INICIAR SESIÓNHiyang-hiya si Mariel kay Brix. Nadamay kase ito sa gulo ng buhay niya. Tapos ngayon heto at pinagpipiyestahan ito sa social media. Ang masakit ay hindi siya ang iniinsulto kundi ang pagkatao ni Brix.
Habang nagiisip ng puwedeng solusyun sa nangyayari. Binalikan ni Mariel kung paano nga ba nagsimula ang gulong ito ng buhay niya...... > (Flashback) July 7, 2018, alas otso ng gabi sa isang sikat na disco bar malapit sa Taguig. > Malakas ang togtogan at nakakahilo ang pag-ikot-ikot ng ilaw sa loob ng bar habang mausok at maingay ang kapaligiran. Bigla lamang na nagyaya ang mga kaibigan dahil bigla raw may mangyayaring maganda ngayon. Wala sana sa mood si Mariel, pero naisip niya na kailangan din niyang mag-unwind paminsan-minsan. Masayang nagtatawanan ang grupo ni Mariel habang umiinom ng kani-kanilang drinks. Naroon sila sa bar para i-celebrate ang engagement ng kaibigan at best friend niyang si Jilian. Finally kase ay nag-propose na ang long-time boyfriend nito. Kitang-kita ni Mariel ang kaligayahan sa mukha ng kaibigan. "Cheers.. Good luck, Jil, and congratulations, malapit ka nang maging si misis Divina Gracia," sabi ni Luz na kasama sa circle of friends nila "Anong congratulation, condolence kamo. Dahil malapit nang mamatay ang bahay-alangan ni Jilian," sabi naman ni Mariel. "Sobra ka naman, bess, di naman siguro," sabi ni Jilian. "Anong hindi? Hoy, asumerang palaka, ngayon pa nga lang may curfew ka na, eh. Saka wait, remember di ba sabi mo sabi kamo ng magiging beyanan mo gusto niya agad ng apo," sabi ni Mariel. "Ikaw talaga, Bess bitteness for life ka ba? Pinaglihi ka ba sa Fujifilm at puro ka negative lang? Alam ko na, inggit na inggit ka na. ,Kung ako sa'yo, ikaw na ang mag-propose kase…" nangaasar na sabi ni Jilian. "Utot mong may sauce!! Huwag na, noh. Besides, ito ha, atin-atin lang ha, actually nagpapahaging na nga si Arvie noong isang linggo, parang may pinaghahandaan na daw siya eh. Medyo iniiba ko lang, girl, ang topic palagi kase, ah, medyo di pa ako ready," sabi ni Mariel. Pero ang totoo, wala namang ganoong nangyari. Hindi naman talaga nagpaparamdam si Arvie sa dalaga o nagbanggit tungkol sa kasal at nitong mga nakaraang buwan nga ay madalang silang magkita. Ang katwiran nito ay madalas daw itong abala dahil sa bagong itinayong negosyo ng mother nito at madalas daw kase ay out of town ang mga kausap. Sa totoo lang, medyo nadidimaya na rin siya sa nangyayari sa kanila. Minsan iyon din ang dahilan kung bakit minsan ayaw niyang sumama sa lakaran. Bukod sa wala siyang boyfriend na palaging nandiyan, wala rin siyang magandang maikukuwento dahil boring ang mga bagay-bagay sa kanya. Madalang kase silang lumabas ni Arview. Boyfriend ni Mariel si Arvie. May five years na rin. Sa panahon ngayon, mahaba na yun para sa dalaga. Bihira na sa mga boyfriend ang nagtatagal nang ganoon. Bukod pa sa hindi na rin naman pabata si Mariel sa edad niyang 29. Madalas nga asarin ang dalaga at sa Titas of Manila na nga siya ipinipila. At pinipilit pa ng kanyang tita na sumali na ang dalaga sa Zumba team ng mga ito. Yung imbes na hello at kamusta ka na ang bati sa kanyang pag-attend ng family gathering ay nakakainis na bati na ang bubungad sa kanya. "Oy, wala ka pang asawa? Oy, kailan ka mag-aasawa? Tumatanda ka na? Oy, mahihirapan ka na manganak. Oy, lalagpas ka na sa kalendaryo. Mag-asawa ka na." Ang mga linyang kadalasan ay trauma na sa kanya. "Ang sarap pag-untugin at tadtarin ng pino at gawing sisig, haist,"sabi pa ng dalaga. "Mga tinamaan na Lintek na mga kamag-anak ng nanay niya.Kung grocery lang ba ang pagpili ng asawa, malamang, parang LTO at SSS, siya, unang tilaok pa lang ng manok, nakapila na siya. Kung isaw lang ba at Betamax ang pag-aasawa na madaling lutuin, aba! Baka sold out na sa kanya yun nagpaparingas pa lang ng uling. Ang kaso ay hindi ganoon kadali ang lahat," himutok ni Mariel. "Oh em Gee… ganoon ba, bess? You mean, malapit ka na rin? Naku, may feeling ako na mangyayari ’yan this coming month. Naalala mo noong sinagot ko si Marvin. Sumunod din na kinulit ka na ni Arvie, di ba, kaya nasagot mo na rin siya? Ay… claim na natin ’yan, Bess. OMG, amen, Lord. OA pa na sabi ni Jilian. "Congratulations na din sayo in advance. Cheers..mga bhie...." Tili ni Jilian na bakas ang kaligayahan. Pagkatapos, itaas ang wine glass at pagsalpok-salpokin ang mga ito, kanya-kanya nang tsismisan ang mga kaibigan ng dalaga habang si Mariel ay nag-scroll-scroll sa cellphone. Nanahimik si Mariel na kunwari ay abala sa pagdodote ng kanyang California maki. Napatitig si Mariel sa singsing ni Jilian. It's cheaper, she knows, dahil may alam siya sa karakas ng alahas dahil business yun ng lola niya. Parang ito yung nakita niyang sale lang sa Shopee, pero kaligayahan na yun para sa kaibigan, yung ngiti ni Jilian, abot hanggang Lazada. Masuwerte ang kaibigan kahit di kagandahan, kahit sobsob sa trabaho dahil jeepney driver lang ang tatay nito. Kahit naman noon, parang mas pinagpala si Jilian kaysa sa kanya, kahit pa nga ipinanganak siyang mayaman. Samantalang siya ay may ganda at may pera pero ilang beses na bang sinamantala? Ilang beses na ba siyang malas sa Pag-IBIG? Bakit ba lagi siyang natatapat sa mga kupal. Yung kiyayabang na parang mga entitled. Sa lahat ng pitong naging ex ni Mariel, si Arvie na ang pinaka-okay. At si Jurosh ang pinaka-kupal. Okay na si Arvie dahil, una, hindi seloso at hindi demanding; mas siya pa nga ang selosa, mas siya pa ang nagde-demand. Iniintindi niya dahil, sabi nga ng nobyo, ay hindi na siya teenager, kaya dapat ay mature na at maging maunawain na lang. Pero paminsan-minsan nagtatanong na rin ang dalaga kung mature pa ba yung parang walang pakialam o walang effort man lang. "Wait, Oy, Mariel, di ba si Arvie yun? Akala ko ba nasa business trip 'yan? Kaya di ka masusundo? And who's with him ?" sabi ni Maricar na siyang nakaharap sa bahagi ni Arvie. Nanigas si Mariel. Gustong mamula ang mukha niya sa galit, pero nagkulay-suka siya dahil mapapahiya sa mga kaibigan. "Anong gagawin niya ngayon? Mag-isip ka, Mariel… isip, isip agad, bilis na," tarantang utos ni Mariel sa isipan.Doon lang bumalik sa realidad si Brix. Masyado na nga palang inaksaya ng teacher na ito ang oras niya. At lintek lang ang walang kabit; malamang kulata siya nito pag-uwi. Inabot na siya ng ganitong oras at wala siya kahit singkong duling. Bigla tuloy naisip ni Brix na dapat pala sinunod na lang niya ang solsol ng impaktong bahagi ng isip niya.Kung meron sana siya kahit konting pera sa bulsa, walang problema; ang kaso, butas na nga ang bulsa niya, sakit pa ng puson niya. "Ang kawawang cowboy may baril di makaputok, may manok di makasabong..." kumanta na lamang si Brix, busog naman ang berdi niya. Dapat pala hinayaan niyang makadura man lang ng malapot ang manok ni San Pedro niya kesa ganitong para siyang dinidysmenorrhea sa bitin. Sa pagkakataong iyon ay gumana ang imagination ni Brix.Tumawag si Brix sa telepono ng hotel para i-update ang pina-dry clean nilang damit at mabuti na lang at okay na daw ito, kaya sinabi niyang dalhin na agad sa silid nila. Inilagay ni Brix ang nakaplast
Matapos makipagbunong-braso sa sariling damdamin at makitang maayos na ang babae, kinumutan ito ni Brix. Paalis na sana si Brix nang habulin siya ng mga kamay ng babae at nagsalita ito. Medyo mahina at malabo ang sinasabi nito,pero kahit papaano ay narinig niya. Nakakagulat at hindi niya inaasahan, kaya tinanong ni Brix ang babae."Ano yun, Miss?" Tanong ulit ni Brix, baka kasi mali ang pandinig niya."Ang sabi ko, magkano ka...?" Ulit ni Mariel.Biglang dumagondong sa tenga ni Brix ang salitang iyon, pagkatapos ay nagkaroon ng katahimikan. Naglapit ang mga kilay ni Brix at biglang naging seryoso ang mukha. Lumiit ang tingin niya sa babae na parang naging singliit ng pusa na gusto niyang sakalin sa sobrang yabang. Hindi talaga siya makapaniwalang matapos ang lahat ng ginawa niya at pagpipigil niya ay babalahurain nito ang pagkatao niya. Oo nga at may presyo ang serbisyo ng kahit na sino sa panahon ngayon, pero hindi ka dapat nanghahamak ng tao. Kinakitaan ng malakas na awra si Brix sa
Kasabay ng paninigas ng kalamnan ni Brix ay ang pagdaloy ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ang lawak ng puting kama ay parang nang-aakit sa kanya, parang nang-aanyaya.“Umayos ka Brixton, umayos kung ayaw mong magkanda lehe leche ulit ang buhay mo. Problema mo pa nga paano tatakasan ’yon; isa, kukuha ka pa ng sakit ng ulo,” sabi ni Brix sa sarili. Pumasok si Brix sa silid at inilapag ang babaeng tulog na tulog pa rin marahil dahil sa kalasingan. Gusto sana ni Brix na iwan na ito, total naman ay safe na ito doon, pero naisip ni Brix na malaki ang utang ng babae sa kanya. Umupo si Brix sa gilid ng kama at ihinanda na sana ang sarili niyang magbilang ng butiki, pero nakita niya ulit ang hitsura ng babaeng nanlilimahid na sa suka ang mukha at damit. At dahil ilang minuto na, mas tumindi na ang amoy ng suka at nakakabaliktad na sa sikmura. Kumilos si Brix; bahala na. Una, malinis ang intensyon niya; ikalawa, hindi lang talaga kaya ng konsensya niyang pabayaan ito; at ikatlo, hindi kasi
Hindi alam ni Brix kung bakit kakaiba ang naramdaman niyang lamig at kilabot nang makita niya yung puting malapad at malambot na kama. Pagkatapos ay napatitig siya sa babaeng kalong-kalong niya ngayon. Nakalugay ang buhok nito, dumuduyan sa hangin. Nakatingala ito, kaya't kitang-kita niya ang makikinis nitong leeg, at dahil din sa himbing ng tulog nito ay nakaawang ang mga labi nito; mga labing kanina lamang ay nalasap niya ang tamis."Pero napangiwi si Brix nang maalala niyang nalasap pala niya ay hindi tamis kundi pait ng suka."Yuck..Naku lintek talaga 'yung utak ko ata naging sabaw na nga. Naku, Miss, ang bigat mo."Mabilis na naglakad si Brix papasok at inilapag ang babae sa kama. Yun nga lamang, parang nagising ito dahil sa medyo pabagsak na paglapag niya. Agad nitong ikinalawit na naman ang kamay sa batok niya kaya napasobsob si Brix sa babae at sakto sa Chocolate Hill naman talaga. Agad naramdaman ni Brix na titilaok ang manok ni San Pedro kaya medyo nanikip ang pantalon niya.
Natigalgal si Brix nang dumilat ang babae matapos dumampi ang mga labi nila.“Oh, Sh*t,” napalakas pa nga ang pagkakasabi niya.Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babae. Parang naghiwalay ang ulo at leeg niya sa lakas ng kamay nito.“Sheet, bakal ba ang kamay niya? Amazon ba ito sa past life niya o angkan ni Hercules? Grabe, woah,” sambit ni Brix na kinapa-kapa ang nasaktang pisngi bago muling humarap sa babae para mag-sorry.“Miss, pasen… what?” Laking gulat ni Brix nang sumalubong sa kanya ang bibig ng babae, saka ito naman ang humalik sa kanya."Oh mamamia." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Brix at for the first time ngayon lang siya nanigas sa halik ng babae.Napakarami ng babaeng nagpipiyesta sa labi niya at lahat 'yon natural pinagbibigyan niya. Aba, sino bang tatanggi, g*go ba siya? Pero anong meron ang babaeng ito at nanigas pati kalamnan niya.Si Brix din ang tumapos ng halik dahil aba nawiwili na ito. Unang-una, hindi free ang halik niya at ikalawa, baka siya
“Ay, sus naman, Miss, bulilyaso na nga ang raket ko; magiging bangenge sitter pa ata ako, ah,” sabi ni Brix. “Paano ba ito, anong gagawin ko dito? Saan ko ba dadalhin ang teacher na 'to?” Nalilito na ang binata at natutukso na ngang kalkalin ang maliit na body bag na dala nito. Ang kaso lang, may hiya pa naman nang konti si Brix, bukod pa sa baka makasuhan pa siya. Hindi niya alam ang pangil ng babae at kung sino ba ito. “Hay, Brixton, tinamaan ka ng kidlat ng kamalasan ngayong araw na ito. Siguraduhin mong magtirik ka ng kandila sa simbahan sa linggo nang mabasbasan ka at ipagdasal mo ang mga semilya mong ipinutok mo sa kumot sa loob ng mahabang panahon,” sabi ni Brix na kumamot sa ulo na akala mo ay inaatake ng Clash of Clans ng mga kuto. Iiling-iling man ay dahan-dahang inilapag ni Brix ang babae pahiga sa likod ng driver's seat saka muling bumalik ang binata sa manibela. Humugot ng malalim na hininga ang binata at binuksan ang makina, saka pinaandar ang sasakyan at sa iisang luga







