LOGIN
Ang marangyang banquet hall ng hotel ay punong-puno ng mga kilalang tao mula sa elite circles ng Ilocos City. Lahat ay nakabihis nang magarbo, nagtatawanan, at nag-uusap.
Ngayong araw ang pinakamahalagang yugto ng buhay ni Ayella Macaraig. Kasal niya ngayon kay Mateo Mallari, ang lalaking limang taon na niyang kasintahan.
Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga bisita, puno ng inggit dahil nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki.
Nakatayo si Ayella sa altar, suot ang kanyang puting belo. Bakas ang sigla sa boses ng emcee at nagsimula nang magtanong sa pamamagitan ng mikropono.
"Ms. Ayella Macaraig, do you take the handsome groom, Mr. Mateo Mallari, to be your husband?"
Bahagyang yumuko si Ayella, nakaramdam ng hiya. Lalabas na sana ang salitang I do sa kanyang mga labi nang biglang may isang boses-bata ang umalingawngaw.
“My silly mommy, huwag kang pumayag! Mateo is a scumbag. Kaya ka lang niya pakakasalan ay para makuha ang company shares mo. At tsaka, hindi siya ang daddy ko. Iba ang tatay ko!”
Nanlaki ang mga mata ni Ayella. Bago pa siya makabawi sa gulat, nagpatuloy ang boses.
“Ang dinadala ng stepsister mo sa tiyan niya ay anak din ng scumbag na si Mateo. Matagal ka na nilang niloloko sa likod mo!”
Parang bombang sumabog ang mga salitang iyon sa utak ni Ayella. Literal siyang napatulog sa kanyang kinatatayuan. Humigpit ang kapit ng kanyang mga daliri sa hawak na bouquet ng bulaklak.
Bata ba ang nagsasalita?
Subalit nang igala niya ang paningin sa buong banquet hall, walang kahit isang bata sa paligid. Ibinalik niya ang tingin kay Mateo na nasa harap niya. Mateo was smiling politely, tila walang naririnig na kahit ano.
Pero rinig na rinig ko... Nababaliw na ba ako?
“Mommy, nandito ako sa tiyan mo. Ang tagal kong nag-antay sa pila bago ako nagkaroon ng pagkakataong maipanganak. My dear mother, please be strong enough to help me.”
Napasinghap si Ayella. Ang naririnig niya... ay ang iniisip ng bata sa loob ng kanyang sinapupunan?!
Sino ang maniniwala na ang isang fetus ay may ganito ka-organisadong pag-iisip? At may kakayahan pa itong malaman ang mangyayari sa hinaharap?
Hinihintay ng lahat ang sagot ni Ayella, ngunit nanatili siyang estatwa sa harap ng altar. Ang gulo. Kung hindi kay Mateo ang batang ito, kanino? Hindi niya kailanman pinagtaksilan ang kasintahan.
Tila naramdaman ng bata ang kalituhan niya, kaya muli itong nagsalita nang may bahid ng takot.
“Mommy, niloloko ka lang niya! Gagamitin ka lang ng scumbag na 'yan, at pagkatapos ng kasal, gagawin niya ang lahat para pahirapan ka hanggang sa wish mo na lang na mamatay ka.”
“Bilis, mommy! Humingi ka ng tulong kay daddy. Iyong pinakagwapo at pinakamakapangyarihang lalaki sa mga audience.”
Kinabahan nang husto si Ayella. Kusang gumalaw ang kanyang mga mata patungo sa direksyon ng mga espesyal na panauhin.
Dooon, sa pinakagitna at pinakaprominenteng upuan, nakaupo si Wyatt Fitzwilliam.
Si Wyatt ay ang makapangyarihang tao sa elite circle ng Ilocos City na walang sinumang nangangahas na banggain. Kilala itong aloof, seryoso, at walang awa kung magtrabaho. Suot nito ang isang mamahaling black suit, at ang relos nito ay kumikinang sa ilalim ng mga ilaw ng hall. Sa matangos nitong ilong, malalim na mga mata, at manipis na labi, kitang-kita ang awtoridad na naglalayo sa kanya sa mga normal na tao.
Nang sulyapan siya ni Ayella, hindi niya inaasahang nakatingin din pala ito sa kanya. Ang malamig nitong mga mata ay direktang tumama sa kanya, dahilan para lumaktaw ang tibok ng puso niya.
Kilala niya si Wyatt, tulad ng lahat ng tao rito. Palagi itong nasa cover ng mga financial magazines at balita sa business forums. Pero wala silang koneksyon. Paano niya ito hihingan ng tulong?
‘Anak, kilala mo ba kung sino 'yan?’ kausap ni Ayella sa sariling isip. ‘Siya ang top CEO ng Fitzwilliam Holdings! Alam kong ayaw mo kay Mateo, pero hindi mo pwedeng basta-basta akuin ang kahit sinong mayaman para maging tatay mo!’
‘Tsaka, balita sa lahat na walang babaeng lumalapit sa kanya. Paano mo nasabing anak ka niya?’
Muling umimik ang maliit na boses, bakas na ang pagmamadali. “Mommy, maniwala ka sa akin! Siya talaga ang daddy ko, siya lang ang makakapagligtas sa iyo ngayon! Nandiyan lang siya, hingi ka na ng tulong sa kanya.”
‘Pero...’
“Nakalimutan mo na ba ang nangyari tatlong buwan na ang nakakaraan nang magising ka sa isang hotel?”
Natigilan si Ayella. Biglang rumehistro ang alaala sa kanyang isip.
“Plano ng scumbag na si Mateo at ng stepsister mo na sirain ang reputasyon mo para makontrol ka, kaya dinala ka nila sa hotel na 'yon. Pero nagkamali ka ng napasukang kwarto...”
“Ang lalaking katabi mo nang magising ka noon... ay ang tatay ko. Si Wyatt Fitzwilliam!”
‘Ano? Siya?!’ panloob na sigaw ni Ayella. ‘Akala ko si Mateo ang kasama ko noon!’
Napahigpit ang hawak ni Ayella sa kanyang bouquet, pakiramdam niya ay nagpapawis na ang kanyang mga palad.
Kasabay nito, ang mga alaala ng gabi na iyon, tatlong buwan na ang nakalipas, ay parang malaking alon na bumalik at sumakop sa kanyang buong pagkatao.
Nang gabing iyon... Mateo told her he had an important client to meet. Pinapunta siya sa Urban Club para doon na lang maghintay.
Pumunta naman siya. She trusted him completely. Uminom siya ng isang basong alak habang nag-aabang, pero hindi nagtagal ay biglang lumabo ang paningin niya. Naramdaman niya ang matinding hilo na hindi niya pa nararanasan kailanman.
Naalala niya pa kung paano niya isinandal ang sarili sa pader habang naglalakad palabas ng private room. Masyadong masakit sa mata ang ilaw sa koridor.
Sa sobrang kalituhan, nagtuloy-tuloy siya at nagtulak ng isang p***o at doon na nagbago ang lahat.
Sinubukan ni Ayella na alalahanin ang mga detalye ng gabing iyon, pero malalabong piraso na lang ng alaala ang pumapasok sa isip niya.
Ang amoy ng mamahaling pabango na humalo sa dilim. Ang nagbabagang haplos ng mga palad nito sa kanyang baywang. At ang mainit at pigil na paghinga nito sa mismong tapat ng kanyang tainga.
Si Wyatt ba talaga 'yon?
Si Wyatt Fitzwilliam? Ang nagiisang hari ng elite circles sa Ilocos City na kilalang mailap at walang kahit sinong babaeng nagawang makalapit sa kanya?
Nang magising si Ayella kinaumagahan, nasa isang hindi pamilyar na kwarto na siya. Mag-isa na lang siya noon, at ang buong katawan niya ay parang nabugbog sa sobrang sakit at pagod.
Inakala niyang maagang umalis si Mateo dahil sa trabaho, kaya nagmadali rin siyang magbihis at umalis. Buong akala niya, ang kasintahan ang nakasama niya dahil ito naman ang nag-ayos ng lahat.
Pero nagkamali siya. Lahat ng iyon ay isang malaking kasinungalingan.
“Mommy, naalala mo na?” Bakas ang tuwa sa boses ng maliit na dumpling sa kanyang tiyan. “Sobrang exciting ng gabing 'yon! Ang daddy ko, hindi talaga mahilig sa babae. Pero nalagyan siya ng kung ano sa inumin niya noon, tapos ikaw naman, niyakap mo siya at hinalikan... kaya ayun, nabuo niyo ako!”
Narinig ni Ayella ang mahinang hagikhik ng bata. “Hindi ko na pwedeng sabihin ang kasunod, baka mahiya nang husto si Mommy!”
Umakyat ang dugo sa mukha ni Ayella. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa sa sobrang hiya. Ganoon ba ako kalala kapag nalalasing?!
Sa ibabaw ng altar, napansin ni Mateo ang pananahimik ng nobya. Puno ng emosyon ang mukha nito habang bumubulong nang pakiusap.
"Ayella, everyone is waiting," malambot ang boses nito, pero may halong pagmamadali.
Nagsisimula na ring magbulungan ang mga bisita sa ibaba. Ang emcee naman ay naiilang na hinawakan ang mikropono at inulit ang tanong.
"Miss Ayella, are you willing to marry Mr. Mateo?"
Nang makitang tulala pa rin si Ayella, hinawakan ni Mateo ang kamay niya para pakalmahin siya. "Ayella, anong problema? Kinakabahan ka ba nang husto? Don't worry, kapag asawa mo na ako, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. I will spoil you rotten."
“Mom, huwag kang maniwala sa matatamis na salita ng lalaking 'yan!” sabat ng boses ng bata. “Kaya ka lang niya pakakasalan ay dahil sa mga shares sa kumpanya na ipinamana sa iyo ni Lolo! Kapag wala ka nang silbi sa kanya, itatapon ka lang niya na parang basura.”
Napaawang ang labi ni Ayella. Tiningnan niya si Mateo sa mga mata.
Limang taon. Limang taon niyang minahal, pinagkatiwalaan, at inasahang makakasama ang lalaking ito habambuhay. Handa pa siyang magsuot ng wedding dress para lang dito. Pero mula sa simula hanggang sa huli, isa lang pala itong malaking panloloko.
Huminga nang malalim si Ayella. Iniangat niya ang kanyang mukha at nagsalita nang malakas, sapat para marinig ng lahat.
"Ayella, do you—"
"I don’t!" buong lakas niyang sigaw.
Agad na nag-ingay ang buong banquet hall.
Ang marahang ngiti sa mga labi ni Mateo ay biglang napawi, tila ba sinampal siya nang malakas sa harap ng maraming tao.
Chapter 1
Nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala.
"Ayella, anong sinabi mo?"
"Sabi ko, ayokong pakasalan ka." Tiningnan siya nang diretso ni Ayella, binibigkas ang bawat salita nang malinaw. "Mateo, hindi na tuloy ang kasal na ito."
"Are you crazy?!" Agad na nagdilim ang mukha ni Mateo. Sububukan nitong hawakan ang pulso ni Ayella. "Ayella, tumigil ka nga. Ang daming bisitang nakatingin—"
"Huwag mo akong hawakan!"
Mabilis na humakbang paatras si Ayella, habang ang kanyang mga kamay ay kusang pumrotekta sa kanyang puson.
Ang simpleng kilos na iyon ay mas lalong nagpapula sa mukha ni Mateo sa galit.
"Ayella, pag-usapan natin ito pagkatapos ng kasal—"
“Mom, huwag kang lalambot-lambot! Iwan mo na ang scumbag na 'yan tapos habulin mo na si Daddy na gwapo at mayaman, kung hindi, magsisisi ka talaga.”
Kumapit ang boses-bata sa kanyang puso. “Pera mo lang ang habol ng lalaking 'yan, mommy. Pahihirapan ka niya hanggang sa mamatay ka... My dear mommy, ayoko pang mamatay. Gusto ko pa pong makita ang mundong ito.”
Nanginig ang buong katawan ni Ayella, pero napalitan ng tapang ang takot niya. Hindi magsisinungaling ang anak niya. Kung sinabi nitong masamang tao si Mateo, ibig sabihin ay totoo iyon!
"Hindi ako magpapakasal sa iyo!" buong lakas na deklarasyon ni Ayella. “And that’s my decision!”
Chapter 28Naglakad si Wyatt patungo sa balkonahe.Medyo malamig na ang simoy ng hangin sa ganitong panahon.Subalit nararamdaman pa rin ni Wyatt ang matinding init sa kanyang katawan. Karagagaling niya lang sa tabi ni Ayella, at ang mabangong amoy ng dalaga ay nakatatak pa rin sa kanyang ilong.She looked especially beautiful today. It was impossible to look away.Pagkatapos uminom ng ilang tegok ng malamig na tubig para pakalmahin ang sarili, mas gumaan ang kanyang pakiramdam.Kinuha ni Wyatt ang kanyang cellphone at tinawagan si Aljon, ang kanyang assistant.Mabilis niyang ipinaliwanag ang pakay."I remember that the Macaraig has recently been vying for Elysian Grand Hotel's bidding projects."Ang Elysian Grand Hotel ang pinakamalaking investment hotel ni Wyatt ngayong taon. Katatapos lang nitong maitayo at kasalukuyang naghahanda para sa iba't ibang interior decorations at furnishings. Ang pamilya Macaraig ang isa sa mga kumpanyang nagbi-bid at napakataas ng tsansang manalo.Napak
Chapter 27Naiilang talaga si Ayella sa sitwasyon.Hindi nagtagal, lumapit si Wyatt dala ang ice pack.The next second, dahan-dahan nitong itinapat ang ice pack sa namumulang pisngi niya. Napakislot si Ayella sa biglaang lamig.Nang makita ito ni Wyatt, lalong naging maingat at mahinhin ang bawat kilos nito. "Does it hurt a lot?""No, ako na lang... I don't like to bother others," naiilang na pigil ni Ayella."I'm not Mateo. I like being bothered," pormal at seryosong tugon ni Wyatt.Sobrang lapit ng kanilang mga mukha.Dahil sa sobrang lapit, amoy na amoy ni Ayella ang mabangong pine scent na nagmumula sa lalaki. Kitang-kita niya ang kurba ng mahahabang pilikmata nito at nararamdaman pa niya ang warm breath nito sa kanyang balat.Her heart skipped a beat.Nagsimulang matunaw ang yelo sa loob ng bag, at ang tubig nito ay pumatak sa ilang hibla ng buhok malapit sa tainga ni Ayella.Kusa itong inabot ni Wyatt para hawiin. Ang manipis na calluses sa mga daliri nito ay nagdulot ng kaunti
Chapter 26Ang isang sampal na iyon ay sapat na para tuluyang putulin ang ugnayan niya sa kanyang ama.Dahan-dahang umandar ang kotse malayo sa villa ng mga Macaraig. Sumandal si Ayella sa upuan, ipinikit ang kanyang mga mata, at kusa niyang itinapat ang kanyang kamay sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan."Mommy, are you alright?" maingat at nag-aalalang tanong ng little dumpling. "That old man went too far! Lakas ng loob niyang agawin ang shares mo, napaka-shameless! And that Dahlia, so pretentious! Hate na hate ko siya tuwing nakikita ko!"Napangiti nang mahina si Ayella sa sarili. "I'm fine.""But Mommy doesn't seem very happy...""I'm just a little tired," mahinang bulong ni Ayella.Pagod na pagod na talaga siya.Hindi dahil sa marahas na inasal ni Romeo, at hindi rin dahil sa mga sarkastikong patama nina Emilia at Dahlia. Matagal na siyang nasanay sa mga ganitong bagay, at kapag sanay ka na, hindi ka na masasaktan pa.Ang totoong nakakapagod para sa kanya ay ang walang katapusang k
Chapter 25Nawala agad ang ngiti sa mukha ni Emilia.Mas lalong nagdilim ang mukha ni Romeo. "Ayella! What nonsense are you spouting?!""I'm speaking like a normal person," sagot ni Ayella habang nakatitig sa kanilang tatlo. "I won't budge on the issue of shares. Kung wala na kayong ibang kailangan, i'll be leaving now."Kinuha ni Ayella ang kanyang bag at naglakad palabas nang hindi man lang lumingon sa kanila.Pagdating niya sa pinto, nagulat siya nang may biglang mabangga.Mateo.He was wearing a dark blue shirt. Matingkad ang kanyang tindig at matangos ang mga tampok ng mukha, ngunit may bakas ng matinding pagod sa kanyang mga mata—na tila matagal na itong hindi nakakakuha ng maayos na tulog.Nang makita nitong lumabas si Ayella, natigil ito sa paglalakad. Mabilis na kumislap ang saya sa mga mata ni Mateo."Ayella," tawag nito sa kanya.Salamat at sa wakas ay nakita rin kita.Bahagyang kumunot ang noo ni Ayella. Why is he here?Totoo nga ang sinasabi nila kung sino pa ang ayaw mon
Chapter 24"Sister, Dad is only doing this for your own good," biglang singit ni Dahlia sa napakalambot at maamong boses, na parang gustong mag-ayos ng gulo. "Nakasama ka na sa mga Fitzwilliam, kaya 'wag mo nang hayaang makaapekto ang maliit na bagay na ito sa pagsasama ninyo ng asawa mo."Sulyap lang ang ibinigay sa kanya ni Ayella.Bata pa lang sila ay umaarte na ang kapatid niyang ito sa labas. Lalo na sa harap ni Romeo, lagi itong nagpapanggap na mabait at maunawain na anak. But Ayella wasn't buying it anymore."You don't need to worry about my marital relationship," malamig niyang iwas-tingin."Ayella!" Malakas na itinampal ni Romeo ang kanyang kamay sa coffee table at mabilis na tumayo. "What kind of attitude is this?! Dahlia is just trying to be kind and concerned about you, tapos umaasta ka nang pabalang sa lahat! Let me tell you, hindi ikaw ang magdedesisyon sa shares na 'yan!"Habang nakatitig sa galit na galit na mukha ng lalaki, kakaibang kalma ang naramdaman ni Ayella.I
Chapter 23"Dad, don't worry. Maiintindihan din ni Ate ang good intentions mo," nakatutuwang sagot ni Dahlia.Pagkatapos magsalita, mabilis na umakyat si Dahlia sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mateo."Mateo, are you free? Are you coming over for dinner later? Pauwi na kasi rito si Ate," pacute nitong tanong sa kabilang linya.Napatingin si Mateo sa kanyang cellphone. Nag-iisip pa lang siya kung paano makikita si Ayella kaya agad siyang sumagot, "I have time. Medyo matagal na rin akong hindi nakakabisita kina Uncle at Auntie.""Okay! Ipahahanda ko sa kitchen ang mga paborito mong pagkain," malambing na sabi ni Dahlia bago itinabi ang cellphone.Nang mamatay ang tawag, unti-unting napalitan ng dilim ang kanyang mga mata.Inimbita niya si Mateo para subukan ito. Gusto niyang makita kung talagang nakamove-on na ito sa babaeng 'yon. Gusto rin niyang gisingin si Mateo sa realidad na asawa na ni Wyatt si Ayella at hindi na pwedeng angkinin pa.Lalo na't p







