MasukAngel's POVNANG tumama ang tingin ko sa kanyang mukha, tila ang lahat ng mga bagay sa paligid ay unti-unting pumagal.Mariin akong napalunok nang makita ang galit niyang mga mata at ang pagtapon niya ng masamang tingin sa lalaking kasama ko."Umuwi na tayo, Angel. Lasing ka na," malamig na tinig na sambit ni Liam.Nang marinig ko ang mga bagay na sinabi niya sa akin, pakiramdam ko ay nagpanting ang aking tainga, saka agad na naalala ang mga bagay na nakita ko sa opisina.Tinapunan ko siya nang matalas na tingin, saka agad na binawi ang kamay kong hawak niya."At sino ka para sabihan ako ng ganyan, ha? Wala kang pakialam kung gusto kong magpakalasing at uminom. Wala ka ring pakialam kung may kasama ako ngayon. Ano ba kita?" sunod-sunod kong sambit sa mukha ni Liam. Sinugurado kong ang bawat letra na ibabato ko mula sa aking labi ay tatagos sa kanyang isip at puso."I'm your boyfriend," maiksing tugon ni Liam na nagpalaki sa aking mga mata."B-Boyfriend, ikaw?" natatawa kong tugon ko s
Angel's POVMADILIM ang paligid at tanging ilaw na nagmumula sa mga bilog na disco lights ang nagsisilbing ilaw sa madilim na bar. Simula nang magbukas ang bar na ito, ako na ang unang customer nila. Hanggang ngayon na malalim na ang gabi, nandito pa rin ako.Ang totoo, hindi ko na mabilang kung ilang alak na ang nainom ko. Halos nangangapal na ang aking nguso at gumagalaw na ang paligid, ngunit dahil dito, unti-unting nagiging manhid ang pakiramdam ko, ngunit hindi ang aking puso.Muli akong lumagok ng alam nang maalala ko ang bagay na nakita ko kaninang umaga, isang bagay na pinagsisisihan ko."Bullsh*t, Angel! Bakit ba kasi kailangang paulit-ulit mo pang isipin ang bagay na iyon? Dahil sa ginagawa mo, paulit-ulit mo ring sinasaktan ang sarili mo," sunod-sunod kong bulyaw sa sarili ko na akala mo ay nababaliw na.Muli akong uminom ng alak, saka pinahiran nang mariin ang aking luha.Lumipas ang ilang oras, nagsimulang mabalot ng malalakas na musika ang paligid. Ang mga tao ay sumayaw
Angel's POVNAGSIMULANG gumapang ang luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay tuluyang nagkapirapiraso ang aking puso sa mga bagay na nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Wala akong ideya sa kanilang ginagawa, ngunit ang alam ko, nasasaktan ako at wala akong karapatang maramdaman ito.Mariin kong pinahiran ang luha sa aking mata, saka mariing kinuyom ang aking kamay. Sa kondisyon ngayon ng puso ko, hindi ko alam kung kakayanin ng mga paa ko ang humakbang papasok sa loob ng opisina, lalo pa at ganito ang makikita ko.Imbes na humakbang paharap ang aking mga paa, nagsimula akong humakbang pabalik hanggang sa tuluyan akong makalayo sa kinaroroonan ng dalawa.'Akala ko ba hindi pa siya uuwi? Akala ko ba sa susunod pa ang uwi niya? Pero bakit nandito na siya agad? Kapag si Alice ang humingi ng pabor sa kanya at sinabing umuwi siya, uuwi siya. Kapag ako ang nagsabi, may araw pa siyang hihintayin? Akala ko ba mahal niya ko? Akala ko ba gusto niya ko? Pero bakit parang mas mahala
Liam's POVShe hung up the phone at hindi ko malaman kung bakit.Marahan kong sinandal ang aking likod sa backrest ng aking upuan, saka hinilot ang aking sentido."Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'yon?" sambit ko saka bumuntonghininga.I just wanted to inform her about it at ang totoo, wala naman akong planong i-pursue ang arranged marriage ng family ko. All I want is to fix the problem with me and Alice's company and family.Maya-maya lang, sa paglibot ng paningin ko sa kuwarto kung saan ako naroon, marahang tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi nang makita ko ang litrato ni Angel sa side table ng aking kama.It was a picture of her while sleeping na kinuhaan ko noong araw na natutulog siya. Wala siyang ideya sa mga bagay na aking ginawa."Wait? Did I unconsciously smile?" gulat kong sambiy sa sarili.Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso. This past few days, labis akong nag-aalala kay Angel. Madalas akong napapangiti sa tuwing iniisip ko siya. At first I th
Angel's POVHindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at nagiging mapanghusga na ako sa halos lahat ng bagay. As of this moment, nakaupo kami sa isang pulang sofa habang ang mga ka-meeting ni Ms. Alice ay nagpapakita ng kani-kanilang laptop sa harapan ng aking boss. Halos anong oras na pero hindi pa rin sila tapos. Tumingin ako sa paligid, tila isang normal bar lang ang lugar na ito pero walang music, kaya siguro dito napiling mag-usap ng mga ito.Also, napag-alaman ko na pag-aari pala ng isa sa mga ito ang malaking bar na to. I guessed mas komportable siya na dito magtrabaho."So what do you think, Angel?"Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang marinig ang tinig ni Alice."H-Ha?" animoy lutang kong tugon sa kanya."We are talking about the expansion of the company. Sa tingin mo ba magugustuhan ni Liam ang ideya na to? I mean, you are his secretary for too long, what do you think?" sunod-sunod na paliwanag sa akin ni Ms. Alice na ngayon lang tuluyang pumasok sa aking isip."A
Angel's POVDALAWANG linggo ang nakalipas, ang totoo, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Liam. Sa bawat araw na dumaraan, palalim nang palalim ang pangungulila ko sa kanya. Na para bang hinahanap-hanap ko ang tinig niya dahil hanggang ngayon, hindi na rin siya tumatawag sa akin.Hindi ko alam kung ano ang nangyari, wala rin naman sa kanyang schedule na magtatagal siya sa ibang bansa. Nais ko sanang mangialam at magtanong sa kanya, ngunit sino ba ako? Hindi ba isa lamang akong sekretarya?***Hindi ko na alam kung ilang beses akong napabuntonghininga habang naglalakad sa corridor ng building kung saan ako nagtatrabaho. Sa araw-araw, napapansin ko sa aking sarili na wala na akong ganang mangtrabaho.Dahil nga ba ito kay Liam? Siguro nga malaki na ang naging bahagi niya sa aking buhay at pakiramdam ko ay may kulang.Dahil sa lalim ng mga bagay na aking iniisip, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa pinto ng opisina. Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa, saka hinawak







