Lewis POVANG mga luha sa aking mata ay nag-uunahan habang tulalang nakatingin kay Vlad."Iiwan mo ako? P-Paano ako? Paano tayo?" basag ang tinig kong tanong kay Vlad.Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan kong malaman kung ano ang plano niya sa akin.Pagkatapos niya akong paibigin, ganito na lang ang mangyayari? Hindi ako papayag.Isang buntonghininga ang ginawa ni Vlad, saka nilagay ang cellphone sa kanyang bulsa. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pendant na nasa leeg ko."This will be the sign of our love. Don't worry, Lewis. Our love story will not end here. Ang totoo, ito palang ang simula," sunod-sunod na saad sa akin ni Vlad na lalong nagpapagulo sa aking isip."Vlad, bakit ba lagi mong pinapakomplikado ang lahat? Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa akin nang diretso?" inis kong wika sa kanya, sabay ang paglagaslas ng aking luha.Hinawakan ni Vlad ang magkabila kong balikat, saka niya ako niyakap nang mahigpit."Believe me, Lewis. Ayoko ring gawin ito pero kailangan.
Lewis POVNAKANGITI ang aking mga labi habang nakatingin sa vanity mirror na nasa harapan ko. Nag-aayos na ako ngayon ng sarili dahil ano mang oras, darating na si Vlad upang sunduin ako.Kinuha ko ang lipstic sa loob ng aking drawer, saka maingat na pinahiran ang aking labi. Sandali akong natigilan nang maalala ang pagkagat ni Vlad sa labi ko kagabi, dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso."Ngayong araw na 'to, sabi sa 'kin ni Vlad na ipagtatapat na raw niya ang lahat. Ano kayang ibig niyang sabihin doon?" saad ko habang minamasdan ang sarili sa salamin.Mabilis akong umiling at inalis ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Lumingon ako sa orasan at nakita kong six-thirty palang ng umaga. Medyo napaaga pala ako ng pag-aayos.Maya-maya lang narinig ko ang ilang pagkatok sa pinto."Anak, gising ka na ba?"Napangiti ako nang marinig ko ang tinig ni mommy."Opo, ma. Gising na po ako. Nag-aayos lang po," tugon ko sa kanya.Matapos iyon, pumasok siya sa loob ng aking kuwarto. Kumuno
Lewis POVMariin akong napapikit nang marahas na hawakan ni Vlad ang palapulsuhan ko, saka pilit akong pinatayo."A-Aray, Vlad. Nasasaktan ako!" pagdaing ko sa kanya.Muli niya akong hinila palapit sa kanya, dahilan upang mapunta ako sa kanyang tabi."Pinayagan ba kitang makipagkita sa kanya?" galit na sambit ni Vlad sa akin habang ang mga mata niya ay tila puno ng pagkadismaya.Maya-maya lang, tumayo si Ivan at diretsong tumigingin kay Vlad."Vlad, pwede ba? Tigilan mo na ang kabaliwan mo," biglang pagsingit ni Ivan sa amin.Isang matalas na tingin naman ang ginawa ni Vlad sa kanya."Ikaw! Hindi ba matagal na kitang sinabihan na huwag kang mangialam?" Tumama ang tingin ni Vlad sa aking bag. Nanlaki ang aking mga mata nang kuhain niya ang envelop na nasa loob. "Akala mo siguro hindi ko nakita ang bagay na ito, hindi ba?"Nagulat ako nang makita kong pinunit niya ang mga papeles. Pakiramdam ko ay parang pinunit na rin niya ang aking puso. Ganoon siya magalit, siguradong hindi mo na siy
Lewis POV"Saan mo naman napulot ang kalokohang 'yan?" natatawang tugon sa akin ni uncle."H-Hindi ko alam. Naisip ko lang siguro? Kasi kung ganoon nga, hindi ba mas magiging madali para sa atin ang lahat?""Listen to me, Lewis. Walang bagay na madali sa mundo." Marahang binitiwan ni Vlad ang paghawak niya sa aking baywang, saka tumungo sa lamesa namin at kinuha ang kanyang wallet. "Anyway, let's go. Ihahatid na kita, Lewis. Baka hanapin ka na nila," muling sambit ni Vlad na tila hindi naman sinagot ang tanong ko.Sa buong byahe, nanatili kaming tahimik. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong kakaiba at natahimik na lang siya nang ganoon.Kinabukasan, parang walang nangyari na pumasok kami sa opisina, tinupad niya ang kanyang sinabi na susunduin niya ako at ganoon pa rin ang reaksyon nina mommy at daddy, hanggang ngayon, nagtataka pa rin sila.***Sa loob ng opisina, habang iniisip ko ang mga nangyari kagabi, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hawak ko sa aking daliri ang pendant na
Lewis POVHINAGOD ko ang aking sentido nang matapos ako sa ginagawang trabaho. It was already five at sa wakas ay natapos na rin ang lahat.Lihim akong sumulyap sa kinaroroonan ni uncle at abala pa rin siya sa kanyang ginagawa. Ngumiti ang aking labi habang minamasdan ang guwapo niyang mukha.Sino ang mag-aakala na thirty-two na ang lalaking ito? He is aging fine at kung malaman lang ng mga tao na nobyo ko siya, siguradong maraming babae ang iiyak.Mabilis kong iniling ang aking ulo dahil sa mga bagay na iniisip ko.'Lewis, sa oras na malaman ng mga tao ang tungkol sa inyo, sa tingin mo matutuwa sila?'Isang buntonghininga ang ginawa ko at yumuko sa lamesa.'What am I thinking?'Maya-maya lang, kumunot ang noo ko nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking bulsa at nakita ang isang anonymous na numero."Sino kaya to?" sambit ko sa sarili.Sinagot ko iyon at mas lalong naguluhan nang marinig ang isang tinig."Hello, Lewis. Tama? Ikaw nga ba si Lewis?" su
Lewis POVLUMIWANAG ang langit at naramdaman ko ang kaunting init na nagmumula sa bintana. Bahagya kong binukas ang aking mga mata at nakita si mommy na nag-aayos ng mga gamit sa aking study table. Nagsimulang ngumiti ang aking labi nang mapagtantong umaga na pala.Ramdam ko pa ang sakit ng aking katawan dahil sa nangyari kagabi – ang nangyari sa amin ni uncle Vlad."Good morning, mom," paos kong pagbati sa kanya.Narinig naman ako ni mommy kaya agad siyang napalingon. Ngumiti siya sa akin at lumapit. Umupo sa aking kama at naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking buhok."Good morning, anak. Saan ka pala galing kagabi?"Agad na nagising ang aking diwa nang itanong ni mommy ang bagay na iyon."P-Po?" tugon ko saka pilit na iniisip kung ano ang isasagot ko."Kanina kasing umaga, nag-check ako ng CCTV at nakita kong late ka na umuwi kagabi. Saan ka nanggaling, anak?" kunot-noong muli niyang tanong."A-Ah... Opo, hindi po kasi ako makatulog kagabi kaya naglakad-lakad muna ako para m