Mula nang araw na 'yon, mas pinili kong umiwas. Sa tuwing may meeting, tahimik lang ako sa sulok, halos hindi na nagsasalita maliban kung talagang kailangan. Kapag may dokumentong kailangan pirmahan, ipinapadaan ko sa isa kong officemate. “Makikisuyo lang, pakidala na lang kay Sir, ang dami ko pa kasing gagawin,” palusot ko. At tuwing dumadaan siya sa department namin, sinasadya kong yumuko at kunwari’y abala sa computer, kahit wala naman talaga akong tinatype. Para lang talaga may makita siya, na focus lang ako sa trabaho, na wala akong pakialam sa kanya. Ito naman ang gusto niya, eh. Ramdam ko ang panlalamig niya. Hindi na siya tumitingin ng diretso sa akin kapag kasama ang iba. Pero minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin mula sa malayo, saglit lang, bago bumalik sa pagiging pormal at malamig. Lumipas ang ilang araw na gano’n ang sitwasyon. Sa tuwing naririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko, nagagawa kong magpalusot, na busy ako, may ginagawa, o kaya ipinapakiusap kong iba
Huling Na-update : 2025-09-12 Magbasa pa