"Mommy, will I meet new friends there? I don't want to leave our home," nakanguso na wika ng anak niya habang nakapangalumbaba ito na nanunuod sa ginagawa niya.
Tumigil si Katya sa pag-eempake ng kanilang mga gamit at tiningnan ang anak. Bahagyang namumugto ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Ayaw ng anak niya na umalis sila sa lugar na ito pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Palaki na ito. Hindi na sasapat pa ang maliit niyang sahod para sa kanilang dalawa. Kailangan na nilang bumalik sa siyudad.Nilapitan ni Katya ang limang taong gulang na anak. "Of course baby. Ang cute cute mo kaya. Siguradong madami ang gustong makipagkaibigan. sa iyo," aniya at marahan pa na pinisil ang tungki ng ilong nito.Sobrang gwapo ng anak niya. Abo ang kulay ng mga mata nito at sobrang tangos din ng ilong. Doon niya natanto na magandang lalaki ang ama nito. Bahagya pa siyang nagtatampo noon dahil wala man lang nakuhang pisikal na katangian ang anak sa kanya ni isa. Magaling din itong magsalita ng English na para bang natural lang ito dito.Dahil sa nakikita niya sa kanyang anak ay bahagya siyang nagkakaroon ng ideya tungkol sa kung ano ba ang itsura ng ama nito.Lumabi si Connor habang naiiyak. "Promise?"Natawa si Katya at itinaas ang kanan na kamay. "Promise."Nahirapan talaga siya na hikayatin ang anak sa una pero nadaan niya ito sa paglalambing at kaunting mga pambobola. Sigurado naman siya na magkakaroon agad ito ng mga kaibigan sa bagong lugar at paaralan na lilipatan nila."Mom, when will I get to see my Daddy? Kailan siya uuwi dito sa Philippines?"Hindi agad nakatugon si Katya sa anak. Simula kasi ng magkamuwang ang anak sa mundo ay lagi siya nitong kinukulit kung nasaan daw ang Daddy nito. Kinder palang si Connor ay inggit na inggit na ito sa mga kaklase na hatid sundo ng kanilang mga tatay.Gustong gusto nito na magkaroon ng ama kaya gumawa na lang siya ng kwento na nasa abroad ito at nagtatrabaho. Ayaw niyang magsinungaling pero ayaw din niyang saktan ang anak. Hindi rin niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang mga nangyari. Masyado pa itong bata upang maintindihan ang lahat."My Daddy is so handsome!" proud pa nitong wika sabay pakita ng hawak na litrato.Napangiwi siya lalo na nang maalala kung saan niya nakuha ang larawan na iyon. Nabukalkal lang niya iyon sa pinakamalalim na parte ng internet at ni hindi niya alam kung sino ba ang lalaking iyon.Mabuti na lang at sakto na tumawag si Karen para makaiwas siya sa mga tanong ng anak.Bago sila umalis ay nagkaroon muna sila ng kaunting salo-salo na magkakaibigan. Nalulungkot din si Katya dahil magkakahiwalay na sila pero alam niyang ito ang mas makakabuti para sa kanila ng anak."Ano po? Bakit ngayon niyo lang po ito sinabi? Ako naman ang nauna ah. Nakapagbigay na rin ako ng down payment," ani Katya na hindi makapaniwala.Sa tabi niya ay ang anak niya na nakamaang sa ginang. Sa likod naman nila ay ang mga gamit na dala nila."Emergency kasi eh. Nasunog kasi ang bahay nila kaya ibinigay ko na lang para may matirhan ang buong pamilya. Kawawa naman kasi sila," anang ginang na nakaiwas ng tingin sa dalaga.Nalaglag ang mga balikat ni Katya. "Pero paano na kami ng anak ko nito?" aniya sa mababang boses.Akala niya ay magiging okay ang lahat sa paglilipat nila pero ito pala ang madadatnan niya. Ang ikinakasama pa ng loob niya ay hindi man lang ito ipinaalam ng ginang para kahit papaano sana ay nakapaghanap siya ng ibang apartment."I don't like her, Mom. She looks like manloloko," ani Connor na hindi na niya inabala pang sinita."P-Pasensya ka na talaga, hija." Iyon lang at isinara na ng ginang ang gate.Gustong magwala ni Katya at magsisigaw pero papagurin lang niya ang sarili niya kapag ginawa niya iyon kaya pilit siyang kumalma.Mahina na hinila ni Connor ang kamay ng ina at umambang may ibubulong. Nakuha naman agad iyon ni Katya at dumukwang upang marinig ang sasabihin ng anak."This place looks scary. Look at those people. Umalis na po tayo dito."Nahimigan ni Katya ang takot sa boses ng anak kaya mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Budget friendly lang kasi ang apartment na nahanap niya kaya hindi na siya nagtataka na ganito ang paligid."D-Don't worry, baby. Maghahanap tayo ng ibang matutuluyan—""Hi, Ma'am! Kailangan niyo ba ng bagong malilipatan? Saktong-sakto, may malaking discount kami ngayon para sa inyo!"Nilingon ni Katya ang lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi nila. Mukha itong ahente sa suot na business suit, malaking salamin sa mata at may hawak pang attache case."Detective Conan!" bulalas ni Connor na siyang ikinasinghap niya. Kahit kailan talaga itong bibig ng anak niya.Bago pa makapagsalita si Katya ay may inabot na ang lalaki na pamphlet sa kanya."Seventh anniversary namin ngayon Ma'am kaya malaki ang pa-discount namin sa mga kukuha ng penthouse ngayong buwan na ito," anito na tuwang-tuwa sa anak niya."Penthouse?! Wala akong pera—""Eighty percent discount po sa inyo Ma'am kung kukunin niyo ngayon araw mismo," anito na nakikipaglaro na kay Connor."Ang pogi po ng anak niyo, Ma'am. Gwapo rin siguro ang tatay nito," sabi pa nito na hindi na niya binigyang pansin at tumitig sa pamphlet na hawak niya.Eighty percent discount nga. Tiningnan niya ang lalaki. Mukha itong scammer dahil sa suot. Masyadong pormal manamit.Inilayo niya ang anak dito. "Scammer ka 'no?" Hindi na niya napigilang ibulalas.Tumawa ito at tumayo. "Bakit hindi ka sumama nang makita mo na nagsasabi ako ng totoo? One time offer lang ito, Ma'am. Wala sana akong balak na ibigay ito sa iyo pero narinig ko kanina ang usapan ninyo ng ginang kaya naawa ako. Pagabi na. Delikado dito sa daan. Kung hindi mo napapansin ay mainit ang tingin sa inyo ng mga nandito lalo na at mukhang nawawala kayo," wika ng lalaki sa seryoso ng boses.Pasimpleng tumingin si Katya sa paligid at tama nga ito. Nanayo ang mga balahibo niya sa braso."Mom, sumama na lang tayo kay Detective. I can feel that he is a good person," pangungimbinsi din ni Connor sa kanya.Sa huli ay pumayag si Katya na tingnan ang penthouse na sinasabi ng lalaki."D-Dito kami titira? Eighty percent discount lang talaga ito?" wika ulit niya na hindi makapaniwala.Paano ba naman kasi, pangmayan lang ang mga ganitong klaseng penthouse! Tiyak din niya na sosyal ang mga kapit bahay niya, mga business man at anak ng mga mayayaman!"Oo. Pumasok tayo nang makita niyo ang buong bahay.""Come on, Mom. Let's go!" Hinila pa siya ni Connor papasok sa loob.Ang tangi lang na nagawa ni Katya ay ang matulala at mamangha. Hindi na rin niya namalayan na nakapagpirma na siya ng ilang mga dokumento na kakailanganin sa paglilipat nila dito."Ah. Oo nga pala. Bago ko makalimutan. Libre ang dalawang buwan na pananatili niyo dito. Kung may katanungan ka ay huwag kang mag-atubili na tawagan ako. Here's my business card."Kinuha ng lalaki ang kamay niya at inilagay doon ang card at mabilis na lumabas ng bahay."Ciao!" sigaw pa nito."T-Teka lang—"Bigla na lang na nawala sa paningin niya ang lalaki. Tiningnan niya ang business card na nasa kamay niya. May larawan ito doon. Nakasalamin at mukhang gusgusin. Ren ang nakalagay doon. Walang apelyido.Biglang sinampal ni Katya ang kanyang sarili dahil baka nananaginip lang siya ngunit mukhang hindi.Hindi pa rin siya makapaniwala! Mabilis man ang mga pangyayari pero alam niyang legal ang mga dokumento na pinirmahan niya kanina. Kilala pa ng mga guards ang Ren na iyon."Mom! I'll check the rooms upstairs," pagpapalam ng kanyang anak at nagtatakbo na paakyat."Be careful!" pahabol niya dito."I will!"Huminga ng malalim si Katya at nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit nila sa kanilang bagong tahanan. She felt overwhelmed but thankful at the same time. Sobrang generous naman ang may-ari ng mga penthouse na ito.Hindi muna naghanap ng trabaho si Katya dahil mas inuna niya ang paghahanap ng paaralan kung saan niya pwedeng i-enroll ang anak niya. Nahirapan pa siya dahil karamihan sa mga nasa malapit ay mga private school."Thank you, Ma'am. Pasensya na po talaga sa abala.""Okay lang, Miss Chua. Mukha namang matalino ang anak mo kaya siguradong makakahabol agad siya sa mga lessons na hindi niya nakuha. Magsisimula na ba siya bukas?" tanong ng Principal."Opo. Kaso wala pa siyang uniform.""May ilan pang natira na uniform sa stock room. Pasasamahan na lang kita at nang makita kung may kasya ba sa anak mo." Tiningnan pa nito si Connor at bahagyang nginitian."Dito ako mag-aaral, Mommy? Hindi ba medyo malayo ito sa house natin?" tanong ng kanyang anak.Ito ang mahirap sa sitwasyon niya dahil dadalawa lang sila. Hindi naman pwedeng lagi niyang babantayan ang anak dahil kailangan din niyang magtrabaho para may panggastos sila."What if I suddenly want to hug you? Mahihirapan akong umuwi nun," nakanguso na nitong wika kaya natawa si Katya.Tumigil siya saglit at pinupog ng halik ang kanyang anak."Hindi naman ako malalayo sa iyo eh," wika niya."Mom, ang layo doon sa bahay!" maktol nito.Matamis lang na ngumiti si Katya at ginulo ang buhok ng anak. Habang naghahanap siya noon ng public school ay dala-dala niya ang kanyang mga kopya ng resume.May malapit na five star restaurant sa paaralan ng anak at sakto rin noon na hiring ang mga ito ng waitress. Hindi na raw kailangan ng diploma o kung ano mang klase ng mga papeles galing sa paaralan. Ang kailangan ng mga ito ay yung mga may experience na kaya hindi na siya nag-atubili pa na mag-aply.Interview niya bukas at kung palarin siyang makuha ay malaking bagay iyon para mabantayan pa rin niya ang anak habang nagtatrabaho.Mukhang umaayon sa kanya ang panahon."Dada.. kuya Connor is making fun of me."Inalalayan ni Gio ang bunsong anak nang umamba itong maglalambitin sa leeg niya. Umupo ito sa hita niya na naluluha ang mga mata. Isinara na muna niya ang laptop at itinigil ang ginagawa upang bigyan ng atensyon si Conrad, ang apat na taong gulang na anak nila ni Katya."What did your kuya Connor do this time?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata nito."He said that I'm small and weak and ugly and crybaby," simangot nito.Bahagya siyang natawa. "Why? What did you do this time?""Nothing, dada! He's just jealous! His friend call me cute and handsome and kuya Connor got pissed.""Si Apple ba?""Yes, dada."Nasapo ni Gio ang kanyang noo. Mukhang lumalaking playboy ang anak nila. Nagulat silang lahat isang araw nang umuwi ito galing sa tournament nito na may kasamang babae. Ang sabi nito ay kaibigan lang daw nito ito. Lagi naman niyang kinakausap ang anak tungkol sa mga bagay na iyon. Nagbibinata na si Connor at ang napansin nilang mag-as
Two days before the wedding...."Bakit hindi ka pa nakapagpalit? Darating na si kuya Jay upang sunduin ka ah," ani Katya nang maabutan ang anak sa kusina na nakapambahay pa."Just a moment, mom. Ihahanda ko lang ang mga itong mga 'to para kay Tita Shannon," sagot naman ng anak niya.Tiningnan ni Katya ang ginagawa ni Connor. Inilalagay nito sa cute na box ang ilan sa mga cream puffs na ginawa nila kahapon. Si Connor ang nag-request na gumawa sila dahil nakita niya raw iyon na baon sa isa sa mga kaklase nito. Umupo siya sa katabi nitong silya at pinanuod ang ginagawa nito."Bibigyan mo si Tita Shannon mo?" "Yes, mommy. She's so nice. I like her so much. Even though daddy is not marrying you, I'm happy that he's marrying Tita Shannon instead. I'm a bit sad but I'm happy for them too," anito habang seryoso ito sa ginagawa.Lumamlam ang mga mata niya sa sinabi ng anak. Itong araw na na ito ang huling rehearsals para sa kasal. Ring bearer si Connor. Binigyan din siya ni Shannon ng invitat
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang tangkang pagdukot kay Katya. Kasalukuyan ngayon na nasa kulungan ang kanyang mga magulang at noong gabing din iyon ay nahuli na si Mister Lim at ng mga alipores nito. Nang kinuha ng mga pulis ang mag-asawa ay ibinunyag na lahat ni Alan ang mga nalalaman sa grupong kinabibilangan, sa mga illegal na operasyon, mga importanteng impormasyon maging sa kung saan nagtatago ang matanda. Iniisip ni Alan na kung makukulong sila ay mas mabuting damay damay na ang lahat. Ito na rin ang magandang pagkakataon upang hulihin ang matandang iyon.Guminhawa ng lubusan ang pakiramdam ni Katya dahil may maganda pa lang kahihinatnan ang insidenteng iyon. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang harapin ang mga magulang."Mommy, are sure that you'll be fine here alone? Pwede naman akong hindi pumasok ng school at bantayan ko na lang kayo."Nakabihis na si Connor at nakahanda nang pumasok pero ayaw nitong iwan ang ina na mag-isa sa bahay."Oo nga," natatawa n
"Stay here, Shan. Ako na ang bahala. Hindi natin alam kung sino ang mga kalaban na dumukot kay Katya," ani Gio habang mabibilis ang mga lakad nila papunta kung saan naka-park ang kanilang sasakyan."That's enough reason for me to come. Mas lalong hindi mapapanatag ang loob ko kapag pumunta kang mag-isa. Ayaw kong tutunganga na lang ako sa kwarto at maghintay kung alam kong meron naman akong maitutulong," sagot naman nito.Sabay silang pumasok sa sasakyan. At bago buhayin ni Gio ang makina ng sasakyan ay kinabig niya si Shannon at hinalikan ang tuktok ng ulo."Thank you. Just don't do careless things again," aniya at pinatakbo na ang sasakyan.Wala siyang duda sa kakayahan ni Shannon. Matagal na niyang kasama ang kasintahan sa trabaho kaya alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. She's not the typical girl that you will just find easily, the reason why he fell in love so hard. She has an unwavering faith, strong willed and do things without an ounce of hesitation. It's just that... h
Dahan-dahan na isinara ni Katya ang pintuan ng kanilang kwarto upang hindi magising ang natutulog niyang anak. Hindi rin naman siya dalawin ng antok kaya nagpasya na muna siyang lumabas.Halos hating gabi na rin kaya iilan na lang ang mga nasa labas."Kumusta besh ang bakasyon? Madami bang mgahot fafa diyan?" ani Juliet. Nang nakitang online ito ay agad niya itong vinideo call. Hindi na siya nagtataka na gising pa ito. Mula pa kasi noon ay laging itong late kung matulog at hanggang ngayon ay dala-dala pa rin nito ang habit na iyon. At kung hindi siya nagkakamali ay nanunuod na naman ito ng K-drama. Ito kasi ang kina-aadikan ng kaibigan simula noong kolehiyo sila.Ngumisi si Katya. "Madami. Sayang nga at wala ka dito," aniya upang sabayan ang kaibigan.Tumili ito at nagpagulong-gulong sa kama. "Stop. Tumigil ka na, Katya. Huwag mo na akong inggitin pa."Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng dagat. Lumanghap siya ng preskong hangin. Masarap talaga sa balat ang malamig n
Mariin na nakatikom ang mga labi ni Katya habang hinahayaan niya na tangayin siya ni Gio sa kung saan man nito gustong pumunta. Pareho silang walang imik at mabibigat ang mga bawat yapak. At kahit na walang magsalita ni isa sa kanila ay ramdam ang mainit na tensyon sa pagitan nila. Hindi na nga dapat siya hinihila ni Gio eh dahil maski siya ay gusto niya itong makausap!Napadpad silang dalawa sa maliit na garden sa likod ng katabi ng hotel na tinutuluyan nila. Walang katao-tao doon bukod sa kanila ng binata. Nang binitawan siya ni Gio ay agad siya nitong hinarap. "Seriously, Katya? In broad daylight? Akala ko ba ay langoy lang ang pakay mo? Kung ganun ay bakit may kalandian kang lalaki?"Dahil sa sinabi nito ay sumabog na rin ang galit na kanina pa niya tinitimpi. Naningkit ang mga mata niya at dinuro pa ito."Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha, Gio? Kanina ka pa ah! Nakakapikon ka na! Tapos heto ka na naman at pinagbibintangan mo akong nakikipaglandian?"Nagtiim bagang ito pero