Share

Chapter 6

Maagang aalis si manang Chaling ng araw na iyon kaya madaling araw palang ay gising na si Maureen para ipagluto si manang Chaling ng pagkaing ibabaon ninto sa beyahe.

Dahil sa kaabala niya sa pagluluto hindi na niya namalayan na may mga matang nagmamasid sa mga galaw niya.

Ows... Nice early bird naman Maureen excited kabang umalis na si yaya ngayon? parang ikaw ang aalis sa aga mong gumising ha! tanong ko lang sayo Maureen excited ka na rin ba sa gagawin ko sayo pag-alis ni yaya alam mo kasi ako super excited na halos hindi na nga ako makatulog dahil gustong gusto ko na talagang dumating ang araw na masulo na kita! Saka lumapit siya kay Maureen at bahagyang inilapit niya ang labi niya sa tainga ninto  sabay bulong niya ng I can't wait baby sabay halakhak ng tawa niya,Hahahahaha............

Saka lumakad na siya palayo kay Maureen na humahalakhak pa rin ng tawa. 

Gago talaga ang Glazer na iyon!

Paano naman akong magiging excited sa pag-alis ni manang Chaling,bakit palagay ba niya natutuwa ako dahil mag-isa nalang akong utusan niya dito sa bahay niya,saka anung ibig niyang sabihing hindi na siya makapag-antay na dumating ang araw na wala na dito si manang Chaling may gagawin ba siyang hindi maganda sakin tinawag niya pa kong baby,hayyy........kainis talaga ang lalaking iyon habang gigil na gigil siya sa paghihiwa ng karne.

Sinong kinaiinisan mo Maureen at mukhang sa karneng hinihiwa mo ibinuntong ang pagkainis mo dahil parang giniling na ang pagkahiwa mo diyan sa karne. Tanong ni manang Chaling sa kanya. 

Ha.....eh.....wala po iyon manang Chaling.

Huwag mo nalang po pansinin ang sinabi ko,kasi naiinis lang po ako sa lalaki sa palengke kahapon kasi po alam naman niyang marami akong bitbit na pinamili eh binangga po ba naman niya ako,pagsisinungaling niya kay manang Chaling. 

Ah ganun ba iha marami talagang lalaking ganyan ngayon walang respeto,kaya iha sa susunod mag ingat ka lagi paglumalabas kang mag-isa,alam mo namang delikado na ang panahon ngayon.

O.. Opo manang lagi po akong mag-iingat, ikaw rin po manang Chaling mag-ingat ka po sa beyahe mo,saka pala manang pinagluto po kita ng babaunin mong pagkain sa beyahe. Nakangiting sabi niya kay Manang Chaling 

Ikaw talaga iha nag-abala kapa,pero salamat ha ang bait mo talagang bata ka.

Nang makaalis na si manang Chaling ay inihanda na rin niya ang pagkain ni Glazer sa dining table para pagnagutom ito ay hindi na siya ninto tatawagin pa. Aabalahin nalang niya ang sarili niya sa mga gawaing bahay para hindi niya maramdaman ang paglipas ng oras. 

Maureen nasan ka! tawag ni Glazer.

Sir Glazer nandito po ako sa guest room naglilinis po ako sir sagot ni Maureen sa tawag ni Glazer.

Agad na tinungo niya ang guest room para puntahan si Maureen, tanga talaga ang babaeng iyon sinabi ko na kagabi na plansyahin niya ang damit kong gagamitin ngayon sa pagpasok hindi pa pala ginawa, malakas na itinulak niya ang pintuan ng guest room at diretsong tinungo ang kinatatayuan ni Maureen at walang sabi sabing hinambalos niya ang dala dala niyang  damit  kay Maureen wala siyang pakialam kung saan ito tamaan basta gusto niyang mailabas ang pagkainis niya dito dahil sa katangahan ninto. 

S..... Sir tama na po,huhuhuhuhu

Bakit mo po ba ako pinapalo sir wala naman po akong maalala na ginawa kong hindi tama, saka kung hindi mo po sir nagustuhan ang hinanda kong pagkain sayo maghahanda nalang po ulit ako ng bago sir, umiiyak pagkasabi  ni Maureen kay Glazer.

Tanga ka ba oh nagtatanga tangahan lang Maureen hindi sa pagkain na inihanda mo ang ikinagagalit ko sayo kundi ang hindi mo pagsunod sa iniutos ko sayo!, diba sinabi ko sayong plansyahin mo ang damit kong susuotin ngayon ha! Bakit lukot parin ito ha,gusto mo bang lukutin ko pa ito ng husto sayo sa pagmumukha mo?pabulyaw na salita niya kay Maureen, saka hinablot niya ang buhok ni Maureen,saka pasabunot niyang iningudngod ang mukha ninto sa hawak niyang damit,kitang kita niya na nagsama na ang sipon at luha ni Maureen. parang hindi pa  rin siya makuntinto sa ginagawa niya dito kaya't  lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ninto saka binitiwan ng isang kamay niya ang hawak niyang damit saka malakas niyang sinampal sa magkabilang pisngi si Maureen halos mamula ang pisngi ninto sa pagkakasampal niya pero sa tingin niya ay kulang pa rin kaya malakas niyang itinulak ito at sa lakas ng pagkakatulak niya dito ay tumama ang katawan ninto sa gilid ng sofa ang tingin niya kay Maureen ay namimilipit na ito sa sakit pero sa tingin niya ay kulang pa ang natanggap nintong bugbog kaya nilapitan niya ito at sinipa sa sikmura ng makita niya itong namimilipit ng husto sa sakit ay napangisi siya. Nasisiyahan siyang  makitang  namimilipit sa sakit si Maureen, wala siyang pakialam kung nasasaktan ito ngayon,mas masakit pa ang naranasan niya dito.

Dammm.......malakas na bulyaw niya kay Maureen, tumayo kana diyan at huwag mo kong aartihan na kunwari nasasaktan ka dahil hindi tatalab sakin ang drama mo na iyan Maureen malakas na siyaw niya dito. 

O....opo sir huhuhuhuhu.......... 

Umiiyak na sagot ni Maureen, halos hindi na siya makatayo sa sakit ng katawan niya dahil sa lakas ng pagkatama niya sa sofa at pagsipa ninto sa sikmura niya, pero kahit na ang sakit ng nararamdaman niya ay pinilit pa rin niyang tumayo baka mas malala pa ang abutin niya pag hindi niya sinunod  agad ito, tumayo siya kahit na hirap na hirap siyang gumalaw.

Habang nagplaplansya siya ay hindi niya mapigilan ang pagpatak ng luha niya,para lang hindi ko naplansya ang damit niya para nang halimaw ang Glazer na iyon sa galit sakin,wala naman dapat siyang ikagalit pwede naman niyang iiutos sakin na plansyahin ko muna ang damit niya bago ko tapusin ang ginagawa ko kanina humihikbing salita ni Maureen sa sarili niya.

Anung iniiyak iyak mo diyan sigaw ni Glazer ng lumabas ito galing sa banyo nakatapis lang ito ng tuwalya. 

Halos matigilan siya sa pagplaplansya ng paglingon niya dito'y makita niyang nakatapis lang ito ng tuwalya.

Hoyy.... Pagnasunog iyang damit ko dahil sa katangahan mo hindi ako magdadalawang isip na plansyahin ang pagmumukha mo para matauhan ka. 

Sa narinig niya mula kay Glazer ay mabilis bumalik ang ulirat niya at nagmamadaling iniayos ang damit ninto, bakit ba kasi siya natutulala sa nakita niya? Ah  tanga ka talaga Maureen sabi niya sa sarili niya.

Hoy.. Maureen kung tapos kana diyan lumabas kana ng kwarto ko dahil naaasar nanaman ako sa pagmumukha mo, baka kung ano nanaman ang magawa ko sayo paghindi ako nakapagpigil sa sarili ko galit na pagkasabi ni Glazer. 

Pagkarinig niya sa sinabi ni Glazer ay

nagmamadali na siyang lumabas ng kwarto ninto. 

Nakahinga na siya nang maluwag ng umalis na si Glazer ng bahay at kahit na masakit pa ang katawan niya ay pinilit pa rin niyang gawin ang mga gawaing iniutos sa kanya ni Glazer.

Habang abala siya sa pagdidilig ng halaman ay tumunog ang cell phone niya, unknown number,sino kaya itong tumatawag sakin? Huh...bahala ka nga tumawag diyan, wala akong pakialam baka wrong number lang eh saka si Trixia lang naman ang nakakaalam ng number ko,saka ibinalik na niya ulit sa bulsa ng short niya ang cellphone ,hindi tumigil sa pagtunog ang cellphone niya kaya napilitan na siyang sagutin iyon. 

Hellow! Sino po ito?tanong ni Maureen

Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko ano bang pinaggagawa mo diyan at ang tagal mong sumagot,nagtatangatangahan ka nanaman diya, galit na boses ni Glazer sa kabilang linya. 

Halos mabingi ang tainga ni Maureen sa narinig mula sa kabilang linya. 

Ah.. Eh sorry po sir hindi ko po kasi alam na ikaw ang tumatawag sakin kaya hindi ko po sinagot agad. Paliwanag ni Maureen sa kausap

Tanga ka talagang babae ka! Paano mong malalaman na ako ang tumatawag sayo kung hindi mo sasagutin ang tawag ko,bobo ka talaga bulyaw na salita ni Glazer. 

Sorry po talaga sir. Hingi ng paumanhin ni Maureen sa kausap

Tumawag ako sayo dahil sasabihin ko lang sayo na magluto ka ng madaming pagkain mamaya dahil pupunta diyan sa bahay mamaya ang mga barkada ko at diyan na sila sa bahay kakain ng dinner naintindihan mo ba Maureen ang sinabi ko? 

Opo sir naintindihan ko po sagot ni Maureen at itatanong pa sana niya kay Glazer kung anu ang lulutuin ng hindi na niya marinig ang boses ninto sa kabilang linya,binabaan na siya nito bastos talaga ang lalaking iyon nagsasalita pa ko eh wala na pala akong kausap. Hay.. Nakakainis talaga siya.. 

Nagluto siya ng ulam na adobong manok, kare kare at nilagang baboy ito kasi ang sinabi sa kanya ni manang Chaling na paborito ni Glazer na ulam kaya naisip niyang ito nalang ang lutuin niya.

Kakatapos lang niyang magluto ng marinig niyang may bumubusina sa labas, pagtingin niya sa orasan na nasa nakasabit sa wall ay nakita niyang ala sais na pala ng hapon baka ang amo na niyang halimaw ang bumubusina kaya nagmamadali siyang lumabas para buksan ang gate. 

Pagbukas niya ng gate ay nagulat siya ng hindi sasakyan ni Glazer ang nabungaran niya nagmamadali pa naman siyang magbukas hindi naman pala si Glazer,ah baka barkada na niya ito kaya binuksan na niya ng ayos ang gate para tumuloy na ito sa pagpasok.

Hindi na niya isinara ang gate baka kasi parating na rin si Glazer.

Agad nalang niyang tinungo ang parking area para sabihan na hindi pa dumadating si Glazer.

Nanlaki ang mata ni Maureen ng makita niya ang mukha ng lalaking lumabas mula sa sasakyan.

Ku.... Kuya Drick tawag ni Maureen sa lalaking lumabas sa kotse. 

Napalingon naman si Drick sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanya pamilyar kasi ang boses na iyon sa kanya,hindi nga siya nagkamali dahil kilala nga niya ang may ari ng boses na tumawag sa kanya,pero bakit siya narito?tanong ng isip ni Drick. 

Kuya Drick ikaw nga iyan ng makalapit si Maureen dito. 

Owww..Maureen my sweetie pie,bulalas ni Drick ng makalapit si Maureen sa kanya. 

Bakit ka nga pala nandito sweetie pie sa bahay ni Glazer? Tanong ni Drick habang nakakunot ang nuo ninto.

Kuya Drick kasi po magtratrabaho po ako dito sa bahay ni sir Glazer bilang katulong para po may pangtustos po ako sa pagpapagamot kay papa, habang nakangiting sagot ni Maureen kay Drick.

Ah ganun ba kilan kapa dito? kaya pala ilang araw na kitang hindi nakikita kasi nagtratrabaho ka na pala saka biruin mo iyon sweetie pie dito lang pala kita makikita sa bahay ng best friend kong si Glazer, bakit hindi ka nalang sakin nagsabi na kailangan mo pala ng trabaho di sana ipinasok nalang kita sa restaurant ko,nangangailangan pa naman kami ng waitress.

Ah kuya Drick wala pa po kasi si sir Glazer antayin mo nalang po siya sa sala saka ipaghahanda nalang po muna kita ng meryenda pag-iiba ni Maureen sa usapan nila ni Drick. 

Masayang nagkukuwentuhan sina Maureen at Drick ng may tumikhim sa may pintuan.. 

Ahammmm............ 

Sabay silang napatingin sa pinto. napatayo si Maureen ng makita ang madilim na hitsura ng mukha ni Glazer habang nakatingin sa kanila ni Drick. 

Oww... Nariyan kana pala brad,pasensya kana brad maaga akong dumating ngayon dito sa bahay mo kala ko kasi nandito pa si manang Chaling may binili kasi ako sa kanyang pasalubong kaya lang wala na pala siya ngayon dito.bungad na salita ni Drick kay Glazer.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan niyang si Drick dahil ang atensyon niya ay na kay Maureen, shit magkatabi silang magka upo sa sofa mukhang enjoyed na enjoyed silang naghaharutan habang magkatabi ang lakas pa ng tawanan nila.dammm........lumakad siya palapit sa sa sofa at pabagsak na umupo.

Mukhang mag enjoyed ka na kasama ang kaibigan ko Maureen ha!bago palang kayong nagkita hinaharot mo na agad siya ganyang babae ka ba talaga ha!sa boses ni Glazer na halata ang pagkainis ninto. Oh.. Anu Maureen tatayo ka lang ba diyan sa kinatatayuan mo,umalis kana at pumunta kana sa kusina para ihanda ang pagkain namin nasa labas na ang iba kong kasama kaya bilidan mo ang kilis mo. maoturidad na utos ni Glazer kay Maureen.

Easy lang brad mukhang bad mood ka ngayon ah... Biro ni Drick kay Glazer 

Damm... Drick pagod lang ako kaya mainit ang ulo ko.sagot ni Glazer

Sir Glazer nakahanda na po ang pagkain ninyo,nasa dinning table na po.

Wow brad ang ganda ng maid mo ngayon ah kilan kapa kumuha ng batang maid nakangiting tanong ni Kevin habang titig na titig ito kay Maureen. 

Uyyy Kevin tumahimik ka nga diyan asar na sagot ni Glazer dito.

Kumain nalang muna tayo,aya niya sa mga kaibigan. 

Wow ang sarap naman ng pagkain natin bungad ni Kevin ng nakaupo na sila sa mesa, siguradong marami akong makakain ninto mga brad.brad pwede mo bang ipahiram sakin ang maganda mong maid kahit isang buwan lang para naman tumaba ako kasi mukhang masarap siyang magluto pagbibirong salita ni Kevin, no way hindi ko pinahihiram ang pag aari ko na nuh asar na sagot ni Glazer dito. 

Pagtapos nilang kumain ng dinner ay nagkasayahan silang magkakaibigan na uminom ng alak sa mini bar sa dinning room,halos alas dos na ng madaling araw silang natapos mag-inuman at umuwi na rin ang mga ito, pagkaalis ng mga kaibigan niya ay pinagpatuloy pa rin niya ang pag inom ng alak,nakakatatlong shot palang siya ng makaramdam siya ng pagkaboring kaya kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at kinontak niya ang number ni Maureen. 

Hellow sir bakit po? sa tono ng boses ni Maureen na halatang inaantok pa.

Maureen gising kapaba tanong ni Glazer sa mahinahong boses. 

Opo sir bakit po? 

Pwede bang pumunta ka ngayon dito Maureen sa mini bar. 

Pagkarinig ni Maureen ng utos na iyon ni Glazer ay biglang nawala ang antok niya at hindi na niya inintay pa ang ibang sasabihin pa ninto nagmamadaling tinungo niya ang mini bar kung saan siya pinapapunta ninto,pagdating niya sa mini bar ay nakita niyang mag isang nakaupo si Glazer.mag -isa nalang siya siguro umuwi na ang mga kaibigan niya,kaya siguro ako pinapunta niya dito para ligpitin ang mga kalat nila.ahamm..sir Glazer bakit mo po ako pinapunta dito. Nandiyan kana pala Maureen halika dito sa tabi ko umupo ka dito.ha..bakit po sir ako uupo diyan akala ko po kaya mo ako pinapunta dito para magligpit ng kalat ninyo. Hindi Maureen pinapunta kita dito para samahan akong uminom. Sir hindi po ako kasi umiinom ng alak pasensya na po. Diba sabi ko sayo Maureen lahat ng utos ko susundin mo at nasa kontrata natin na kahit anung gawin ko at anung iutos ko sayo ay wala kang karapatang tumanggi malakas na pagkasabi ninto sa kanya. Sa takot niyang magalit nanaman sa kanya si Glazer ay umupo nalang siya sa tabi ninto sinunod nalang niya ang gusto ninto,ininum niya ang bawat tagay na inaabot sa kanya ni Glazer halos mapangiwi siya sa unang tagay niya pero ang mga sumunod na tagay ay parang nasanay na ang lalamunan niya, dahil sa hindi siya sanay uminom ay mabilis siyang nalasing at dahil lasing na rin si Glazer ay kapwa sila tawa ng tawa sa pinagkukukwentuhan nila, ng biglang tumahimik si Glazer at sumeryuso ang mukha ninto,dahil sa kalasingan hindi na siya nag isip bigla nalang niya itong biniro,sir mukhang seryuso kana diyan ha,gusto mo bang pasayahin kita ngayon para mawala ang mga iniisip mo sabay hagalpak ng tawa ni Maureen.ganyan kaba talaga Maureen ilang lalaki naba ang dumaan sa buhay mo at madali lang sayo ang makipaglandian. Sa sinabi ni Glazer ay parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo at dala na rin siguro ng alak hindi na niya napigilan ang sarili na sampalin ito sa pisngi halos manula ang mukha niya sa galit dito, wala kang karapatang insultuhin ako sir Glazer at lilinawin ko sayo na kahit isang lalaki ay wala pang dumaan sa buhay ko at kahit kailan ay hindi ako nakikipaglandian sa mga lalaki kung iyan ang tingin mo sakin wala akong pakialam basta't alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang mali. Pabulyaw na pagkasabi niya kay Glazer. 

Hahaha.......... Tawang malutong ni Glazer. 

Talaga Maureen hindi ka talaga makikipaglandian eh anu pala iyong naabutan ko kaninang ginagawa ninyo ni Drick,hindi ba iyon paglalandi eh kulang nalang kumandong ka sa kanya sa subrang dikit ninyo sa pagkakaupo saka siguro kung late pa kong dumating malamang na pumayag kana ding ikama ni Drick tapos ngayon sasabihin mo sakin na hindi ka malandi na wala pang lalaki ang dumaan sa buhay mo, hindi ako bobo Maureen para maniwala sayong malinis kapa. 

Wala kang alam sa buhay ko sir Glazer kaya wala kang karapatan na paratangan ako ng ganyan dahil hindi mo alam ang totoo kong pagkatao,saka lilinawin ko lang sayo na wala kaming ginagawang masama ni Drick iyong nakita mo kanina nagkukuwentuhan lang kami saka ano bang masama kung makipagkwentuhan ako kay Drick bakit pati ba ang pakikipag usap ko sa iba eh kasama din sa kontrata natin na bawal ha.

Talagang hindi ko pa alam ang pagkatao mo Maureen,kaya nga kahit magsinungaling kang malinis pa at hindi malandi ay hindi ako naniniwala dahil diba nga ikaw na rin ang nagsabing hindi ko alam takbo ng buhay mo.madiin na pagkasabi ni Glazer. 

Halos magpintig ang tinga ni Maureen sa paulit ulit na paratang sa kanya na malandi siya kaya akmang sasampalin niya ulit si Glazer pero sa pagkakataong iyon ay nasalag na ni Glazer ang kamay niya at bila siya nintong kinabig at siniil ng halik sa labi dahil sa pagkabigla ay hindi siya agad nakagalaw pero ng naramdaman niyang lalong lumalalim ang halik ninto sa kanya at halos kapusin na siya ng hininga sa pagkakataon na iyon ay bigla na siyang natauhan kaya tinulak niya ito pero hindi sapat ang kanyang lakas para makawala siya rito. 

Ilang minuto rin tumagal ang paghalik sa kanya ni Glazer at nang mahiwalay ang mga labi kapwa sila hinihingal.

Masarap ba ang halik ko Maureen habang nakangiti itong nakatitig sa mukha niya, maniniwala lang akong malinis ka kung ako mismo ang makadiskobre niyon Maureen, sabay tawa ninto haha..........

Gusto mo talagang patunayan ko sayo ha! sir Glazer na mali ang iniisip mo sakin, pwes papatunayan ko iyon sayo ngayon saka hinalikan niya sa labi si Glazer. 

Comments (11)
goodnovel comment avatar
Mia Catubig Minao Samar
please unlocked for free please
goodnovel comment avatar
Cha Bhonz
next please
goodnovel comment avatar
Eris Galman
walang kwenta 7 chapter plang kelangan na ng coins .. hay .. pera nlng tlga ngpapatakbo sa buong mundo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status