
My Secret Heir Is the Billionaire’s Matchmaker
Sa araw ng kanyang kasal, akala ni Ayella Macaraig ay nahanap na niya ang kanyang happy ending kay Mateo Mallari. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang boses ng bata ang biglang sumabog sa kanyang isip.
“Mommy, huwag kang magpapakasal sa kaniya! Mateo is a scumbag! Gagamitin ka lang niya, at buntis na ang malandi mong stepsister sa anak niya!”
Laking gulat ni Ayella nang matuklasang ang boses na iyon ay nagmumula sa mismong fetus sa loob ng kanyang sinapupunan
Matapos malaman ang kataksilan ng fiance at ng sarili niyang pamilya, nagkagulo sa altar. Walang ibang matakbuhan si Ayella, kaya naman ayon sa utos ng kanyang daldalitang anak, kumapit siya sa pinakamakapangyarihan at pinakadelikadong lalaki sa silid—si Wyatt Fitzwilliam, enigmatic billionaire na nagmamay-ari ng elite circles ng lungsod.
Sa harap ng lahat, nagpasabog ng bomba si Ayella.
"Mr. Fitzwilliam, the child I’m carrying is yours!"
Kakayanin kaya ni Ayella ang bagong mundong pinasukan niya? At paano haharapin ng isang ruthless tycoon ang isang runaway bride at ang makulit nitong secret heir?
읽기
Chapter: Chapter 4Chapter 4Tinitigan siya ni Wyatt sa loob ng tatlong segundo.Ang mga mata nito ay walang kahit anong emosyon ang makikita roon. Pero sa sumunod na sandali, isang ikinagulat ng lahat ang ginawa niya.Dahan-dahang hinubad ni Wyatt ang kanyang mamahaling custom-made suit jacket at isinabit iyon sa mga balikat ni Ayella.Naramdaman ni Ayella ang natitirang init ng katawan ng lalaki at ang pamilyar na amoy ng cedar tree na bumalot sa kanyang hubad na balikat. Natigilan siya."Walk," maikli ngunit makapangyarihang utos nito.Sinalubong ng malalaking palad ni Wyatt ang kanyang baywang. Hindi iyon marahas, pero may awtoridad na hindi mo pwedeng tanggihan. Bago pa man makakilos si Ayella, inakay na siya ng lalaki palabas.Sa likod nila, nagwawala at pilit na kumakawala si Mateo sa mga bodyguard. "Mr. Fitzwilliam! Hindi mo siya pwedeng dalhin paalis! Fiancée ko siya—!"Hinarangan siya nang tuluyan ng mga tauhan ni Wyatt, walang nagawa si Mateo kundi ang sumigaw sa galit.Samantala, tuluyan na
최신 업데이트: 2026-07-14
Chapter: Chapter 3Chapter 3Sa sumunod na segundo ay isang marahas na puwersa ang tumama sa kanya.Kusang naitulak palayo si Ayella. Napahakbang siya paatras nang ilang beses, halos mawalan ng balanse at matumba. Mabuti na lang at mabilis niyang naitukod ang kanyang kamay sa gilid ng mesang katabi niya para mapigilan ang sarili.Nanatiling nakatayo si Wyatt doon, nakatitig sa kanya.Ang mga mata nito ay kasinglamig ng yelo. Tiningnan nito ang bahagi ng suit jacket kung saan siya humawak kanina at ang paraan ng pagtingin nito ay tila ba may duming dumikit sa kanyang mamahaling kasuotan."Get lost. Don't you know I hate women the most?" angil nito.Hindi malakas ang boses nito. Mababa lang, halos pabulong. Pero para kay Ayella, iyon ay parang isang balde ng nagyeyelong tubig na ibinuhos sa kanyang buong katawan mula ulo hanggang paa.Napatigil si Ayella sa kanyang kinatatayuan, parang naestatwa.Muling bumalot ang nakabibinging katahimikan sa buong banquet hall. Ang mga bisita na kanina lang ay walang ti
최신 업데이트: 2026-07-14
Chapter: Chapter 2Chapter 2Nagsimula nang magbulungan ang buong banquet hall. Bawat sulok ay puno ng mga bulong-bulungan na hindi na maitago ng mga bisita.Kilala at mayaman ang pamilya Mallari sa Valenzuela City, kaya naman ang hindi pag-aatubili ni Ayella na tanggihan ang kasal ay ikinagulat ng lahat. Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa nakaraan nila? Lahat ay nakasaksi kung paano hinabol at ipinaglaban ni Ayella si Mateo noon. Pero ngayong ikakasal na sila, bigla siyang umaayaw. Hindi ito mapagdugtong ng mga tao."Ayella! Ano bang problema mo? Ano bang ginawang masama sa iyo ni Mateo?!"Galit na sumugod si Romeo sa harap ng altar. Halos lumabas ang mga ugat sa leeg ng kanyang ama habang sumisigaw. "Ngayon sasabihin mong ayaw mo na? Saan mo gustong ilagay ang reputasyon ng pamilya Macaraig?!""Ikaw ang nagpumilit na pakasalan si Mateo noon, tapos ngayon aatras ka? Ginagawa mo namang laro ang kasal na ito! Hindi ka ba pwedeng maging kasing-tino ni Dahlia?!"Tiningnan lang ni Ayella ang kanyang ama
최신 업데이트: 2026-07-14
Chapter: Chapter 1Ang marangyang banquet hall ng hotel ay punong-puno ng mga kilalang tao mula sa elite circles ng Ilocos City. Lahat ay nakabihis nang magarbo, nagtatawanan, at nag-uusap.Ngayong araw ang pinakamahalagang yugto ng buhay ni Ayella Macaraig. Kasal niya ngayon kay Mateo Mallari, ang lalaking limang taon na niyang kasintahan. Rinig na rinig niya ang bulungan ng mga bisita, puno ng inggit dahil nakatagpo siya ng isang mabuting lalaki.Nakatayo si Ayella sa altar, suot ang kanyang puting belo. Bakas ang sigla sa boses ng emcee at nagsimula nang magtanong sa pamamagitan ng mikropono."Ms. Ayella Macaraig, do you take the handsome groom, Mr. Mateo Mallari, to be your husband?"Bahagyang yumuko si Ayella, nakaramdam ng hiya. Lalabas na sana ang salitang I do sa kanyang mga labi nang biglang may isang boses-bata ang umalingawngaw.“My silly mommy, huwag kang pumayag! Mateo is a scumbag. Kaya ka lang niya pakakasalan ay para makuha ang company shares mo. At tsaka, hindi siya ang daddy ko. Iba a
최신 업데이트: 2026-07-14