Share

Chapter Twenty-Five: I'm Sorry

ARIA

Matamlay na may inis kong inilapag ang aking malaking traveling bag sa likuran ng classroom namin. Doon ipinapalagay ng magaling kong teacher na si Sir Gray ang mga gamit naming dadalhin sa camping mamaya. Ayon kasi sa kaniya, magiging sagabal daw ang mga ito sa amin habang nasa klase kami kaya mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa kaniya sa mga oras na ito.

Klarong-klaro pa rin sa memorya ko ang detalyadong eksena na aking nasaksihan sa opisina niya kahapon. Muli ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil tila ba binabangungot ako ng pangyayaring ‘yon. Bihira ko na nga mapanaginipan si Ariella sa tulog ko ay pumalit naman ang lalakeng sinasamaan ko ng tingin ngayon.

Hindi niya ata alam na mas sagabal sa utak ko ngayon ang laplapan—este halikan nila ng kasamang babae kahapon, kaysa sa mga traveling bag na dala naming lahat para sa camping. Kaurat! Masama pa rin nga ang loob ko sa kaniya ay dinagdagan pa talaga niya ngayong umaga, hindi porket may half-day classes pa kami bago an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status