공유

Chapter 3

Maagang tinungo ni Maureen ang nurse

station para tanungin kong pwede na bang basahin ng doctor ang result ng mga lab test ng papa niya. 

kinakabahan siya sa oras na

iyon hindi niya alam kong bakit,siguro dahil sa natatakot siya na malaman ang sakit ng papa niya.

Pagkalapit niya sa nurse station agad naman niyang binati ang nurse na naka duty doon.

Good morning ma'am bungad na bati niya sa nurse na naroon. 

Itatanong ko lang po sana kung dumating na po si dok.? Sabi po kasi sakin kahapon ngayon daw po babasahin ng doctor iyong result ng lab test ng papa ko. Tanong ni Maureen sa nurse na naroon. 

Good morning din ma'am! sagot ng nurse kay Maureen. 

Antay antay ka nalang po  ma'am padating na rin po si dok ngayon baka po na traffic lang kaya po wala pa siya ngayon pero tumawag na po si dok. kanina na on the way na raw po siya papunta dito ma'am.

Ahh... Okey po ma'am salamat po,saka bumalik nalang ulit siya sa kwarto ng papa niya doon nalang siya mag aantay sa doktor, total ang sabi naman ng nurse kahapon mag-iikot naman ang doktor na iyon para icheck-up ang mga pasyente ninto. 

Pagbukas ni Glazer ng pinto bumungad sa kanya agad ang babaeng naka upo sa gilid

ng higaan at parang ang lalim ng iniisip ninto.

Hindi kasi ninto napansin na binuksan na niya ang pinto at nakapasok na siya...

AHAMMMM...

Miss..excuase me..

Ikaw ba ang bantay ng pasyente?tanong ni Glazer na mahinahon.

Hahh.Ahhh..Ehhh...

Oo...opo ako po sagot ni Maureen sa tanong ng doctor na ngayon ay nakalapit na pala sa kanya ng hindi niya namamalayan..

Bahagya naman nginitian ni Glazer ang babaeng kaharap niya.

Miss kaano ano mo po ang pasyente

tanong ni Glazer na mahinahon sa kaharap niyang babae,kahit alam naman niya ang sagot ay nagsisigurado lang siya kung anak ba talaga ito ng lalaking kinapopootan niya. 

Papa ko po siya dok.sagot ni Maureen na nakayuko dahil nailang siya sa titig sa kanya ng doctor.

Para kasing tumatagos sa pagkatao ko ang titig sa akin ng doctor na ito ehh...buti nalang gwapong doctor siya kung hindi lalaban din ako sa kanya ng titigan. Pero gwapo si dok ehh kaya di ko kayang makipagtitigan sa kanya baka kasi sabihin niya pinagnanasahan ko ang ka gwapohan

niya..sa isip isip ni Maureen habang naka yuko siya.

Miss.what your name?tanong ni Glazer sa nakayukong babae.

Maureen Plonto Maranza po dok...sagot ni Maureen na nakayuko parin..

Ahh...Miss Maranza pag uulit ni Glazer sa apelyedo ni Maureen. 

Ilang taon kana Miss Maranza tanong ulit ni Glazer kay Maureen. 

Ahhh... 2.......20......years old po dok.!

Sagot niya sa doctor habang kunwari inaayos niya ang guso't na sapin ng papa niya para hindi mapansin ng doctor na naiilang siya rito.. 

20 years old not bad sambit ni Glazer. 

Hindi naman isinawalang bahala ni Maureen ang salitang narinig niya sa doctor kaya hindi na agad siya nagdalawang isip na tanungin ito. 

Dok!  Bakit po may masama po ba sa edad kong 20 tanong niyang walang alinlangan sa doctor..

Nagkibit balikat lang si Glazer sa tanong na iyon ni Maureen at sa halip na sagutin ito'y sinimulan na niyang suriin ang sa papa ninto.

Miss Maranza pwede ba kitang makausap sa office ko? Basag ni Glazer sa katahimikan ni Maureen. 

Para saan naman po dok.? Sagot ni Maureen.

Regarding sa result ng mga lab

test ng pasyente at para ma discuss ko na rin sayo kung anung treatment ang kailangan gawin sa pasyente.sagot ni Glazer sa tanong ni Maureen. 

Ahh.... Ganun po ba dok sige po dok saan nga po pala ang office mo dok...tanong ni Maureen kay Glazer.

Sumunod ka sa akin  papunta na rin ako sa office ko ngayon..maotoridad na utos ni Glazer kay Maureen saka lumakad na ito palabas ng kwarto ng papa niya.

Habang papasok siya sa office ni Glazer ay ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib parang hihimatayin

siya sa nararamdaman niya ewan ba niya kung bakit siya nagkakaganon eh kakausapin lang naman siya ng doctor tungkol sa sakit ng papa niya para na siyang tangi ninto sa isip isip niya habang humahakbang papasok ng opisina ng doctor. 

Take your seat Miss Maranza.. Utos ni Glazer sa mahinahon na boses. Habang titig na titig siya sa mukha ng nakatayong si Maureen.

Agad naman umupo si Maureen

sa bakanteng upuang nakita niya na malapit sa table ng doctor.

Before anything else Miss Maranza,l'm doctor Glazer Casion. pagpapakilala ni Glazer kay Maureen.

Saka kimuha ni Glazer ang chart na nakapatong sa table niya.

Delfin Maranza ang pangalan ng patient right?. Tanong ni Glazer sa kaharap.

Yes po dok.sagot ni Maureen sa doctor na kaharap niya. 

Okey....... 

Base sa result ng mga lab test sa

patient malala na ang sakit niya kaya

kailangan na agad siyang maoperahan as soon as possible kasi kung hindi agad siya ma ooperahan maaaring bumigay na ang

katawan niya.paliwanag ni Glazer.

Subrang lala na po ba dok ang lagay ni papa? Tanong ni Maureen 

Well base sa mga result ay ganun na nga ang lagay niya. Sagot ni Glazer kay Maureen. 

Dok. Magkano po kaya ang kailangan

para po maoperahan ang papa ko? tanong ni Maureen na may pag-aalala sa boses ninto

Miss Moranza! tatapatin na kita malaking halaga ang

kailangan para maoperahan ang pasyente. tugon ni Glazer sa tanong na iyon ni Maureen. 

Biglang napayuko si Maureen sa narinig niya mula sa sinabi ng doctor,pinipigilan niyang mahulog

ang mga luhang  niyang kanina pa namumuo sa mga mata niya,paano na kaya ito?anung gagawin ko saan ako kukuha ng perang gagamitin sa operasyon ni papa kung lalapit

naman ako kay Trixia ulit at tita nakakahiya na ang dami na nilang naitulong sa akin simula pa ng bata ako pasanin na nila ako,

hanggang ngayon ba naman kay papa

papasanin pa rin ba nila ang problema,hindi na ako lalapit sa kanila para humingi ng

tulong nakakahiya na sa kanila,pero kanino ako lalapit ngayon naguguluhan na ako,hindi na niya 

napigilan ang pagbagsak ng  mga luha

niya dahil sa sari saring gumugulo sa isipan niya...

Miss Maranza... Miss Maranza.. Miss Maranza tawag ni Glazer kay Maureen habang bakas sa 

boses ninto ang  pag-aalala .

Ba...Bakit po dok sagot ni Maureen na may pagkagaralgal ang boses ninto..

Are you crying Miss Maranza?

Ahh.Ehhh dok napuwing lang po ang mga mata ko  kaya po kinusot kusot ko lang po kaya po nagluluha..

Seryuso ka Miss Maranza sapalagay ko Miss Maranza malinis ang office ko wala kang makikitang kahit bahid ng alikabot kaya't bakit ka naman mapupuwing saka samantalang

medyo nakayuko ka pa nga diyan anung klaseng bagay naman ang nakapuwing sayo ang galing naman pumasok pa talaga sa mga mata mo kahit nakayuko ka  .sagot na

pabiro ni Glazer kay Maureen.

Pinamulahan naman siya ng mukha sa narinig mula  sa doktor, nakakahiya ang sinabi niya bakit

kasi nagsinungaling pa siya dito iyan tulo'y parang nabara pa tulo'y siya 

ninto,totoo naman talaga kasing malinis ang opisina ninto.

Ahh.ehhh...kasi po dok ang totoo po talaga ehhh huwag na ngalang sambit ni Maureen.

Anu ba kasi iyon miss Maranza?tanong ni Glazer

W..... Wala po iyon dok saka pwede na po ba akong umalis dok? Tanong ni Maureen na halatang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. 

Hindi ka pa pwedeng umalis miss Moranza,hindi mo pa sinasabi kung kailan mo papaoperahan ang papa mo?sagot ni Glazer sa pagpapaalam ni  Maureen sa kanya. 

A...... Ang totoo po kasi dok........ 

wala pa po kasi akong sapat na pera na hawak sa ngayon para maoperahan po ang papa ko

pero dok gagawan ko po ng paraan para po maoperahan agad si papa sa lalong madaling panahon,pagkasabi niyon ni Maureen ay agad na siyang tumayo sa pagkakaupo at magpaalam na siya sa doctor para bumalik sa kwarto ng papa niya. 

Miss Maranza tawag ng nurse ng pumasok ito sa kwarto ng papa niya.

Napaligon naman agad si Maureen ng marinig niya ang tawag na iyon sa kanya.. 

Bakit po ma'am tanong ni Maureen sa nurse na tumawag sa kanya.. 

Miss Maranza pinapatawag ka po ni dok sa office niya..wika ng nurse sa kanya. 

Bakit daw po ma'am ako pinapatawag ni dok? tanong ni Maureen sa nurse 

Hindi ko rin po alam ma'am basta po pumunta ka nalang po sa office niya after lunch daw po sabi ni dok.

Ah.. Sige po ma'am pupuntahan ko nalang po si dok mamaya,salamat po.sagot ni Maureen sa nurse. 

Nang makaalis na ang nurse ay mapaisip si Maureen. 

Bakit kaya ako pinapatawag ni dok?

Baka tatanungin nanaman niya ako tungkol sa operasyon ni papa ehh sinabi ko naman sa kanya kahapon nang mag usap kami na wala pa kong pera saka maghahagilap palang ako ngayon nang pera,kaya hindi ko pa rin masasagot kung tatanungin niya ako kung kailan gagawin ang operasyon ni  papa.mapabuntong hininga nalang si Maureen ng mga oras na iyon. 

Nang sumapit na ang 1:00 pm ay mapagdisisyonan na ni Maureen na tunguhin ang opisina ni Glazer.. 

Bahagyang kinatok ni Maureen ang pintuan ng opisina ni Glazer..

Tuloy! bukas iyan boses mula sa loob ng opisina.

Agad naman binuksan ni Maureen ang pintuan at naglakad siya papunta sa bakanteng upuan na malapit sa table ng doktor.

Take your seat Miss Maranza.. maotoridad na utos ni Glazer kay Maureen.

Ahamm...basag ni Glazer sa katahimikan ni Maureen.

Miss Moranza nagtataka ka siguro kung bakit kita pinatawag dito ngayon sa opisina ko?

Ahh kasi dok kung pinatawag mo po ako para tanungin po kung kailan ko papaoperahan si papa ehh hindi ko pa po masasagot iyan sa ngayon,saka tulad po ng sinabi ko kahapon ng mag-usap tayo wala pa po akong sapat na pera talaga dok para paoperahan si papa.paliwanag ni Maureen sa doktor

Excuase me! Miss Maranza! awat ni Glazer sa pagsasalita ni Maureen. 

Pinapunta kita dito hindi dahil tatanungin kita kung kailan mo papaoperahan ang papa mo,kundi pinapunta kita dahil gusto sana kitang tulungan tungkol sa pinansyal na pangangailangan mo para sa operasyon ng papa mo,total nabanggit mo naman kahapon Miss Maranza na wala kang sapat na pera para sa operasyon ng papa mo kaya naisip ko na why not kung tulungan nalang kita sa problema mo wala naman sigurong masama kung tutulongan kita diba?

Ha..Ano!.. ulit iyon dok gusto mo akong tulungan sa operasyon ni papa pero bakit po?tanong ni Maureen na halatang nagulat sa narinig mula sa sinabi ng kaharap niyang doctor.

Yes...exactly! ang narinig mo Miss. Maranza tutulongan kita,pero may kondisyon ang tulong na ibibigay ko saiyo.sagot ni Glazer na seryuso ang mukha habang nakatingin kay

Maureen.

Agad naman kinabahan si Maureen ng marinig niya ang salitang kondisyon....ohhh.... Goshhh..... Kaya siguro niya tinanong ang edad ko kahapon balak siguro niyang gawing parausan ang katawan ko....OMG..... Hindi ko kayang gawin iyon kung sakali sa isip isip ni Maureen pero bahala na nga hindi naman siguro masama kung tatanungin ko siya sa kung anu ang magiging kondisyon niya kung sakaling tanggapin ko ang tulong niya sakin. 

Eh.dok anu naman po ang magiging

kondisyon kung sakaling tanggapin ko ang tulong na ibibigay mo sakin?tanong ni Maureen sa mahinang boses. 

Agad namang sinagot ni Glazer ang tanong na iyon ni Maureen.. 

Simple lang Miss Maranza just marry me.

Ha! Anu po! Dok! ... tama po ba ang narinig ko sayo dok.

pakakasalan kita?..

Tama ang narinig mo Miss Maranza! 

iyon ang magiging kapalit ng tulong na ibibigay ko sayo,marry me at sisiguraduhin kong mapapaoperahan agad ang papa mo! 

Baka naman po nagbibiro ka lang dok.sagot ni

Maureen na bakas sa mukha ninto ang pagkagulat.

Saka paano po tayo magpapakasal ehh ilang araw palang po tayo magkakilala saka hindi po pwedeng magpakasal tayo kasi hindi naman po natin gusto ang isa't isa. 

Hahahahaha................ Hagalpak na tawa ni Glazer

Anu ba kasi ang iniisip mo Miss Maranza? 

pakakasalan kita hindi para sa love o tatayo kang asawa ko kundi pakakasalan kita para maging slave ko alam mo naman siguro ang ibig sabihin ng slave diba? Or ipapaliwanag ko pa rin sayo? gusto kong maging alipin kita o kaya mas magandang term alila kita,alila na kahit anung iutos ko ay gagawin mo at syempre bilang alila ko ay pasasahurin din kita iyon nga lang hindi kalakihan kasi gusto ko rin ang tulong na ibibigay ko sayo kung sakaling tanggapin mo ehh kailangan moring bayaran sakin. Kaya na isip ko lang na pakasalan kita para hindi ka makapagresign kung sakaling sumuko kana sa pagiging alila ko,saka mahirap na baka bigla ka nalang maglaho paggumaling na ang papa mo, kaya kasal lang ang matindi kung panghahawakan para hindi ka umalis sa poder ko pero huwag kang mag-alala pagtapos kanang magbayad sakin agad naman kitang papalayain na mag file agad ako ng annulment para mapawalang bisa ang kasal natin.

Bigla naman nangliit si Maureen sa narinig niya mula sa sinabi ng doctor na kaharap niya.

Pero hindi nalang siya nagpahalata rito. 

Pero dok pwede naman akong pumasok na katulong mo at kahit huwag mo na muna akong pasahurin hanngat hindi ko pa nababayaran sayo ang magiging utang ko kung sakali basta't huwag lang po umabot sa kasalan saka hindi ko naman pong ugaling tumakbo sa mga napag-uutangan ko hindi  naman po ako meyembro ng budol budol para  lukuhin ka.iritadong sambit ni

Maureen sa kaharap na si Glazer..

HA..HAHAHAHAHAHAHA...tawa ni Glazer kung ayaw mo Miss Maranza sa offer ko sayo wala akong magagawa okey lang sakin,desisyon mo iyan wala akong magagawa,sa

akin lang naman eh kung sakaling papayag ka hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo.

Asar na napatayo si Maureen sa kanyang kinauupuan.

Kung wala na po kayong sasabihin dok aalis na po ako!saka padabog na naglakad palabas ng opisina ng doctor si Maureen.

Nanghihinang napa upo sa waiting area ng ospital si Maureen tatlong araw na siyang

naghahagilap ng pera pero bigo pa rin siya lumapit na siya sa kaibigan niyang si Trixia pero hindi parin sapat  ang pera niyang hawak para maoperahan ang papa niya malaking

halaga pa ang kailangan ipunin para mabuo ang perang kailangan sa para sa operasyon ni papa,hayyy..saan kaya ako ngayon pupunta para

makahingi ng tulong hindi ko naman kilala ang mga kamag anak namin simula ng bata pa lang ako wala na akong nakilalang mga kamag anak namin. Ano kaya kung tanggapin ko na iyong offer ni dok.Glazer.

Pagtitiisan ko nalang ang umgali niya kung sakali, huhhh napapilig na ulo si Maureen no way sabay sabi niya sa sarili niya hinding hindi ko tatanggapin ang offer niya,hindi ko sasayangin ang buhay ko sa kanya sino ba siya sa akala niya para gawin niya akong alila niya saka okey lang naman sana na maging katulong niya ako huwag lang niya ako itali sa kasal na gusto niya,ayuko ngang magpakasal na walang love,anu ba sa tingin niya ang kasal laro lang kaya gagawin niya iyon, sayang hinangaan ko pa naman siya sa kagwapohan niya  iyon pala masama naman ang ugali niya....hayy....naku lalo lang akong na stressed sa kanya.... 

Makabalik na nga lang muna sa kwarto ni papa para makapag-isip ako doon kung saan pa ako sakaling pumunta para makahanap ng tulong... 

Bakit ang daming nurse at si dok.Glazer kasama din nila,anung nangyayari sa papa ko bakit parang nagkakagulo sila sa kinahihigaan ni papa.lutang na salita ni

Maureen sa sarili habang nakatayo sa

pintuan ng kwarto ng papa niya.

Miss Bawal po munang pumasok sabi ng isang nurse sa kanya!

Anung mangyayari sa papa ko nurse? anung ginagawa nila sa kanya bakit ang dami nilang nakabalibot kay papa? Maluha luhang tanong ni Maureen sa humaharang na nurse sa kanya.. 

Nag  cardiac arrest po kasi ang patient  ngayon ma'am kaya bawal ka po munang pumasok sagot ng nurse kay Maureen. 

Halos himatayin na siya sa narinig mula sa sinabi ng nurse,hinawakan nalang niya ang seradura ng pintuan para hindi siya mabuwal sa kinatatayuan niya, at ng tuluyan na niyang maisara ulit ang pinto ay hindi na rin ni Maureen napigilan ang pagpatak ng luha niya subrang nag-aalala na siya ngayon sa papa niya hindi na niya alam ang gagawin niya ngayon,tuluyan na siyang pumalahaw ng iyak at na paluhod pa siya sa kakaiyak wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao gusto ko lang mailabas lahat ng luha ko ngayon....

Paglabas ni Glazer ng pinto agad na bumungad sa kanya ang babaeng nagpapalahaw sa iyak.

Huh..... Kulang nalang malupasa'y itong babaeng ito daig pa ang batang inagawan ng candy sa ginagawa niya hindi ba siya nahihiya sa lagay niyang iyan mas matindi pa ang pag iyak niya ngayon kaysa noong nasa ER siya

Parang tanga bulong ni Glazer sa hangin.... 

Miss Maranza.... Miss Maranza tawag ni Glazer kay Maureen... Parang hindi siya ninto naririnig kaya agad niya itong sinigawan.,hoyyyy...... Miss Maureen Plonto Maranza bingi kaba o magbibingibingihan ka lang.

Biglang napatigil sa pag-iyak si Maureen ng marinig niyang may pasigaw na tumawag sa buo niyang pangalan parang kilala niya ang boses na iyon kaya bahagya siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses,napatulala siya ng makita kung sino ang tumawag sa pangalan niya.. 

Goshhh...... Si dok sabi ko na nga bang kilala ko ang may ari ng boses na iyon, kanina pa kaya siya nakatayo sa pintuan,baka kanina pa niya ako tinitingnan na umiiyak..goshhh... Nakakahiya naman ang hitsura ko ngayon... 

Hoyy..... Miss Maranza tutulala ka lang ba diyan at hindi na tatayo sa pagkakaluhod mo diyan para kang bata hindi marunong mag-isip basta makaiyak  wala ng pakialam.salitang mayhalong pagkainis sa boses ni Glazer.. 

Natauhan naman agad si Maureen sa mga sinabi sa kanya ni Glazer agad siyang tumayo at inayos ang sarili niya.. 

Saka walang pag-aalinlangan na tinanong niya dito ang kalagayan ng papa niya..

Dok kamusta na po ang lagay ng papa ko ngayon?anu pong nangyari sa papa ko? Tanong ni Maureen na bakas pa rin sa mukha ninto ang pag-alala.

Well ang masasabi ko lang Miss Maranza okey na ang papa mo ngayon  stable na ang vital signs niya pero remind ko lang sayo ng lalong lumalala ang sakit niya baka sa susunod hindi na niya kayanin ang cardiac arrest niya...kaya bahala kana kung anung desisyon mo sa kanya! Saka lumakad na ito paalis.

Nakatulalang sinusundan lang ng tingin ni Maureen ang papalayong doctor..umiikot sa utak niya ang sinabi ninto na bahala na siya kung anung desisyon niya.... 

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status