LOGINChapter 2
Nagsimula nang magbulungan ang buong banquet hall. Bawat sulok ay puno ng mga bulong-bulungan na hindi na maitago ng mga bisita.
Kilala at mayaman ang pamilya Mallari sa Valenzuela City, kaya naman ang hindi pag-aatubili ni Ayella na tanggihan ang kasal ay ikinagulat ng lahat.
Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa nakaraan nila? Lahat ay nakasaksi kung paano hinabol at ipinaglaban ni Ayella si Mateo noon. Pero ngayong ikakasal na sila, bigla siyang umaayaw. Hindi ito mapagdugtong ng mga tao.
"Ayella! Ano bang problema mo? Ano bang ginawang masama sa iyo ni Mateo?!"
Galit na sumugod si Romeo sa harap ng altar. Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ng kanyang ama habang sumisigaw. "Ngayon sasabihin mong ayaw mo na? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilya Macaraig?!"
"Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Mateo noon, tapos ngayon aatras ka? Ginagawa mo namang laro ang kasal na ito! Hindi ka ba pwedeng maging kasing-tino ni Dahlia?!"
Tiningnan lang ni Ayella ang kanyang ama. Mula rito ay lumipat ang tingin niya kay Dahlia na nasa tabi nito. Kitang-kita niya ang bahagyang pag-angat ng mga labi ng kanyang stepsister.
Isang mapang-asar at smug na ngiti na pilit nitong itinatalukbong ng pekeng pag-aalala.
Humakbang si Dahlia papalapit sa kanya, kunwari ay nanginginig ang boses.
"Ate, huwag ka namang maging padalos-dalos sa desisyon. Napakabuti sa iyo ni Kuya Mateo, paano mo siya nagagawang ipahiya sa harap ng maraming tao? Mag-sorry ka na sa lahat at tapusin na natin ang kasal niyo."
Habang nagsasalita ito, napansin agad ni Ayella ang kumikinang na diamond ring sa daliri ni Dahlia. Masyado iyong maningning, halatang tunay at napakamahal.
“Mom, ang masamang babaeng 'yan ang naglagay ng gamot sa inumin mo noon!” biglang sumingit ang boses ng maliit na dumpling sa kanyang tiyan, puno ng galit. “At tsaka, ang diamond ring na suot niya, binili ng scumbag na si Mateo. Ang mismong wedding ring mo ay peke lang!”
Agad na tiningnan ni Ayella ang sarili niyang singsing. Tama ang anak niya. Kupas ang kulay niyon at halatang gawa lang sa murang materyales, kahit na parehong-pareho sila ng estilo ng suot ni Dahlia.
Sa isang saglit, luminaw ang lahat kay Ayella. Magkasabwat ang dalawa. Pinaplastik at pinagkakaisahan lang siya ng sarili niyang pamilya at ng lalaking akala niya ay protector niya.
"Oo nga naman, normal lang naman mag-away ang magkarelasyon, huwag lang sanang umabot sa ganito kapangit na eksena," komento ng isang matandang bisita sa gilid.
"Grabe, baliw na baliw si Ayella kay Mateo noon, bakit biglang nagbago ang isip?"
"Baka pre-wedding jitters lang..."
"Masyadong iresponsable. Hindi katulad ng kapatid na napakatino. Malas ng mga Mallari kung magkakaroon sila ng ganitong manugang."
Gusto na lang matawa ni Ayella sa mga naririnig. Pero wala na siyang pakialam. Matagal nang sira ang reputasyon niya sa paningin ng iba. Dati, siya ang pinakapinagmamalaking anak ng mga Macaraig—edukada, mahinhin, at elegante. Pero simula nang pumasok sa buhay nila sina Emilia at Dahlia, unti-unti nang nadungisan ang pangalan niya dahil sa mga chismis na sila rin naman ang nagpapakalat.
Huminga nang malalim si Ayella.
Humakbang siya patungo kay Dahlia.
Tinitigan niya ang mukha nitong mukhang nag-aalala pero punong-puno naman ng tagumpay sa kaloob-looban.
Bago pa man makapagsalita uli si Dahlia, itinaas ni Ayella ang kanyang kamay at...
PAAAK!
Isang malakas at malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Dahlia. Ang tunog niyon ay umalingawngaw sa buong banquet hall, dahilan para magkaroon ng nakakabinging katahimikan.
"My dear sister, ilang buwan na nga palang buntis 'yang tiyan mo?" malamig na tanong ni Ayella.
Napihit ang mukha ni Dahlia sa lakas ng tama. Agad na namula at namaga ang kalahati ng mukha nito, at mabilis na napuno ng luha ang kanyang mga mata.
"Ate... anong sinasabi mo..."
Para itong isang kaawa-awang puting kuneho na takot na takot sa paningin ng lahat.
"Ayella!" Halos liparin ng galit si Romeo, lumabas ang mga ugat sa kanyang noo sa sobrang poot. "Nababaliw ka na ba?! Nananampal ka ng kapatid sa harap ng maraming nakatatanda!"
Maging ang ina ni Dahlia na si Emilia ay sumugod at itinuro ang mismong ilong ni Ayella habang nagmumura.
"Walang hiya ka! Maayos na nakikipag-usap sa iyo si Dahlia, tapos ganyan ang isasagot mo? Sinampal mo ang anak ko?! Hinding-hindi ko palalampasin ito!"
Dahan-dahang ibinaba ni Ayella ang kanyang kamay. Medyo namamanhid ang kanyang palad, pero may kakaibang saya at ginhawa sa kanyang dibdib.
Kumunot ang noo ni Mateo, lumapit din para magtanggol.
"Ayella, paano mo nagawang manakit ng tao?"
Nang-uuyam na ngumiti si Ayella sa kanya. "Bakit, Mateo? Nasasaktan ka ba para sa kanila? Bagay naman kayong dalawa, eh. Magsama kayo para hindi na kayo makapanghamak pa ng ibang tao."
Nanigas ang mukha ni Dahlia sa narinig. "Ate... nagkakamali ka ng akala..."
"Nagkakamali?" Tinaasan siya ng kilay ni Ayella. "Kung ganoon, hahayaan kong ang lahat ang makarinig. Ilang buwan na nga ulit 'yang dinadala mo sa tiyan mo?"
Muling natahimik ang buong silid. Lahat ng mata ay sabay-sabay na bumaling sa direksyon ng tiyan ni Dahlia.
Ang mukha ni Dahlia ay nagpalit-palit ng kulay na mula sa maputla, naging berde, hanggang sa mamula sa labis na takot at pagkapahiya. Awtomatiko niyang hinawakan ang kanyang puson, nanginginig ang mga labi.
"Ate... pinagbibintangan mo ako nang walang basehan... hindi pa ako kasal, paano ako magkakaroon ng anak..."
"Talaga?" kalmadong sagot ni Ayella, pero may talim sa bawat salita. "Kung wala, bakit hawak-hawak mo ang tiyan mo?"
Parang napaso si Dahlia at mabilis na binitiwan ang sariling tiyan.
Agad na humarang si Emilia para protektahan ang anak. "Ayella! Sobra ka na! Kung ayaw mong magpakasal, huwag mong idamay ang kapatid mo! Ano bang kasalanan niya sa iyo para sirain mo ang puri niya nang ganyan?!"
"Hindi siya nagkasala sa akin?" malamig na tugon ni Ayella habang diretso ang tingin kay Emilia. "She slept with my fiance!"
"Ikaw—!"
Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Dahlia.
Si Mateo naman ay nag-iba ang ekspresyon, naging madilim at grim ang mukha nito.
"Ayella!" Bulyaw ni Mateo at mabilis na sumugod para hawakan siya. "Huwag kang magsalita ng kung ano-anong kwento—!"
Agad na nabulabog ang buong audience. Mas lalong uminit ang bulungan ng mga bisita. Dahil sa takot na tuluyang masira, hinawakan ni Mateo ang pulso ni Ayella nang napakahigpit, may babala at poot sa kanyang mga mata.
"Ayella! Alam mo ba ang mga sinasabi mo?!" marahas na bulong nito.
"Of course I know."
Tiningnan siya ni Ayella nang may nakakakilabot na kalmado. Limang taon. Limang taon niyang pinangarap ang sandaling ito na maisuot ang wedding dress, ang panoorin si Mateo na itaas ang kanyang belo at halikan siya. Pero ngayon, ang lalaking nasa harap niya ay parang isang estranghero. Isang halimaw.
Binitawan niya ang bawat salita nang malinaw at mariin. "Mateo, akala mo ba hindi ko alam? Tatlong buwan na ang nakakaraan, niloko mo ako para pumunta sa Urban Club. Nilagyan niyo ng gamot ang inumin ko para ipasok sa isang kwarto at sirain ang reputasyon ko... para makontrol mo ako at ang mga shares ko habambuhay."
Bahagyang nanginig ang mga pupil sa mata ni Mateo.
"Pero hindi mo inaasahan ang nangyari, 'di ba? Nagkamali ako ng kwartong napasukan," nangingiting asar na patuloy ni Ayella. "Kaya ang lalaking binayaran mo para sa plano mo ay nganga, habang ako... lumipat sa ibang kwarto."
"Paano... paano mo nalaman—"
"Hindi na importante kung paano ko nalaman," pagputol ni Ayella sa kanya. "Ang importante ay nagawa mo akong lokohin habang kinakalantari ang kapatid ko. At ngayon, buntis na siya!"
Sa tabi, parang papel sa kaputian ang mukha ni Dahlia. Susubukan pa sana nitong magsalita pero pinigilan siya ng kanyang ina na si Emilia. Mas may karanasan si Emilia sa buhay at alam nitong mas lalong lalala ang sitwasyon kapag sumabat pa sila.
Pero hindi na nakatiis si Dahlia. Nakikita niya kung paano titigan ni Mateo si Ayella, at parang may apoy na sumusunog sa dibdib niya sa selos.
"Ate!" matalim na sigaw ni Dahlia. "Anong karapatan mong siraan ako?! Walang kasalanan si Mateo, malinis kami! Ikaw ang buntis sa anak ng ibang lalaki tapos gusto mo lang isalo kay Mateo ang dumi mo! Ikaw ang kadiri!"
"Shut up! Malinis?" Humarap si Ayella sa kanya nang may matigas na boses. "Kung talagang malinis kayo, bakit hindi tayo pumunta sa ospital ngayon para magpa-DNA test?!"
“Mommy, i-confront mo ang dalawang walanghiya na 'yan! Lalo na 'yang kapatid mong hilaw, siya ang palaging nagpapakalat ng masasamang chismis tungkol sa iyo kahit saan!” galit na galit na cheer ng maliit na dumpling sa kanyang tiyan.
Natameme si Dahlia sa hamon ng DNA test. Walang lumabas na salita sa bibig niya.
Ayaw na silang pakinggan pa ni Ayella. Masyadong magulo, masyadong mausok ang paligid. Ang tanging gusto niya na lang ay ang makaalis.
Kaya naman, marahas niyang binunot ang kanyang belo mula sa buhok at tumalikod.
Subalit mabilis na humarang si Mateo sa daan niya, bumaba ang tono ng boses nito sa isang banta.
"Aalis ka? Walang aalis! Mag-cooperate ka sa akin at tapusin ang kasal na ito, kung hindi... huwag mo akong sisihin kung maging marahas ako sa iyo."
Napa-snort na lang sa galit si Ayella. Lumabas din ang totoong kulay ng lalaki. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad, pero dalawang lalaki na mukhang bodyguards ang biglang pumalibot sa kanya.
“Mommy! Kailangan mo nang humingi ng tulong kay Daddy!” iyak ng maliit na dumpling sa isip niya. “Handang-handa na sila. Pagkatapos ng kasal, ikukulong ka nila at pahihirapan! Bilisan mo, mommy!”
Nang marinig iyon, parang piniga ang puso ni Ayella sa takot. Agad niyang hinanap ng tingin si Wyatt.
Pero mukhang dahil sa sobrang ingay sa venue, tumayo na ang lalaki at handa nang umalis.
Sa sobrang taranta, tumakbo si Ayella patungo sa direksyon nito.
"Harangan niyo siya!" utos ni Mateo.
Susubukan sana siyang hawakan ng dalawang bodyguards, pero buong lakas na itinulak ni Ayella ang isang mesa ng pagkain para humarang sa daan ng mga ito. Tumakbo siya, binabagtas ang karamihan ng mga bisita.
Para namang huminto ang ikot ng mundo sa buong banquet hall.
Sa kanyang huling hakbang, bumangga ang katawan ni Ayella sa isang matigas na dibdib. Agad na sumalubong sa kanyang ilong ang malamig at eleganteng amoy ng cedar.
Bahagyang nanigas ang katawan ni Wyatt sa biglaang pagyakap ng babae.
Pero wala nang pakialam si Ayella kung sino man ang nakatingin. Humigpit ang kapit ng kanyang mga daliri sa mamahaling tela ng suit jacket nito, parang isang taong nalulunod na nakahawak sa huling piraso ng kahoy.
"Please... ilayo mo ako dito," nanginginig niyang pakiusap habang nakatingala sa malamig nitong mga mata. “Take me with you.”
Chapter 4Tinitigan siya ni Wyatt sa loob ng tatlong segundo.Ang mga mata nito ay walang kahit anong emosyon ang makikita roon. Pero sa sumunod na sandali, isang ikinagulat ng lahat ang ginawa niya.Dahan-dahang hinubad ni Wyatt ang kanyang mamahaling custom-made suit jacket at isinabit iyon sa mga balikat ni Ayella.Naramdaman ni Ayella ang natitirang init ng katawan ng lalaki at ang pamilyar na amoy ng cedar tree na bumalot sa kanyang hubad na balikat. Natigilan siya."Walk," maikli ngunit makapangyarihang utos nito.Sinalubong ng malalaking palad ni Wyatt ang kanyang baywang. Hindi iyon marahas, pero may awtoridad na hindi mo pwedeng tanggihan. Bago pa man makakilos si Ayella, inakay na siya ng lalaki palabas.Sa likod nila, nagwawala at pilit na kumakawala si Mateo sa mga bodyguard. "Mr. Fitzwilliam! Hindi mo siya pwedeng dalhin paalis! Fiancée ko siya—!"Hinarangan siya nang tuluyan ng mga tauhan ni Wyatt, walang nagawa si Mateo kundi ang sumigaw sa galit.Samantala, tuluyan na
Chapter 3Sa sumunod na segundo ay isang marahas na puwersa ang tumama sa kanya.Kusang naitulak palayo si Ayella. Napahakbang siya paatras nang ilang beses, halos mawalan ng balanse at matumba. Mabuti na lang at mabilis niyang naitukod ang kanyang kamay sa gilid ng mesang katabi niya para mapigilan ang sarili.Nanatiling nakatayo si Wyatt doon, nakatitig sa kanya.Ang mga mata nito ay kasinglamig ng yelo. Tiningnan nito ang bahagi ng suit jacket kung saan siya humawak kanina at ang paraan ng pagtingin nito ay tila ba may duming dumikit sa kanyang mamahaling kasuotan."Get lost. Don't you know I hate women the most?" angil nito.Hindi malakas ang boses nito. Mababa lang, halos pabulong. Pero para kay Ayella, iyon ay parang isang balde ng nagyeyelong tubig na ibinuhos sa kanyang buong katawan mula ulo hanggang paa.Napatigil si Ayella sa kanyang kinatatayuan, parang naestatwa.Muling bumalot ang nakabibinging katahimikan sa buong banquet hall. Ang mga bisita na kanina lang ay walang ti
Chapter 2Nagsimula nang magbulungan ang buong banquet hall. Bawat sulok ay puno ng mga bulong-bulungan na hindi na maitago ng mga bisita.Kilala at mayaman ang pamilya Mallari sa Valenzuela City, kaya naman ang hindi pag-aatubili ni Ayella na tanggihan ang kasal ay ikinagulat ng lahat. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa nakaraan nila? Lahat ay nakasaksi kung paano hinabol at ipinaglaban ni Ayella si Mateo noon. Pero ngayong ikakasal na sila, bigla siyang umaayaw. Hindi ito mapagdugtong ng mga tao."Ayella! Ano bang problema mo? Ano bang ginawang masama sa iyo ni Mateo?!"Galit na sumugod si Romeo sa harap ng altar. Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ng kanyang ama habang sumisigaw. "Ngayon sasabihin mong ayaw mo na? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilya Macaraig?!""Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Mateo noon, tapos ngayon aatras ka? Ginagawa mo namang laro ang kasal na ito! Hindi ka ba pwedeng maging kasing-tino ni Dahlia?!"Tiningnan lang ni Ayella ang kanyang ama
Ang marangyang banquet hall ng hotel ay punong-puno ng mga kilalang tao mula sa elite circles ng Ilocos City. Lahat ay nakabihis nang magarbo, nagtatawanan, at nag-uusap.Ngayong araw ang pinakamahalagang yugto ng buhay ni Ayella Macaraig. Kasal niya ngayon kay Mateo Mallari, ang lalaking limang taon na niyang kasintahan. Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga bisita, puno ng inggit dahil nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki.Nakatayo si Ayella sa altar, suot ang kanyang puting belo. Bakas ang sigla sa boses ng emcee at nagsimula nang magtanong sa pamamagitan ng mikropono."Ms. Ayella Macaraig, do you take the handsome groom, Mr. Mateo Mallari, to be your husband?"Bahagyang yumuko si Ayella, nakaramdam ng hiya. Lalabas na sana ang salitang I do sa kanyang mga labi nang biglang may isang boses-bata ang umalingawngaw.“My silly mommy, huwag kang pumayag! Mateo is a scumbag. Kaya ka lang niya pakakasalan ay para makuha ang company shares mo. At tsaka, hindi siya ang daddy ko. Iba a







