Home / Romance / My Sister-in-law Turns to Lover / Chapter 50-Goodbye, Reyna.

Share

Chapter 50-Goodbye, Reyna.

Author: Summer Louise
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-15 19:59:24

GIA’S POV

Sa ilalim ng lumang acacia sa dulo ng hacienda ko napagpasyahang ilibing si Reyna.

Doon kami laging tumatambay noon. Doon din ako unang natutong sumakay sa kanya. Hawak ni Lola ang tali niya habang tawa siya nang tawa sa akin dahil halos maiyak na ako sa takot na mahulog.

Napabuntong hininga ako sa mga alaala ko.

Tumawag si Mang Jun ng dalawang tauhan para tumulong sa paghuhukay. Alas-tres na ng hapon nang matapos sila. Hindi ako umalis doon kahit tagaktak na ang pawis ko at mahapdi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 51-Unknown Number

    GIA’S POVMatagal bago natapos si Glenn sa paglilinis ng paa ko. Nilagyan niya ng betadine ang sugat sa sakong ko at maingat na binalot iyon ng gasa. Pagkatapos, hindi pa rin niya binibitawan ang paa ko. Nakatitig lang siya roon habang marahang hinahaplos ng hinlalaki niya ang bukong-bukong ko.“Gia,” mahinang tawag niya nang hindi tumitingin sa akin. “Why was Kuya the first one to notice?”Natigilan ako, pero agad akong ngumiti ng maluwag sa kanya.“Maybe he is a psychic?" pambibiro ko.Pero ramdam ko ang biglang paninikip ng dibdib ko. Pero hindi ko iyon ipinahalata. Napangisi ako at sumandal sa headboard ng kama.“Your brother notices everything, Glenn. Lalo na kapag may mali.” Ikinibit ko ang balikat ko. “Baka ayaw lang niyang may madumihan sa mamahaling sahig ng mansion. O baka naman natakot siyang may dumugong paa na dadaan sa harapan ng asawa niya. He loved his wife so much.”Hindi siya natawa. Nakatitig pa rin siya sa paa ko.Kaya umayos ako ng upo at hinawakan ang mukha niya

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 50-Goodbye, Reyna.

    GIA’S POVSa ilalim ng lumang acacia sa dulo ng hacienda ko napagpasyahang ilibing si Reyna.Doon kami laging tumatambay noon. Doon din ako unang natutong sumakay sa kanya. Hawak ni Lola ang tali niya habang tawa siya nang tawa sa akin dahil halos maiyak na ako sa takot na mahulog. Napabuntong hininga ako sa mga alaala ko.Tumawag si Mang Jun ng dalawang tauhan para tumulong sa paghuhukay. Alas-tres na ng hapon nang matapos sila. Hindi ako umalis doon kahit tagaktak na ang pawis ko at mahapdi na ang balat ko sa init ng araw. Nakayapak pa rin ako. Hindi ko na rin naisip na bumalik sa mansion para kumuha ng tsinelas.Tahimik lang akong nakatayo habang pinapanood ko kung paano unti-unting natatabunan ng lupa si Reyna.Pagkatapos nila, lumuhod ako sa tabi ng puntod niya at inilapag doon ang mga ligaw na bulaklak na pinitas ko sa may bakod.“Rest well, Reyna,” mahinang sabi ko. “Ako na ang bahala sa kanila.”Tumayo ako at pinagpag ang lupa sa tuhod ko. Napatingala ako sa acacia. Doon ko l

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 49-Reyna!

    GIA’S POVHalos isang oras pa akong nanatili sa kwarto ni Glenn bago ako nagpaalam sa kanya. Sinabi ko na kailangan ko lang magpahinga at magpalit ng damit. Ayaw pa sana niya akong pakawalan, pero nangako na lang ako sa kanya na babalik ako at doon matutulog sa kwarto niya.Dumiretso ako sa kwarto ko habang bitbit ang heels ko sa isang kamay. Gusto ko lang humiga at mag-isip.Pero pagbukas ko ng p***o, natigilan ako.Nakabukas ang maleta ko sa sahig.Sigurado akong nakasara iyon nang iwan ko kahapon. Pero ngayon, nakabukas na ang zipper at halatang may humalughog doon. Nagulo ang mga damit ko na maayos kong itinupi at nakalabas na ang ilang gamit ko.Mabilis kong kinapa ang bulsa ng pantalon ko. Nandoon pa rin ang susi at ang nakatuping litrato. Mabuti na lang at hindi ko iyon inalis sa katawan ko mula pa kaninang umaga.Nakahinga ako nang maluwag. Pero agad din iyong napalitan ng kaba.May taong pumasok sa kwarto ko. At alam ko kung ano ang hinahanap niya.Hindi pa ako nakakabawi nang

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 48- Step-by-Step

    GIA’S POVIlang segundo akong hindi nakasagot. Tinitigan ko lang si Glenn habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa magkabilang balikat ko.Kita ko ang takot sa mga mata niya. Takot na baka totoo ang hinala niya. Takot na baka sa isang salita ko lang, gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan niya.Huminga ako nang malalim at pinilit kong gawing kalmado ang mukha ko.“No, Glenn,” mahinang sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. “Why would I do that? Asawa siya ni Francheska.”Hindi siya kumibo, nanatili lang siyang nakatingin sa akin.“Your brother can’t even stand me,” dagdag ko sabay ngiti nang mapakla. “You heard him on the yacht, right? I’m not the kind of woman you bring home. Kagabi, nagkataon lang na nandoon siya. Sinabi ko na sa’yo, nasiraan ako ng sasakyan at siya ang nakadaan para sa akin. That’s all.”Tahimik lang si Glenn habang nakatitig sa akin. Hindi siya kumukurap. Halata na pinag-iisipan niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko, na para bang tinitimbang ni

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 47- Glenn

    GIA’S POVHindi ako umatras sa kapatid ko.Bagkus, dahan-dahan akong humiwalay sa pader at naglakad papasok sa sala. Nakayapak pa rin ako habang nakasabit sa daliri ko ang heels ko na para bang galing lang ako sa isang party. Bawat hakbang ko, sinadya kong bagalan.“Speak of the devil?” ulit ko sabay ngisi. “Wow, sis. Kailan ka pa natutong magsalita nang ganyan? Akala ko puro ‘sweetheart’ lang ang alam mong sabihin.”Nawala ang ngisi niya at nag-igting ang panga ni Francheska. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone niya na para bang iyon lang ang sandata niya laban sa akin.Huminto ako sa harapan niya. Bahagya akong yumuko para silipin ang litrato sa screen. Kumunot ang noo ko na para bang may sinusuri akong mahalagang ebidensya.“Hmm.” Ikiniling ko ang ulo ko. “Ang labo naman nito, Ches. Sino ang kumuha? Bulag ba? O baka naman ikaw mismo ang nagtago sa likod ng halaman sa hotel para lang kunan kami?”“Huwag mo akong ginagago, Gia!”“Ako? Ginagago ka?” Napahawak ako sa dibdib ko na kunw

  • My Sister-in-law Turns to Lover   Chapter 46

    GIA'S POVNapangisi ako. Mukhang tama ang timing ko.Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo hanggang sa matanaw ko sila sa sala. Nakatayo si Francheska sa gitna habang namumula ang mukha sa galit. Mahigpit ang kapit niya sa laylayan ng bestida niya at halata na umiyak siya kagabi dahil sa pamumugto ng mga mata niya.Si Nathan naman, nakatayo malapit sa bintana habang nakapamulsa. Nakatalikod siya sa kapatid ko na para bang mas interesado pa siya sa hardin kaysa sa sarili niyang asawa.Tahimik akong sumandal sa pader sa may pasilyo at humalukipkip. Hindi nila ako napansin.“Don’t start, Francheska,” malamig na sabi ni Nathan nang hindi man lang lumilingon. “I’m tired.”“Tired?” Halos sumigaw si Francheska. “Ako ang dapat mapagod, Nathan! Buong gabi kitang hinintay! Hindi ka man lang tumawag. Hindi ka man lang nag-text! O kahit na sumagot ka man lang sa akin!”“I told you I was staying in town.”“Bakit hindi ka umuwi?” Mabilis na lumapit si Francheska sa kanya at hinila ang braso niya pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status