Share

Kabanata 0004

ASHLEY POV

"Hangang ngayun pa ba naman magpapalusot ka pa rin sa akin? Imposible na makalimutan mo ang taong nag-ahon sa inyo sa hirap. Ten million is ten Million Ashley." wika nito sa akin. Napayuko naman ako.

Bakit ba kasi hindi muna ako nagresearch bago nag- apply sa kompanya na ito. HR lang kasi ang nakaharap ko at wala sa hinagap ko na magiging amo ko ang lalaking pinakasalan ko five years ago kapalit ng ten million pesos.

"Pa-pasensya na po! Sabi kasi ng Lola niyo ipapawalang bisa naman daw ang kasal natin after two years. Eh five years na po ang nakalipas baka wala ng bisa ang kasal natin." sagot ko dito. Alam kong katangahan lang ang sagot na iyun at hindi makatotohanan. Napaismid ito sa sagot ko at tinitigan ako

"Sa palagay mo ba may annulment dito sa Pilipinas? Nanaginip ka yata ng gising Ashley." sagot nito sa akin. Napalunok naman ako. Ano ba ang gustong ipahiwatig ng tao na ito. Win-win naman ang nangyari sa amin noon ah? Kailangan nya ng proxy bride ng araw na iyun at kailangan ko ng pera. Pero bakit parang lumalabas na ako yata ang masama? Ano ba ang gusto ng taong ito?

"A-ano po ba ang gusto niyo mangyari? Gu-gusto niyo po bang magpakasal sa iba? Ayos lang naman po sa akin..kung---kung walang annulment dito sa Pilipinas...willing po ako pumirma ng kasunduan na hindi ako maghahabol." sagot ko dito. Humalakhak naman ito na syang ikinagulat ko. May saltik ba ang lalaking ito? Kunti na lang at papatulan ko na ito eh

"Wife......wife.....wife! Mukhang hindi ka nag-matured ah? Mukhang ikaw pa din ang dating Ashley na eighteen years old na basta na lang pumayag na magpakasal sa akin." wika nito. Hindi ako nakaimik.

"Ehhh ano po ba ang gusto niyong mangyari? Sabi ni Madam, proxy lang naman ako sa kasalan na iyun. Hindi po totoo ang nangyaring kasal dahil hindi naman kita boyfriend. First time lang kitang nakita at wala akong balak na maging asawa mo. Tsaka naniwala ako sa sinabi ni Madam na ipapawalang bisa niya daw ang kasal after two years." wika ko habang iniisip ang eksaktong pinag-usapan namin ng abwela nito. Ngumisi naman ito sa akin.

"Iyan ba ang akala mo? Alam mo bang galit na galit ako sa iyo dahil basta mo na lang akong tinakasan? Hindi mo man lang ginampanan ang tungkulin mo bilang asawa ko. Bigla ka na lang naglaho na parang bula." Nakangisi nitong wika. Nanlaki naman ang aking mga mata. Buti na lang talaga at nakatakas ako dito noon kung hindi baka gutay-gutay na ang tahong ko dito. Diyos ko! Parang hindi ko maatim na gawin niya sa akin ang ginawa niya sa secretary niya kanina.

"Sorry po! Ka-kausapin niyo na lang po ulit si Madam. Hangang pagpapakasal lang po talaga sa iyo ang napag-usapan namin noon." sagot ko dito dahil wala na akong maisip pa kong ano ang isasagot. Tumawa ito. Pagkatapos ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya napaatras ako.

"Kung...kung wala na po kayong sasabihin babalik na po ako ng trabaho. Babalikan ko na lang po ang mga documents na dapat mong pirmahan." wika ko dito at agad na tinalikuran ito. Nagmamadali akong lumabas ng kanyang opisina at nagpasalamat ako dahil hindi nya na ako tinawag pa. Tulala akong naglakad pabalik ng aking department.

"Oh kumusta? Sinigawan ka ba niya ulit?" agad na salubong sa akin nila Ate Cecil. Agad naman akong umiling.

"Hayyy naku...ngayun pa lang sanayin mo na ang sarili mo sa mga bulyaw ng boss natin. Masama talaga ang ugali niyan at umiiyak ang araw kapag walang napapagalitan na empleyado."wika ni Ate Samantha.

"Ate...Ganoon po ba talaga siya? I mean...normal na lang po ba sa kanya na nakikipagsex sa loob ng opisina?" hindi ko mapigilan na tanong dito. Huli na ng maisip ko ang nasabi ko dahil narinig na nilang dalawa. Sabay na nanlaki ang mga mata ng mga ito habang nakatitig sa akin

"You mean...nakita mo si Boss na may katalik na babae sa office kanina? Kaya ba tulala kang bumaba kanina?" tanong ng mga ito. Tumango ako. Pagkatapos ay seryoso nila akong tinitigan.

"ito ang gusto naming sabihin sa iyo Ashley. Mag-ingat ka sa Boss natin. Maliban sa pagiging palasigaw mahilig sa mga magagandang babae iyan. Karamihan sa mga nabibiktima nya mga secretary nya. Kaya nga parang damit lang kung magpalit ng secretary si Boss." wika ni Ate Cecil. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat.

"Ganoon ba? Nakakatakot naman po pala siya." sagot ko. Agad silang nagsipagtanguan.

"Actually hindi mo naman masisisi si Boss. Mga mahaharot din kasi kadalasan ang mga nabibiktima nya. Mga babae na din kasi ang nagbibigay ng motibo...since sobrang active yata ng Boss natin sa sex agad nya namang pinapatulan." sabat naman ni Ate Sam.

"Buti wala siyang nabubuntis?" sagot ko. Agad silang umiling.

"Maingat daw iyan! Lagi may baong condom. Kahit fuck boy malakas pa rin ang konrol sa sarili. Ayaw daw makipagsex kapag walang condom na nakabalot sa kanyang ari." bulgar na sagot ni Ate Cecil. Napalunok naman ako ng ilang beses ng muling sumagi sa isip ko ang mga nakita kanina sa opisina.

"Kaya mag-ingat ka Ashley. Umiwas ka sa Boss natin kung ayaw mong masira ang buhay mo. Bata ka pa at marami pang darating sa iyo na magandang opportunity." pagbibigay payo sa akin ni Ate Cecil. Agad akong tumango dahil wala naman akong balak na pumatol sa Boss namin. Ayaw ko ng lalaking fuckboy.

Aaminin ko na super gwapo naman talaga ni Boss Ryder. Siguro hindi nakakapagpigil ang mga nagdaan nitong secretary at kusang naghuhubad sa harap nito. Pero kahit na...kung matino siyang amo hindi siya dapat pumapatol sa kanyang mga empleyado.

"Mabuti na lang at nanahimik na sila Ate Samantha at Ate Cecil. Naging abala na din sila sa kanilang trabaho kay muli kong itinoon ang aking sarili sa pag-eencode ng mga tseka. Gusto kong ipakita sa mga kasamahan ko na masipag ako at maasahan pagdating sa kahit na anong bagay.

Abala ako sa aking trabaho ng kalabitin ako ni Ate Cecil. Gulat naman akong napatitig dito.

"Lunch time na. Sabay ka na lang sa amin sa Cafeteria para naman may makakausap ka habang kumakain." pag-aaya nito sa akin. Agad naman akong napatingin sa wall clock at nagulat ako dahil pasado alas dose na ng tanghali. Agad akong tumango at iniligpit ang kalat na nasa aking table.

"Grabe..ang bilis ng oras." wika ko sabay tayo. Napangiti naman silang dalawa.

"Ganiyan talaga kapag busy. Hindi namamalayan ang oras. Hayaan mo masanay ka din sa mga trabaho dito sa loob ng office." Sagot ni Ate Sam at naglakad na palabas ng opisina. Agad naman akong sumunod dito at sumunod naman si Ate Cecil

"Bagong empleyado?" natatanaw ko na ang cafeteria ng may biglang nagsalita mula sa aming likuran. Napahinto naman sa paglalakad sila Ate Cecil at Ate Sam kaya ganoon na din ang ginawa ko. Agad naman na lumapit sa amin ang lalaking nagtatanong patungkol sa akin.

"Yes..first day nya ngayun. Siya ang pumalit kay Gemma." sagot ni Ate Cecil. Tumango ito tsaka ako tinitigan.

"Ipakilala mo naman ako sa kanya." banat ng lalaking kaharap namin. Tumawa naman si Ate Cecil bago ako hinarap.

"Ashley..siya si Rustom sa marketing department siya..... at Rustom si Ashely...ang ganda nya diba?" pagpapakilala ni Ate Cecil sa aming dalawa. Agad naman na inilahad ni Rustom ang kanyang palad para makipagkamay sa akin. Tinaggap ko naman ito dahil mukha naman siyang mabait.

"Sa cafeteria ba kayo kakain? Sabay na ako sa inyo." wika ni Rustom. Agad naman tumango sila Ate Cecil at Ate Sam.

"Pagdating ng cafeteria ay kanya-kanya kami order ng pagkain. Gusto pa nga akong librihin ni Rustom kaya lang tumanggi ako. May budget naman ako sa pagkain kaya walang dahilan para magpalibre kahit kanino.

"Fresh graduate ka pala? Swerte mo naman dahil nakapasok ka kaagad dito sa RJ. Hindi sila masyadong naghahire ng mga fresh graduates." wika ni Rustom. Napangiti naman ako.

"Sa online lang ako nag-apply. Swerte naman at tinawagan nila ako for interview. Swertehan lang din talaga siguro. Kaya nga pinipilit kong matutunan agad lahat ng trabaho para naman hindi nakakahiya sa mga kasama ko." sagot ko. Nagtawanan naman sila Ate Cecil at Ate Sam. Mukhang maswerte nga ako dahil mababait ang mga naabutan kong kasamahan sa opisina.

"Of course...magkakasama tayo sa iisang department kaya dapat lang support tayo sa isat isa para gumaan ang trabaho natin." sagot ni Ate Cecil. Ngumiti naman ako dito bilang tanda ng pagsang-ayon.

"kaya ikaw Rustom, huwag ka munang mangulit kay Ashley ha? Alam namin na siya ang pakay mo kaya ka nakipaglapit. Hintayin mo muna na matutunan niya lahat ng trabaho sa department namin bago mo siya ligawan." prankang wika ni Ate Sam. Sinabayan naman ng pagtawa ni Ate Cecil kaya kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Rustom. Nahihiya pa itong tumingin sa akin.

"Grabe naman kayo. Napaka-advance niyo naman mag-isip." sagot nito. Muling natawa sila Ate Cecil at Ate Sam. Napakamot naman ng ulo niya si Rustom habang hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Wala din naman akong balak na magpaligaw pa. Kakaumpisa ko pa nga lang sa trabaho at balak kong i-focus muna ang buong time ko dito. Tsaka na ang boyfriend-boyfriend na iyan.." sagot ko naman sabay inom ng juice. Agad naman napangiti si Ate Cecil bago sumagot.

"Oh narinig mo iyun Rustom? Mukhang hangang friends lang ang mai-offer sa iyo ni Ashley." kantiyaw ni Ate Cecil. Muling natawa si Ate Samantha.

Hindi matapos-tapos ang kulitan sa aming apat habang kumakain. Kahit papaano lalong naging panatag ang aking kalooban dahil mas lalo kong napatunayan na mababait ang mga kasama ko. Napaka-vocal nila pagdating sa lahat ng bagay. Hindi ko din akalain na ganito sila kakalog.

Akmang susubo ulit ako ng pagkain ng may lalaking biglang lumapit sa amin. Isang lalaki at nasa 40s na ang edad at kita ang pagiging seryoso habang isa-isa kaming tinitingnan. Akala namin makikishare lang ng table pero seryoso itong humarap sa akin.

"Ms. Ashley? Ashley Sebastian?" tanong nito. Natigilan naman ako sabay titig dito. Hindi ko alam kong nagbibiro ba ito o hindi dahil hindi naman Sebastian ang apelyedo ko. delos Santos ako kaya mukhang nagkamali ito ng nilapitan. SA dami ba naman ng mga empleyado dito hindi malabong may kapangalan ako.

"No po. Ashely delos Santos po ang name ko.'" sagot ko sabay baling ng tingin sa mga kasamahan ko. Kitang kita ang pagtataka sa mga mata ng mga ito habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa akin at sa taong bagong dating.

"New employee ka diba? Accounting department?" tanong ito. Napatingin ako kina Ate Sam at Ate Cecil bago sumagot.

"Opo..pero hind po Sebastian ang apelyedo ko. delos Santos po." pagtatama ko. Tinitigan muna ako nito bago tumango tsaka nagpaalam. Naiwan naman akong naguguluhan.

"Ang weird niya! Ang alam ko mataas na ang posisyong ng taong iyun pero parang tanga kong makipag-usap. Ano kaya ang kailangan niya kay Ashley Sebastian? Kaapelyedo pa talaga ng CEO." wika ni Rustom. Bigla akong kinabahan ng muling sumagi sa isip ko si Ryder. Diyos ko! Tinawag nya ako kaninang Mrs. Sebastian.

"Ganiyan talaga minsan ang mga matatalinong tao. Sa sobrang dami ng mga iniisip hindi nila namamalayan na naging weirdo na pala sila." sagot ni Ate Cecil sa pamamagitan ng pagsubo ng kanyang kinakain. Hindi na din ako umimik at itinoon na din ang aking attention sa pagkain.

Patapos na ako sa aking kinakain ng tulala na napatitig sa likuran ko sila Ate Cecil at Ate Sam. Wala sa sariling napalingon ako at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Sir Ryder na seryosong naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. Nakasunod dito ang lalaking lumapit sa amin at tinawag akong Ashley Sebastian. Bigla akong kinabahan ng mapansin ko na direktang nakatitig sa akin si Ryder at mukhang galit.

"Oh my God! Nandito si Boss! First time in the history ito na ang mismong may ari ng RJ SEBASTIAN LOGISTIC INC.ay aapak sa cafeteria!" narinig kong bulong ni Ate Sam. Napaayos ako ng upo at muling itinoon ang attention sa kinakain. Gusto ko ng tawagin lahat ng santo na kilala ko para ipagdasal na sana hindi ako ang pakay ni Ryder dito sa cafeteria.
Comments (107)
goodnovel comment avatar
Connie Lucero
thank you nxt chapter pls
goodnovel comment avatar
Mal
super enjoy po
goodnovel comment avatar
Angge
next please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status