Share

Chapter One: Professor Gray

GRAY

It's been two months since I left my previous school where I was able to teach for three whole months. During the break I had with my profession, I worked a lot in our family business, and now that I am fully returning as a college professor— I can say that I am happy.

I truly love teaching people, giving knowledge to others makes my life somehow… great. Teaching has been my dream since I was young, at kahit hindi ko naman nakikita ang sarili ko na buong buhay nagtuturo sa eskwelahan dahil sa buhay na mayroon ako sa realidad ay masaya pa rin naman akong nagagawa ko ito bilang libangan sa ngayon.

Nang makapasok na ako sa unang klase na kikitain ko sa araw na ito ay sumilay sa akin ang isang ngiti. Isang oras pa lang ako na narito sa Easton University ay ramdam ko na ang pagiging welcoming ng mga tao rito, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi sa bagay na ‘yon. Nasa principal’s office pa lang ako ni Tita Charlie ay marami na ang nag-aabang sa akin sa labas, at kahit hindi ko sila klase ay talagang sinundan at pinagkaguluhan nila ako hanggang sa marating ko na ang classroom ng Class 5-2.

Sa totoo lang ay gustong-gusto ko ‘yung hinahabol, pinagkakaguluhan, at kinababaliwan ng mga tao— especially ng mga babae. I cannot deny that I like women. Who doesn’t like women, right?

But when it comes to my students, I don’t like the idea of liking them aside from being my students— and I will never like that idea. Aminado ako na sa labas ng pagtuturo ko ay iba akong tao. Tambay sa nightclubs, iba’t ibang babae ang nakasasama gabi-gabi, at mahilig talaga sa tawag ng laman ika nga ng iba.

However, my female students are exempted from that. I don’t f*ck with them. It is not my thing to involve myself again in a situation where I slept with a student… It happened once, and I don’t want it to happen again.

It was just a mistake— I’m holding my words that I don’t f*ck my students. Nangyari lang iyon dahil plinano talaga ng babae ang gabing ‘yon. That student of mine used to be a very nerdy girl in school, palagi siyang magulo tignan sa totoo lang. Hindi pala-ayos ng itsura at tahimik lang sa isang tabi— sa totoo nga ay nakalimutan kong nag-eexist siya sa class list ko.

So when she approached me that night in that nightclub, I didn't recognize her. She was wearing full and heavy make-up, the clothes she was wearing were too sl*tty and revealing, and her demeanor was very different that night. I just thought of her as a normal club girl who does one-night-stand with a stranger like me… but I was wrong.

I just found the truth of her identity after we had s*x, and the moment she confessed her feelings to me, I’m out.

Iyon ang dahilan kaya lumipat ako sa previous school ko, kaya nang maramdaman ko na masyado na namang nababaliw sa aking existence ang mga estudyante sa nilipatan kong paaralan at nagsisimula na silang pagpantasyahan na maikama ko, I left.

Ako na ang nagkusang umiwas sa kanila kahit maayos naman ang pagiging propesor ko sa eskwelahan na iyon. Kahit magulo ang buhay ko sa labas ng paaralan ay hindi ko gusto na ang pagiging guro ko ay magulo rin.

“The bell is about to ring, students. Now, go to your respective classrooms immediately!”

Nang matapos kong makausap ang mga estudyante sa labas at ang mga student council na kumokontrol sa mga tao ay sinara ko na ang pintuan ng classroom na kinaroroonan ko ngayon. Hindi na naririnig ang ingay sa labas, ngunit nanatili ang ingay sa loob ng klase dahil karamihan sa estudyante ko rito ay mga babae.

Here we go again, Grayson…

Pilit ang naging ngiti ko nang makapunta na sa teacher’s table, madaming babae ang nasa harapan ko subalit hindi ito nagbibigay sa akin ng saya sa mga oras na ‘to. I hate this kind of situation, but I need to act that everything is fine. Unang araw ko pa lang naman, I can give them a chance.

But if I need to be strict to them, I will do that. Tita ko ang principal at nagmamay-ari ng school na ito, at alam kong hindi niya magugustuhan kung aalis kaagad ako sa eskwelahan niya. Kaya kahit nagsisimula na naman ang mga estudyante ko na mabaliw sa presensya ko ay kailangan ko munang tiisin sa ngayon.

I will just give this a try, kung hindi ko makokontrol ang mga estudyante ko rito ay maituturing ko na ang sarili kong walang kuwentang propesor. I have the authority, ako ang mas nakatatanda, at ako ang guro nila. Kaya sisiguraduhin ko mula ngayon na hindi ko hahayaang mapasobra ang kalandian nila at pagpapantasya sa akin.

Hindi naman sa nag-aangat ako ng bangko, I am just stating what I see and what I feel about my situation. Nakasasawa na rin naman kasing lumipat nang lumipat, kaya susubukan kong ayusin na ang buhay ko rito sa Easton University.

I truly want my profession to be free from the Grayson Henry Carter that people around me knew. I am here to work as their professor; I am not here to be their f*cker and someone who does bad things. I want to be a good influencer to my precious students, kaya sana ay makisama ang mga estudyante kong nababaliw na sa mga sandaling ito.

Damn it!

“Okay, class, go back to your proper seats now.” salita ko matapos ko silang batiin. “I am too excited to start my first day of class with you, Class 5-2. Please go now and take your seats.”

May awtoridad sa boses ko nang sabihin ko ‘yon. Pinilit ko maging pormal sa kanila habang pilit din ang ngiti sa labi ko. Masaya naman talaga ako sa oras na ito dahil first day ko sa bago kong eskwelahan, sadyang hindi lang ako natutuwa na parang nasa zoo kami at nagkakagulo sila dahil sa akin.

Nang medyo kumalma ang buong silid at nagsi-upuan na sila sa kani-kanilang pwesto ay nagbukas na ako ng libro. Nakuha ko na kanina ang continuation ng lessons nila mula sa kanilang previous teacher sa subject na Science, Technology, and Society.

Dahil alam ko na kung saan magsisimula sa lessons nila ay plano kong magturo agad at hindi na patagalin pa ang lahat. Gaya ng sinabi ko ay gagawin ko ang makakaya ko para maging isang effective teacher sa mga estudyante ko, and this time I promise to myself that I will only focus myself on teaching each of everyone of my students.

I will avoid any distraction that hinders me from becoming a better person inside this school. I may be a bad person in reality outside this university, but I will make sure that I will be a great and effective teacher to these students inside of this university— I know they need it.

“Sir, hindi na ba kami magpapakilala sa ‘yo?” tanong ng isa sa mga babae na nakaupo lang sa first row. Nang tapunan ko siya ng tingin ay kita ko kung gaano kakapal ang make-up sa mukha niya at gaano kapula ang kaniyang labi habang siya ay nakangiti sa akin.

Expected ko nang hihilingin nila sa akin ang introduce yourself segment dahil first day ko, pero kasi ay wala akong plano para roon. Sayang lamang sa oras at alam ko namang gagawin lamang nila iyon na paraan upang magpasikat. Hindi na bago sa akin ang bagay na ‘yon, kahit sa ibang school na napuntahan ko ay gustong-gusto nilang nagpapakilala sa akin para tapunan ko ng tingin.

Students these days are insanely corrupted by their dirty minds. Well, I'm not denying myself with that because I know that I'm also a flirtatious person. But at least I am already a twenty-five year old guy and have a stable life.

I’m no longer a child like them who is still at school and learning to become an adult person. Right? At kung lalandi man ako sa iba ay hindi rito sa paaralan.

“We don’t need that, students. Makikilala ko naman kayong lahat sa recitations and attendance.” napangisi ako sa sarili nang mabanggit ko ‘yon.

Totoo naman kasi na makikilala ko rin sila eventually sa klase ko, lalo pa’t magaling ako tumanda ng itsura ng ibang tao. It’s one of my traits— it’s a part of becoming a member of our family. We need to be smart, fast-learner, intimidating, and strong—powerful to be exact. Kaya magaling akong kumilala’t tumanda ng mga taong nakikilala ko.

“Sige na po, Sir! First day niyo pa lang naman po, saka kauumpisa lang po ng midterms namin. Hindi po tayo mahuhuli sa lessons.” wika pa ng isa sa kanila kaya mariin akong ngumiti bago napabuga ng hangin. Ang kukulit!

It’s okay, Grayson… Just give them what they want for now.

“Fine. Go ahead, class.” sagot ko na lang kahit labag sa kalooban ko.

Nang magsimula sila sa pagpapakilala sa harap ay umupo na lang ako sa hulihang upuan sa gitna ng klase para makita ko silang lahat.

Mabilis lang lumipas ang mga minuto dahil hinayaan ko ang sarili kong pakisamahan ang gusto nilang pagpapakilala. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko at pinakikinggan lamang ang lahat ng mga sinasabi ng mga estudyante ko, ngumingiti lamang ako o nagsasalita kung kinakailangan ko lang. Nang mapunta na ang turn sa last row ay muli akong naglabas ng malalim na paghinga, I’m bored to be honest.

With so many of them in the class, it actually took us an entire hour just to finish introducing themselves. Except for their names, they said too much that I didn't really need to know more about their lives. Some even told stories about their social status and activities outside the class that I didn't want to hear from them, while others said some nonsense things just to get my attention. Hindi naman sa hindi ko pinapahalagahan ang mga sinasabi nila, ang sa akin lang ay lumalabas na sa eskwelahan ang mga sinasabi nila sa akin. Wala man lang nagsabi ng mga favorite subjects nila o 'di kaya naman hobbies nila na productive and appropriate for them as students.

I am actually very upset and disappointed, ngunit bilang teacher nila ay hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko at pinilit ko na lamang pakisamahan ang trip nilang lahat. I am just expecting more from them.

However, I need to respect them as much as possible and they should respect me as their teacher as well. So far, wala naman akong nakikitang students na binastos ako. Mababait naman silang lahat. Sadyang may ilan lang talaga na humaharot at nagpapakitang gilas sa akin, but so far— they are good.

I prefer them being like this rather than being stubborn and unmannered students to me and to their other teachers. I will never tolerate stubbornness in this classroom, college students na sila kaya inaasahan ko na hindi na sila asal bata.

Nang tuluyan nang matapos ang lahat sa pagpapakilala ay tumayo na ako para balikan ang table ko sa unahan. May ilang minuto pa ang natitira sa oras ko ngayong araw sa kanila kaya kaya pang makapag-lesson ng kaunti, para naman may katuturan ang araw na ito sa kanila. Kating-kati na rin akong magturo sa mga estudyante ko.

“Wala ba si Aria the b*tch? Bakit hindi siya nagpakilala?”

“Nandiyan siya, patamad-tamad lang talaga at tulog na naman sa likuran. B*tch talaga as always! Nakahihiya kay Prof.”

Nang makaupo sa harapan ay chismisan agad ng dalawang magkaibigan sa harapan ang narinig ko, dahil sa sinabi nila ay muling bumalik sa buong klase ang atensyon ko. Pilit kong inaalam kung sino ang sinasabi nilang natutulog ngayon, wala naman kasi akong napansin kanina.

“Kaasar talaga ang babae na ‘yan! Palaging tulog, kaya siya tinutuksong p*kpok, e. Tulog sa umaga, gising sa gabi ang ganap palagi.” automatikong umarko ang kilay ko dahil sa narinig kong panlalait sa bibig ng dalawang babae. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nila sa babaeng hindi ko naman alam kung sino.

“Goodness, bessie gurl! Gising ka na, ikaw na ang next and last!” tila ba automatikong napunta sa huling babaeng nagpakilala sa harapan kanina ang tingin ko.

Nakita ko siyang may niyuyugyog sa tabi niya kaya natagpuan ko na ang babaeng natutulog na tinutukoy ng mga babae sa harapan. May isa pa palang estudyante, at totoo ngang natutulog ito base sa nakasubsob niyang mukha sa itim niyang bag. Papaanong hindi ko siya napansin gayong nandoon lamang ako nakaupo malapit sa kanila kanina? Ganoon na ba ako kaburyo para mabulag sa paligid ko?

“Bessie naman, e!!” salita ngunit hindi ko na narinig gawa ng mahina lamang ang pagkakasabi ng babae na sa pagkakaalala ko ay nagngangalang Brooklyn. Patuloy siya sa paggising sa katabi habang ang buong klase ay tila ba sa kanila na nakatingin.

Dahil nalaman kong may natutulog sa klase kong ‘to ay naramdaman ko ang nabuong inis sa aking sistema. Isa ang pagtulog sa klase ang itinuturing kong pangbabastos sa teacher, kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ako naiinis ngayon habang hinihintay na magising ng estudyante kong si Brooklyn ang kaibigan niya.

“Are we all done here, class?” tanong ko sa buong klase kahit alam kong mayroon pa kaya napunta muli sa akin ang atensyon ng lahat.

Kita ko ang taranta sa estudyante kong gumising sa babaeng katabi kaya mariin akong napapikit upang kontrolin ang inis sa sistema.

First day ko pa lang sa trabaho at sinusubok na agad ang pasensya ko… P*tang ina!

“Mayro’n pa po, Sir! K-kaso tulog pa po siya. Sorry po…” si Brooklyn ang nagsalita kaya sa kaniya ako tumingin.

“Hindi dapat ikaw ang humihingi ng paumanhin sa akin, Ms. Grace. Sa tingin mo ba ay isang maganda’t tamang pag-uugali ang pagtulog sa klase ng kaibigan mo?” the annoyance in the tone of my voice crept in, I couldn't hold back what I was feeling at this moment.

Kaya ko pang magpigil kanina sa iba kong estudyante, ngunit itong babaeng natutulog sa klase ko ay hindi ko matansya.

“Buti nga sa kaniya, tamad kasi! Nakahihiya talaga siya sa section natin. Ang yabang-yabang pa niyan sa labas ng classroom tapos bobita naman sa loob.” sa narinig kong nagsabi niyon ay nakumpirma ko na sa sarili kong sakit nga sa ulo ang babaeng natutulog na ito.

Hindi ko na siya pag aaksayahan pa ng oras dahil babawi na lamang ako sa class performance niya, tutal naman ay ako ang may karapatang humusga’t humatol sa performance nila sa klase ko.

Hindi na ako kumibo sa kanila at naupo na lamang sa upuang nakalaan sa akin at muli nang binuksan ang libro kung saan ko makikita ang lesson ko sa kanila ngayong araw.

“Sana i-drop na lang siya ni Prof!”

“Hoy, Lea! Tigilan mo na ‘yang pagsasalita mo kay Aria, kapag narinig ka talaga niya mag-aaway na naman kayo. Iiyak ka na naman sa principal.” My students continued talking and gossiping, and I let them. I was busy examining the pages of the book on my table, hindi ko kasi mahanap ang kailangan kong pahina.

When I realized that I had the wrong book, I just stood up and started setting up my projector and laptop instead. Gagamitin ko na lamang ang presentations na mayroon na ako pansamantala, mukha namang parehas lang ang itinuro ko sa previous school na pinanggalingan ko.

Fortunately, I actually taught the same subject last semester in my previous school even though I am actually a Biology teacher.

“P*ta naman!” a loud whine made me immediately stop what I was doing, maging ang iba ay napalingon din sa babaeng natutulog lamang kanina.

Because of that loud voice of hers, I was about to get extremely mad… But when my eyes suddenly fell on the girl who had just woken up— I couldn't believe that those inappropriate words came from a girl who has an angelic face.

Why does she look so good even when her face is filled with annoyance?

Damn it, Grayson! Ayokong kainin pabalik ang lahat ng bagay na nasabi ko na sa aking sarili kanina.

Stop being so stunned by her fascinating beauty— she’s my student!

Ramdam ko na ang pagtatalo sa sarili ko ngayon habang ang mata ay nakatuon lang talaga sa babaeng inis na inis ang mukha ngayon sa kaibigan niya.

“Ano ba naman 'yan, p*tang ina!?” muli niyang bulalas na mura.

Halata sa mukha ang inis marahil sa ginawang pag-distorbo ng kaibigan niya sa ginagawa niyang tulog sa klase ko. Alam ko na dapat na akong magalit ngayon dahil sa mga foul words na binanggit niya, subalit nanatili akong tahimik sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan lamang ang kabuuan niya.

She’s definitely different— Sa hindi pa lang niya pagsuot ng required uniform ng school ay kakaiba na siya. Who is this girl? And why am I so obsessed to look at her right now?

I already met and been with tons of beautiful girls in my life… but she is the only one that literally stopped me from breathing a bit.

“Sorry, bessie! A-ayaw mo kasi gumising, e.”

“E, ano? Kailangan mamukpok, huh? Bwesit naman!” nag-uusap silang dalawa na tila ba walang tao rito sa classroom maliban sa kanilang dalawa.

When I saw her rubbing her head a little, I blinked and came back to my reality. On several occasions I closed my eyes tightly to control myself, I shook my head and tried to erase from my brain the thoughts I had earlier about her.

F*ck… Hindi maganda ‘to. Why am I like this? She is just a normal girl in school— no, I already admitted that she is different compared to these girls in my class.

She's too hot for me to become my student– Damn, Grayson!

“Nakahihiya siya, girl! Ano bang asal basurang ugali ‘yan!”

“Hindi niya ata alam na nasa classroom na siya at may prof na tayo.”

“She’s crazy! Bakit ba ang daming nagkakagusto sa babaeng ‘yan!”

Nagsimula nang bumalik ang bulong-bulungan sa paligid kaya inayos ko ang aking tayo at naghanap ng tiyempong makapagsalita.

I should do something and stop acting like a dumb f*cker daydreaming about a girl!

“Galit na ata si Professor!”

Mas mabuti pang makita nila akong galit ngayon kaysa mahalata nilang pinagnanasaan na ng utak ko ang babae nilang kaklase.

Fuck you, Grayson! This is not part of the plan!

“Ang papansin mo, Aria! Para kang tanga—"

“E, kung kaltukan ko ‘yang pagmumukha mo, Bettina!? Gusto mo?” matigas at halatang galit na banggit niya sa babaeng kaklase. Nang marinig ko ang sinabi niyang ‘yon ay gusto ko na sanang magsalita kaso naghiyawan bigla ang mga lalake kong estudyante.

“Sheesh! Kaltukan mo na nga ‘yan, Aria!”

What is happening to me? I should be angry by now, but I was still staring at her while admiring the wrong things she does.

“Excuse me, lady. If you don't mind, can you calm yourself down for a second? Then introduce yourself here in front…” nang magawa ko nang makapagsalita ay pinanatili ko sa aking boses ang awtoridad. Hindi niya dapat malaman ang epektong ginagawa niya sa sistema ko sa mga oras na ito.

Sa ginawa kong pagbasag ng tensiyon sa buong classroom ay sa akin napunta ang lahat ng tingin nila— maging ang tingin ng babaeng nagpahanga sa akin ngayong araw.

That’s right, just look at me and no one else.

“Pwede po bang 'wag na?” kalmadong tanong niya na kinangisi ko.

I already expected that from her. She’s really a hard one to tame, huh? I know I should be angry by the way she looks at me with her angry eyes, but for some reason— I find her to be a very challenging one.

“No. It is unfair for others, Miss.” matigas na sagot ko.

She's very disrespectful and mean, even to me— her teacher. Gaya ng sinabi ko kanina, I will not tolerate that kind of behavior. This is the thrill I've been looking for in life these past few months, and I'll make sure that I can tame her.

I like taming girls just for fun— but with this student of mine, it is my job to tame her.

“Corny naman!” mahinang bulong niya na sapat lang na marinig naming lahat.

Nanatili ang diretsa niyang mukha nang tumayo na siya at nagtungo sa gilid ko rito sa harapan. Sa kaniya lang nakatuon ang mga mata ko dahil siya lang naman talaga ang nakakuha ng atensiyon ko sa umagang ‘to.

Nang mapunta rin sa akin ang tingin niya ay kita ko kung papaano niya ako inirapan ng patago. Sa ginawa niya ay parang mas lalo lang akong natuwang paamuhin siya. Hindi ko na itatanggi, I do like her already… She is pretty different and beautiful as f*ck.

However, I do think that she needs to learn her lessons from me— only from me. I just know that she is too wild to handle by anyone, but not by me.

“I am Aria Austra Lindsei, bente anyos na.” maikli niyang pagpapakilala at tinignan muli ako. Walang kagana-gana ang mata niya, ngunit gandang-ganda pa rin ako sa nakabusangot niyang mukha.

“Anything else, Ms. Lindsei?”

“Opo. Wala akong favorite na subject at uwian lang ang nagpapasabik sa akin araw-araw. Thank you.” dugtong niya na tipid kong kinangiti ng palihim.

That’s it, Austra. I truly like you already…

Dahil hindi ako agad nakapagsalita sa kaniyang sinabi ay nakita ko na siyang aalis na sana nang mabilis kong maabot ang kamay niya. Rinig ko ang lakas na pag-alma ng iba kong mga estudyante kaya saglit lang din naman ang ginawa ko at binitawan ko rin agad ang pulsuhan niya. Isang masama’t nanlilisik na tingin ang nagawa niya nang balikan ako ng kaniyang atensyon.

“Ano na naman po ba!?” kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy nang maibulalas iyon ng kaniyang bibig.

I don't even know why I chased her. Ano ba itong pinaggagawa ko? Is this how much I want her for myself that I can't even want her to walk away from me? Kailan pa ako naging ganito sa babae?

T*ng ina talaga!

“Sa susunod ay ayoko nang natutulog ka sa klase ko, Miss Lindsei. At huwag mo na ulit subukang sagutin ako ng pabalang kung ayaw mong malagay sa peligro ang mga subject mo sa akin, naiintindihan mo ba ‘yon?” seryoso kong salita na kinaseryoso rin ng tingin niya sa akin. Umayos siya ng tayo at ngumisi sa kawalan.

“I suppose that is a threat, Sir. Fine, I will do that.” peke ang ngiti ang mayroon sa labi niya nang isagot sa akin ‘yon at hindi na ginawang hintayin ang sasabihin ko pa sana.

Tinalikuran niya na ako kaagad para bumalik sa upuan sa may dulong bahagi ng silid. Narinig ko pa siyang nagmurang muli, ngunit hindi na ako nagsalita pa at binalik na rin ang atensiyon ko sa dapat kong gawin.

“Anyway, Class 5-2. Before I start the discussions for today, I will also introduce myself to be fair with you. I don't want you to feel uncomfortable with me as your new professor in all your science-related subjects for this semester.” panimula kong wika. The atmosphere in the entire classroom returned to normal and all the eyes of my students went to me as I spoke.

“I am Grayson Henry Carter, you can call me as simple as Sir Gray, Professor Carter, and anything you want to call me. I am twenty-five years old, a licensed teacher and a businessman. I am very strict with my classroom rules, and one of them is being obedient and respectful to your teachers— especially to me.” kusang napunta kay Aria ang tingin ko nang sabihin ko ‘yon.

Gaya kanina ay blanko lang siya habang nakikipagtitigan din sa akin sa mga sandaling ito. Hindi ko talaga siya natitinag sa ngayon, tignan ko na lang sa mga susunod pang araw niya sa klase ko. Lalambot din ang isang ‘to sa kamay ko.

“And also… I am very good when it comes to the grades of my students. If you want to receive high grades from my subjects, all you need to do is to listen, participate, and be good to my class— and to me, your Professor.” saglit akong huminto at nakalolokong ngumiti sa kanila. Nakatuon lamang sa akin ang lahat ng atensyon nila kaya masaya akong nakikinig sila sa mga gusto kong sabihin ngayon.

“And please, my precious students… Avoid flirting in my class at all times. Ayokong babastusin niyo ako dahil hindi ko iyon gagawin sa inyo. You are here to learn, and if you can’t respect me— I will not respect you either. Please be good, students. That is all I want from all of you, thank you.” iyon ang huli kong sinabi bago ko simulan ang klase ko sa kanila.

Mukha namang naging epektibo ang ginawa ko kaya wala nang nagkukwentuhan sa kanila at nakikinig na silang lahat sa akin ngayon— Maliban kay Aria na kitang-kita ko ang paulit-ulit na paghikap ng patago sa kinauupuan niya.

Napangisi na lamang ako ng palihim dahil halata namang takot na siyang matulog ulit sa klase ko kahit halata pa rin sa mga mata niya na antok na antok talaga siya ngayon.

That’s a great step, Aria. Just obey me… always.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status