Share

Sino ba talaga si Isabelle?

Chapter 17

25 years ago…

William Luca Pov

“William manganganak na yata ako!” sigaw ni Elizabeth Luca.

“Talaga? Yaya! Paki tulungan mo naman ako manganganak na ang Ma’am Elizabeth mo!”

“Nandiyan na po ako sir!”

Kumaripas na ng takbo si yaya Sara para alalayan si Elizabeth.

Agad na namin itong dinala sa hospital.

Pagdating namin hindi mo na ako pinapasok ng mga nurse at doctor, kaya nandito lang ako sa waiting area kasama si yaya Sara.

Sobrang excited na akong makita ang anak namin ni Elizabeth.

Pa lakad-lakad lang ako habang naghihintay.

Dalawang oras ang lumipas saka pa lumabas ang doctor.

“Doc, kumusta po ang mag-ina ko?”

“Congratulations Mr. Luca babae ang anak n’yo. Puwede ka ng pumasok sa loob.”

“Salamat po doc.”

Hindi ko na matiis na makita ang anak ko kaya agad na akong pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob nakita ko si Elizabeth na karga-karga n’ya ang anak namin at pinapa-breast feed n’ya ito.

Nilapitan ko silang dalawa.

“Ang ganda-ganda naman ng prinsesa namin,”
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nicasia Aguilera
More to read
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status