After catching her fiancé cheating with her best friend just hours before their wedding, Flora walked away from everything—her dream, her reputation, and the man she thought she’d spend forever with. Desperate to escape the heartbreak, umalis siya ng lungsod, determined to forget… kahit sa loob ng isang gabi lang. Pero hindi niya inakala na ang gabing iyon ay magbabago ng lahat, dahil doon niya nakilala ang lalaking hindi niya dapat gustuhin — Damien Garcia. He was everything she shouldn’t want—rich, ruthless, dangerously charming. The kind of man who could ruin anyone who dared cross him. Yet in his arms, Flora felt something she hadn’t felt in years—safe… seen… alive. Dapat isang gabi lang iyon ng pagkakamali—pagkakamaling mawawala pagdating ng umaga. Pero parang may ibang plano ang tadhana. Ilang araw lang ang lumipas, sa engagement party ng kaniyang ina, bumagsak muli ang mundo ni Flora nang muling nakita ang lalaki. Nalaman niyang siya pala ang bagong stepbrother niya at ang bagong boss niya sa trabaho. Cold, demanding, and always in control, si Damien ang uri ng lalaking walang gustong kalabanin. Pero sa likod ng mga saradong pinto, ang lalaking iyon na kinatatakutan ng lahat — ang lalaking gustong angkinin si Flora nang buo. Alam niyang mali. Alam niyang dapat siyang lumayo. But obsession doesn’t care about rules… at ganoon din si Flora. Lalabanan ba ni Flora ang namumuong pag-ibig kay Damien, o susuko sa isang mapanganib na pagnanasa na maaaring sumira sa kanilang dalawa?
View MoreFlora’s POV
Tinititigan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang kinakabahan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hinahawakan ang laylayan ng wedding gown ko. Ito ang dream wedding gown na matagal ko nang pinangarap isuot sa araw na ito. Sa loob ng ilang oras, ikakasal na ako sa taong magiging kasama ko habang-buhay, si Maxwell Laurel. Huminga ako nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. “Ito na ‘yon, Flora,” mahina kong sabi sa sarili. “After everything, magiging Mrs. Laurel ka na.” Pumasok sa silid si Mama, si Maria Santillan. Suot niya ang kaniyang eleganteng beige na gown, halatang excited at proud. “Anak, ang ganda mo,” sabi niya habang nakangiti, halos mapaluha. “Parang hindi ko anak. Para kang artista sa kasal mo!” Napangiti ako kahit kabado. “Ma naman,” sabi ko, “ikaw talaga, ang hilig mong mambola.” Umupo siya sa tabi ko at inayos ang laylayan ng gown ko. “Maxwell is a good man, Flora. Mabait, responsable, at mahal na mahal ka. Sigurado akong magiging masaya kayo.” Tumango ako. “Oo, Ma. Perfect siya. Kahit minsan busy sa projects niya, lagi siyang nandiyan.” Natawa si Mama. “Kaya nga gusto kong makilala niya ang boyfriend ko. Sayang at hindi makakadalo, may emergency raw sa pamilya. Pero kapag nagkita kayo, I’m sure magugustuhan mo siya. Medyo misteryoso nga lang ‘yung tao.” Napangiti ako. “Misteryoso talaga ang taste mo, Ma.” “Sus, huwag mo akong biruin, ah. Basta masaya ako para sa atin. Baka pagkatapos ng kasal mo, ako naman ang papakasalan ng boyfriend ko,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko. Nagpatuloy kaming magkuwentuhan tungkol sa kasal, sa mga plano sa honeymoon, at sa future. Pero naputol lahat ng iyon nang may malakas na kalabog kaming narinig mula sa kabilang silid — ang silid ni Maxwell. “Anong nangyari?” tanong ni Mama, halatang nagulat. Napatayo siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ako agad nakasagot. Bigla akong kinabahan. “Baka nadulas siya o may nahulog,” sabi ko, sabay tayo. “Flora, wait—” pigil ni Mama, pero hindi ko siya pinakinggan. Mabilis kong tinungo ang kabilang silid upang tingnan si Maxwell. Baka napano na ang fiancé ko. Hindi naka-lock ang pinto kaya agad kong nabuksan. Namilog ang mga mata ko. Parang huminto ang oras nang nakita ko si Maxwell na n*******d, at nasa ibabaw ni Rhea—ang best friend ko, ang bridesmaid ko. Parehong pinagpapawisan at halatang parehong nasasarapan sa ginagawa nila. Napatakip ako ng bibig, pero nakalabas pa rin ang hikbi ko. “Oh my God,” mahina kong nasabi, pero parang umalingawngaw iyon sa buong silid. Hindi pa rin nila ako napansin agad. Narinig ko pa ang boses ni Rhea, malandi at walang pakialam kung may makarinig man sa kaniya o sa ginagawa nila. “Faster, Maxwell… baka magsimula na ‘yung seremonya…” Parang may pumutok sa dibdib ko nang biglang bilisan ni Maxwell ang paglabas-masok kay Rhea. Sabay pa silang umuungol. “Mga hayop kayo!” sigaw ko, halos mabasag ang boses ko. Napatigil sila pareho. Mabilis na nagtakip ng katawan si Rhea, habang si Maxwell naman ay nagmamadaling tumayo at isinuot ang pantalon niya. “Flora! Wait, please—” Sinugod ko siya, hindi ko na alam kung galit o sakit ang nangingibabaw. Sinampal ko siya nang malakas, sabay tulak sa dibdib niya. “Mga taksil kayo!” sigaw ko, umiiyak na. “Hindi n’yo man lang nirespeto ang simbahan! Dito pa talaga? Sa araw ng kasal natin, Maxwell?” “Flora, please! Hindi mo naiintindihan—” pilit niyang paliwanag, pero tinulak ko siya ulit. “Ano’ng hindi ko naiintindihan, Maxwell? Kita ko mismo! Wala kang respeto sa akin! Wala kang respeto sa Diyos!” Lumapit si Rhea, nanginginig pero nagtatapang-tapangan. “Flora, it’s not what you think—” “Tumahimik ka, Rhea!” singhal ko, halos pasigaw. “Best friend kita! Ikaw ang pinagkatiwalaan ko sa lahat! At ito ang isusukli mo?” Umiwas ng tingin si Rhea, halatang nahihiya pero hindi makapagsalita. Lumapit si Maxwell, pilit hinawakan ang kamay ko. “Flora, please, let me explain—” “Don’t touch me!” sigaw ko ulit. Tinabig ko ang kamay niya. “Wala kang karapatang hawakan ako. Hindi mo man lang ako minahal. Ginamit mo lang ako. Gago ka! Nakakadiri ka, Maxwell!” Naririnig ko na ang mga yabag ng ibang tao sa labas. Maraming bisitang nagtatakbuhan, may mga sumisilip na sa pinto. Pero wala na akong pakialam. “Flora…” mahinang tawag ni Mama, nasa may pintuan siya, halatang nagulat at hindi rin makapaniwala. Nilingon ko siya, umiiyak pa rin. “Mama..." Humikbi na ako. "Niloko nila ako. Nakita ko silang dalawa na nagtatalik. Dito sa loob ng simbahan! Sa mismong araw ng kasal ko!” Niyakap ako ni Mama, pero nanginig lang ako lalo sa galit. “Let’s go, anak. Wala ka nang dapat ipaliwanag. Hindi mo kailangang magpakasal sa isang tulad niya,” sabi ni Mama. Bakas sa tono niya ang galit. Pero hindi ako nakinig. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. “Tingnan mo ako, Maxwell,” sabi ko, humarap ulit sa kaniya. “Ito ba ‘yung sinasabing pagmamahal mo? Ito ‘yung sinumpaan mong hindi mo ako sasaktan? Ngayon, sinira mo lahat.” “Flora, I made a mistake! I’m sorry, please…” halos pakiusap na ang tono niya. “Sorry?” Humalakhak ako sa gitna ng pag-iyak. “Hindi ko na kayang pakinggan ang sorry mo. Hindi mo alam kung gaano kasakit ‘to. Minahal kita, Maxwell. Piangkatiwalaan ko kayong dalawa dahil mahalaga kayo sa buhay ko. Bakit si Rhea pa? Bakit sa mismong best friend ko pa?!” Hindi siya makasagot. Ang buong paligid ay parang nabalot ng bulungan ng mga tao. Lahat ng bisita ay nakatingin, halatang nagulat sa eksenang nasaksihan. “Hindi mo ako deserve,” humihikbing sabi ko, “At hindi ko deserve na mapahiya ng ganito. Kaya mula ngayon, tapos na tayo. Si Rhea ang gusto mo, 'di ba? Siya ang pakasalan mo!” Tumalikod ako at mabilis na lumabas ng silid, bitbit ang sakit, galit, at pagkasira ng lahat ng pinangarap ko. Naririnig ko ang pagtawag ni Maxwell sa likod ko. “Flora! Please, wait! Don’t go!” Pero hindi ako lumingon. Paglabas ko ng simbahan, sinalubong ako ng mga taong nagulat. May mga nagtatanong, may mga nagbubulungan. Hindi ko na pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad palabas, habang humahabol si Mama sa likod ko. “Anak, saan ka pupunta?” tanong ni Mama, humihingal. “Hindi ko alam, Ma. Kahit saan. Ayoko na rito,” sagot ko, sabay punas ng luha. “Flora, please calm down first—” “Paano ako kakalma, Ma? Sa araw ng kasal ko pa mismo nalaman na pinagloloko ako! Akala ko siya na. Akala ko kami na,” sabi ko, nanginginig ang boses sa sobrang sakit. Hinawakan ni Mama ang kamay ko. “Anak, hindi mo kailangang bumalik doon. May mas mabuting tao para sa 'yo. Alam kong masakit ngayon, pero malalampasan mo rin ‘to.” Umiling ako, huminga nang malalim. “Ayoko munang marinig ‘yan, Ma. Gusto ko lang mawala. Kahit isang gabi lang, gusto kong kalimutan lahat.” Naglakad ako papunta sa kotse, kinuha ang cellphone at bag ko, at walang lingon-lingon na umalis. Pinatay ko ang cellphone ko matapos i-block sina Maxwell at Rhea. Napamura ako nang biglang umulan. Pakiramdam ko, sumabay ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Habang nagmamaneho, paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang kay Maxwell. Anong meron kay Rhea na hindi niya nakita sa akin? Huminto ako sa isang bar, sa lugar na hindi ko man lang alam ang pangalan. Basta gusto kong uminom, gusto kong kalimutan ang sakit kahit sandali. Pumasok ako, um-order ng tequila, isa, dalawa, tatlo. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng ulo ko. Pero kahit lasing, malinaw pa rin ang sakit. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nasaksihan ko kanina. Hanggang sa may lumapit na lalaki sa table ko. Matangkad, gwapo, at matalim ang mga mata. Nakasuot pa siya ng suit. Parang galing sa isang meeting. “Are you okay?” tanong ng lalaki. Umiling ako, sabay irap. “Do I look okay to you?” “Not really,” sagot niya. “But I can help you forget, even just for tonight.” Napangiti ako nang mapait. “One night to forget everything? That sounds like a good deal.”Damien’s POV Pagbalik namin ni Roy sa bar, hindi na ako nagdalawang-isip. Dumiretso ako sa counter at umorder ng pinakamalakas na alak na mayroon sila. Gusto kong kalimutan kahit sandali ‘yung sakit na nararamdaman ko. Ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ba ‘to o selos nang nakitang sobrang kaswal ni Flora makipag-usap sa ibang lalaki. “Sir, baka gusto niyo po ng mas light muna,” sabi ni Roy habang nakatingin sa akin, halatang nag-aalala. Umiling ako. “No. I want something strong. I need it.” “Copy po.” Kinuha niya ang baso at inabot sa akin. Ilang lagok pa lang, ramdam ko na ‘yung init sa lalamunan. Sa bawat lagok, sinusubukan kong kalimutan si Flora — ‘yung mga ngiti niya, ‘yung boses niya kanina habang lasing, ‘yung mga titig niyang parang nangungusap ng ayaw niyang maramdaman. May mga babaeng lumapit sa amin, mga naka-bodycon at halatang sanay makipaglapit sa mga lalaking may pera. Tumabi sila sa akin at nagsimulang magtanong. “Hi, handsome. Alone?” sabi ng is
Damien’s POV Pagkatapos kong makausap ang HR at ipatawag ang assistant kong si Roy, hindi pa rin ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Flora nang gabing nagkita kami sa bar. Alam kong hindi na dapat ako nagpadala sa init ng katawan noon, pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa sarili ko. I like her so much, sobra. “Roy,” utos ko habang nakatingin sa laptop, “I want you to find out everything about Maxwell Laurel and Rhea Valdez. Gusto kong pareho silang mawalan ng trabaho. I-cancel ang promotion ni Maxwell. Gusto kong maranasan nila ang hirap na ibinigay nila kay Flora.” “Copy, Sir. I’ll handle it personally,” sagot ni Roy. Tumango ako. “Good. Make it clean. Ayokong malaman ni Flora na ako ang may pakana.” Pag-alis niya, sandali akong napasandal sa swivel chair. I closed my eyes for a moment. I just want to protect her, kahit hindi niya alam. She’s been through so much pain. Hindi ko kayang makitang umiiyak ulit siya. Napatingin ako sa mesa ko. Nandoon pa rin ang
Flora’s POV Kakapapasok ko lang sa opisina nang sinalubong ako agad ni Liza, dala ang isang brown envelope. Mukha siyang seryoso, kaya agad kong napansin. “Flora,” sabi niya, inaabot ang envelope. “May nagpahatid nito sa receptionist. Ang sabi, para eaw sa 'yo.” Kinuha ko iyon, kunot-noo. “Sino raw nagpadala?” “Wala siyang sinabi. Nakalagay lang ‘confidential.’ Baka related sa project?” “Hmm, sige.” Binuksan ko iyon sa harap niya. Pero pagtingin ko sa laman, napanganga ako. Ultrasound results. Napatingin din si Liza, sabay takip ng bibig niya. “Wait—hindi ba… pangalan ni Rhea ‘to?” Parang may sumabog sa dibdib ko sa galit. “Oo. Si Rhea. At—” tumigil ako sandali nang mapansin ang nakalagay sa sulok ng papel. “Tangina. Si Maxwell ang nakalagay na father.” “Flora…” mahinang sabi ni Liza, halatang nagulat. Pinunit ko nang walang pag-aalinlangan ang ultrasound paper. “Putang ina niya! Hindi pa ba sapat na ninakaw niya lahat sa akin? Kailangan pa ba niyang ipamukha sa akin ‘to?” “
Flora’s POV Napamura ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Napatingin ako sa orasan sa bedside table, at muntik ko nang maibato ang cellphone kasi alas tres pa lang ng madaling-araw—at si Damien na naman ang tumatawag.“Put—anong gusto nang lalaking ‘to?” iritado kong bulong habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong sagutin.Maaga pa ako mamaya, may site visit pa kami ng mga senior engineers. Hindi ko alam kung anong klaseng kabaliwan ang meron kay Damien at kailangan niya akong istorbohin sa ganitong oras.Binlock ko siya. Akala ko tapos na. Pero ilang minuto lang ang lumipas, tumunog na naman ang telephone sa kwarto ko.“Dammit,” inis kong sabi habang padabog kong sinagot. “Ano ba, Damien?! Alas tres ng umaga!”“Good morning.”Pagkasabi niya noon, pinatay niya agad ang tawag.Napatingala ako sa kisame at napasigaw ng “Ano ba talaga problema mo?!”Kung bahay lang namin ‘to at hindi bahay nila Mama at ni Darius, baka sinabuyan ko na ng tubig ang cellphone.Pinilit kong bu
Flora’s POVHapon na kaya pagod na pagod ako sa dami ng papeles na kailangang i-review. Halos hindi ko na napansin ang oras nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Mama.“Hello, Ma?” sagot ko habang inaayos ang mga documents sa desk.“Anak, tapos ka na ba sa work?” tanong ni Mama Maria sa kabilang linya, halatang masigla ang boses.“Medyo, Ma. May tinatapos lang ako. Bakit po?”“May favor sana ako. Puwede ka bang sumabay kay Damien pauwi mamaya? Lilipat na kasi tayo ng bahay, anak. Dapat nandun ka para matulungan ako mag-ayos.”Napasinghap ako. “What? Sa bahay nila Darius?”“Oo, anak,” sagot niya. “Doon na tayo titira. Malapit na rin naman ang kasal namin ni Darius. Mas maayos na roon, mas malaki, mas tahimik. Tutal, hindi ka naman palaging nasa bahay.”Napahawak ako sa sentido. “Ma, seryoso ka ba? Doon ako titira sa bahay ng stepbrother ko? Sa boss ko pa?”“Flora, ayoko nang makipagtalo,” mahinahon pero matigas na sabi ni Mama. “Please lang, pagbigyan mo na ako. Matag
Flora’s POV Pagpasok ko sa conference room, agad akong napahinto. Nakaayos sa gitna ng mahaba at mamahaling mesa ang iba’t ibang pagkain—may pasta, steak, salad, at mga prutas. May juice din at kape sa gilid. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay.“Wow,” sabi ng isa kong katrabaho, sabay upo. “First time na may ganito. Usually tubig lang at crackers.”“Hindi nga ako makapaniwala,” sabat pa ng isa. “Siguro dahil bagong management na tayo, ‘no?”Tahimik akong umupo sa dulo, pinilit huwag pansinin ang pag-uusap nila. Kahit ako, nagulat. Alam kong si Damien ang nagpasimula nito. Mula nang siya na ang naging may-ari ng kompanya, nag-iba ang sistema—mas maayos, mas moderno. Pero sa akin, hindi iyon dahilan para maging kampante.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Dumating si Damien, suot ang simpleng dark blue shirt at slacks. Hindi man siya pormal, halata pa rin ang presensiya niya. Lahat ng babae sa mesa, napatuwid ng upo.“Good morning,” bati niya, malamig pero maayos ang tono. “I hope e
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments