Habang naguguluhan ang isip ni Klaire dala ng maraming katanungan ay narinig niyang muli ang galit na bunganga ni Charlie.
“Napakatuso talaga ng babaeng ‘yan! Sigurado akong matagal nang gusto ng Kira na ‘yan si Miguel! Isa lang ang ibig sabihin nito. May kinalaman siya sa nangyari sa bestfriend ko!” Dagdag pa ni Charlie, “At isa pa ‘yang si Miguel! Hindi ba niya naisip kung gaano masasaktan si Klaire sa balitang ‘to? Kung makikita ko lang talaga ang dalawang 'yan, naku…”
Tiningnan nang masama ni Lance ang kapatid dahil pataas na nang pataas ang boses nito. “Huwag ka ngang sumigaw diyan, you idiot! Patayin mo ‘yang TV. Baka marinig pa ni Klaire—”
Biglang natigilan si Lance nang makita siyang nakatayo hagdan.
“K-Klaire!”
Nilingon siya ni Charlie at mabilis na pinatay ang TV. Parehong natigilan ang magkapatid hanggang sa lapitan niya ang mga ito.
Agad na tumayo sina Charlie at Lance para lapitan siya.
“Bestie, huwag mong intindihin ‘yong dalawang cheap na ‘yon, ha? Hindi sila karapat-dapat sa atensyon mo!”
"Tama si Cha! They don’t deserve your attention, Klaire.”
Parang nag-panic ang magkapatid at sinusubukan siyang pakalmahin. Halata sa mga ito ang pag-aalala na baka malungkot siya dahil sa engagement nina Miguel at Kira.
Ngunit hindi nila inaasahan ang pagngiti ni Klaire.
“Pwede bang tulungan niyo akong makahanap ng trabaho?”
Parehong napakurap sina Charlie at Lance.
“Ano?” naguguluhang tanong ni Charlie na para bang mali ito ng nadinig.
Bahagya niyang nginitian ang magkapatid sa harapan niya. “Naisip ko lang kasi na oras na para kumilos ako. Hindi pwedeng palagi akong nakaasa sa inyo, Cha. Kaya gusto ko na sanang makahanap ng trabaho.”
“Klaire, hindi ka naman pabigat dito sa bahay. Huwag mo nang isipin ‘yon!” ani Charlie at hinawakan ang mga kamay niya.
“Cha, sobrang bait ninyo sa akin at nagpapasalamat ako nang sobra," sagot ni Klaire. "Pero hindi natatapos dito ang buhay ko. Hindi pwedeng nandito lang ako sa inyo nang walang ginagawa.” Napuno ng determinasyon ang kanyang ngiti. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.”
“Klaire…” Hindi na alam ni Charlie ang sasabihin.
Maaliwalas ang aura ng mukha ni Klaire na tila ba wala itong pakialam sa balitang narinig. “So… matutulungan niyo ba akong makahanap ng trabaho?”
Nagkatinginan sina Charlie at Lance. Parang nag-uusap sa isip bago nagdesisyon.
Ngumiti si Lance. “Kung talagang sigurado ka sa desisyon mo... hahanapan kita ng mapapasukan.”
***
Makalipas ang ilang araw, sa opisina ng President ng De Silva Company,
“The hotel reservation is unknown and the owner of the necklace is nowhere to be found. Should I just fire you, Chris?” malamig na tanong ni Rage habang madilim ang ekspresyon ng mukha matapos malaman ang resulta ng halos dalawang linggong imbestigasyon ng kanyang personal assistant.
Mukhang walang magawa ang mukha ni Chris. “Sir, ang nalaman ko lang ay ang may-ari ng kwintas ay isang babaeng tumakas sa kanilang tahanan 26 na taon na ang nakalilipas. Hindi ko na malaman kung nasaan na siya ngayon…”
Kumunot ang noo ni Rage. Kung ang babaeng nagmamay-ari ng kwintas ay tumakas sa kung saan 26 na taon na ang nakararaan, dapat ay nasa late 40’s na ito ngayon, bagay na hindi tumutugma sa babaeng nakasama niya sa hotel nang gabing ‘yon.
Naaalala pa niya ang magandang mga mata nito na bumighani sa kanya nang gabing iyon. He closed his eyes as he tried to remember her. Kahit pa malabo na ang buong nangyari sa isipan niya, tiyak siyang bata pa ang babaeng nakasama niya sa kama. Malamang ay anak ito ng babaeng nagmamay-ari ng kwintas.
That’s just very complicated.
Nang makita ang madilim na ekspresyon ng amo ay hindi napigilang magtanong ni Chris. “Uh, ano ‘ho sa tingin niyo, Sir? Kailangan ko bang mag-hire ng maraming tao para ipagpatuloy itong imbestigasyon sa may-ari ng kwintas?”
Kung totoong tumakas ang may-ari ng kwintas 26 na taon na ang nakalipas, ano pa ba ang makukuha nilang impormasyon?Baka wala na itong bakas o ‘di kaya’y mahirap nang matagpuan pa.
Iminulat ni Rage ang kanyang mga mata at inabot ang isang dokumento sa mesa.
“Just forget it,” wika niya. “But don’t stop until you get the information about the person who booked the hotel room 4306 that night.” Tinitigan niya nang diretso si Chris bago nagpatuloy. “If you need to use money, use as much as you need. Ang babae lang na ‘yon ang gusto ko.”
“Naiintindihan ko po, sir,” tugon ni Chris.
Ang tunog ng pagkatok ay ikinalingon nina Rage at Chris sa pintuan. Naroon ang isang receptionist at agad na nagsalita. “Mr. De Silva, dumating na po ang bagong secretary ninyo. I’ll tell her to wait for you—”
“No, let her in.”
Nang marinig iyon, nilingon ng receptionist ang bagong secretary at inanyayahan itong pumasok sa opisina.
Habang naglalakad ang babae, napako ang tingin ni Rage sa isang pares ng nakakabighaning mga mata sa harap niya.
Katulad niya, ang babae ay natigil sa kinatatayuan, animo’y nakilala kung sino siya.
Naguguluhan naman si Chris habang hila-hila ang isang upuan sa harap ng desk ng among si Rage para sa bagong sekretarya. Tiningnan niya ang gulat na ekspresyon ng babae.
“Ms. Klaire Villanueva, are you alright?”
Oo. Ang babaeng pumasok para sa kanyang unang araw bilang sekretarya ni Rage De Silva ay walang iba kundi si Klaire!
Nagpasya si Klaire na gamitin ang apelyido ng kanyang ina matapos siyang palayasin ng Papa niya at itakwil bilang anak nito.
Nanginig ang katawan ni Klaire sa kinatatayuan. Ang naunang kalmadong ekspresyon ay biglang napalitan ng takot…
Ang lalaking ito… hindi siya maaaring magkamali…
Siya ang lalaking kumuha ng virginity niya nang gabing iyon!