Malaki ang ngiti ni Katya matapos ang interview niya. Nasabihan na rin siya na nakuha na siya sa trabaho at magsisimula na rin agad siya kinabukasan.
Pagkatapos nun ay nagkaroon ng kaunting briefing sa kanila na mga baguhan na empleyado. Pinagpili pa sila kung day o night shift ba ang gusto nila. Mas malaki man ang sahod sa night shift pero pinili pa rin ni Katya ang day shift para mabantayan ang kanyang anak."Yey! Ang sarap nitong cake, Mommy!" masaya na wika ni Connor habang nilalantakam ang cake na binili niya pauwi. Naisipan lang niya na bumili para ipagdiwang kahit papaano ang mga masasayang nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw."Tama na iyang nasa plato mo, Con. Hindi pwede sa iyo ang kumain ng madaming matatamis. Bukas na lang itong iba, okay? Babaunin mo na lang sa school.""Yes po."Nangalumbaba si Katya at pinagmasdan ang anak na kumakain. Hindi naging madali ang pagiging single parent niya pero nakatulong ng malaki ang pera na nakuha niya noon. Hindi na siya nakapagtapos pa ng college. Gustuhin man niyang ituloy ito pero hindi na iyon kasya pa sa oras niya. Ibubuhos na lang niya ang lahat ng kanyang panahon sa pagtatrabaho upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.Alas nwebe man ang oras ng trabaho ni Katya pero alas syete y medya pa lang ay gumayak na sila paalis para sa klase ni Connor. Meron na rin siyang nakausap na tricycle driver na maghahatid sundo sa kanila ng anak."Alam niyo na kung ano ang magiging trabaho niyo. May experience na kayo kaya kayo ang nandito. Huwag kayong tatanga-tanga kung ayaw niyong masisante. Importante lahat ang mga customers natin at kadalasan na kumakain dito ay mga kilala at mayayaman na mga tao. Malalagot kayo sa akin kapag pumalpak kayo," masungit na salita ni Mrs.Santos, ang head waiter nila.Sunod-sunod na tumango ang mga kasamahan ni Katya. Bali-balita kasi kung gaano ka-terror si Mrs. Santos, ipapahiya ka talaga sa harap ng madaming tao kapag pumalpak ka.Hindi man ito ang unang beses na magtatrabaho siya bilang waitress pero kinakabahan pa rin siya.Iba ito sa dati na pinasukan niya noon. High class restaurant ito, mamahalin ang lahat ng mga pagkain at inumin at halos lahat ng mga gamit ay babasagin. Nakakatakot ang gumalaw."Dali, Katya. Kunin mo ang order doon sa table five. Kabilin bilinan sa atin na huwag paghintayin ang ating mga customers sa pagkuha ng mga orders nila," wika ng katrabaho ni Katya na busy din.Mabilis siyang nagtungo sa table five. Malapit na kasi ang tanghalian kaya dumarami na rin ang mga nagsisidatingan upang kumain. Kung hindi mga naka-business attire at corporate suit ay puro mga pormal ang damit ng mga ito.Sa pagmamadali ni Katya na lumapit sa mesa ay hindi niya napansin ang biglaang paglitaw ng paa sa harapan niya upang patirin siya.Napasubsob sa sahig si Katya. Tumilapon ang hawak niyang tray at malakas na tumama iyon sa binti ng babae sa kabilang mesa."Ouch! My leg!""Katya!"Humahangos na dumlao ang kanyang mga kasama upang tulungan siya nang biglang may humablot sa braso niya at itinayo siya. Nasindak si Katya nang bumungad sa kanya ang mabagsik na mukha ng isang lalaki."You idiot waitress! Bago ka ba dito huh?! Katatapos lang ng leg therapy ng girlfriend ko pero mukhang sisirain mo pa! Alam mo bang kulang pa ang dalawang buwan na sahod mo sa isang session niya?!"Bumaling siya sa babaeng umiinda sa sakit. Doon niya natanto na nakaupo nga ito sa wheelchair. Nanlamig ang pakiramdam niya."I-I'm sorry, Sir. Hindi ko po sinasadya. May pumatid kasi sa akin kaya—""Stop making excuses! Gagawa ka pa ng kwento upang hindi mapagalitan? Nasaan ang manager mo? Kailangan ko siyang makausap upang ipatanggal ka!"Mabilis itong pinigilan ni Katya. "S-Sir huwag po. Kakasimula ko lang po—""Then that explains your stupidity! Hindi ka dapat—""What's happening here?" isang baritonong boses ang narinig mula sa kanyang likuran.Maluha luha na si Katya dahil sa labis na kahihiyan na natamo. Hindi niya inakala na ganito pala ang mangyayari sa unang araw niya. Gusto na lang niya na lamunin siya ng sahig."Itong tangang waitress kasi na ito—""`Will you stop shouting? Maririnig ka pa rin naman siguro ng lahat kahit hindi ka sumigaw," wika naman ng bagong dating na lalaki.Naramdaman ni Katya na tumabi ito sa kanya pero hindi niya kayang mag-angat ng mga tingin."Oh my gosh! Anong nangyayari dito? Katya! Ano ka ba naman! Hindi ba ang sabi ko ay walang tatanga tanga sa oras ng trabaho?! Tingnan mo tuloy ang nangyari!"Bahagyang nag-angat ng tingin si Katya at nakita na humahangos palapit ang kanilang head waitress. Halata sa mukha nito ang panggigigil sa kanya."Ano pang tinutunganga mo diyan? Gumagana ba talaga yang utak mo? Dali! Humingi ka ng tawad—"Nabitin sa ere ang sinasabi ni Mrs. Santos nang mapatingin ito sa kanyang tabi. Natigilan ito at biglang namuti ang buong mukha."M-Mister Del Valle!" bulalas nito at bahagya pang napaatras."I didn't know na ganito pala ang pananalita at paraan ng pangdedesiplina ng mga trabahador ni Dad sa kapwa nila empleyado. What happened? Hindi lang niya natututukan ang branch na ito pero ganito na ang nangyayari?"Doon na naglakas ng loob si Katya na tingnan ang matangkad na lalaki sa tabi niya. Seryoso ito at sobrang lamig ang mga mata nito na nakatingin sa lalaki at sa head waitress na nasa harap nila."Fvck. It's Dallas!" rinig niyang bulong sa may pinakadulong mesa."You." Itinuro ni Mr.Del Valle ang lalaki na namumutla na rin sa takot. "Get the fvck out of this restaurant."Hindi na kailangan pa ng isang salita at mabilis na itinulak nito ang wheelchair ng girlfriend at nagmamadaling lumabas ng kainan."And you, whoever you are," sunod naman na wika nito kay Mrs. Santos. "This is your last day at work. Ayaw ko sa mga taong katulad ninyo, mga bastos at balasubas na magsalita. Sinisira niyo lang ang reputasyon ng restaurant ni Dad."Naitulos sa kinatatayuan si Katya dahil sa mga naririrnig galing sa lalaki. Ang head waitress naman nila ay parang papanawan na ng ulirat pero nagawa pa rin nitong humingi ng tawad at magmakaawa."P-Patawarin niyo po sana ako, Mr. Del Valle. Nadala lang ako ng emosyon ko kaya—""That's more reason for me to fire you. Madali ka lang na pangunahan ng emosyon mo at hindi iyon maganda. You are their leader. You should know how to handle your team including your own emotions. I'm sorry but I won't change my mind," kalmado ang boses na wika nito pero puno iyon ng awtoridad.Bagsak ang mga balikat na umalis si Mrs. Santos. Tumingin sa paligid si Mr. Del Valle at sapat na iyon upang bumalik ang lahat sa naudlot na pagkain.Mabilis na nagyuko ng ulo si Katya sa harap nito. Natitiyak niyang siya ang isusunod nito kaya uunahan na niya. Hindi siya tanga para hindi maanalisa na anak ito ng may-ari ng restaurant na ito."P-Pasensya na po kayo Sir sa komosyon na nangyari dahil sa akin. Hindi na po ito mauulit." Katapusan na niya talaga kapag tanggalin din siya nito sa trabaho."Why are you apologizing? Accidents happens everywhere and this is not a new case. Next time, kapag may pumatid sa iyo, siguruhin mong hindi lilipad ang tray na hawak mo para may ihahampas ka sa ulo ng taong nangti-trip sa iyo."Nalaglag ang panga ni Katya habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Tama ba ang narinig niya mula dito? Mukha itong makatwiran na tao pero binibigyan siya nito ng permiso na hampasin ang kanilang mga customers sa ulo?Seryoso ba ito?!"Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero
Makalipas ang ilang sisid ay nagpasya nang umahon sa dagat si Katya upang uminom sandali. Meron kasi siyang nakita kanina habang lumalangoy siya na nagtitinda ng fresh buko juice. Ang kasama naman niyang si ma'am Venus ay nasa lounging chair at may kausap sa cellphone.Nagpunas muna siya ng basang katawan at kumuha ng pera bago lumapit sa nagtitinda. Medyo may kahabaan ang pila kaya natagalan din siyang nakatayo. Habang naghihintay ay pasimple naman niyang inaayos ang suot niyang swimsuit. Naiilang talaga siya ng todo. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay lalong nahubog ang bawat kurba ng kanyang katawan.Lingid sa kaalaman ni Katya ay may isang pares ng mga mata na nakatingin sa kanya mula sa 'di kalayuan."Hold my beer. Bibili lang ako ng buko juice."Nalilito naman na tumingin dito ang kasama. "Buko juice? I thought you hate buko juice? Bakit ka iinom kung ganun?""Just shut up and hold my beer for me," wika ng lalaki at naglakad palapit sa maliit na kumpol ng nagtitinda ng buko
Dali-daling bumaba ng hotel si Katya nang makatanggap ng tawag na nahulog daw sa swimming pool ang anak niya. Hindi na niya isinama ang anak kanina dahil panatag ang loob niya na iwan ito dahil kasama naman nito ang ama nito. Mali siguro na ipagkatiwala niya dito si Connor. Ano ba ang ginagawa ni Gio at pinabayaan ang anak nila?Ngunit pagdating niya doon ay wala siyang makitang pamilyar na mga mukha kaya nagtanong na siya sa mga employee doon."Excuse me sir. Nakita niyo po ba yung batang nahulog dito sa swimming pool? Ako po yung nanay niya.""Ah. Dinala na po sa clinic," anito sabay turo sa banda kung nasaan ang clinic. "Huwag po kayong mag-alala ma'am dahil wala namang masamang nangyari sa anak niyo. Wala pa nga atang sampong segundo nang tumalon ang asawa niyo upang iligtas ito."Itinikom ni Katya ang bibig. Aba'y dapat lang na gawin ni Gio iyon dahil ito ang nagbabantay sa kanilang anak. "Hindi ko siya asawa," pagtatama niya dito. Mahirap na kapag may kumalat na hindi tamang ba
"Con, busy ang Tita Shannon mo. At tingnan mo naman ang suot ko, nakakahiya naman na magpa-picture na ganito ang ayos ko," sita niya sa anak dahil kitang-kita niya ang reaksyon ni Shannon kanina. Siya tuloy ang nahihiya na ginawa pa itong photographer ng anak niya."That's fine, mommy! You are still pretty!" maktol naman ng anak."Okay ka lang?"Binalingan ni Katya si Gio nang marinig itong magsalita. Nasa tabi na ito ni Shannon at tinitingnan kung may problema ba ang dalaga."I-I'm fine. Bigla lang na sumama ang pakiramdam ko.""Gusto mo bang bumalik na lang tayo sa hotel?" suhestiyon ni Gio."No. Kaya ko ito. Hindi naman gaanong kalala.""Sigurado ka? You shouldn't force yourself kung hindi mo kaya," ani Gio na puno ng pag-aalala. Sobrang lambing din ng boses nito.Nag-iwas naman ng tingin si Katya sa dalawa. Biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung para saan iyon."I'm sorry, Tita Shannon. Hindi ko alam na masama pala ang pakiramdam mo," nakokonsensya naman na singit n