INICIAR SESIÓNKahit ilang beses na itong nangyari sa kanya noon, tila hindi pa rin sanay ang puso at isipan ni Mariel sa ganitong uri ng pagtataksil. Parang bumabalik siya sa mga panahong akala niya ay nahanap na niya ang tamang lalaki, ngunit sa huli ay isa lamang palang malaking panlilinlang.
Nanlamig ang pawis sa buong katawan niya at ilang sandali siyang natigilan, tila nawawalan ng lakas. Ngunit mabilis ding gumana ang kanyang isip; hindi siya puwedeng magmukhang kawawa sa harap ng mga kaibigan niya. Kailangan niyang maging matalino. "Ano ka ba, girl? Baka nagkamali ka lang ng narinig o nakita," mabilis na pagpapaliwanag ni Mariel habang pilit na ngumingiti. "Ang sabi ko nga naman, may mahalagang pagpupulong siya, kaya baka hindi nga ako masundo. Ibig sabihin nandito nga siya? Baka naman dito ang napagkasunduang lugar ng kliyente niya? Saan mo ba nakita? Baka hindi naman talaga si Arvie ko 'yan, baka hawig lang?" Kahit kunwari ay nagtataka, mabilis na kumilos ang kanyang isip. Sa ilalim ng lamesa ay pinindot niya ang kanyang cellphone, at biglang tumunog ang kakaibang alarm tone nito. Inilabas niya ito at tinitigan nang seryoso, tila may binabasa. "Sandali lang, mga sis, may mensahe ako. Sinadya ko talagang gawing kakaiba ang tunog nito kasi nagtatampo 'yan si Arvie kapag hindi ko agad nasasagot," paliwanag niya habang kinikilig-kilig na kunwari. Pagkatapos ay tumingin siya sa kaibigan na nakapansin sa lalaki. "Totoo nga ang sinasabi mo! Si Arvie ko nga 'yan! Heto, kaka-message lang na nandito na siya sa paborito niyang lugar. Sandali lang kayo ah, pupuntahan ko lang siya. Saan mo ba sila nakita banda?" "Ah, nakita ko silang pumasok at dumiretso sa banyo," sagot ng kaibigan. "Sige, pupuntahan ko lang. Sigurado akong kliyente lang ang kasama niya," sabi ni Mariel sabay tayo, tila puno ng pananabik. Ngunit pagtalikod niya, biglang nagbago ang kanyang anyo. Nagngingitngit siya sa galit, namumula ang mukha na parang sasabog anumang oras, at parang sinisikip ang kanyang dibdib sa matinding sakit. Kalmahan mo ang sarili mo, Mariel. Ilang beses mo na itong nalagpasan. Hindi ito ang unang pagkakataon, kaya alam mo na ang gagawin mo, pilit niyang sinasabi sa sarili habang humihinga nang malalim. Pumwesto siya sa lugar kung saan makikita niya agad ang lalaki kapag lumabas ito, ngunit medyo nakatago sa paningin ng kanyang mga kaibigan. "Pitongpot, puting pusa... pitongpot, puting pta... pitongpot, puting ptcha," bulong niya habang kinakabahan at hindi makapaghintay. Parang isang oras ang limang segundong paghihintay para sa kanya. At narito na nga. Ang dakilang Arvie. Lumabas na ito ng banyo, ngunit hindi umalis; sa halip ay nanatili sa harap ng p***o ng kababaihan at malinaw na may hinihintay. Ilang beses na ba? Tatlo, apat... Ah, limang beses na! Limang beses na akong niloko ng ganitong paraan, pero hindi pa rin ako natututo, Mariela Sandoval! Pangungutya niya sa sarili. Maya-maya ay bumukas ang p***o at lumabas ang babae na tinatawag niyang 'higad,' ang 'mantsa', ang 'lumot', ang 'langaw' sa buhay niya. Ang babaeng parang galing sa ibang mundo, ang karibal na hindi niya akalaing hahamon sa kanya. Hindi naman ito kapansin-pansin sa ganda, hindi tulad niyang maaliwalas at elegante tingnan. Ang napansin lang niya ay ang pagiging makabago at magarbo nito, puno ng pekeng alahas na nagniningning na parang mga paninda sa Chinatown. Iisa lang ang kulay ng kanilang lipstick, pero ang kay Mariel ay mamahaling matte habang sa babae ay karaniwan at mura. Nanatili siyang nakatingin nang hindi kumukurap. Nakita niyang lumapit si Arvie, inakbayan ang babae, at mariin pa itong hinalikan sa noo. "Kliyente ba ang ginaganyan? Kailan pa naging Luneta ang daanan ng banyo para magpaalam nang ganyan?" bulong niya. Mabilis na kinuha ni Mariel ang kanyang telepono at sinimulang i-video ang eksena. Nagulat ang dalawa nang bigla siyang humarang sa kanilang dinadaanan. Mas lalong namutla ang babae nang makita siya. Alam nito kung sino ang legal na kasintahan, at alam din nitong pangalawa lamang siya. "B-Beb... anong ginagawa mo dito? Ibig sabihin... anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Arvie, tila nadakip sa masamang gawain. "Beb, pa? Baka marinig ng kasama mo, nakakahiya naman," sarkastikong sagot ni Mariel, sabay turo sa babae. "Beb, makinig ka... mali ang iniisip mo. Paliwanagan kita," sabi ni Arvie sabay bitaw sa kasama at akmang hahawakan ang braso ni Mariel, ngunit umiwas siya. "Mali? Akala mo ba ang halik mo sa noo niya ay pagmamano lang? Akala mo ba ang paghihintay mo sa labas ng banyo ng babae ay gawa ng isang maginoo? Sa totoo lang, mamatay ka man sa paglalakbay, hindi ako maniniwala sa iyo! Sa malayo at malapit pa, isusumbong kita!" galit na sumbat ng dalaga. "Hoy! Sinong tinatawag mong higad, ha?" singit ng babae habang namamayabang. "Ikaw! May reklamo ka pa? Subukan mong magsalita ulit at susungkitin ko ang dila mo gamit ang dolyar ko!" banta ni Mariel. Mukha siyang mahinhin at matamis sa panlabas, pero kapag naloko at nalaman niyang may kataksilan, nag-iiba siya. Handa siyang ibigay ang lahat para sa mga taong mahal niya, pero kapag tinapakan ang kanyang dangal, ipapadala niya sila sa kabilang planeta. "Napakayabang mo naman! Pera lang ba ang mahalaga sa iyo? Kung sabagay, pera rin naman ang dahilan kaya nagtitiis si Arvie sa ugali mo!" ganti ng babae. "Aba't nagsalita pa ang isang tulad mo!" Hindi na nakapagpigil si Mariel. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya na tumama nang direkta sa ilong ng babae. Akma itong gaganti, pero inawat na siya ni Arvie, at nang subukan nitong hawakan si Mariel, siya naman ang sinampal niya nang buong lakas. "Huwag mo akong tawaging 'beb'! Kupal ka! Tulad ka rin ng mga nauna sa iyo! Masyado kitang pinagkatiwalaan at iyon ang naging pagkakamali ko. Ang dami mo pang 'thank you for loving me' sa video mo noon, tapos ito lang pala ang isusukli mo? Ang kapal ng mukha ninyo! Ang kapal ng mga kalyo ninyo sa pagiging manloloko!" gigil na sabi ni Mariel. Kapag galit siya, walang preno ang kanyang dila at lahat ng nasa isip niya ay ibinubuga niya nang walang takot. "Hayaan mo na sila, Arvie. Tara na nga dito, nagpapakita lang siya ng kayabangan," hila ng babae kay Arvie palayo. "Sinong mayabang? Gusto mo bang ibalik kita sa inidoro kung saan ka galing?" sigaw ni Mariel, sabay hila sa buhok ng babae na halos matanggal na sa pagkakakulot. Itinaas niya ang telepono na nakatutok pa rin sa kanila. "Kung hindi kayo titigil at aalisin siya sa harap ko, ipo-post ko ang video na ito sa buong social media. May pera ako, kaya kayang-kaya kong palawakin ang kwento tungkol sa inyong dalawa. Gusto mo bang subukan natin?" pananakot ni Mariel. "Beb naman..." pakiusap pa ni Arvie, pero wala nang epekto iyon sa puso ni Mariel.Doon lang bumalik sa realidad si Brix. Masyado na nga palang inaksaya ng teacher na ito ang oras niya. At lintek lang ang walang kabit; malamang kulata siya nito pag-uwi. Inabot na siya ng ganitong oras at wala siya kahit singkong duling. Bigla tuloy naisip ni Brix na dapat pala sinunod na lang niya ang solsol ng impaktong bahagi ng isip niya.Kung meron sana siya kahit konting pera sa bulsa, walang problema; ang kaso, butas na nga ang bulsa niya, sakit pa ng puson niya. "Ang kawawang cowboy may baril di makaputok, may manok di makasabong..." kumanta na lamang si Brix, busog naman ang berdi niya. Dapat pala hinayaan niyang makadura man lang ng malapot ang manok ni San Pedro niya kesa ganitong para siyang dinidysmenorrhea sa bitin. Sa pagkakataong iyon ay gumana ang imagination ni Brix.Tumawag si Brix sa telepono ng hotel para i-update ang pina-dry clean nilang damit at mabuti na lang at okay na daw ito, kaya sinabi niyang dalhin na agad sa silid nila. Inilagay ni Brix ang nakaplast
Matapos makipagbunong-braso sa sariling damdamin at makitang maayos na ang babae, kinumutan ito ni Brix. Paalis na sana si Brix nang habulin siya ng mga kamay ng babae at nagsalita ito. Medyo mahina at malabo ang sinasabi nito,pero kahit papaano ay narinig niya. Nakakagulat at hindi niya inaasahan, kaya tinanong ni Brix ang babae."Ano yun, Miss?" Tanong ulit ni Brix, baka kasi mali ang pandinig niya."Ang sabi ko, magkano ka...?" Ulit ni Mariel.Biglang dumagondong sa tenga ni Brix ang salitang iyon, pagkatapos ay nagkaroon ng katahimikan. Naglapit ang mga kilay ni Brix at biglang naging seryoso ang mukha. Lumiit ang tingin niya sa babae na parang naging singliit ng pusa na gusto niyang sakalin sa sobrang yabang. Hindi talaga siya makapaniwalang matapos ang lahat ng ginawa niya at pagpipigil niya ay babalahurain nito ang pagkatao niya. Oo nga at may presyo ang serbisyo ng kahit na sino sa panahon ngayon, pero hindi ka dapat nanghahamak ng tao. Kinakitaan ng malakas na awra si Brix sa
Kasabay ng paninigas ng kalamnan ni Brix ay ang pagdaloy ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ang lawak ng puting kama ay parang nang-aakit sa kanya, parang nang-aanyaya.“Umayos ka Brixton, umayos kung ayaw mong magkanda lehe leche ulit ang buhay mo. Problema mo pa nga paano tatakasan ’yon; isa, kukuha ka pa ng sakit ng ulo,” sabi ni Brix sa sarili. Pumasok si Brix sa silid at inilapag ang babaeng tulog na tulog pa rin marahil dahil sa kalasingan. Gusto sana ni Brix na iwan na ito, total naman ay safe na ito doon, pero naisip ni Brix na malaki ang utang ng babae sa kanya. Umupo si Brix sa gilid ng kama at ihinanda na sana ang sarili niyang magbilang ng butiki, pero nakita niya ulit ang hitsura ng babaeng nanlilimahid na sa suka ang mukha at damit. At dahil ilang minuto na, mas tumindi na ang amoy ng suka at nakakabaliktad na sa sikmura. Kumilos si Brix; bahala na. Una, malinis ang intensyon niya; ikalawa, hindi lang talaga kaya ng konsensya niyang pabayaan ito; at ikatlo, hindi kasi
Hindi alam ni Brix kung bakit kakaiba ang naramdaman niyang lamig at kilabot nang makita niya yung puting malapad at malambot na kama. Pagkatapos ay napatitig siya sa babaeng kalong-kalong niya ngayon. Nakalugay ang buhok nito, dumuduyan sa hangin. Nakatingala ito, kaya't kitang-kita niya ang makikinis nitong leeg, at dahil din sa himbing ng tulog nito ay nakaawang ang mga labi nito; mga labing kanina lamang ay nalasap niya ang tamis."Pero napangiwi si Brix nang maalala niyang nalasap pala niya ay hindi tamis kundi pait ng suka."Yuck..Naku lintek talaga 'yung utak ko ata naging sabaw na nga. Naku, Miss, ang bigat mo."Mabilis na naglakad si Brix papasok at inilapag ang babae sa kama. Yun nga lamang, parang nagising ito dahil sa medyo pabagsak na paglapag niya. Agad nitong ikinalawit na naman ang kamay sa batok niya kaya napasobsob si Brix sa babae at sakto sa Chocolate Hill naman talaga. Agad naramdaman ni Brix na titilaok ang manok ni San Pedro kaya medyo nanikip ang pantalon niya.
Natigalgal si Brix nang dumilat ang babae matapos dumampi ang mga labi nila.“Oh, Sh*t,” napalakas pa nga ang pagkakasabi niya.Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babae. Parang naghiwalay ang ulo at leeg niya sa lakas ng kamay nito.“Sheet, bakal ba ang kamay niya? Amazon ba ito sa past life niya o angkan ni Hercules? Grabe, woah,” sambit ni Brix na kinapa-kapa ang nasaktang pisngi bago muling humarap sa babae para mag-sorry.“Miss, pasen… what?” Laking gulat ni Brix nang sumalubong sa kanya ang bibig ng babae, saka ito naman ang humalik sa kanya."Oh mamamia." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Brix at for the first time ngayon lang siya nanigas sa halik ng babae.Napakarami ng babaeng nagpipiyesta sa labi niya at lahat 'yon natural pinagbibigyan niya. Aba, sino bang tatanggi, g*go ba siya? Pero anong meron ang babaeng ito at nanigas pati kalamnan niya.Si Brix din ang tumapos ng halik dahil aba nawiwili na ito. Unang-una, hindi free ang halik niya at ikalawa, baka siya
“Ay, sus naman, Miss, bulilyaso na nga ang raket ko; magiging bangenge sitter pa ata ako, ah,” sabi ni Brix. “Paano ba ito, anong gagawin ko dito? Saan ko ba dadalhin ang teacher na 'to?” Nalilito na ang binata at natutukso na ngang kalkalin ang maliit na body bag na dala nito. Ang kaso lang, may hiya pa naman nang konti si Brix, bukod pa sa baka makasuhan pa siya. Hindi niya alam ang pangil ng babae at kung sino ba ito. “Hay, Brixton, tinamaan ka ng kidlat ng kamalasan ngayong araw na ito. Siguraduhin mong magtirik ka ng kandila sa simbahan sa linggo nang mabasbasan ka at ipagdasal mo ang mga semilya mong ipinutok mo sa kumot sa loob ng mahabang panahon,” sabi ni Brix na kumamot sa ulo na akala mo ay inaatake ng Clash of Clans ng mga kuto. Iiling-iling man ay dahan-dahang inilapag ni Brix ang babae pahiga sa likod ng driver's seat saka muling bumalik ang binata sa manibela. Humugot ng malalim na hininga ang binata at binuksan ang makina, saka pinaandar ang sasakyan at sa iisang luga







