LOGINAngel's POVNAGSIMULANG gumapang ang luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay tuluyang nagkapirapiraso ang aking puso sa mga bagay na nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Wala akong ideya sa kanilang ginagawa, ngunit ang alam ko, nasasaktan ako at wala akong karapatang maramdaman ito.Mariin kong pinahiran ang luha sa aking mata, saka mariing kinuyom ang aking kamay. Sa kondisyon ngayon ng puso ko, hindi ko alam kung kakayanin ng mga paa ko ang humakbang papasok sa loob ng opisina, lalo pa at ganito ang makikita ko.Imbes na humakbang paharap ang aking mga paa, nagsimula akong humakbang pabalik hanggang sa tuluyan akong makalayo sa kinaroroonan ng dalawa.'Akala ko ba hindi pa siya uuwi? Akala ko ba sa susunod pa ang uwi niya? Pero bakit nandito na siya agad? Kapag si Alice ang humingi ng pabor sa kanya at sinabing umuwi siya, uuwi siya. Kapag ako ang nagsabi, may araw pa siyang hihintayin? Akala ko ba mahal niya ko? Akala ko ba gusto niya ko? Pero bakit parang mas mahala
Liam's POVShe hung up the phone at hindi ko malaman kung bakit.Marahan kong sinandal ang aking likod sa backrest ng aking upuan, saka hinilot ang aking sentido."Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'yon?" sambit ko saka bumuntonghininga.I just wanted to inform her about it at ang totoo, wala naman akong planong i-pursue ang arranged marriage ng family ko. All I want is to fix the problem with me and Alice's company and family.Maya-maya lang, sa paglibot ng paningin ko sa kuwarto kung saan ako naroon, marahang tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi nang makita ko ang litrato ni Angel sa side table ng aking kama.It was a picture of her while sleeping na kinuhaan ko noong araw na natutulog siya. Wala siyang ideya sa mga bagay na aking ginawa."Wait? Did I unconsciously smile?" gulat kong sambiy sa sarili.Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso. This past few days, labis akong nag-aalala kay Angel. Madalas akong napapangiti sa tuwing iniisip ko siya. At first I th
Angel's POVHindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at nagiging mapanghusga na ako sa halos lahat ng bagay. As of this moment, nakaupo kami sa isang pulang sofa habang ang mga ka-meeting ni Ms. Alice ay nagpapakita ng kani-kanilang laptop sa harapan ng aking boss. Halos anong oras na pero hindi pa rin sila tapos. Tumingin ako sa paligid, tila isang normal bar lang ang lugar na ito pero walang music, kaya siguro dito napiling mag-usap ng mga ito.Also, napag-alaman ko na pag-aari pala ng isa sa mga ito ang malaking bar na to. I guessed mas komportable siya na dito magtrabaho."So what do you think, Angel?"Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang tinig ni Alice."H-Ha?" animoy lutang kong tugon sa kanya."We are talking about the expansion of the company. Sa tingin mo ba magugustuhan ni Liam ang ideya na to? I mean, you are his secretary for too long, what do you think?" sunod-sunod na paliwanag sa akin ni Ms. Alice na ngayon lang tuluyang pumasok sa aking isip."A
Angel's POVDALAWANG linggo ang nakalipas, ang totoo, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Liam. Sa bawat araw na dumaraan, palalim nang palalim ang pangungulila ko sa kanya. Na para bang hinahanap-hanap ko ang tinig niya dahil hanggang ngayon, hindi na rin siya tumatawag sa akin.Hindi ko alam kung ano ang nangyari, wala rin naman sa kanyang schedule na magtatagal siya sa ibang bansa. Nais ko sanang mangialam at magtanong sa kanya, ngunit sino ba ako? Hindi ba isa lamang akong sekretarya?***Hindi ko na alam kung ilang beses akong napabuntonghininga habang naglalakad sa corridor ng building kung saan ako nagtatrabaho. Sa araw-araw, napapansin ko sa aking sarili na wala na akong ganang mangtrabaho.Dahil nga ba ito kay Liam? Siguro nga malaki na ang naging bahagi niya sa aking buhay at pakiramdam ko ay may kulang.Dahil sa lalim ng mga bagay na aking iniisip, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa pinto ng opisina. Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa, saka hinawak
Angel's POVNAKANGITI habang humuguni ang aking labi nang makarating ako sa opisina. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto, kumunot ang aking noo nang makitang wala pang tao sa loob."Himala ito, ah? Late yata ngayon si Liam?" sambit ko sa sarili.Nababakas sa aking mukha ang pagtataka, noon kasi, hindi naman nala-late ang boss ko at madalas, mas maaga pa nga siya sa aking pumasok.Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala, ngunit mabilis ko ring inalis ang mga pag-aalalang bumabalot sa aking isip."Baka naman mamaya pa siya papasok," sambit ko sa sarili. Nagkibit balikat ako saka sinimulang ihakbang ang mga paa papasok ng opisina at nagtungo sa aking puwesto. Tumingin ako sa paligid at sa station ni Liam. Sandaling nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso at hindi ko alam kung bakit."M-May nangyari kaya?"Maya-maya lang, ilang oras na ang lumipas at nagsimula na rin ako sa trabaho. Unti-unting bumigat ang aking balikat nang makalahati ang araw at hindi na pumasok si Liam. Bilang kanyan
Angel's POVNAPAKO ang ngiti sa aking mga labi habang nakahiga sa ibabaw ng aking kama. Kahit dalawang linggo na ang lumipas simula nang mag-swimming kami sa beach, hindi pa rin mawala sa aking isip ang mga bagay na nangyari sa ilang araw na iyon.Naramdaman ko ang pag-init ng aking puso nang maalala kung paano ako itrato ng pamilya Grayson. Alam kong taliwas ito sa mga planong nasa isip ko, ngunit hindi ko man gusto, unti-unti na talagang nagbabago ang aking isip.Tinaas ko ang aking kamay, animoy inaabot ang malayong kisame ng aking silid. Muling sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, nang tumama ang tingin ko sa napakagandang singsing na nasa aking daliri – ang singsing na binigay sa akin ni Liam.Nang mga oras na iyon, muling bumalik sa aking alaala ang gabing nasa tabing dagat kami ni Liam.Matapos kaming mag-usap ng kanyang ina, lumapit sa akin si Liam at umupo sa aking tabi."May sinabi ba siyang masama sa 'yo?" panimulang tanong sa akin ni Liam nang gabing iyon.Mabilis a







