ko po magkaroon ng maraming friends." sagot ko. Hindi ito umimik bagkos nilagyan nito ng pagkain ang pinggan na nasa harap ko.

"Sundin mo na lang ang gusto ko kung ayaw mong isesante ko lahat ng lalaking lalapit sa iyo." wika nito. Gulat naman akong napatitig dito. Hinahanap ko sa kanyang hitsura kung nagbibiro ba ito pero walang kabakas-bakas. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ganito ito. Kung ganito ba siya sa lahat ng kanyang mga bagong empleyado.

"Bakit po? I mean, bakit po kayo ganiyan? Hindi nyo po ako pwedeng diktahan dahil hindi ko po kayo tatay." sagot ko. Naihampas naman nito ang kanyang kamay sa lamesa. Buti na lang at hindi naglalaglagan ang mga pagkain na nasa lamesa. Mukhang may sapak nga ang amo ko. Kaunting katwiran nagagalit agad. Ano ang gusto niya...oo lang ako ng oo sa lahat ng sasabihin niya? Sino ba siya para diktahan ako?

Mukhang may sayad nga sya. Mukhang totoo ang sinabi sa akin kanina nila Ate Samantha at Ate Cecil. Nakakatakot ang CEO!

"Kumain ka na. Starting tomorrow, dito ka na sa office ko kakain." wika nito at nag-umpisa ng sumubo ng pagkain. Wala naman akong nagawa kundi kunin ang kutsara at tinidor at pinilit ang sarili na kumain na din kahit busog pa ako.

In fairness masarap ang pagkain. Iba na talaga ang mayayaman. Although nakatangap ako ng ten million noon kapalit ng pagpapakasal dito pero ginamit ko iyun para makabili kami ng lupain sa probensiya. Ang ibang bahagi naman ng pera ay ipinatayo namin ng bahay at ginamit sa pag-aaral naming tatlong magkapatid.

Halos paubos na ang pera kaya kailangan ko pa din kumayod para mabili ang mga gusto ko. Wala kasi akong balak na mag-stay ng matagal sa probensiya. Mas marami kasing opportunity na dadating sa akin dito sa Manila lalo na at nakapagtapos na ako. Gusto kong umasenso gamit ang natapos kong kurso.

Pagkatapos namin kumain ay tinawag nito ang Secretary at inutusan na ligpitin ang aming pinagkainan. Of course busangot to the highest level pa din ang hitsura ng lola mo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang papel nito sa buhay ng CEO namin. Kung secretary ba ito, Girl friend o parausan? Mukhang "Yuck" ang pinaka-last na choices na naisip ko.

"Hmmm Sir, balik na po ako sa aking department. Baka hinahanap na ako ng mga kasamahan ko." paalam ko kay Ryder. Baka mabugahan pa ako ng apoy ng kanyang secretary dahil mukhang nagmamaktol ito habang nililinis ang aming pinagkainan. Wala akong balak na tulungan ito dahil kailangan ko ng makabalik sa aking department. Baka kung ano na ang iniisip nila Ate Sam at Ate Cecil sa akin. Mahirap na.

"Ipadala ko na kay Anthon ang mga documents kapag tapos ko ng pirmahan. Huwag mong kalimutan ang sinabi ko sa iyo kanina. Sundin mo lahat ng ipinagbabawal ko." seryoso nitong wika tsaka umupo na sa kanyang swivel chair. Hindi ako umimik dahil wala naman akong balak ang sundin ang gusto nito. Malay ba nya kung sino ang magiging kaibigan ko dito sa kompanya. Hindi naman siguro ako nito susundan sa kahit saan ko gustong puntahan.

Pagdating ng accouting office ay agad akong pinutakte ng tanong nila Ate Sam at Ate Cecil.

"Ano ang nangyari? Bakit bigla ka na lang pinatawag ng CEO? Pinagalitan ka ba nya sa pambubuso na ginawa mo kaninang umaga?" agad na tanong ni Ate Cecil sa akin. Muling sumagi sa isip ko ang nakita ko kaninang umaga kaya napailing ako.

"Gusto lang niyang sabayan ko siya sa pagkain. Nalulungkot yata syang kumain mag-isa sa loob ng opisina." sagot ko. Napanganga naman ang dalawa dahil sa pagkagulat. Hindi marahil inaasahan ng mga ito na yayayain akong kumain ng Boss namin.

"Talaga? Huwag mong sabihin ikaw na naman ang prospect niya? Gusto ka daw ba nyang ligawan o gusto ka din nyang ikama?" tanong ni Ate Sam.

"Naku Ate, hindi ko siya type noh? Wala akong balak na magpabiktima sa isang lalaking kagaya nya. Ayaw ko sa mga fuckboy." agad na sagot ko. Muli silang nagkatinginan.

"Aasahan namin iyang sinasabi mo Ashley ha? Bata ka pa kaya huwag na huwag kang pabibiktima sa Boss natin. Baka mamaya matulad ka din sa ibang mga nagdaan na empleyado dito na pagkatapos niyang ikama basta nya na lang itinapon na parang basahan." bakas ang pag-aalala sa boses ni Ate Cecil na sagot nito.

"huwag kayong mag-alala Ate. Iba ako sa kanilang lahat. Kahit gaano pa ka-pogi ang Boss natin wala akong balak na patulan siya. Para lang sa magiging asawa ko ang beautiful body ko." pabiro kong sagot sa kanila. Tanging tawa na lang din ang kanilang ginawa at itinoon na namin ang buong attention sa trabaho.

Abala kaming lahat ng marinig namin na may kumakatok sa pintuan ng office. Sabay kaming napalinga at narinig ko pa ang pagsinghap ni Ate Sam ng makita nito ang isang matangkad na lalaki na nakatayo sa pinto.Agad na tumayo si Ate Cecil para pagbuksan ito.

"Hello Sir Anthon. Its our pleasure na napadalaw ka sa aming humble office." agad na wika ni Ate Cecil ng makaharap na nito ang nagngangalan na Anthon. Tahimik naman akong nakamasid sa kanila.

"Dinala ko lang itong pinirmahan na documents ng CEO." wika nito sabay abot ng hawak nitong papeles. Napa-wow naman sila Ate Cecil at Ate Sam.

"Ano ang nakain ng CEO at ikaw pa ang inutusan na magdala nito sa amin. Pwede mo naman kaming tawagan para kami na lang ang kumuha nito. Nakakahiya tuloy sa iyo Sir Anthon." Pabebe na sagot ni Ate Sam. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

"No choice. Alam mo naman ang amo natin. Once na iniutos kailangan sundin." sagot nito tsaka sumulyap sa gawi ko.
Comments (83)
goodnovel comment avatar
Juvelyn Yarcia
nice story,like it
goodnovel comment avatar
Juvelyn Yarcia
nice story
goodnovel comment avatar
Mildred Evangelista
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status