Share

Chapter 11

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila Katya at Kaiser matapos maikwento lahat ng binata ang mga pangyayari noon.

"Alam mo rin bang may anak ako sa kanya?" ani Katya sa mga nanginginig na mga labi.

"Yeah. I know. Naalala mo ba ang mga pangyayari noon doon sa palengke sa probinsya na pinuntahan mo? Naalala mo pa ba ang pera na nailagay noon sa bag mo?"

At paano naman niya makakalimutan ang pangyayari na iyon? Kahit na ilang taon pa ang magdaan ay hindi niya iyon kailan man mawawala sa kanyang isipan.

Tiningnan niya saglit si Kaiser at nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. "I-Ikaw ba ang naglagay ng pera sa bag ko?" bulalas niya.

Kalmadong tumango ang binata. "Since that day, I felt responsible for what my cousin did. Kaya lagi kitang pinapabantayan lalo na nang malaman ko na buntis ka. I want to make sure that you are okay and the child that you are carrying that time. Gusto ko sanang magpakilala sa iyo noon pero nag-aalala ako na baka matakot kita at makasama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status