LOGINSi Cyzrie, simpleng probinsyana, ay napunta sa mansyon ng lalaking kinatatakutan ng lahat—si Luiz. Marangal at masipag sa trabaho, tahimik siyang sumusunod sa bawat patakaran.Pinili na lamang ni Cyzrie na umaktong walang nangyari at iwasan si Luiz hangga’t maaari. Nagtiis siya sa sitwasyon, ngunit nang matuklasan niyang buntis siya, napagdesisyunan niyang tumakas— sana. Kasabay nito, nalaman din niya ang delikadong mundong ginagalawan ng kanyang boss—kaya lalo siyang natakot na madamay, lalo na ang batang dinadala niya. Nalaman ni Luiz na buntis pala si Cyzrie. Nag-alok siya ng kasal para protektahan ang pamilya ng kanilang magiging anak at nangako ring tulungan siya sa utang at lupa ng pamilya sa probinsya. Dahil dito, pumayag si Cyzrie —bagama’t natatakot, wala na siyang ibang pagpipilian. Unti-unti rin niyang nakikilala ang totoong Luiz: ang lalaking dati’y mabigat ang aura at bihirang ngumiti ay naging mahinahon at gentle, lalo na para sa baby. Ngunit dumating si Belle, fiancée at greatest love ni Luiz, at sinubukang sirain ang kanilang mundo. Isang gabi, muntik pang mapanganib ang baby nila dahil sa galit at inggit ni Belle—at dito sumiklab ang galit ni Luiz. Mula noon, hindi na niya iniwan si Cyzrie, at unti-unti niyang na-realize na minamahal na pala niya ang babaeng dati’y simpleng maid lamang— sa paraan na alam niya.
View More“SIGURADO ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi biro ang Maynila…” nag-aalalang wika ni Nanay habang mabagal na hinihiwa ang panggisa, tila bawat hiwa ay may kasamang pangamba.
“Lordes, huwag ka nang mag-alala,” singit ni Tyang Lani, may halong pangungumbinsi ang boses. “May kakilala ako roon na tutulong kay Cy. Mabait ang papasukan niya, at maayos ang sahod. Mas makakatulong siya pag na roon siya, kaysa rito na paulit-ulit lang ang hirap.” Napabuntong-hininga si Nanay Lordes, bakas ang bigat ng loob sa kanyang mukha. “Lani… hindi gano’n kadali ‘yon,” sagot niya, nanginginig ang boses. “Alam kong kailangan natin ng pera, pero anak ko ‘yan. Paano kung may mangyaring masama sa kanya roon? Wala siya sa tabi ko… wala akong magagawa.” Saglit siyang tumigil, saka napapikit na tila pinipigilan ang luha. “Mas gugustuhin ko pang magtiis tayo rito kaysa isugal ko ang kaligtasan ng anak ko. Hindi ko kayang isipin na nag-iisa siya sa lugar na hindi natin kilala…” Lumapit ako kay nanay at marahang hinaplos ang kanyang braso. “Nay… naiintindihan ko po yung takot n’yo,” mahinahon kong sabi, pilit pinatatag ang boses kahit ramdam ang kaba. “Pero kung patuloy lang po tayong magtitiis dito, lalo lang po tayong lulubog. Ayoko pong dumating sa punto na pati ang sakahan ni Tatay mawala sa atin.” Tumingin ako nang diretso sa aking ina, may halong pagmamakaawa ang aking mga mata. “Hindi ko po ito ginagawa dahil gusto ko lang umalis… ginagawa ko po ito para sa atin. Para kahit papaano, may maitulong ako. Pangako po, mag-iingat ako. Hindi ko pababayaan ang sarili ko.” Mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng aking ina. “Nay, hayaan n’yo po akong subukan… para sa inyo, para kay Tatay, para sa pamilya natin.” Apat kaming magkakapatid, pero ako na lang ang natira dito sa bahay. Yung mga kapatid ko, may kanya-kanya na silang pamilya, kanya-kanya na rin silang problema na kailangan harapin. Ako yung naiwan… ako yung kailangang sumalo ng lahat. Kahit gustuhin kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko, hindi na iyon kasya sa realidad ng buhay namin—kailangan kong piliin kung ano ang mas makakatulong sa pamilya ko, kahit masakit iwan yung pangarap ko. Biglang bumukas ang pinto at napalingon ako. Humahangos na pumasok si Jay, pinsan ko, hingal na hingal at halatang gulat. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya—may kung anong kaba agad na kumapit sa dibdib ko, parang may masamang balitang kasunod ng pagdating niya. “Tiya Lordes! Cy!” halos mapasigaw si Jay habang hingal na hingal. “Nahimatay si Tiyo Ruben! Sinugod na siya sa ospital—kanina pa may mga naniningil ng utang sa sakahan. Nakipagtalo pa siya… hindi na kinaya ng katawan niya.” Napahawak si Nanay sa dibdib, tila nawalan ng lakas. “Ruben…” halos pabulong niyang sambit, nanginginig ang boses. Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Napatingin ako kay Nanay at nakita ko kung paano siya napahawak sa dibdib niya, unti-unting nawawalan ng lakas. “Pinipilit nilang magbayad agad,” dugtong pa ni Jay, habang ako naman ay parang unti-unting hinihila pababa ng kaba. “Sabi pa nila, kung wala kayong maibibigay, kukunin na raw ang lupa… doon na siya napatigil… tapos bigla na lang siyang bumagsak.” Hindi ako agad nakasagot. Para akong napako sa kinatatayuan ko, pilit pinoproseso ang lahat ng narinig ko habang lalong bumibigat ang dibdib ko sa takot. —— Pagdating namin sa ospital, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at matapang na amoy ng antiseptic. Parang lalo nitong pinatindi yung kaba sa dibdib ko. Hindi ako mapakali habang naghihintay ng balita tungkol kay Tatay—pabalik-balik ako ng lakad, mahigpit kong hawak ang laylayan ng damit ko para lang mapigilan ang panginginig ko. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at lumabas ang doktor mula sa silid. “Kayo ba ang pamilya ni Mang Ruben?” seryoso niyang tanong. “Opo…” sagot ni Nanay, mahina ang boses. “Pwede ba tayong mag-usap?” aya niya. Sumunod kami, at sa bawat hakbang papasok sa loob, pakiramdam ko lalo lang naninikip ang dibdib ko. Parang ang bigat ng hangin sa consultation room, halos hindi ako makahinga. “Dok… kamusta po si Tatay?” tanong ko agad, hindi ko na kayang maghintay, kahit nanginginig ang boses ko. Parang huminto ang mundo ko. “S-stroke…?” bulong ko, halos hindi makapaniwala sa narinig ko. “Hindi po… hindi po pwedeng ganon…” “Sa ngayon, stable po siya,” dagdag ng doktor, “pero may posibilidad po ng pangmatagalang epekto gaya ng panghihina ng kalahating katawan at hirap sa pagsasalita.” Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi. Para akong binagsakan ng napakabigat na bagay sa dibdib—hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw. “Tay…” mahina kong sambit, nanginginig ang labi ko. “Hindi po…” Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Nanay na biglang napahawak sa upuan. “Ruben…” nanginginig niyang bulong. “Nay…” agad akong lumapit sa kanya, pero pagharap ko sa kanya, nakita kong nanginginig na ang buong katawan niya. Bago pa siya makapagsalita ulit, napahawak siya sa dibdib niya at unti-unting nanlabo ang mga mata. “Cy… parang… nahihilo ako…” “Nay!” sigaw ko, agad ko siyang sinalo bago pa siya tuluyang bumagsak sa harapan ko. Biglang nagkagulo ang paligid. Nagmamadaling lumapit ang mga nurse. “Dalhin sa stretcher!” Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko habang inilalayo si Nanay sa akin. Parang may punit sa dibdib ko sa bawat hakbang na inilalayo siya. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko, parang doon na rin ako nawalan ng lakas—napaupo ako sa gilid ng pader, nanginginig ang buong katawan. “Nay… Tatay…” pabulong kong sambit, habang hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Parang sabay-sabay na gumuho ang mundo ko—si Tatay na nasa bingit ng panganib, at si Nanay na halos mawala sa harapan ko. Sa gitna ng kaguluhan sa ospital, napansin ko ang pagdating ni Tiya kasama si Jay. Hingal sila, halatang nagmamadali at punong-puno ng pag-aalala. “Ano’ng nangyari?!” agad na tanong ni Tiya nang makita ang sitwasyon. “Lordes! Ruben…” “Na-stroke po si Tatay…” sagot ko, halos pabulong na habang pilit kong pinipigilan ang luha. “Tapos si Nanay… nahimatay din po…” Nanatili lang si Jay sa gilid, tahimik pero seryoso ang tingin sa paligid, habang si Tiya naman ay agad na lumapit sa mga doktor para magtanong. Pagkatapos no’n, parang biglang tumahimik ang lahat sa paligid ko. Tanging tunog ng mga monitor at yabag ng mga nurse ang naririnig ko. At doon ko naramdaman—parang sabay-sabay na gumuho ang lahat ng plano at pag-asa ko. Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid ko. Tanging tunog ng mga monitor at yabag ng mga nurse ang naririnig ko, pero sa loob ko, parang napakaingay—parang may unti-unting nadudurog. Napatingin ako sa pintuan ng ICU kung saan dinala si Tatay… tapos sa direksyon ng emergency room kung saan si Nanay naman ginagamot. Dalawang pintuan. Parehong may laman ng buong mundo ko. “Hindi ko na kaya…” mahina kong bulong sa sarili ko. Pero sa gitna ng pagod, takot, at sakit… may biglang pumasok sa isip ko. Maynila. Yung trabahong ilang beses ko nang tinanggihan. Yung pagkakataong kanina lang, ayaw ko pang tanggapin. Huminga ako nang malalim, kahit nanginginig ang labi ko. “Kung magpapatuloy ako dito… lalo lang tayong malulubog…” bulong ko, parang pinipilit kumbinsihin ang sarili ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit kay Tiya, ramdam ko yung bigat sa bawat hakbang. “Tiya…” Napalingon siya. “Cy?” Tiningnan ko ulit sandali yung ICU… tapos yung emergency room… bago ako tuluyang nagsalita. “Pupunta po ako sa Maynila… tatanggapin ko po yung trabaho,” sabi ko, kahit nanginginig ang boses ko, pinipilit kong maging matatag. “Kailangan ko pong gawin ‘to… para kay Tatay… para kay Nanay.” Tahimik si Jay sa gilid, napatingin sa akin, habang si Tiya naman ay bahagyang napatigil—halatang nagulat sa sinabi ko. “Sigurado ka ba, Cy?” mahinahong tanong ni Tiya. Napatingin ako sa ICU… tapos sa emergency room. Pakiramdam ko doon nakasalalay lahat—lahat ng dahilan kung bakit kailangan kong maging matatag kahit hindi ko na kaya. Napapikit ako nang mariin, pilit kinakalma ang sarili ko. “Opo…” mahina kong sagot, pero pinilit kong patatagin ang boses ko. “Wala na po akong ibang choice. Kailangan ko pong subukan… kahit malayo.” Nang araw ding iyon, inasikaso ko na ang lahat ng kailangan ko at tuluyang nagpasya na umalis kinabukasan. Hindi ko na nagawang magpaalam kina Nanay at Tatay dahil alam kong pipigilan lang ako ni Nanay sa desisyong ito. Si Jay at si Tiya Lani ang naghatid sa akin, at nakausap na rin ni Tiya ang susundo sa akin pagdating ko sa Maynila.Pagkaalis nila roon ay agad silang nagtungo sa isang mas tahimik na bahagi ng parke na malapit sa shopping district.Wala nang nagsasalita.Tahimik lamang silang naglalakad.Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay ang mabigat na emosyon na pilit nilang nilulunok.Lalo na si Czyrie.Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Luiz habang nakayuko.Pilít niyang pinipigilan ang mga luha.Pilít niyang sinasabing ayos lang siya.Pero hindi.Hindi talaga.Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Belle.Hindi tungkol sa kanya.Kundi tungkol sa kanyang mga magulang.Ang mga taong buong buhay na nagsakripisyo para sa kanya.Ang mga taong kahit hirap na hirap noon ay hindi siya pinabayaan.Ang mga taong walang ibang ginawa kundi mahalin siya.At narinig niya kung paano sila insultuhin nang harapan.Na para bang wala silang halaga.Bigla siyang huminto sa paglalakad.Napansin agad iyon ni Luiz."Baby?"Hindi na nakasagot si Czyrie.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata
Maagang nagising ang buong pamilya kinabukasan. Matapos ang masayang almusal sa mansion, napagdesisyunan nilang lumabas upang mamasyal at maglibang.Excited si Czyrie dahil matagal na rin niyang hindi nakakasama nang ganito ang kanyang mga magulang. Kasama rin nila sina Luiz, ang mga magulang nito, at ilang bodyguards na tahimik lamang na sumusunod sa kanila.Nagpunta sila sa isang sikat na shopping district. Puno ng ilaw, mga tindahan, at masasayang tao ang paligid.Nakangiti si Czyrie habang hawak ang braso ni Luiz."Tingnan mo 'yon, ang ganda ng mga display," masayang sabi niya.Ngumiti si Luiz at hinalikan ang noo nito."Kung gusto mo, bibilhin ko lahat."Napailing si Czyrie habang natatawa."Huwag nga. Hindi lahat kailangang bilhin."Habang naglalakad sila, hindi napansin ni Czyrie ang isang pares ng matang nakatitig sa kanya mula sa hindi kalayuan.At nang makita nito kung sino ang kasama ng dalaga...Agad nagdilim ang mukha nito.Si Belle.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang mg
Mas naging masigla ang mansyon nang dumating ang mga magulang ni Czyrie.Mula umaga hanggang hapon ay halos puno ng tawanan ang buong bahay.Habang ang iba ay abala sa paghanga kay baby, si Luiz naman ay tahimik na nakaupo sa sala kasama sina Czyrie at ang kanyang mga magulang.Hindi maiwasang mapangiti ni Czyrie habang pinagmamasdan ang eksena.Noong una ay inakala niyang magiging awkward ang lahat.Ngunit tila natural na nagkasundo ang kanyang pamilya at ang pamilya ni Luiz."At ikaw naman, hija?" tanong ng kanyang ina. "Kumusta ka na talaga?"Napangiti si Czyrie."Mabuti naman po, Ma.""Tulog ka ba nang maayos?"Bago pa siya makasagot ay agad na sumingit si Luiz."Hindi sapat."Napatingin silang lahat dito.Napakamot ito sa batok."Nagigising pa rin siya para kay baby."Napataas ang kilay ng ama ni Czyrie."At paano mo nalaman?"Napatigil si Luiz.Samantalang si Czyrie ay agad na namula.Dahil alam niyang iisa lang ang sagot doon.Dahil halos gabi-gabi itong nagpupuyat kasama niya.
Tatlong araw ang lumipas nang tuluyan nang payagan ng mga doktor na makauwi sina Czyrie at ang kanilang sanggol.Habang palabas sila ng ospital, hindi maiwasang mapatingin ni Czyrie kay Luiz na siyang may hawak sa baby carrier.Sobrang ingat nito na para bang gawa sa salamin ang anak nila."Luiz, relax," natatawang sabi niya.Agad naman siyang nilingon nito."I am relaxed."Napataas ang isang kilay ni Czyrie."Talaga? Limang beses mo nang chine-check kung maayos ang seatbelt ni baby.""It's called being a responsible father."Napailing na lamang siya habang pinipigilan ang ngiti.Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay.Masaya ang lahat na makita ang bagong miyembro ng bahay.Ngunit higit sa lahat ay si Luiz ang mukhang pinakamasaya.Buong maghapon ay halos hindi nito ibinababa ang anak.Kapag natutulog ang sanggol, nakatitig ito.Kapag gumagalaw ang sanggol, nakatitig pa rin ito.At kapag umiiyak naman ay parang ito pa ang mas kinakabahan."Tingin ko mas s
“The doctor said they need to monitor you and the baby, so you need to stay at the hospital for three days,” mahinang wika ni Luiz habang inaayos ang kumot ko.Tahimik lang akong tumango. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa lahat ng nangyari. Dahan-dahan kong kinakain ang pagkaing dala niya
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Czyrie habang unti-unting bumabalik ang kaniyang ulirat. Bumungad agad sa kaniya ang puting kisame ng pribadong silid at ang mahinang tunog ng heart monitor sa paligid. Ramdam pa rin niya ang panghihina ng katawan matapos ang matinding pagod sa panganganak.Ngun
HINDI na namalayan ni Cyzrie ang paglipas ng mga araw. Simula nang mas madalas siyang isama ni Luiz, pakiramdam niya ay unti-unting nagiging magaan ang lahat. Ngayon nga ay nasa kompanya sila nito—isang bagay na hindi niya inaasahang mangyayari.Pagpasok pa lamang nila sa lobby ay maraming empleyad
MALAKING gulat ni Czyrie nang pagbukas ng pinto ng mansyon ay bumungad agad si Luiz sa may foyer. Halatang kararating lamang nito—nakasuot pa rin ng itim na coat at may bakas ng pagod sa mukha—ngunit mas nangingibabaw ang matinding pag-aalala sa mga mata nito.“Luiz…” mahinang sambit ni Czyrie.Mab







![Hiding The Fuckboy‘s Children [TAGLISH]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.