Mag-log inChapter 3
Sa sumunod na segundo ay isang marahas na puwersa ang tumama sa kanya.
Kusang naitulak palayo si Ayella. Napahakbang siya paatras nang ilang beses, halos mawalan ng balanse at matumba. Mabuti na lang at mabilis niyang naitukod ang kanyang kamay sa gilid ng mesang katabi niya para mapigilan ang sarili.
Nanatiling nakatayo si Wyatt doon, nakatitig sa kanya.
Ang mga mata nito ay kasinglamig ng yelo. Tiningnan nito ang bahagi ng suit jacket kung saan siya humawak kanina at ang paraan ng pagtingin nito ay tila ba may duming dumikit sa kanyang mamahaling kasuotan.
"Get lost. Don't you know I hate women the most?" angil nito.
Hindi malakas ang boses nito. Mababa lang, halos pabulong. Pero para kay Ayella, iyon ay parang isang balde ng nagyeyelong tubig na ibinuhos sa kanyang buong katawan mula ulo hanggang paa.
Napatigil si Ayella sa kanyang kinatatayuan, parang naestatwa.
Muling bumalot ang nakabibinging katahimikan sa buong banquet hall. Ang mga bisita na kanina lang ay walang tigil sa pagchichismisan ay sabay-sabay na nagpigil ng hininga.
Sino nga ulit ang pinalayas ni Wyatt?
Siya! Pinapaalis siya nito sa sarili nitong kasal.
Agad na nawalan ng kulay ang mukha ng dalaga. Halos maghisterya naman ang boses-bata na sumabog sa loob ng kanyang isip.
“Aaaaaah! Daddy, ano bang ginagawa mo?! Si Mommy 'yan, eh! Paano mo siya nagagawang palayasin?!”
“Nagpapanggap lang 'yan, mommy! Huwag kang malungkot. Kapag na-inlove 'yan sa iyo balang araw, magiging sunod-sunuran din 'yan sa iyo na parang aso.”
Walang ibang nakakarinig sa boses kundi si Ayella lang.
Hindi sumuko si Ayella. Humakbang siya muli papalapit para hawakan at hilahin si Wyatt.
Nang makita ang eksenang ito, halos mahimatay sa takot ang kanyang amang si Romeo. Lintik na bata!
Mabilis na sumugod si Romeo papalapit, halos yumuko na ito sa sahig sa labis na pagpupugay at takot. "Mr. Fitzwilliam, pasensya na po talaga! May sira po ang ulo ng anak ko. Sana po ay maging malawak ang inyong pag-unawa at huwag niyo na po itong seryosohin."
Pati si Mateo ay nagmamadali ring lumapit, ang mukha ay nagpapalit-palit ang kulay sa hiya at nerbyos. "Mr. Fitzwilliam, kasalanan ko po. Hindi ko po siya nadisiplina nang maayos kaya nabastos kayo. Pasensya na po, ilalayo ko na siya rito ngayon din—"
Subalit bago pa man sila makalapit, ang mga daliri ni Ayella ay muling kumapit nang mahigpit sa pulso ni Wyatt.
Ang pulso nito ay may malilinaw na hugis ng buto, at bakas ang mga asul na ugat sa ilalim ng maputing balat nito.
Dahan-dahang tiningnan ni Wyatt ang kamay na nakahawak sa kanyang pulso. Maputi, payat, at halatang nanginginig ang mga dulo ng daliri nito. Mula roon, iniangat niya ang kanyang tingin sa mukha ng babae.
Walang kamalay-malay na dugo ang mukha ni Ayella, maputla na rin ang kanyang mga labi sa sobrang higpit ng tikom, pero ang mga mata nito ay diretso at matapang na nakatitig sa lalaki at tumangging umiwas.
"Kung gusto mo pang mabuhay, bitawan mo ako ngayon din," malamig na babala ni Wyatt.
Ang sinumang babaeng nangahas na kumapit sa kanya nang ganito ay maaaring patay na ngayon, o kung hindi naman ay hindi pa ipinanganak sa mundo. Ang babaeng ito, gustong maghanap ng lalaking sasalo sa kanya nang hindi man lang iniisip kung sino ang kinakalaban niya.
Marahas na ipinagpag ni Wyatt ang kamay ni Ayella at tumalikod para magpatuloy sa paglakad.
Sa gitna ng takot at kawalan ng pag-asa, biglang sumigaw si Ayella.
"Mr. Fitzwilliam! Ang batang dinadala ko... sa iyo ito!"
Muling tumahimik ang buong paligid. Parang nawalan ng hangin ang hall.
Lahat ng tao ay nakatitig sa kanya, parang nanonood ng isang unggoy sa zoo.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Dahlia, puno ng pang-uuyam at tuwa sa sinapit ng kapatid. "Ate, kung gusto mong umakyat sa mataas na lipunan, alamin mo naman sana ang limitasyon mo. Hindi mo ba alam kung anong klaseng tao si Mr. Fitzwilliam para basta-basta mo lang kapitan?"
Alam ng lahat na walang interes sa babae si Wyatt. Siya ang pinakamalaking pangalan sa elite circle ng Ilocos. Kahit sino rito ay pwedeng pangarapin ng isang babae, huwag lang siya. Ang ginawa ni Ayella ay parang paghuhukay ng sarili nitong libingan.
Ang huling babaeng nangahas na magsinungaling ng ganyan sa kanya ay matagal nang nakalibing sa ilalim ng lupa.
Nagsimulang magbulungan ang mga bisita.
"May death wish ba ang babaeng 'yan? O tuluyan na siyang nabaliw? Paano niya nakuha ang lakas ng loob na kalabanin si Mr. Fitzwilliam?"
"Katapusan na ng pamilya Macaraig..."
Gaya ng inaasahan ng lahat, huminto si Wyatt sa paglalakad. Dahan-dahan itong humarap, ang mukha ay mas lalong naging madilim at nakakatakot.
Ang kanyang mga mata ay parang hinugot sa kailaliman ng yelo. Bahagyang bumaba ang kanyang mga talukap habang nakatitig nang mariin kay Ayella, binibigkas ang bawat salita nang may nakakatakot na awtoridad.
"Say it again."
Hindi malakas ang tunog, pero para iyong hanging humiyaw mula sa isang nagyeyelong bodega.
Alam ni Ayella kung gaano kadelikado ang hakbang na ito. Pwede siyang mawala sa isang kurap lang ng mga mata ng lalaking ito. Pero wala na siyang daan pabalik.
Iniangat niya ang kanyang mukha, sinalubong ang mga matang kayang magpatigas ng sinumang tumingin, at sa pagkakataong ito, naging matatag ang kanyang boses.
"I said, the child in my belly is yours."
Matagal siyang tinitigan ni Wyatt. Katahimikan ang bumalot sa buong paligid bago ito biglang nagpakawala ng isang mahinang tawa.
Ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata. Masyadong malamig. Nakakapangilabot.
"Ha..." Wyatt scoffed, looking down at her. "Miss Macaraig, well done. Ang lakas ng loob mo. Alam mo ba kung nasaan na ngayon ang huling taong nagsalita sa akin nang ganyan?"
Sa takot ay halos manghina ang mga tuhod ni Romeo. Konti na lang ay luluhod na ito sa semento.
Samantala, ibinaon naman ni Ayella ang kanyang mga kuko sa sariling palad. Masakit man pero mabuti na rig para magising siya sa realidad.
“Mommy, huwag kang matakot!” biglang sumigaw ang boses ng sanggol sa kanyang tiyan. Ang tamis ng boses nito pero may determinasyon. “One hundred percent na anak ako ni Daddy! Basta mapatunayan mo lang, hindi niya ako pababayaan!”
“Kapag nasa likod mo na si Dad, walang mangangahas na mang-bully sa iyo! Makakamit mo pa ang tagumpay bilang asawa ni Wyatt Fitzwilliam!”
Napangiti na lang nang mapait si Ayella sa kanyang isip. Paano niya mapapatunayan? Nasabi niya lang naman ang mga salitang iyon dahil sa bugso ng damdamin at takot. Ngayon ay sumusugal siya nang bulag, walang kaalam-alam kung saan siya dadalhin ng susunod niyang hakbang.
Sumugod si Romeo papalapit, namumula ang mukha sa galit at takot. "Akala mo ba nakakatawa ito, Ayella?! Kapag ipinagpatuloy mo ang kalokohang iyan, idadamay mo ang buong pamilya natin sa kapahamakan!"
Hindi siya nilingon ni Ayella. Buong lakas niyang pinapagana ang kanyang utak para alalahanin ang detalye ng gabing iyon kahit isang piraso lang. Kahit isang eksena.
"Mr. Fitzwilliam," panimula niya, ang boses ay kakaibang kumalma ngayon. "Naalala mo ba ang nangyari tatlong buwan na ang nakakaraan sa presidential suite ng Urban Club?"
Biglang napawi ang ngisi sa mga labi ni Wyatt.
"Miss Ayella, akala mo ba makakalapit ka sa pamilya ko sa pamamagitan lang ng pag-imbento ng kwento?"
"Hindi ako nag-iimbento," matapang na sagot ng dalaga. "Nalagyan ng gamot ang inumin mo noong araw na iyon, 'di ba? Naalala mo?"
Tumaas ang kilay nito. "Then show me some evidence."
Just two simple words, leaving no room for negotiation.
“Mommy, mag-isip ka bilis! May nakita ka bang espesyal noong gabi na 'yon?!” tarantang hiyaw ng maliit na dumpling.
Kumislap ang mga mata ni Ayella. Humakbang siya nang isa papalapit kay Wyatt. Masyadong malapit. Amoy na amoy niya ang malamig at eleganteng scent ng cedar tree na nagmumula sa lalaki.
Pagkatapos, tumingkayad siya para maabot ang tainga nito. Ang boses niya ay naging parang mahinang bulong, halos liparin ng hangin.
"Mr. Fitzwilliam, mayroon kang pulang birthmark na kasinlaki ng barya... sa iyong puwetan."
Bahagyang nanlakia ng mata ni Wyatt sa gulat.
Ang birthmark na iyon ay nasa isang napakatagong parte ng katawan niya. Bukod sa kanya, iilang tao lang ang nakakaalam niyon tulad ng kanyang mga magulang, at...
At ang babaeng kasama niya sa dilim noong gabing iyon, tatlong buwan na ang nakakalipas.
Siya nga ba talaga?
"Mr. Fitzwilliam," mahina ang boses ni Ayella, may kaunting panginginig na pilit niyang itinago. "Sapat na ba ang ebidensyang iyan?"
Hindi sumagot si Wyatt sa loob ng tatlong segundo. Para kay Ayella, ang tatlong segundong iyon ay tila tatlong siglo sa haba.
"You may all step back."
Mababa ang pagkakasabi niyon ni Wyatt, pero sapat na para manginig ang buong silid sa awtoridad na dala nito.
Kahit ang sarili niyang mga bodyguard ay bahagyang natigilan, ngunit walang naglakas-loob na magtanong. Agad silang umurong at hinarangan ang mga tsismosong bisita, gumawa ng pader para bigyan ng espasyo sina Ayella. Para ilayo sila sa mapanghusgang mga mata ng lahat.
Sa tabi ni Ayella, nakita niyang tuluyang napaatras si Romeo.
Gusto niyang mairita pero mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib niya. Paanong hindi matutulala ang lahat?
Si Wyatt Fitzwilliam na mailap at makapangyarihang lalaki na walang sinasanto ay ngayon ay may kinalaman sa dinadala niya?
Tuluyang natulala si Romeo. Anak ni Wyatt? Si Wyatt Fitzwilliam na hari ng elite circles na walang pakialam sa babae... ay may kinalaman sa anak niya?
"Mr. Fitzwilliam! Huwag kayong maniwala sa kanya! Baliw ang babaeng 'yan—desperada lang siyang makakapit sa inyo!" Sigaw ni Mateo habang sumusubok na sumugod papalapit sa kanila.
Pero bago pa ito tuluyang makalapit kay Ayella, marahas na itong binuhat at hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang naglalakihang bodyguard. Namutla ang mukha ni Mateo, parang naging abo sa takot nang mapagtantong seryoso ang sitwasyon.
"Patawarin niyo po siya, Mr. Fitzwilliam... Hindi lang po alam ng kapatid ko ang sinasabi niya," singit naman ni Dahlia.
Napalingon si Ayella sa kanya.
Para itong nakakita ng multo habang nakatitig sa kanya nang mariin, nanlilisik ang mga mata sa halo-halong inggit at selos. Kitang-kita ni Ayella kung paano rumehistro sa mukha nito ang matinding pagka-insulto.
Para kay Dahlia, isa lang siyang dumi na hindi dapat pinapansin ng isang tulad ni Wyatt. Absolutely impossible na mapunta siya sa tuktok.
Binalikan ni Ayella ng tingin ang lalaking nasa harap niya. Humakbang si Wyatt palapit, sapat na para maamoy niya ang mamahalin nitong pabango na humahalo sa lamig ng awra nito.
"Sa akin ba talaga ang batang 'yan, Ayella?" tanong ni Wyatt.
Napaawang ang labi ni Ayella. Sa unang pagkakataon mula nang magsalita ito, lumambot ang tono ng boses nito. Hindi na ito galit. Parang may kung anong nagsumamong emosyon sa mga mata nito.
Hindi na kaya pang magsalita ni Ayella sa tindi ng kaba, natatakot na baka maiyak lang siya kapag ibinuka niya ang kanyang bibig.
Sinalubong na lang niya ang mga mata ng lalaki saka dahan-dahan siyang tumango para ipakitang wala siyang kinatatakutan at totoo ang kanyang sinasabi.
Muling umalingawngaw ang boses ng bata sa kanyang isip, puno ng pagmamalaki at tuwa:
“Mommy, huwag kang matakot! Anak mo ako at anak ako ni Daddy!”
“Kapag magkasama na kayong dalawa, tuturuan kita kung paano paikutin si Dad para maging sunod-sunuran siya sa iyo! Ako ang bahala!”
Chapter 28Naglakad si Wyatt patungo sa balkonahe.Medyo malamig na ang simoy ng hangin sa ganitong panahon.Subalit nararamdaman pa rin ni Wyatt ang matinding init sa kanyang katawan. Karagagaling niya lang sa tabi ni Ayella, at ang mabangong amoy ng dalaga ay nakatatak pa rin sa kanyang ilong.She looked especially beautiful today. It was impossible to look away.Pagkatapos uminom ng ilang tegok ng malamig na tubig para pakalmahin ang sarili, mas gumaan ang kanyang pakiramdam.Kinuha ni Wyatt ang kanyang cellphone at tinawagan si Aljon, ang kanyang assistant.Mabilis niyang ipinaliwanag ang pakay."I remember that the Macaraig has recently been vying for Elysian Grand Hotel's bidding projects."Ang Elysian Grand Hotel ang pinakamalaking investment hotel ni Wyatt ngayong taon. Katatapos lang nitong maitayo at kasalukuyang naghahanda para sa iba't ibang interior decorations at furnishings. Ang pamilya Macaraig ang isa sa mga kumpanyang nagbi-bid at napakataas ng tsansang manalo.Napak
Chapter 27Naiilang talaga si Ayella sa sitwasyon.Hindi nagtagal, lumapit si Wyatt dala ang ice pack.The next second, dahan-dahan nitong itinapat ang ice pack sa namumulang pisngi niya. Napakislot si Ayella sa biglaang lamig.Nang makita ito ni Wyatt, lalong naging maingat at mahinhin ang bawat kilos nito. "Does it hurt a lot?""No, ako na lang... I don't like to bother others," naiilang na pigil ni Ayella."I'm not Mateo. I like being bothered," pormal at seryosong tugon ni Wyatt.Sobrang lapit ng kanilang mga mukha.Dahil sa sobrang lapit, amoy na amoy ni Ayella ang mabangong pine scent na nagmumula sa lalaki. Kitang-kita niya ang kurba ng mahahabang pilikmata nito at nararamdaman pa niya ang warm breath nito sa kanyang balat.Her heart skipped a beat.Nagsimulang matunaw ang yelo sa loob ng bag, at ang tubig nito ay pumatak sa ilang hibla ng buhok malapit sa tainga ni Ayella.Kusa itong inabot ni Wyatt para hawiin. Ang manipis na calluses sa mga daliri nito ay nagdulot ng kaunti
Chapter 26Ang isang sampal na iyon ay sapat na para tuluyang putulin ang ugnayan niya sa kanyang ama.Dahan-dahang umandar ang kotse malayo sa villa ng mga Macaraig. Sumandal si Ayella sa upuan, ipinikit ang kanyang mga mata, at kusa niyang itinapat ang kanyang kamay sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan."Mommy, are you alright?" maingat at nag-aalalang tanong ng little dumpling. "That old man went too far! Lakas ng loob niyang agawin ang shares mo, napaka-shameless! And that Dahlia, so pretentious! Hate na hate ko siya tuwing nakikita ko!"Napangiti nang mahina si Ayella sa sarili. "I'm fine.""But Mommy doesn't seem very happy...""I'm just a little tired," mahinang bulong ni Ayella.Pagod na pagod na talaga siya.Hindi dahil sa marahas na inasal ni Romeo, at hindi rin dahil sa mga sarkastikong patama nina Emilia at Dahlia. Matagal na siyang nasanay sa mga ganitong bagay, at kapag sanay ka na, hindi ka na masasaktan pa.Ang totoong nakakapagod para sa kanya ay ang walang katapusang k
Chapter 25Nawala agad ang ngiti sa mukha ni Emilia.Mas lalong nagdilim ang mukha ni Romeo. "Ayella! What nonsense are you spouting?!""I'm speaking like a normal person," sagot ni Ayella habang nakatitig sa kanilang tatlo. "I won't budge on the issue of shares. Kung wala na kayong ibang kailangan, i'll be leaving now."Kinuha ni Ayella ang kanyang bag at naglakad palabas nang hindi man lang lumingon sa kanila.Pagdating niya sa pinto, nagulat siya nang may biglang mabangga.Mateo.He was wearing a dark blue shirt. Matingkad ang kanyang tindig at matangos ang mga tampok ng mukha, ngunit may bakas ng matinding pagod sa kanyang mga mata—na tila matagal na itong hindi nakakakuha ng maayos na tulog.Nang makita nitong lumabas si Ayella, natigil ito sa paglalakad. Mabilis na kumislap ang saya sa mga mata ni Mateo."Ayella," tawag nito sa kanya.Salamat at sa wakas ay nakita rin kita.Bahagyang kumunot ang noo ni Ayella. Why is he here?Totoo nga ang sinasabi nila kung sino pa ang ayaw mon
Chapter 24"Sister, Dad is only doing this for your own good," biglang singit ni Dahlia sa napakalambot at maamong boses, na parang gustong mag-ayos ng gulo. "Nakasama ka na sa mga Fitzwilliam, kaya 'wag mo nang hayaang makaapekto ang maliit na bagay na ito sa pagsasama ninyo ng asawa mo."Sulyap lang ang ibinigay sa kanya ni Ayella.Bata pa lang sila ay umaarte na ang kapatid niyang ito sa labas. Lalo na sa harap ni Romeo, lagi itong nagpapanggap na mabait at maunawain na anak. But Ayella wasn't buying it anymore."You don't need to worry about my marital relationship," malamig niyang iwas-tingin."Ayella!" Malakas na itinampal ni Romeo ang kanyang kamay sa coffee table at mabilis na tumayo. "What kind of attitude is this?! Dahlia is just trying to be kind and concerned about you, tapos umaasta ka nang pabalang sa lahat! Let me tell you, hindi ikaw ang magdedesisyon sa shares na 'yan!"Habang nakatitig sa galit na galit na mukha ng lalaki, kakaibang kalma ang naramdaman ni Ayella.I
Chapter 23"Dad, don't worry. Maiintindihan din ni Ate ang good intentions mo," nakatutuwang sagot ni Dahlia.Pagkatapos magsalita, mabilis na umakyat si Dahlia sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mateo."Mateo, are you free? Are you coming over for dinner later? Pauwi na kasi rito si Ate," pacute nitong tanong sa kabilang linya.Napatingin si Mateo sa kanyang cellphone. Nag-iisip pa lang siya kung paano makikita si Ayella kaya agad siyang sumagot, "I have time. Medyo matagal na rin akong hindi nakakabisita kina Uncle at Auntie.""Okay! Ipahahanda ko sa kitchen ang mga paborito mong pagkain," malambing na sabi ni Dahlia bago itinabi ang cellphone.Nang mamatay ang tawag, unti-unting napalitan ng dilim ang kanyang mga mata.Inimbita niya si Mateo para subukan ito. Gusto niyang makita kung talagang nakamove-on na ito sa babaeng 'yon. Gusto rin niyang gisingin si Mateo sa realidad na asawa na ni Wyatt si Ayella at hindi na pwedeng angkinin pa.Lalo na't p







