Share

Chapter Five: Austra

ARIA

Puno ng inis at sama ng loob ang sistema ko nang makabalik sa classroom. Grabe ang pangbabadtrip na ginawa sa akin ng g*gong teacher na ‘yon. Sobra niyang inuubos ang pasensya kong pinipilit ko na nga lang sa kaniya dahil propesor siya. Pero dahil sa kabadtripan na idinulot niya sa akin ay hindi na talaga aayos ang tingin ko sa kaniya.

Alam ko namang guro siya at may karapatan siyang pagsabihan ako, ngunit hindi naman kasi siya fair humatol. Una, ako ang sinigawan niya kahit hindi niya inaalam na si Chloe naman talaga ang nagsimula ng mga nangyari kanina. Tapos gusto niya akong kontrolin gayong bagong salta lang siya rito sa Easton University? Hell no! Sinubukan ko namang respetuhin siya, pero para pagsabihan ako sa bagay na hindi ko naman ginustong mangyari ay sobra na siya. Idagdag pa na tinawag niya ako sa pangalan kong hindi niya dapat banggitin… Sino ba siya?

Kaasar!

“Nandito na si Aria!” nagsimulang humina ang ingay sa classroom nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Ramdam ko man ang tingin ng mga kaklase ko ay kay Brooklyn lamang nanatili ang mga mata ko. Tanaw ko siya sa likurang bahagi ng classroom na paikot-ikot lamang doon na tila ba nagri-ritwal.

Hindi niya ata alam na mukha siyang tanga sa ginagawang iyon. Tsk!

“Nababaliw ka na ba Brooklyn? Tigilan mo na ‘yan at nahihilo ako sa ‘yo. Nagmumukha ka lang asong ul*l na ul*l sa kahahabol ng buntot niya.” buryo kong salita na mabilis niyang kinatigil. Nanlalaki ang mga mata niya nang lingunin ako at mabilis na kinulong ng yakap niyang napaka-OA.

“HAY NAKU KA, BESSIE! Thank God at nandito ka na! Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo, Bessie? Sinaktan ka ba niya? Kaasar, utak palaka talaga ang bruhildang iyon—”

“I’m fine, Brook. OA mo rin, e!” putol ko sa kakulitan niya. Alam ko namang nag-aalalalang siya, pero okay naman talaga ako kaya hindi niya na kailangan pang mataranta.

“Nagpatulak ka kasi sa bruha na ‘yon kanina kaya akala ko ay nagpatalo ka talaga on purpose…” napangiti ako nang sabihin niya iyon. Naupo na ako sa silya ko na agad din naman niyang kinaupo sa upuan niya. Halata na nag-aabang siya ng chismis ko sa mga nangyari.

“Hindi ako nagpapatalo, Brook, alam mo ‘yan. Siya dapat ang tanungin mo dahil nasa clinic siya ngayon para isalba ang labi niya.” nakangiti man ang labi ko ay inaamin kong hindi ako natutuwa. Hindi pa rin maka-recover ang galit ko sa mga nangyari kani-kanina lang.

Unang araw pa lang ng bago naming propesor ay hindi na ako tinatantanan ng pagmumukha niya sa isipan ko. Okay na sana siya, sadyang napaka-panget lang ng ugali. Sa buong araw ay dalawang beses niya na akong pinapagbantaan gamit ang mga mata niya, at dalawang beses niya na rin ako hinahawakan sa pulsuhan ko. ARGHHH!

Ako naman ata ang nababaliw sa mga sandaling ito.

“Eh? Anong nangyari sa inyo? Kumusta ang labanan niyo?”

“Hindi ko iyon matatawag na laban, Brooklyn. Masyado siyang mahina para sa akin, at maliban sa ka-sh*tan niya sa buhay ay puro nakaririnding tili niya lang ang naganap. Sadyang na-trigger niya lang ako kaya na-demonyo ang kamao kong patahimikin siya.” muli ay wala na namang buhay ang pagpapaliwanag ko ng mga nangyari sa garden. Masama na talaga ang pakiramdam ko dahil ubos na ubos na talaga ang energy ko para sa araw na ito.

“S-sinuntok mo siya?” muli ay nanlaki ang mga mata ng kaibigan ko.

“Yes. She tried to slap me, but I guess I’m too good to be slapped by her kaya naunahan ko siya ng suntok.” medyo napangisi ako nang sabihin ko ‘yon habang inaalala ang mukha ni Chloe kanina.

Well, I feel kind of bad but she deserves it. Nauna naman siya, e.

“H-hindi ka na-guidance? Owemjie ka, Bessie gurl! PTA president ang mama niya noong high school diba?”

“Don’t worry about that, Brook. I can handle it. Saka hindi ko rin naman gustong dungisan ang kamay ko kanina, no. She provoked me to do that, nauna siya kaya self-defense ‘yon. Kaya badtrip ako ngayon dahil sa akin pa nagalit ang bago nating professor gayong ako ang agrabyado rito.” at muli na naman akong nainis nang maalala ang nangyari kanina lamang sa opisina ni Sir Gray.

Kita ko ang lalong paglaki ng mga mata ni Brooklyn nang maproseso niya ang sinabi ko ngayon lang. Nawala ang kaninang ngiti sa mukha kaya napairap ako, baka pati rito ay ipagtanggol na naman niya ang Sir Gray na iyon.

“S-seriously? I can imagine the fighting scene, but Professor Grayson being angry with you? Bessie gurl… I cannot.” hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o namamangha sa mga oras na ito. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang pilit pa rin iniimagine ang mga nangyari sa akin.

“He’s unfair, Brook.” iyon na lamang ang nasabi ko at malalim napabuga ng hangin bago isandal ang likurn kong pagod na pagod na sa sandalan ng aking upuan.

Three hours pa bago mag-uwian… Sana pala ay nag-cutting classes na lang ako. Kung ginawa ko sana iyon ay wala nang maraming nangyari sa buhay ko sa araw na ito. Ang epal talaga ng mga tao kapag monday. Kaasar!!!

“Crazy b*tches!!” mabilis nagpintig ang tainga ko at nandilim ang paningin nang marinig ang sinabing iyon ni Sandra na kasalukuyang nakaupo sa harapan lang ng row namin ni Brook. Dahil epal siya ay nakuha niya na ang atensyon ko, isang mataray na tingin ang ginagawa niya sa amin ngayon ni Brooklyn kaya nagsimula na namang kumulo ang inis sa katawan ko.

Quotang-quota na ako sa kabadtripan sa araw na ito ay gusto pa niyang dagdagan. Wow! Sa kaniya pa nanggalin ang panlalait na iyon, huh? Crazy b*tches? Sino? Ako— kami ni Brook?

“What did you just call us, Sandra?” ngisi ang tanging nagawa ng labi ko para pigilan ang labis kong inis sa babaeng nasa harapan lamang ng upuan ko.

Ang mahaba niyang buhok na ang sarap hilain. Ang mapula niyang mga labi na ang sarap supalpalin. At ang mga mata niyang nanlilisik sa katarayan na ang sarap dukutin. Sandra Moore, ang matalino, maganda, ngunit ubod ng kalandian naming kaklase. Kami pa talaga ang tinawag na b*tches ng g*gang ‘to!

“Totoo naman na b*tch kayo, diba? Mga malalandi naman kayo na nagpapanggap na matino lang.” naikuyom ko agad ang kamao ko sa inis nang talagang pinanindigan niya pa talaga ang sinasabing ka-sh*tan sa amin ngayon ng kaibigan ko.

“Don’t start with your nonsense sh*ts, Sandra.” pagbabanta ko.

“B*tch!” singhal niya na kinatayo ko na sa aking upuan.

“Kung b*tch na kami sa mata mo ay ano pa ang tawag sa katulad mo, Sandra? Kami ba ng kaibigan ko ang nakikipag-s*x sa lalakeng pamilyadong tao na, huh?” nakangisi kong salita na kinatahimik ng buong klase namin. Dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ko ay napatayo na rin siya sa kinauupuan nito at nag-aapoy na ang mga matang nakatingin sa akin ngayon.

I know I shouldn’t brought that back, ngunit asar na asar na ako sa maraming dahilan sa araw na ito. Last semester pa ang issue niyang iyon, maliban sa pagiging kabet niya ay usap-usapan din recently na ilang beses na siyang nabuntis at nagpapalaglag lamang ng paulit-ulit para hindi magkaanak. Kaya itong pang-iinsulto niya sa akin at kay Brooklyn na matino naman ay labis kong kinagagalit ngayon.

It’s true that she’s smart, sa sobrang talino nga niya ay pati ata ang s*x life ni Einstein ay alam niya na. But on a serious note, I feel sad for her… Ang dami niyang pwedeng pag-gamitan ng katalinuhan niya pero inaatupag lang niya sa kasamaan at kalandian ng pag-uugali niya.

“I don’t want to fight with you, Sandra… But if you really want to be punched too, I will do that for you.”

“WALANG HIYA KA TALAGA—”

“That's enough!” Hindi niya na nagawang matapos ang pagsugod sa akin nang umecho sa buong klase ang galit at buong-buo na boses ni Sir Gray. Muli ay narinig ko na naman ang galit niyang boses na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

He’s really scary when he is angry… Ang masama pa niyan ay ako na naman ang makikita niyang mali dahil sa mga nangyayaring ito sa buhay ko sa araw na 'to. Kaasar!

“G-galit si Professor Grayson, Bessie!” bulong lang ang sinabing iyon ni Brooklyn kaya tago akong napairap sa kawalan.

“S-sir G-gray… Si Aria po…” nag-igting ang panga ko sa inis nang marinig ang pagpapaawa ni Sandra sa galit naming propesor.

Siya ang nagsimula nito tapos ako ang palalabasin niyang masama rito? Mga duwag! Naaasar ako na nagagalit dahil ang b*bo nilang lahat sa mga mata ko. Ang tigas ng pagmumukha!

“Ano na naman ba ito, Ms. Lindsei!” mariin akong napapikit upang pigilan ang inis ko nang sa akin sabihin iyon ni Sir Gray na papalapit na sa pwesto namin ngayon. Ramdam ko ang paghawak ni Brooklyn sa nakakuyom kong kamay para pakalmahin ako, pero sa mga sandaling ito ay hindi umeepekto sa akin ang ginagawa niya.

Galit na galit ako dahil ako na naman ang puntirya ng bwesit naming propesor! What the f*ck is wrong with him? Bakit ako ulit ang mali? Bakit ako na naman ang nakikita niya? P*tang ina!

“Hindi pa tapos ang gulong ginawa mo kanina ay balak mo pa ulit magsimula ng panibago. Wala ka ba talagang natututuhan, Ms. Lindsei? Wala ka ba talagang kasawaan sa pakikipag-away?” naririnig ko ang sinasabi niya ngunit hindi ko kayang unawain ang kung ano ang kaniyang sinasabi.

Ngayon ay hindi na talaga ako natutuwa. Alam ko naman na nakita niya at narinig niya ang mga nangyari pero ako pa rin ang pinapagalitan niya— Ako pa rin ang suspect sa mga mata niya. Trip ata talaga ako ng propesor na ‘to, e? Puro na lang ako. Tapos kapag sumagot ako sa kaniya ay mas lalo lang akong magiging masama.

“Sir Grayson, kung ano-ano po kasi ang s-sinasabi niya kaya nagalit ako. Sinisiraan niya po ako—”

“T*ng ina mo pala! Ikaw ang nagsimula g*go!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at napamura na naman. Dahil tahimik ang buong classroom ay rinig na rinig ang boses ko, maging ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko dahil sa kakaibang nararamdaman habang sinasalo ang galit na tingin sa akin ni Sir Gray ay naririnig ko na.

“Stop it, Austra!” hindi na malakas ang boses niya ngunit may awtoridad pa rin sa tono nito. Ngunit hindi ang boses niya ang dahilan kung bakit ako nahinto, kusang naging blanko ang ekspresyon ng mga mata ko nang tapunan ko na ng tingin si Sir Gray.

Muli ay narinig ko na naman ang pagtawag niya sa akin sa pangalan kong hindi ko nais marinig sa iba maliban sa mga magulang ko. Hindi ako nag-iinarte, ngunit totoong hindi ko gustong tinatawag ako ng ibang tao sa pangalan na iyon. Kanina ay sinabihan ko na siya, ngunit heto pa rin ang ginawa niya at parang sinasadya pa ang lahat.

“Austra, are you even listening—”

Parang napaparalisa ang kalahati ng katawan ko habang paulit-ulit lang sa utak ko ang boses niyang tumatawag sa pangalan kong ‘yon…

“D-don't ever call me that again…” sa unang pagkakataon ay nautal ako habang pinipigilan ang namumuo na sa sistema kong labis na emosyon.

Sinusubukan ko kontrolin ang galit, inis, lungkot, at takot sa sistema ko habang pilit kinakalimutan ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Muli ay mariin akong napapikit habang ang kaninang hawak ni Brooklyn na kamay ko ay mahigpit na ngayon ang kapit sa laylayan ng uniform kong suot.

Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang bagay na ito sa loob ko… Sa mahabang panahon ay ngayon na lang muli may nagtangkang ibang tao na tawagin ako sa pangalan na iyon. Hindi pa nakatutulong sa mga sandaling ito ang kita kong pagbabago ng ekspresyon sa mga mata ng propesor na kaharap ko. Alam kong galit na naman siya, ngunit mas matimbang ang halo-halo kong nararamdaman sa oras na ito.

Para akong nanghihina…

“Why… Austra? I am your Professor and I can call you whatever I want to call you—”

“SABING TIGILAN MO NA AKO!”

Isang mabigat na paghinga ang nagawa ko nang maging ako ay nagulat sa naging pagsigaw ko. Nanginginig ang katawan ko kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa aking suot na damit upang pigilan ang nakaririnding luhang nagbabadya sa mga mata ko ngayon.

Ayoko maging ganito, ngunit wala akong magawa para pigilan ang nangyayari sa aking sarili sa mga sandaling ito.

“Wala akong pakialam kung sino ka pa, Sir Gray…” mahina lang ang boses ko subalit alam kong sapat na iyon para marinig niya. “Bilang propesor sa eskwelahan na ito ay nararapat lang na respetuhin mo ang nais ng estudyante mo.”

“B-bessie gurl, A-aria…” si Brooklyn lang ang narinig kong nag salita, nang tangkang hahawakan ng kaibigan ko ang kamay kong matigas pa rin na nakakapit sa laylayan ng uniporme ko ay nagmamadali na akong lumabas ng classroom na dala ang mga gamit ko para takasan ang lahat.

Narinig ko pa na galit akong tinawag ni Sir Gray ngunit hindi ko na kayang lumingon pa dahil naglandas na ang mga luha kong ngayon na lamang muli lumabas sa mga mata ko. Naiinis ako sa lahat-lahat na naganap sa araw kong ito, lalo na sa pang-iinis sa akin ng bago naming propesor.

Gayunpaman ay alam kong marami rin naman akong maling ginawa ngayon, pero hindi sapat ‘yon para ako na lang palagi ang pagalitan. Sa simpleng ginawang pagtawag sa akin ng paulit-ulit ni Sir Gray sa pangalan na iyon ay wala na akong nagawa pa para takasan ang pilit bumabalik sa aking isipan na masamang alaala na ayoko nang balikan pa. Sh*t!

***

GRAYSON

Inis ang tangi kong nararamdaman sa mga oras na ito nang magawa ko nang makabalik sa opisina ko. Dahil sa nangyari kanina ay hindi ko na nagawang tapusin pa sa tamang oras ang klase ng Class 5-2 at binigyan ko na lang sila ng early dismissal sa araw na ito at pinauwi na lamang ang mga gawain nila. May klase pa ako mamayang alas kuwatro ngunit para bang hindi ko na ito gustong daluhan.

Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang matinding galit na naidulot ko kay Aria kanina dahil sa pagtawag ko sa pangalan niyang Austra. Oo at galit din ako dahil sa pangbabastos niya sa akin bilang propesor at sa katigasan ng ulo niya, pero alam kong may mali rin talaga ako sa mga nangyari. Hindi ko lang kasi talaga maunawaan ang pinupunto ng kaniyang galit noong una, buti na lamang at nasabi sa akin kanina ng kaibigan niya ang dahilan bago ako umalis sa classroom nila.

“On behalf of Aria, Professor Grayson, ay humihingi ako ng paumanhin sa nangyari. May trauma po kasi si Bessie sa ibang tao na tumatawag sa kaniya sa pangalan na iyon noong bata siya, Prof. Ang alam ko po kasi ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nao-overcome ng kaibigan ko ‘yung trauma niya roon kaya gano’n po siya nagalit kanina. Hindi naman po sa gusto ko pong kunsintihin ang friend ko sa actions niya, pero po sana ay pagbigyan niyo pa po siya. Mabait naman po talaga ang kaibigan ko, Professor.”

I let out a deep breath as soon as I loosened the necktie I was wearing. Now it seems that I regret what I did to her earlier, I now understand why she acted that way. As much as I want to apologize, I don't think I have enough courage to lower my pride for a girl.

However, I admit that I am worried about Aria at this time, I don't know what happened after she left the classroom earlier. Sa katunayan nga niyan ay binigay ko pa kay Brooklyn ang personal contact number ko upang masabi niya sa akin kung nalaman niya nang nakauwi sa kanila si Aria ng ligtas. Bilang guro– Oo, bilang guro ni Aria ay nag-aalala ako. Sa dami ng mga nangyari ay kargo ko pa rin ito kung may masamang nangyari sa kaniya sa ginawa niyang pag-alis sa klase sa kanina.

Hindi ako mapalagay… Hindi ko maunawaan kung ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon sa makulit kong estudyanteng ‘yon. I shouldn't be like this. Damn it, Grayson!

It's just my first day at work and my life is already in such a mess... But on the other hand, there is a part of me that is happy.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
AnnaRizza Paraiso Olea Rempillo
maraming salamat po sa magandang story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status