登入babawi ako sa mga susunod na araw
THIRD PERSON POVMaraming taon ang lumipas, ngunit bawat sulok ng mansyon ng mga Anaji ay tila nakaukit pa rin sa alaala ng isang lalaking hindi na muling natagpuan. Gayunpaman, sa gitna ng malawak na hardin kung saan dati may isang puting kabayong naglalakad kasama ang alaala ni Radleigh, isang bagong buhay ang nagbigay ng kulay sa bawat umaga."Mama! Look! I caught a butterfly!" sigaw ng isang maliit na bata, puno ng sigla ang boses nito habang tumatakbo patungo kay Bea.Si Rion. Limang taong gulang, may mga matang singkit at mapupungay, at panga na tila ipininta mula sa mukha ni Radleigh. Siya ang buhay na imahe ng lalaking nawala sa dagat, ang consolation prize na tinawag ni Chia noon, na ngayon ay siyang sentro ng mundo ng buong pamilya Anaji.Napangiti si Bea, isang ngiti na bagama't may bahid pa rin ng nakaraan na puno ng pag-asa. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang pawis nito sa noo. "Ang galing naman ng baby ko. But you have to let it go, Rion. Butterflies b
Hindi ako makapaniwala. Kanina lang, kausap ko siya. Kanina lang, nag-aaway kami. Kanina lang, naglalakad siya sa harap ko. Bakit biglang wala na siya? Bakit hindi mahanap ang katawan niya? Ito ba ang sagot niya sa lahat? Ang mawala siya? Ang iwan kami ng tuluyan? Hindi ko namalayan na napahawak na ako sa tyan ko. Ang sakit. Hindi lang ang puso ko ang nadudurog, kundi ang buong pagkatao ko. Tatlong araw na ang nakalipas simula noong mabalitaan namin ang aksidente. Kasalukuyan akong nakaupo sa pampang ng dagat sa Batangas, kung saan huling nakita ang bakas ng sasakyan ni Radleigh. Hindi ako umaalis dito. Kahit anong pilit nina Tita Rowena na bumalik na sa mansyon, hindi ako nakikinig. Si Tita Rowena, halos hindi na rin tumitigil sa pag-iyak. Si Tito Albert naman, pilit na nagpapakatatag habang kinakausap ang mga divers. "Bea, please... kailangan mong magpahinga. Para sa baby," pagmamakaawa ni Nadz. Maputla na rin ako at halatang wala nang tulog. Hindi ko kaya... oo't galit ako sa
"Chia, enough!" sigaw ni Radleigh sabay bawi ng braso niya. "Umalis ka na rito. Hindi ka imbitado."Medyo nagulat ako sa naging reaksyon ni Radleigh na para bang diring-diri siya sa babae."Oh, really, Rad? Pinapaalis mo ako para sa kaniya? In front of these people?" Nanlisik ang mga mata ni Chia. Lumingon siya sa akin. "Magpakasaya ka habang nasa mansyon ka pa, Bea. Pero tandaan mo, kahit anong gawin ng mga magulang ni Rad, sa akin pa rin ang bagsak niya. The Chairman's word is law. And the law says... we're getting married very soon."Nanigas ako sa kinauupuan ko. Very soon? Talagang ipupush pa rin nila 'yon?"Get out," madiing utos ni Radleigh. Sa sobrang dilim ng mukha niya, pakiramdam ko kakaladkarin niya si Chia para lang lumabas ito.Umirap lang si Chia at naglakad palabas, pero bago siya tuluyang lumabas, huminto siya at lumingon sa akin. "Keep the baby, Bea. At least may consolation prize ka kapag kasal na kami."Nang makaalis siya, binalot ng mabigat na katahimikan ang studi
"Selos mo mukha mo," pabulong kong sagot kay Nadz bago ko siya inirapan.Naglakad na ako papasok sa loob ng studio at hindi ko mapigilang mapangiti. Malaki na ang pinagbago ng lugar. Ang dating maalikabok na sahig ay makintab na ngayon, at ang mga racks para sa Project Phoenix ay nakahanay na nang maayos. Iyong industrial look na gusto ko, kuhang-kuha nina Xavier."We finished the lighting yesterday, Bea. Tingnan mo," pagmamalaki ni Xavier at binuksan ang ilaw.Biglang nagliwanag ang showroom. The warm lights hit the sample shoes on display, giving them a premium and elegant vibe. Pakiramdam ko, sa bawat sulok ng studio na ito, unti-unti kong nababawi ang sarili ko."Ang ganda, Xavier. Maraming salamat talaga," tapat kong sabi."Anything for you, Bea. Alam mo 'yan," nakangiting sagot ni Xavier. Akmang hahawakan niya ang balikat ko para i-guide ako sa kabilang side ng room nang biglang sumulpot si Radleigh sa gitna namin, kunwari ay tinitingnan ang isang sapatos na nakadisplay."It's.
Nandito kami ngayon ni Nadz sa kwarto ko. Kanina pa siya nagkukwento tungkol sa studio since siya muna ang pinaasikaso ko roon. Kasama naman niya sina Xavier at Frost kaya ayos lang. Plano ko sana bukas na pumunta since okay na ako, huwag lang talaga umeksena si Rad o si Chia.Habang nakadapa siya, umusog siya palapit sa akin. "Hindi mo talaga papatawarin si Rad?" kuryusidad na tanong niya. "Although tuloy pa rin ang kasal nila ni Chia."Natigil ako sa pagbabasa. Tuloy pa rin pala 'yon kahit na alam nilang buntis ako at si Rad ang ama. Even if I'm staying here and being well-taken care of by Rad's parents, wala silang magawa since the Chairman wants it to happen. Pakiramdam ko nga nasa control sila ng Chairman."Since hindi mo na babawiin ang nasimulan mo sa Anaji, bakit hindi mo kausapin si Rad?" aniya. "Alam kong naisip mo na 'to, pero paano kung ginagawa niya lang 'to dahil sa mga nanakaw na designs mo noon? Like he was forced to agree to the marriage with Chia because he prioritiz
Puti. Iyon ang unang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata ko."B-Bea? Gising ka na!"Naramdaman ko ang paghawak ni Nadz sa kamay ko, pero bago ko pa siya masagot, napakapa agad ako sa tyan ko. Napahawak ako rito nang mahigpit. Bumilis bigla ang tib0k ng puso ko sa sobrang takot. Iyong dug0 sa banyo... iyong sakit..."Nadz, yung baby ko? Please, tell me..." nauutal kong tanong, nagsisimula nang mangilid ang mga luha ko."Easy, Bea. Relax ka lang," pagpapakalma sa akin ni Nadz. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor kasunod ang mga magulang ni Radleigh na sina Tita Rowena at Tito Albert."Ms. Afaro, it’s good that you're awake," seryosong bungad ng doktor habang tinitingnan ang chart ko. "You had a subchorionic hemorrhage. In simpler terms, nagkaroon ng konting bleeding sa loob dahil sa sobrang stress at physical exertion. But fortunately, your baby is a fighter. The heartbeat is stable."Nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.







