Share

Kabanata 2

Author: VERARI
“Ang kapal ng mukha mong humarap sa akin matapos ang lahat ng nangyari!” Walang hiya ka!” parang kulog na sigaw ng kanyang ama.

Nanigas si Klaire sa kinatatayuan dahil sa narinig mula sa ama. Bakit ganito na lang ang galit ng Papa niya?

Nang makita ni Theodore ang walang ekspresyong mukha niya ay umamba ito para sampalin siyang muli. Ngunit agad itong pinigilan ni Kira, ang kanyang stepsister.

“Papa! What are you doing? Bakit mo naman sasaktan si Ate Klaire?!" pagtatakang sabi ni Kira na may halong pag-aalala.

Marahas na hinawi ni Theodore ang kamay ng anak. "Huwag kang makialam! Kailangan kong turuan ng leksyon ang walang hiya mong kapatid!"

Dumating si Matilda, ang second wife ng kanyang Papa at ang ina ni Kira, nang marinig ang sigawan. Nang makita ang nangyayari, agad nitong sinegundahan ang anak na pigilan ang asawa.

“Theo, kumalma ka! Huwag mong saktan ang anak mo!”

Habang abala ang mag-ina sa pagpigil sa kanyang Papa ay nanginginig naman nang sobra sa kinatatayuan si Klaire. Masamang ang kutob niya sa nangyayari.

Alam na ba ng ama niya ang nangyari kagabi…?

"Tumigil kayo! Hindi niyo alam kung gaano ako napahiya nang kanselahin ng mga De Silva ang kasal dahil sa kalandian ng babaeng ito!" galit na sabi ni Theodore na ikinagulat ng lahat.

Itinaas ni Klaire ang ulo at tiningnan ang ama. “A-Ano po? B-Bakit?”

Lalong uminit ang ulo ni Theodore dahil parang hindi pa nauunawaan ni Klaire ang kasalanan niya. Hinugot ng lalaki ang ilang larawan mula sa kanyang bulsa at sinaboy ang mga ito sa kanyang mukha.

“At nagtatanong ka pa! Tingnan mo ang mga kalaswaan mo!”

Nahawakan ni Klaire ang ilan sa mga larawan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dumadaloy ang mga maiinit na luha sa kanyang pisngi.

Kitang-kita sa larawan ang kanyang sarili kasama ang isang lalaking papasok sa hotel room. Nakatalikod ang lalaki, pero kitang-kita ang mukha niya. Masyadong mahigpit ang yakapan nila at sa doon pa lang ay malalaman na ang naganap pagkatapos nilang isara ang pinto.

“Talagang nagtatanong ka pa sa kabila ng mga ebidensyang ‘yan ha?!” sigaw ni Theodore. “Para malaman mo, mismong assistant ni Miguel ang nagdala ng mga larawang ‘yan at ipinaalam ang desisyon niyang kanselahin ang kasal! Ayaw ka na raw niyang makita ang pagmumukha mo!”

Biglang nanghina ang tuhod ni Klaire hanggang sa mapaluhod na lamang siya sa harap ng ama.

“Alam na lahat ni Miguel, Pa?” bulong niya, tila ayaw paniwalaan ng kanyang isip ang lahat.

Bigla namang nagsalita si Kira. “Papa, baka pagkakamali lang ito. Hindi naman pagtataksilan ni Ate Klaire si Miguel!” Humarap ito sa kanya. “Ate, sabihin mo na ang totoo!”

Tinitigan niya ang kapatid matapos itong magsalita. Hindi ba’t si Kira dapat ang mas nakakaalam kung ano talaga ang nangyari kagabi?!

“Ikaw ang nagpumilit na sumama ako sa party, Kira…” hagulgol niya habang mahigpit na hinawakan ang braso ng kapatid. “Hindi ba't dapat mas alam mo kung ano ang nangyari nang malasing ako?!”

“A-Ate…” Nabigla at tila ba’y ignorante si Kira sa nangyari. “Ate, I just—”

Mas lalong nagalit si Theodore sa paratang ni Klaire sa kapatid. “Tumigil ka! Malinis ang intensyon ng kapatid mo nang maghanda siya ng bachelorette party para sa'yo, ngayon ikaw pa ang may ganang ibunton ang sisi sa kanya?!”

Napanganga si Klaire at umiling. Sisi? Tinatanong lamang niya si Kira! Totoo namang ito ang pumilit sa kanya na pumunta sa ganoong lugar! Alam ito ng Papa nila!

Bago pa man makapagsalita si Klaire, biglang na lang lumuhod si Kira sa harap ng kanilang Papa.

"Papa! Tama si Ate Klaire, kasalanan ko ang lahat! Hindi ko na sana dapat pinilit ang party! Huwag mo siyang sisihin, Papa!" pakiusap ni Kira at pinagdikit ang mga palad habang nagmamakaawa.

Tunog nagtatanggol ang mga salita ni Kira, ngunit bakit pakiramdam niya ay ginagawa nitong masama ang sarili para siya ang magmukhang naninisi?!

"Kira, tumayo ka riyan! Hindi mo kasalanan ang nangyari!” mariing sabi ni Theodore.

Kahit pasigaw ang boses, kitang-kita sa mga mata ni Theodore ang lambing para sa pangalawang anak.

Lalong sumikip ang dibdib ni Klaire sa nakikita. Bakit kailanman hindi siya tiningnan ng Papa nila nang ganoon? Hindi ba't anak din naman siya nito?!

Tiningnan ni Theodore si Klaire nang may matinding poot. "Sabihin mo sa akin, sino ang lalaking kasama mo kagabi?!"

"H-Hindi... hindi ko po siya kilala," mahinang sagot niya habang umiiyak.

Mabilis lang niyang nakita ang mukha ng lalaki bago siya umalis sa hotel, ngunit talagang hindi niya ito nakilala.

"Hindi mo kilala?! Ibig sabihin... nakipagtalik ka sa isang estranghero?!"

Sobra na para ito para kay Theodore Limson. Hindi na niya kayang tiisin pa ang nalaman!

“Lumayas ka.”

Namutla si Klaire sa narinig. “P-Papa…”

“Huwag mo akong tawaging Papa! Hindi ko kailanman tatanggapin ang isang anak na katulad mo!" galit na sabi nito. "Mula ngayon, hindi na kita anak. Lumayas ka sa pamamahay ko!”

Mabilis na niyakap ni Klaire ang paanan ng ama. “Papa! Papa, huwag mo pong gawin sa akin ‘to!” pagsusumamo niya.

Saan siya pupunta kung palalayasin siya nito?

Malamig ang boses ng ama nang magsalita itong muli. “Guards! Kaladkarin niyo ang babaeng ito palabas ng mansyon!”

Agad na dumating ang mga tauhan ng ama at kinaladkad siya palabas ng mansyon kasama ang mga maletang puno ng kanyang mga gamit.

"Papa! Papa!" humahagulgol niyang kinalampag ang gate, sinusubukang buksan ito, ngunit ni isa ay walang pumansin at nagpapasok sa kanya.

Sa loob ng mansyon, mariin ang naging utos ni Theodore. “Simula ngayon, hindi niyo na babanggitin ang pangalan ng babaeng ‘yon sa pamamahay ko. Patay na si Klaire Limson!”

Samantala, nakatanaw mula sa bintana si Kira. “Kawawang Klaire…” bulong niya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Kira. Nang makita ang pangalan sa screen ay kalmado niya itong sinagot.

“Ano? Mukhang nasarapan ka sa regalo ko kagabi?" tanong niya habang nakatingin sa umiiyak na Klaire sa labas. "How does it feel to have sex with my stepsister?”

Ang totoo, si Kira ang mastermind sa lahat ng nangyari. Sinadya niyang lasingin si Klaire para may mangyari sa kanila ng kaibigan niya. Lahat ng ito ay ginawa niya para hindi matuloy ang kasal at para siya ang pumalit bilang mapapangasawa ni Miguel Bonifacio.

“Siraulo ka ba?” sigaw ng lalaki sa kabilang linya. “Hindi ko naman natikan ang kapatid mo! May ibang lalaking dumating at pinalayas ako!”

“Ano’ng sabi mo?” Gulat si Kira sa narinig. “Hindi ikaw ang nakasiping niya kagabi? Pero ‘yung mga litratong ipinadala ng tauhan ko—”

“Putangina! Ako ang nasa litrato! Pero hindi ako ang nakasama niya! Binugbog lang naman ako ng isang lalaki at pinalayas sa kwarto! Nasa ospital ako ngayon! Kasalanan mo ‘to kaya responsibilidad mo ako!”

Hindi pinansin ni Kira ang galit ng kaibigan dahil mabilis na siyang napaisip…

Napatingin siya sa gate pero wala na roon si Klaire.

Kung gayon... kung hindi ang kaibigan niya, sino ang nakasama ng kapatid niya kagabi?!

***

CONRAD HOTEL, ROOM 4306

Nagising ang lalaki sa tawag sa kanyang phone. Wala pa sa wisyo niyang kinuha ito at inilapat sa kanyang tainga.

“Sir Rage! Sa wakas sumagot ka na rin!” anang natatarantang boses sa kabilang linya na nagpaalab sa kanyang itim at malamlam na mga mata. “Saan po kayo nagpunta kagabi?!”

Nang marinig ang tanong, biglang kumunot ang noo ni Rage De Silva at mabilis na naupo. Tiningnan niya ang paligid. Hindi ito ang kanyang kuwarto.

Hanggang sa unti-unting nagbabalik ang mga alaala niya sa mga pangyayari kagabi—kung paano niya pinilit ang isang babaeng walang kalaban-laban sa pakikipagtalik at nangakong pananagutan ito.

Nang maalala iyon, nagtagis ang bagang ni Rage.

“Pick me up now,” mariin niyang utos habang nakaupo sa gilid ng kama. Nakatitig siya sa hotel information sa nightstand. “Conrad Hotel, room 4306.”

Tatayo na sana siya at inalis ang kumot nang matigilan siya sa nakita sa bed sheet. Mga patak ng dugo at isang kwintas.

Napamura si Rage nang matanong hindi lang niya pinilit ang babae, kundi kinuha rin niya ang pagkabirhen nito. “Damn it…”

Narinig ng personal assistant niya ang pagmumura niya. “Sir? May problema po ba?”

“Find out immediately who booked this room!” utos niya at pinulot ang kwintas sa kama. “Whoever she is, I have to take full responsibility.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Remz Dumaguin
i love the stories
goodnovel comment avatar
Maricel Enriquez
very interesting
goodnovel comment avatar
Rosemarie Dimana
nakaka excite ang mga susunod na pangyayari
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 383

    At ngayon, tinatanong pa nito ang isang bagay na obvious naman, kaya wala nang ibang masabi pa si Klaire. KNOCK. KNOCK. KNOCK.Ang katong na ‘yon ang pumutol sa katahimikan ng silid. Dali-daling binuksan ni Klaire ang pinto at napasinghap nang makita sina Enzo at Mark na nakatayo mula sa labas. “H

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 382

    “A-no ang nangyari?” Gulat at litong-lito si Klaire.Niloko lang ba siya ni Rage nang sabihin nito na malala na ang lagay ng Papa niya?Pero, alam niyang hindi marunong umarte ang isang Theodore Limson. Totoo ang pagkalito na nakikita niya sa mukha nito. Marahil ay talagang nagising ang Papa niya da

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 381

    Nag-uunahan ang isip ni Klaire. Hindi siya puwedeng mahuli. Hindi niya kayang mawala ang kanyang ama.Para bang sinasaksak siya ng sakit sa dibdib sa isiping maaari itong mamatay anumang oras… Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa Mama niya, nagbago ang Papa niya. Isa rin itong biktima. Walang

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 380

    “Anong sinabi mo?” Hindi lamang si Rage ang natigilan, kundi pati si Klaire na palihim na nakikinig ay lubos na nagulat.“You must have thought that Klaire was the only one who told me about the drug results, right?”Nanlaki ang mga mata ni Klaire. Halos mapatalon siya mula sa pinagtataguan upang t

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 379

    Ayaw niyang i-pressure ang asawa. Alam niyang natural na mararamdaman ng puso ni Klaire ang pagmamahal na ‘yon sa tamang oras. “Hinihintay kita na matapos mag-shower,” sabi ni Klaire. “Bakit mo naman ni-lock ang pinto?”May munting ngiti na kumawala sa labi ni Rage. “Why? Are you going to tease me

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 378

    “So, how’s my father-in-law now?”Napabuntonghininga ang doktor. “Hopefully, makalagpas si Mr. Limson sa critical period na ito ngayong gabi. Napakataas ng concentration ng content ng drugs na ininom niya, meaning hindi lang isa o dalawang tableta ang ininom niya.”Naunawaan agad ni Rage ang ipinah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status