Good morninggggg. Gusto niyo to iba? Gusto niyo ng salpukan nila Kierra ay Pia
Tumaas ang tinig niya ng bahagya, pero puno ng awa. "Pero mabait naman iyon, Iha. Palagi lang sumisigaw, pero mabait iyon. Iyan ang hindi naiintindihan ng ibang tao. Sa ilalim ng lahat ng galit at katahimikang iyon, may puso pa rin siyang marunong magmahal—napagod lang siguro. Kaya nga kahit na alam kong magagalit siya kasi dinala ka namin dito ay naglakas-loob pa rin kami dahil isa pa rin siyang doktor. At trabaho niya ang magligtas ng buhay—hindi lang basta bilang propesyon kundi dahil alam kong kahit paano, gusto pa rin niyang maging makabuluhan ang buhay niya.”Natigilan si Evelyn. Habang nagsasalita si Manang Vilma ay unti-unting naramdaman niya ang bigat ng mga salitang iyon. May lungkot sa tinig ni Manang, isang pag-alaala na tila hindi pa rin matanggap ng puso. Sa bawat salitang binibitawan ng matanda.Hindi lang basta malungkot si Manang Vilma. May kirot sa kanyang tinig na parang may kasamang paghihinagpis at pagsisisi. Halos mamasa ang kanyang mga mata habang tinutuloy ang
Chapter 12“Tulungan na po kita, Manang Vilma!” masayang ani ni Evelyn at agad na kinuha ang bitbit ni Manang Vilma na mga plato para siya na ang maglagay noon sa kabinet. Ang bawat hakbang at kilos niya ay magaan at masigla, tila ba sabik siyang makatulong kahit pa nga hindi niya alam kung dati ba talaga siyang sanay sa ganitong gawain.Napailing si Manang Vilma habang pinagmamasdan ang liksi ng kilos ni Evelyn. “Ayos na ba ang sugat mo, Iha? Hindi ba parang mas maigi pang magpahinga ka kaysa tumulong? Ayos lang naman ako at kaya ko na mag-isa dito, sa ilang taon ako dito sa Mansion ng mga Salvatore ay nasanay na ako kaya ayos lang, iha. Maupo ka na diyan.”Napanguso si Evelyn sa sinabi ni Manang Vilma, kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Mabilis siyang lumapit at inilagay nang maayos ang hawak na plato sa kabinet."Manang, hindi purket sanay ka na ay hindi mo na kailangan ng tulong," ani niya rito at inilingan na. “Hindi porke kaya mo na ay dapat mo nang akuin lahat.” May lambing s
Napasandal siya sa kinauupuan niya at bahagyang ngumiti sa sarili. "Sungit mo, pero pinagluluto mo pa rin ako," mahina niyang bulong at this time, hindi iyon narinig ni Lorenzo.Napapikit siya sandali at saka inamoy ang napakabangong niluluto ngayon ni Lorenzo. May kung anong ginhawa ang idinudulot ng amoy ng bawang at toyo, parang panandaliang nakakalimutan ng puso niyang magulo ang kawalang-alala niya sa sarili.“I don’t have a name. Can you give me a name?” wala sa sariling tanong ng babae, halos bulong, pero malinaw na malinaw sa katahimikan ng kusina. Minulat niya ang tingin, hinahanap ang sagot sa likod ng seryosong mukha ni Lorenzo.Natigilan si Lorenzo at sinulyapan siya."I mean, may pangalan naman ako siguro diba? Is just that, ampangit naman kapag sa pananatili ko rito eh wala akong kahit anong pangalan. Ano na lang ang itatawag mo sa akin? Babae? Hoy? Stupid? Gusto ko rin na may itatawag kayo sa akin," ani nito dahil sa puntong iyon, iyon ang gusto niya, ang magkaroon ng p
Chapter 10“Ilang taon ka na ba? Para kang bata, maupo ka nga roon,” irita nanamang ani ni Lorenzo dahil lahat ng gawin niya ay sinusundan ng babae na parang anino. Halos di siya makagalaw nang walang nararamdamang mga mata sa likod niya—at iyon ay nakakairita. Pakiramdam niya ay parang may batang nawawala sa paligid niya.Hindi siya sanay sa ganitong eksena, at lalong hindi niya gusto ang ideya na may kasama siya ngayon dito sa bahay. Hindi siya sanay sa ganito na may ibang taong laging nasa paligid niya, lalo na't hindi niya kilala.“Baliw ka ba? Ni pangalan nga hindi ko maalala tapos tatanungin mo ako kung ilang taon na ako? Magluto ka na nga lang,” umiirap na ani ng babae at medyo napikon sa tanong nito.Napailing na lang tuloy si Lorenzo. "Ngayon ko lang ito gagawin kasi naiirita ako sa pag-iyak mo, but after this, don’t do anything stupid again at gambalahin ang katahimikan ng kwarto ko," mariing ani ni Lorenzo habang hinahalo ang nilulutong adobo.“Hindi mo ako tagaluto at lalo
Ang tanghali ay tila biglang tumahimik. Ang mainit na sikat ng araw ay parang humupa, at sa gitna ng galit at sigawan, isang umiiyak na babae sa galit na nararamdaman niya."S-Sorry na kasi," ulit pa nito.“And now you are crying, you think maaawa ako sa pag-iyak mo?” kunot noong tanong ni Lorenzo at ang dalawang palad ay nasa magkabilang bewang na niya.“Nagsorry na nga ako tapos galit ka pa? Saka h-hindi naman ako nagpapaawa!” Iritang ani ng babae, but then she bit her lips and tried to be calm down.Hindi siya nakatingin sa lalaki. Pilit niyang pinipigil ang sariling huwag sumabog muli. Pero naroon pa rin ang panginginig ng balikat niya. At ang luha… hindi niya na mapigilan.“Sorry na kasi, saka gutom na ako! Isang linggo na ako rito tapos cup noodles lang ang kinakain ko kaya sumubok akong magluto!” Pinunasan nito ang luha, pero patuloy iyon sa pagtulo.Hindi niya na kaya ang gutom. Hindi niya na kaya ang lamig ng pakikitungo ni Lorenzo. Hindi niya na rin alam kung hanggang kailan
Chapter 8“A-Akala ko kasi hilig ko ang pagluluto noon at magaling ako roon kaya sinubukan kong magluto kasi alam mo na, baka nga m-magaling ako sa pagluluto, pero m-mukhang nagkamali ako,” sambit ng babae habang sinusubukang tanggalin ang kamay nito, nauutal siya dahil ramdam niya ang kaba na paalisin na siya ng lalake ng tuluyan pero habang tinatanggal niya iyon ay mas lalo lang hinihigpitan ni Lorenzo iyon.Napakurap siya, ramdam ang lalim ng kapit nito sa braso niya—hindi marahas, pero sapat para hindi siya makawala. Para siyang batang nahuli sa pagkakamali, at ngayong kaharap niya ang galit ni Lorenzo, hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang tingin. Halos kagatin na ng babae ang labi sa mariing titig ni Lorenzo.“I already let you stay here, yet plano pa mo atang sunugin itong bahay ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lorenzo at saka napapikit. “Wala ka bang utang na loob?! Look at what you fvcking did!” Iritang ani ni Lorenzo at saka tinuro ang likuran nito na hindi na mukh