Share

Kabanata 3

Author: VERARI
“What? Paano nagawa sa ‘yo ng tatay mo ang gano’n?!” galit na usal ni Charlie Rivas, habang nasa kwarto sila nito.

Nakaupo si Klaire sa sofa kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Ikinwento niya ang lahat ng nangyari. Dahil doon ay sobrang nagalit ang kaibigan.

“Malinaw namang si Kira ang pumilit sa 'yo, pero ikaw ang pinagbintangan! Kitang-kita talaga paborito siya ng tatay mo!”

Nanahimik lang si Klaire habang yakap-yakap ang mgatuhod, hindi sumasagot sa mga puna ni Charlie. Noon pa man, alam na niyang mas mahal ng Papa niya si Kira kaysa sa kanya.

Sa loob ng maraming taon na paninirahan sa isang bubong, ilang bagay ang palaging nangyayari sa mansyon ng mga Limson. Una na roon na kapag may gusto siya, tiyak ay gugustuhin din ito ni Kira. Hanggang sa pipilitin siya ng Papa niya na ibigay na lamang ito sa kapatid. Kapag naman nagkakamali si Kira, siya ang parurusahan dahil hindi raw niya inaalagaan ang kapatid.

Lahat ng mayroon siya, dapat ay mapunta kay Kira. At lahat ng kay Kira... hindi dapat maging sa kanya. Tanging mga bagay na ayaw na ni Kira lang ang maaaring maging sa kanya.

Dahil dito, magkaiba ang itsura at ugali nilang magkapatid. Simple lamang siya at tahimik, samantalang outgoing at makulit si Kira. Kung ipagkukumpara, para bang anak siya ng katulong samantanag anak naman ng may-ari ng mansyon si Kira.

Madalas pumasok sa isip ni Klaire: kung buhay pa ba ang Mama niya at hindi nag-asawa ulit ang Papa niya, maiiba kaya ang takbo ng buhay niya?

Ang Mama niyang si Jasmine Limson, ang unang asawa ng kanyang Papa, ay namatay sa malubhang sakit nang tatlong taon pa lamang siya. Bagama't malabo na sa isip niya, naalala pa rin niya kung paano ito nagbilin na laging sumunod at maging masunurin sa Papa niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya humihiling ng maraming bagay kay Theodore.

Pero ngayon? Wala na ba talaga siyang karapatan na humingi ng katarungan sa nangyari?

‘Wala rin namang saysay…’ sagot niya sa sarili.

Ni hindi na importante pa kung sino talaga ang salarin sa nangyari. Sira na ang buhay niya.

Hindi na niya mababawi ang nawala niyang virginity… pinalayas na siya ng ama niya sa mansyon, at ayaw na siyang makita pa ni Miguel.

Nabahala si Charlie nang makita ang matinding kalungkutan sa mukha ni Klaire kaya naman mahigpit siya nitong niyakap. “Klaire, whatever happens, I’m always here for you.”

Muling nalaglag ang mga luha ni Klaire dahil sa mga salitang ‘yon ng best friend niya. Niyakap niya nang mahigpit si Charlie.

Bakit gano’n? Dugo’t laman naman siya ng Papa niya pero ayaw siya nitong pakinggan… mas pinapakinggan at dinadamayan pa siya ng ama ng matalik niyang kaibigan. Bagama’t nagpapasalamat siya at nariyan si Charlie para sa kanya, hindi niya maitanggi na lalo siyang nasasaktan sa naiisip.

Bakit gano’n na lang karahas ang ama niya sa kanya?

Ilang oras ding umiyak si Klaire sa bisig ni Charlie. Nang tumigil siya sa pag-iyak ay hinaplos ng kaibigan ang kanyang ulo. “Pahinga ka muna, Klaire. Malamang pagod na pagod ka na.”

“Thank you, Cha. Malaki ang utang na loob ko sa ‘yo,” aniya, namumula ang mga mata.

“Sus, para na tayong magkapatid kaya huwag kang mahiya, okay?” ani Charlie. “Huwag kang mag-alala. Pwede kang mag-stay dito hangga’t kailan mo gusto.”

Bahagyang napangiti at tumango si Klaire nang marinig ‘yon.

***

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang manirahan si Klaire sa tahanan ng pamilya Rivas. Bagama't may mga sandali pa ring umiiyak siya nang patago, unti-unting nanumbalik ang ngiti sa kanyang mukha.

Sa nakaraang dalawang linggo, sinubukan ni Klaire na makipag-usap kay Miguel. Kahit alam niyang hindi na maibabalik ang dati nilang relasyon, gusto niyang ipaliwanag ang tunay na nangyari at humingi ng tawad dahil nasaktan at na-disappoint niya ito.

Pero tila ba blinock na ng dating fiance ang lahat ng kanilang contact. Sa huli, sumuko na lamang siya at nagdesisyon na kalimutan na lang ang lahat.

Dahil ayaw na niyang manahimik lamang sa kwarto at pag-alalahin sina Charlie at ang pamilya nito sa kanya ay nakapagdesisyon na siya.

“Kailangang may gawin ako rito…” bulong niya.

Nang makarating sa hagdan, napansin niya sina Charlie at Lance na nanonood ng TV sa sala habang sunod-sunod ang pagmumura.

“Nababaliw na ba sila? Paano nila nagawa 'to kay Klaire!” galit na sabi ni Charlie. “ May sira talaga ang utak ng pamilya niya!”

Kumunot ang noo ni Klaire sa narinig. Bakit naman kaya binabanggit ni Charlie ang kanyang pamilya? Nagpatuloy siya sa pagbaba sa hagdan hanggang sa matingnan niya ang balita sa TV.

Biglang nanigas si Klaire sa kinatatayuan nang mapanood ang balita.

[INANUNSYO NI MIGUEL BONIFACIO ANG PLANONG PAGPAPAKASAL SA PANGANAY NA ANAK NG PAMILYA LIMSON, SI KIRA LIMSON!]

Kitang-kita sa screen si Kira na nakangiting nakadikit kay Miguel, ipinangangalandakan ang kanilang mga engagement ring sa camera.

Parehong nakangiti ang dalawa sa camera.

Parang unti-unting nag-echo ang tainga ni Klaire. Hindi niya maproseso ang sinasabi ng reporters. Bigla siyang nahilo at kumapit sa railings ng hagdan.

Bakit pakakasalan ni Miguel si Kira?!
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
nagtagumpay si.Kira sa.kanyang plano
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 189

    At tama nga ang hinala ni Rage. Pagkatapos ng trabaho, dumiretso si Miguel sa kanyang lolo para pag-usapan ang tungkol sa kompanya. Sinabihan na ni Rage ang ama na paalisin si Miguel kung darating ito sa parehong araw na darating siya. Ngunit hindi magawang itaboy ni Baltazar ang kanyang apo.“Lolo,

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 188

    “Siyempre hindi.” Sinubukang abutin ni Rage ang ulo ni Klaire para haplusin ito gaya ng nakasanayan, pero umiwas ito at lumipat sa gilid. “Ayaw mo bang hawakan kita?”“Pinagdududahan mo na agad ako. Ano’ng sinabi mo kahapon? Sabi mo, mamumuhay na lang tayo na ang iniisip ay ang future natin. Si Migu

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 187

    Pero, tinutukso si Rage ng matinding pagnanasa na ituloy pa ang ginagawa niya. Gusto niyang marinig ang mga sigaw ng asawa na sarap na sarap. Ang mga ungol ni Klaire ay parang reminder na kailangang marinig ni Rage bawat ilang oras, araw-araw.Madali niyang pinunit ang tatsulok na tela sa ilalim ng

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 186

    Agad na ipinaabot kay Rage ang kahilingan ni Miguel. Ang lalaki, na hinahaplos ang bahagyang umbok sa tiyan ni Klaire, ay naputol sa ginagawa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.“May tumatawag.” Tinulak ni Klaire ang ulo ni Rage na lalo pang dumidikit sa kanyang tiyan.“Honeymoon natin ngayo

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 185

    Nagpatuloy ang kanilang ‘secret affair’ hanggang sa sumikat ang araw. Kakauwi lang ni Miguel mula sa pagbili ng bagong apartment para kay Erica, na mas maayos at mas ligtas mula sa mapanghusgang mata ng iba.Sa kwarto, wala pa ring malay si Kira. Binuksan ni Miguel ang kurtina ng bintana, dahilan pa

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 184

    "Hindi… Gusto kong marinig ko munang pinapatawad mo ako. Saka lang ako aalis dito," giit ni Miguel.Ayaw ni Miguel na maging duwag at iwan na lamang si Erica matapos niya itong dungisan. Ayaw niyang mabuhay sa konsensiya at gusto niyang marinig mismo kay Erica ang kapatawaran sa ginawa niya."Sa tin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status