MasukI'm back after two months. I'm so sorry po. Alam ko po na disappointed kayong lahat na naghihintay ng updates sa lahat ng libro ko. Until now, may dalawang libro pa akong hindi talaga na edit at na-update. January 15, 2026 ang last update ko sa librong ito. March 18, 2026 na tayo ngayon. Pasensiya na po kung nawala ako without proper notice kung ano ang nangyari. Nagkasakit po ako. Need ko rin magpahinga. Hindi ko maipapangako na makakapag-update ako regularly kasi isa po ang katawan ko sa puhunan. I'm alive pa naman po. Naging sakitin lang po. 🥹 Keep safe everyone. I missed you all! 🤍
Randall’s POVBinasa ko ang mga dokumento na nakalatag sa mesa. Isa-isa kong tinignan ang mga ebidensya laban kay Massimo Hollander. Lahat nakaayos—financial records, testimonya, surveillance reports. Kumpleto. Ito na ang huling hakbang para tuluyan siyang mapabagsak.“Sigurado na ba tayo rito?” tanong ko sa isa sa mga abogado.Tumango siya. “Yes, Sir. Once we move, wala na siyang kawala. Ready na rin ang coordination with the police.”Tumingin ako sa mga pulis na naroon sa conference room. Lahat seryoso ang mukha. Walang nagsasalita. Alam nila kung gaano kahalaga ang operasyon na ‘to.“Timing?” tanong ko.“Within the hour,” sagot ng isang opisyal. “Naka-position na ang team malapit sa bahay ni Massimo.”Tumango ako. “Good. Walang dapat pumalya.”Napalingon ako sa kabilang dulo ng mesa. Naroon si Anastasia, tahimik na nakaupo, nakacross ang arms, nakatingin lang sa akin.“Handa ka na?” tanong ko sa kaniya.Ngumiti siya nang bahagya. “I’ve been ready for years, Randall.”“Hindi na ito
Stella’s POV“I’m done showering,” biglang sabi ni Randall kaya napatingin ako sa kaniya.“What?” tanong ko, hindi makapaniwala. “Hindi ka man lang nagsabon? Kahit buhok mo hindi mo man lang binasa.”Hindi siya sumagot agad. Dumaan lang ang tingin niya sa akin—malamig, parang may iniisip na hindi niya masabi.“Randall,” tawag ko ulit, mas mahina na. “May problema ba?”Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang tuwalya at pinunasan ang mukha niya kahit hindi naman siya basang-basa.“Randall, kausapin mo ako,” pilit kong sabi. “Hindi kita maintindihan.”Huminto siya sandali, pero hindi pa rin siya tumingin sa akin. “Nothing,” maikli niyang sagot. “I just need to go.”“Go? Saan?” sunod kong tanong. “Sandali lang—”Hindi ko naituloy. Ako mismo ang nahiya sa mga sinabi ko kanina. Lalo na sa mga inamin ko tungkol kay Will.Bumigat ang dibdib ko. Nandidiri na ba siya sa akin?Hindi na ako nakagalaw nang tuluyan siyang lumabas ng banyo.Naiwan akong nakatayo roon, basa ang katawan, at magulo ang isi
Stella’s POV Pinatulog namin ulit si Elijah. Nasa gitna siya ng kama, payapang humihinga, habang magkabilang yakap namin ni Randall ang anak namin—parang isang buo at tahimik na mundo. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag pinili mong maging masaya para sa pamilya mo. Parang ngayon lang, matapos ang napakaraming taon, ko tunay na naranasan ang ganitong uri ng kapayapaan—‘yong payapang walang takot, walang alinlangan. “I love you, Elijah. My son,” bulong ni Randall habang marahang hinahaplos ang ulo ng bata. “I’ll protect you and your Mommy. No one will hurt you.” Napangiti ako. Noon pa man, gano’n na si Randall—tahimik pero matatag, mapag-aruga, laging inuuna ang mga mahal niya. He’s selfless. And that’s why I love him. He’s the only man I loved… until now. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang sinisigurong naroon pa rin ako, na totoo ang sandaling ‘to. “I love you, Stella.” Hinawakan niya ang mukha ko at marahan akong hinalikan. Nang tuluyan nang mahimbing ang tulog ni Elija
Stella’s POV Napahinto kami ni Randall sa paghahalikan nang biglang gumalaw si Elijah sa tabi ko. Ramdam ko agad ang pag-angat ng dibdib niya, saka ang marahang pag-ungol. Mabilis kong itinulak si Randall palayo. “Randall, tumigil ka,” pabulong pero madiin kong sabi. Napaupo siya sa sahig at napaungol. “Shit—” Agad kong tinakpan ang bibig niya. “Huwag kang magmumura.” Dumilat si Elijah. Una’y malabo ang tingin niya, tapos unti-unting luminaw. Tumama ang mga mata niya kay Randall na nasa sahig, hawak ang tagiliran. “Mr. Stranger?” naguguluhan niyang sabi. Tapos bigla siyang umupo. “I mean… Daddy?” Nanlaki ang mga mata ko. Si Randall naman ay parang napako sa kinauupuan niya. “Daddy?” ulit ni Elijah, mas malinaw na ngayon ang boses. “Why are you on the floor?” Napamura ulit si Randall pero mahina na. Tumayo siya agad at inayos ang sarili niya. “H-Hi,” utal niyang sabi. “Good morning.” Tumingin siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang takot at kaba. Para siyang humihingi ng tu
Stella’s POV Magdamag akong gising. Paulit-ulit kong binubuksan at sinasara ang ilaw sa bedside table, parang may hinihintay akong mangyari kahit alam kong wala. Tahimik ang buong bahay, pero ang utak ko ang maingay. Nakatingin ako sa singsing sa daliri ko. Kumikinang. Masyadong maliwanag para sa pakiramdam kong sobrang bigat. “Ano ba’ng ginawa ko…” bulong ko sa sarili ko. Hinawakan ko ang singsing at dahan-dahan iyong inikot. Hindi ako masaya. Hindi ko kailangang lokohin ang sarili ko para aminin iyon. Napalingon ako kay Elijah. Mahimbing ang tulog niya. Nakahiga sa tabi ko, yakap ang paborito niyang unan. Payapa ang mukha niya. Walang alam sa gulong nasa paligid namin. “Eli,” mahina kong tawag, kahit alam kong hindi siya magigising. “Gusto mo lang naman akong maging masaya, ‘di ba?” Walang sagot, siyempre. Huminga ako nang malalim. “I tried. I really tried.” Umupo ako at hinaplos ang buhok niya. “Mahal ko pa rin ang tatay mo,” aminado kong sabi. “Hindi ko alam kung kakayanin
Stella’s POV Napalingon ako kay Randall nang bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Hindi na siya nagsalita. Tahimik lang niyang kinuha ang jacket niya at naglakad palabas ng restaurant. Sumunod agad si Anastasia sa kaniya, halatang naguguluhan at inis. Hindi na ako humabol. Wala na rin akong balak pigilan siya. Pareho na kaming engaged. “Stella…” bulong ni Will habang niyayakap ako ulit. “Thank you. You made me the happiest man tonight.” Hindi ako sumagot agad. Nakangiti lang ako, pero ramdam kong pilit. Si Elijah naman ay tahimik pa rin. Nakaupo lang siya sa upuan niya, hawak ang kutsara, pero hindi kumakain. “Baby,” tawag ko sa anak ko. “Okay ka lang ba?” Tumango siya, pero hindi tumingin sa akin. “Do you want dessert?” tanong ni Will sa kanya. Umiling si Elijah. “I’m tired.” Napabuntong-hininga ako. “Let’s go home na lang,” sabi ko kay Will. “Sure,” sagot niya agad. “We’ll go to your mom’s place, right? I want to tell them personally.” Tumango ako kahit may kaba s
Randall's POV Halos lumipad ang kotse ko sa kalsada. Pigil ang hinga ko habang nakatutok ang tingin ko sa daan. Hinampas ko pa ang manibela nang maabutan ako ng pulang ilaw. “Bilisan mo naman…” bulong ko, pero wala akong magawa. Naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko. Mabigat… masikip… parang sumas
Randall's POV Muntik nang mabasag ang eardrums ko nang sagutin ko ang tawag ni Dad. Kagagaling ko lang sa hallway ng engineering department, kababalik ko mula sa pagkuha ng files na iniutos ni Stella. Pagkapindot ko sa screen, halos sumabog ang boses ni Dad sa kabilang linya.“Randall! How many ti
Stella's POV Maaga akong nagising kahit ang bigat ng katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod kagabi o dahil nai-stress na agad ako sa title na binigay sa akin. CEO na ako sa edad na twenty-three. Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang tanggapin ‘to, pero wala naman akong choice. Ako ang
Randall's POV Pagdating ko sa kompanya, bago man lang ako makarating sa tapat ng opisina niya, narinig ko na ang malalakas at mabibiling paghampas ng mga drawer. Alam kong hindi iyon tunog ng galit. Kilala ko siya. Ganiyan ang kanyang kilos kapag siya ay nerbiyos o hindi komportable. Parehong-pare







