Share

Chapter 2

Sunod-sunod na d*****g si Katya nang maramdaman ang matinding pananakit ng kanyang buong katawan.

Ano ba ang nangyari at parang binugbog ang pakiramdam niya?

Nasa kwarto siya pero rinig na rinig niya ang galit na galit na boses ng kanyang mga magulang mula sa labas. Akma sana siyang tatayo upang magtungo sa banyo nang sumidhi ang matinding kirot sa pagitan ng kanyang mga hita.

Napabalik siya sa kama sa nanlalaking mga mata. Bakit masakit ang parte ng katawan niya doon? Nangingitim din ang ilang parte ng balat niya.

Sinusubukan na alalahanin ni Katya kung ano ang nangyari nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at pumasok ang Papa niya na madilim ang mukha.

"Pa—"

"Malandi kang babae ka!"

Tumabingi ang ulo niya at halos mabingi siya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Agad na tumulo ang mga luha niya. Hindi pa siya nakakabawi nang sinubunutan siya ng kanyang ama at kinaladkad palabas ng kanyang kwarto.

"Ang paalam mo kahapon ay may meeting ka! Pinayagan kita pero lumipas na ang buong gabi ay hindi ka pa rin umuuwi! Hindi ka rin matawagan! Tapos ano? Makikita ka na lang namin sa labas ng pintuan na natutulog? Masyado ka bang nasarapan at hindi mo na magawang pumasok ng bahay?!"

Sunod-sunod siyang umiyak habang umiiling. "Hindi ko po alam kung ano ang nangyari. M-May kumidnap po sa akin—"

Humalakhak ang kanyang ina na si Brenda. "Kumidnap? At sino naman ang magkakainteres na kumidnap sa iyo? Huwag ka nang magkaila dahil kitang-kita namin ang ebidensya! Walang hiya naman, Kat! Inalagaan ka namin ng maayos para sa lalaking nakatakda para sa iyo pero heto at nagpariwara ka? Isa kang kahihiyan! Hindi naman ako malandi pero bakit ganyan ka?!"

Walang magawa si Katya kundi ang umiyak. Gustong-gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili pero alam niyang wala rin naman iyong silbi. Ayaw man lang na alamin ng mga ito ang totoong nangyari at pinaratangan pa siya ng kung anu-ano. Sobrang sakit na wala man lang pakialam sa kanya ang kanyang mga magulang.

Hinablot ng kanyang ama ang braso niyang nananakit at mariin iyong pinisil. "Pasalamat ka at darating ngayon si Mister Lim dahil kung hindi ay baka madagdagan ko yang mga pasa mo sa katawan."

"Magbihis ka at ayusin mo yang sarili mo. Bibisita dito ang mapapangasawa mo at ayaw kong makita na ganyan ang pagmumukha mo. Pakitinguhan mo siya ng mabuti kung ayaw mong samain sa akin mamaya."

"You disappointed me, Katya. Akala ko pa naman ay matino kang babae," puno ng pagkadiri na wika ng kanyang ina.

Nang mawala na ang mga magulang sa kanyang harapan ay nagtatakbo siya papasok sa loob ng kanyang kwarto at doon ibinuhos lahat ang kanyang mga luha.

Naalala na niya ang lahat ng mga nangyari. Sa bakanteng bodega, ang isang lalaki na malabo sa kanyang paningin at kung paano siya nito inangkin.

Nandidiri siya sa kanyang sarili dahil sa kinahinatnan niya. Nakaka trauma. Ngunit kung hindi niya ito tatanggapin at lalagpasan ay baka mabaliw siya. Kailangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa dahil wala siyang ibang aasahan na tutulong sa kanya kahit na ang sarili niyang mga magulang.

"Ito ang anak na sinasabi ko sa iyo, Mister Lim," pagpapakilala ng kanyang Papa sa matandang lalaki na kanilang kaharap.

Ngumiwi si Katya. Mas gugustuhin na lang niya na kumuha ng tali at magbigti kaysa sa magpakasal sa matandang ito! Jusme, para na niya itong Lolo!

Nakasuot ito ng itim na business suit. Panot ito at bilugan ang mga mata. Maliit na nga, ang laki pa ng tiyan! Buntis ba ito?

Humagikgik ang tinawag na Mister Lim na siyang lalong ikinangiwi ni Katya. Para itong nuno sa punso na naglalakad sa mundo ng mga tao.

"Maganda anak mo personal. Mas ganda sa litrato iyo bigay," sabi ni Mister Lim.

Muntik na siyang matawa kung hindi lang siya siniko ng kanyang ina. Purong intsik nga pala ito kaya ganun na baluktot ang salita. Dito sa Pilipinas ang napili nitong pagpatayuan ng mga negosyo dahil mas lalago raw ang pera niya dito.

"Ako swelte sobrang ganda mapangasawa," natutuwa nitong wika at bahagya pa siyang nilapitan.

Napaatras si Katya pero naging maagap ang Papa niya upang pigilan siya.

"Kausapin mo. Magpakilala ka. Subukan mong pumalpak at tatamaan ka sa akin," mariin nitong bulong kaya kahit na ayaw niya ay wala siyang magagawa kundi ang sumunod.

"M-Magandang tanghali po. Ako po si Katya."

Maagap na hinawakan ni Mister Lim ang kanyang kamay at pinisil at inamoy iyon. Kinilabutan siya. Sinubukan na hilain ni Katya ang kanyang kamay pero ayaw na pakawalan iyon ng matanda!

"Gusto ko tawag mo ako sweethalt."

Malakas na hinila ni Katya ang kamay at dahil hindi iyon inaasahan ng matanda ay muntik na itong masubsob sa sahig.

"Katya!" galit na boses ng kanyang mga magulang.

Tumawa si Mister Lim kaya natigil ang dalawa sa akmang pangdedesiplina sa kanya.

"Ikaw gusto ko sobla. Gusto ko kasal agad tayo sunod na buwan."

Hindi lang si Katya ang natigilan sa gulat kundi pati na rin ang kanyang mga magulang. Biglang lumiwanag ang mga mukha ng mga ito at inulan ng mga papuri si Mister Lim.

Nahahapo siyang umupo sa sofa. Sa sunod na buwan na ang kasal nila? Akala niya ay sa sunod na taon pa? Bakit bigla-bigla naman ata? Makakatakas pa ba siya?

Naglandas ang mga luha sa pisngi ni Kaya sa kawalan ng pag-asa.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan na babae ka? Dapat nga ay magpasalamat ka pa na pinaaga ni Mister Lim ang kasal niyo!"

"Kayo lang naman ang may gusto na makasal ako sa kanya. Hindi niyo man lang tinanong kung gusto ko ba siya—"

"Gaga ka ba? Hindi kailangan ang opinyon mo dito! Mawawala ang negosyo natin kung hindi ka magpapakasal sa kanya! At ayaw mo ba nun? Magiging Donya ka! Hihiga ka sa salapi! Ginagawa rin naman namin ito para sa iyo!" sumbat naman ng kanyang ina.

Umiling si Katya at tahimik na umiyak. Bingi na ang kanyang mga magulang. Simula pa noon ay ang mga ito na ang nagdedesisyon sa buhay niya. Makasarili ang mga magulang niya na pati ang kaisa-isang anak ng mga ito ay kaya nilang isakripisyo.

Isang araw din na nagpagaling si Katya. Bukod sa masakit ang kanyang katawan ay natatakot na siyang pumasok. Natatakot siya na baka maulit muli ang nangyari sa kanya.

Niyakap ni Katya ang sarili habang naglalakad sila pauwi ni Juliet.

"May problema ka ba, Kat? Noon ko pa napapansin na lagi kang matamlay at walang buhay," puno ng pag-aalala na wika ng kaibigan.

Umiling siya. Hindi niya sinabi dito ang nangyari sa kanya. Walang nakakaalam na nagahasa siya. Ang tingin naman ng mga magulang niya ay may lalaki siya kaya simula ng araw na iyon ay bahay at paaralan lang siya.

Busy na rin ang mga ito sa paghahanda ng nalalapit niyang kasal. Gusto niyang maiyak sa sitwasyon na kinakaharap niya.

Kinabukasan ay nagising si Katya na parang hinahalukay ang sikmura niya. Natutop niya ang bibig at dali-dali na tumakbo papuntang banyo. Itinulak pa niya ang Mama niya na naglilinis doon at nagsimulang magsusuka.

Dumilim naman ang mukha ng ina ni Katya habang pinagmamasdan ang anak. Nabitawan pa nito ang hawak na panglinis.

"Bakit ka nagsusuka na umagang-umaga? Buntis ka?"

Hindi agad nakaimik si Katya. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Naalala niya ulit ang nangyari noon ng gabing iyon. Tuluyan na siyang humagulgol nang maisip na maaaring nagbunga nga ang nangyaring panggagahasa sa kanya noon.

"Buntis ka?!"

Marahas na niyugyog ng kanyang ina ang kanyang balikat habang todo ang pag-iling niya. Kahit na alam niyang iyon nga ang totoo ay ayaw niyang tanggapin, ayaw niyang umamin. Natatakot siya na baka itapon siya ng mga magulang palabas sa kanilang pamamahay.

"H-Hindi po. Masakit lang po ang ulo ko kaya—"

"Sinungaling! Lumandi ka na nga, hindi ka pa nag-iingat! Hindi man lang ba naisip ng lalaki mo na bumili ng condom?! Mga iresponsable!"

"Ano ang nangyayari dito? Umagang-umaga ay ang iingay ninyo!" Pumasok ang kanyang Papa sa banyo na lalo lang na ikinahagulgol niya ng iyak.

Binato siya ng kanyang ina ng tabo sa sobrang gigil.

"Iyang anak mo, buntis! Kapag nalaman ito ni Mister Lim ay paniguradong iuurong nito ang kasal!"

"Ano?" Nahintakutan si Katya nang lumapit sa kanya ang kanyang ama.

"Ipalaglag mo iyan," madiin ang boses na sabi nito.

Namilog ang mga mata niya. "P-Po?"

"Ipalaglag mo iyang nasa tiyan mo! Mawawala sa atin si Mister Lim. Kailangan mo iyang tanggalin bago pa niya ito malaman."

"P-Papatayin ko ang bata? Pero—"

"Anong pero?! Nakikinig ka ba, Katya? Ang kabuhayan natin ang nakasalalay dito! Isipin mo naman kaming mga magulang mo!"

"Huwag ka nang pumasok ngayon. Dito ka lang sa bahay at maghahanap ako ng pwedeng magtanggal iyang nasa tiyan mo," malamig ang boses na wika ng kanyang Papa. Hindi ito sumisigaw kaya alam niya na seryoso na ito ngayon.

Tiningnan ni Katya ang kanyang ina upang humingi ng tulong pero hindi na niya itinuloy nang makita ang pandidiri sa mga mata nito.

Nagyuko ng ulo si Katya at tahimik na umiyak. Hindi siya makapaniwala na magagawa ng kanyang mga magulang na ipalaglag ang nasa tiyan niya. Ganun na ba sila kawalang puso?

Bumalik si Katya sa kanyang kwarto. Dumako ang tingin niya sa maleta at natulala saglit. Binuksan niya ang kanyang closet at mabilis na nag-impake.

Kailangan na niyang umalis bago pa mahuli ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status