LOGINSa araw na nalaman ni Katreese na muli siyang nagdadalang-tao, gumuho ang kanyang mundo. Doon din niya natuklasan ang katotohanan—ang kanyang asawa ay matagal nang may ibang buhay kasama ang estudyanteng minsan niyang tinulungan noon. Habang siya ay nagluluksa at unti-unting nauubos, ito naman ay masayang sinalubong ang anak nila ng kabit, at inangkin ang kumpanyang siya ang bumuo. Sa isang iglap, napalitan ng malamig na galit ang lahat ng pagmamahal. Tahimik niyang itinago ang kanyang pagbubuntis at agad na naghain ng divorce. Sa huli, ang lalaking minsang mapagmataas ay napilitang isuko ang kanyang pride, habang si Katreese ay tuluyan nang naging manhid at hindi na niya maabot. “Katreese, kung magsisisi ka ngayon at babalik ka sa’kin... I can pretend the divorce agreement never existed.” — Travis John Ruscav “Mr. Ruscav, magkita na lang tayo sa korte.” — Katreese Alviar
View MoreSa isang maalinsangang gabi ng tag-init, nababalot ng malabong liwanag ang master bedroom, at ang malawak na kama ay tila lumulubog sa anino ng silid.
Marahang sumasayaw ang manipis na kurtina sa ilalim ng maputlang liwanag ng buwan. Sa katahimikan ng gabi, magkasabay na gumagalaw ang kanilang mga anino—magulo, at puno ng bigat ng mga damdaming hindi nila masabi. Lasing ang lalaki, at wala siyang bahid ng lambing. May kabagsikan sa bawat haplos niya, parang hindi pagnanasa, kundi isang parusa. Mariing ipinikit ni Katreese ang kanyang mga mata, naninigas ang kanyang katawan habang tahimik niyang tinitiis ang lahat. “Katreese… open your eyes. Look at me.” Biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang baba, pilit siyang pinaharap. Napangiwi siya sa sakit habang napasinghap, at ang mababa at paos nitong boses ay may halong inis at malamlam na galit. Dahan-dahang iminulat ni Katreese ang kanyang mga mata. Isang sinag ng buwan ang tumama sa matalim na hubog ng mukha ng lalaki, nagbibigay-diin sa malamig nitong ekspresyon. Saglit siyang natulala, parang ang lahat ay naging malabo. Isang buwan na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila nang may galit sa isang sementeryo. Araw iyon ng anibersaryo ng pagkamatay ng kanilang kambal. Ngunit malamig lamang ang tugon nito bago siya tuluyang talikuran. “Wala akong oras sa kalokohan mo!” Mula noon, ni minsan ay hindi ito umuwi ng halos isang buwan. Nagtagpo ang kanilang mga mata—malalim, madilim, at hindi mabasa. “Mag-focus ka.” Bumaba ang boses nito, magaspang at puno ng pagkainip. Bahagyang nanginig ang kanyang pilikmata. Kumirot ang kanyang ilong, tila handa nang tumulo ang mga luha niya. “TJ….” paos niyang bulong. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay, at ang malamig niyang mga daliri ay dumampi sa bahagyang nakakunot nitong noo. “Let’s… have another child.” Natigilan ang lalaki. Lalong dumilim ang kanyang mga mata, may kung anong mabigat at kumplikadong emosyon ang dumaan sa tingin nito. “Katreese… seryoso ka ba?” Hindi siya sumagot. Sa halip, iniyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg ng lalaki, itinagilid ang ulo, at unti-unting inilapit ang sarili. Maglalapat na sana ang kanilang mga labi, ngunit kumipot ang mga mata ng lalaki. Sumingit ang mga daliri nito sa kanyang buhok, mahigpit na hinawakan ang likod ng kanyang ulo. Sa sandaling magdikit ang kanilang mga labi, bahagyang bumuka ang labi ng lalaki. Mainit ang kanyang hininga, ngunit malamig ang kanyang tinig. “Katreese… kailan ka ba huling tumingin ng maayos sa salamin?” Nanigas siya. Biglang nagmulat ang kanyang mga mata. Sa repleksyon sa madilim nitong mga mata, nakita niya ang sarili. Isang maputla at lupaypay na mukha. Payat. Walang sigla, at halos hindi na makilala. Bago pa siya makapagsalita, kumalas na ang lalaki. Tumayo ito nang walang pag-aalinlangan, kinuha ang bathrobe sa gilid, at isinuot iyon habang nakatalikod sa kanya. Walang pakialam nitong itinali ang sinturon. “Sa itsura mong ‘yan…” malamig nitong sabi, “kalimutan mo na ang magkaanak. Swerte mo na kung mabuntis ka pa.” Napatigil ang kanyang paghinga. Nakatitig lang siya, hindi makapagsalita. Malapad ang balikat ng lalaki at makitid ang baywang, perpekto ang hubog ngunit napakalayo, napakalamig, at hindi na maabot. “Kahit mabuntis ka pa,” dagdag nito nang hindi man lang siya tinitingnan, “sa kalagayan mo ngayon… hindi ka magiging mabuting ina.” Bawat salita ay parang matalim na talim na pumuputol sa munting tapang na pinilit niyang buuin. Bago pa siya makasagot, naglakad na ito papasok ng banyo. Sumara ang pinto. Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang tunog ng umaagos na tubig. Nanatiling nakahiga si Katreese. Sa itsura niya ngayon, para siyang isang katawang iniwanan ng kanyang kaluluwa. Nakatitig siya sa kisame, walang buhay ang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, tumigil ang pag-agos ng tubig. Bumukas ang pinto. Lumabas ang lalaki na may tuwalyang nakabalot sa baywang. Hindi man lang siya nito nilingon. Dumiretso ito sa closet, nagbihis, at saka dali-daling umalis. Walang pag-aalinlangan. Walang paalam. Di nagtagal, narinig niya ang mahinang ugong ng sasakyan mula sa ibaba. Umalis na naman si Travis. Nilamon ulit ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang hinila ni Katreese ang kumot upang takpan ang kanyang payat na katawan at tumagilid. Tinamaan ng liwanag ng buwan ang nakausling kurba ng kanyang gulugod. Isang katawan na tila hindi na kayang magdala ng buhay. Limang taon ng bangungot ang unti-unting umubos sa kanya. Umaasa rin siya sa gamot para makatulog. Mas marami pa nga ang isinusuka niya kaysa sa pagkain na tinatanggap ng kanyang katawan. Makalipas ang mahabang sandali, dahan-dahan siyang bumangon at nagtungo sa walk-in closet. Huminto siya sa harap ng malaking salamin, at tinitigan niya ang sarili. Kahit ang pinakamaliit na damit ay maluwag sa kanyang katawan. Maputla ang kanyang balat, lubog ang pisngi, at wala nang ningning ang kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang hinahaplos ang tuyo at marupok niyang buhok. Noon, gustong-gusto ni Travis ang mahaba niyang buhok. Nagpapagawa pa ito ng espesyal na hair care products para sa kanya mula sa ibang bansa. Noon, kinaiinggitan siya ng lahat dahil kahit ang buhok niya ay sinasabing napaka-elegante. Ngunit matapos mamatay ang kanilang kambal, biglang naglaho ang lahat. Dumampi ang kanyang mga daliri sa lubog niyang pisngi. Unti-unti siyang napaupo sa sahig at niyakap ang sarili, at tuluyan na siyang bumigay. Humagulhol siya nang walang pigil. Nang gabing iyon, tinamaan siya ng matinding lagnat. Napanaginipan niya ulit ang kanyang anak na kambal. Ang kambal na namatay sa kanyang sinapupunan, isang linggo na lamang bago isilang dahil sa isang trahedya. Ngunit sa kanyang panaginip, limang taong gulang na sila. Kamukha ng lalaki si Travis, at ang babae naman ay siya ang kamukha. Nang magising si Katreese, nasa ospital na siya. Ang kanyang kasambahay na si Manang Linda ang nakakita sa kanya at nagdala roon. Isang linggo siyang nanatili sa ospital. Ngunit ni minsan, hindi siya dinalaw ni Travis. Gayunpaman, hindi niya makalimutan ang sinabi ng kanyang mga anak sa panaginip. At may unti-unting nagbago sa kanya. Muli siyang pumunta sa sementeryo para magpaalam. Pagkatapos, unti-unti siyang nagsimulang muli. Tumigil siya sa pag-inom ng sleeping pills. Sinunod ang payo ng doktor—nag-yoga, inayos ang kanyang katawan. Inalis niya rin ang lahat ng mga gamit sa silid ng mga bata. Sinunog ang mga lumang rekord ng kanyang pagbubuntis, at lalong-lalo na ang tumigil sa pagbanggit sa kanila. Unti-unting bumuti ang kanyang kalagayan. Gumana ang kanyang gana sa pagkain. Nadagdagan din ang kanyang timbang. Nakita ni Travis ang kanyang determinasyon, kaya siya mismo ang nagdala sa kanya sa isang tradisyunal na manggagamot. Makalipas ang dalawang buwan, nadagdagan pa ang kanyang timbang. Unti-unting bumalik ang buhay sa kanyang mga mata. Bagama’t payat pa rin at maputla, hindi na siya ang dating wasak na babae. Unti-unting bumalik sa normal ang lahat. Minahal niya si Travis tulad ng dati. At ang lalaki naman, bilang kanyang asawa ay naging mahinahon na at mapagbigay. Unti-unti rin itong bumabawi sa kanya, sa mga panahong durog na durog siya sa pagkawala ng kanilang kambal na anak. Pagkalipas ng tatlong buwan, nag-alala siya dahil delay ang kanyang regla. Si Travis ay nasa abroad pa para sa isang business trip, kaya mag-isa siyang nagpunta sa ospital. “Binabati kita, Mrs. Ruscav. You’re 7 weeks and 4 days pregnant. The fetus is healthy, and the heartbeat is present.” Mahigpit niyang hinawakan ang resulta habang lumalabas ng silid ng doktor. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang dinukot ang telepono at tinawagan ang numero ng kanyang asawa. Pinigil niya ang kanyang paghinga. Pagkatapos, isang pamilyar na ringtone ang tumunog mula sa kanyang likuran. Natigilan si Katreese. Kumonekta naman kaagad ang tawag. “Busy ako ngayon. Pagbalik ko na lang tayo mag-usap.” Ang malamig nitong boses ay narinig niya sa telepono, kasabay ng pag-alingawngaw nito mula sa likuran. Bago pa siya makapagsalita, naputol na ang tawag. “Ranran, gusto mo bang samahan ka ni Daddy magpa-injection?” Muli niyang narinig ang pamilyar na boses. Ngunit ngayon, napakalambing ang tono nito. Ibang-iba sa kaninang malamig. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang telepono habang siya ay naglalakad patungo sa kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses. At doon, nakita niya ito. Ang kanyang asawa na dapat ay nasa ibang bansa ngayon, nakaupo ito sa isang bangko habang nakatalikod sa kanya, at may kargang isang batang lalaki na may cooling patch sa noo.Nang itulak nina Trina at Secretary Benitez ang pinto, nasaksihan nila si Kira na itinatapon ang nameplate niya sa basurahan.Nakatayo si Katreese sa likod ng desk malapit sa bintanang may salamin mula sa sahig hanggang kisame, nakatalikod sa kanila, at kalmado habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.Pumalakpak si Kira, at nang makita si Trina na galit na nakatingin sa kanya, saka niya sinabi, "Nilinis ko na ang mga nakakainis na bagay rito, hindi mo na kailangang magpasalamat."Pumangit ang mukha ni Trina sa galit. “Kumpanya ito, hindi lugar para maglaro!”Lumingon si Katreese at tiningnan silang dalawa ng malamig. "Trina, naglilinis lang ako. Ang opisina, ang posisyon, at ang buong kumpanya ay hindi kailanman naging iyo, kaya anong karapatan mong magalit? Ngayon na bumalik na ako, dapat din na bumalik ka na sa ‘yong lugar—kung saan ka nararapat."Sumiklab na ang galit sa katawan ni Trina, ngunit mabilis din siyang kumalma.Nakabukas ang pinto ng opisina, at ang mga tao sa labas a
Sa loob ng tatlong araw na wala si Travis, abala si Katreese sa mga gawain sa bahay.Maingat niyang inayos ang bawat sulok ng kanilang tahanan, tinitingnan at iniiwasan ang mga bagay na kanya lamang. Inilagay niya ang lahat ng kanyang mga gamit at pagkatapos ay namili ng isang moving company upang mag-transport ng kanyang mga gamit.Nakita ito ni Manang Linda at napagtanto niyang hindi lamang dahil sa galit ang mga ginagawa ni Katreese. Agad niyang tinawagan si Travis, ngunit hindi ito sumagot. Nang makita niyang walang silbi ang kanyang tawag, nagdesisyon si Manang Linda na makipag-usap kay Katreese. Subalit mabilis niyang napansin na matibay ang desisyon ni Katreese, at wala nang makakapagbago sa kanyang plano.Kinabukasan, nang papunta si Manang Linda sa bahay, nakita niyang pababa si Katreese mula sa ikalawang palapag, hawak ang maleta. Agad siyang nagmadali at nilapitan ito.“Madam, saan po kayo pupunta?” tanong niya.Huminto si Katreese at nagbigay ng isang malungkot na ngiti. “
Noong mga nakaraan, hindi na magdadalawang-isip si Katreese. Agad siyang susugod, nag-aalab ang galit, at hihingi ng paliwanag nang harapan. Hindi siya kailanman naging uri ng babaeng tahimik na nilulunok ang sama ng loob, lalo na pagdating sa pagtataksil.Pero hindi na ngayon. Hindi na kailanman.Nakita na niya ang lahat, sarili niyang mga mata ang saksi sa mga nangyari. Ang paraan ng pagtingin ni Travis kay Trina, ang lambing na hindi niya kailanman maikakaila, at kung paano nito inalagaan ang bata na para bang iyon na ang sentro ng kanyang mundo.Ang eksenang iyon ay tila nakaukit na sa kanyang alaala—malalim, malinaw, at imposibleng burahin.Malinaw na malinaw na ngayon kay Katreese na nagbago na si Travis. Naligaw na ang puso nito, at nabasag na ang katapatan. Kahit pa may isa pang batang namamagitan sa kanila, kahit pa may natitirang bakas ng kanilang nakaraan, hindi na kailanman maibabalik ang dati.At hindi na niya kailanman tatanggapin ang lalaking mas pinili siyang saktan ka
Lumakad pasulong si Trina, suot ang isang mamahaling business suit na perpektong tinahi upang idiin ang kanyang balingkinitang pangangatawan. Ang mahaba niyang buhok na kulay cool-toned brown ay marahang bumabagsak sa kanyang mga balikat sa malalambot na alon, bahagyang umiindayog sa bawat kumpiyansang hakbang niya sa matataas na takong. May likas na elegante sa kanyang tindig—maayos, kontrolado, at punong-puno ng tiwala sa sarili.Habang naglalakad, bahagya niyang ikiniling ang ulo at kalmadong nagbibigay ng mga tagubilin sa batang babaeng assistant na sumusunod sa kanya, ang tono ay hindi mataas ngunit may bigat at awtoridad. Sa bawat galaw at bawat salita, malinaw ang presensya ng isang makapangyarihang babae na sanay mamuno.Walang duda, si Trina ang tipo ng babaeng kayang magpalingon ng mga ulo at magpabilis ng tibok ng puso.Matapos niyang ibigay ang mga utos, kaswal niyang ibinaling ang kanyang ulo, ngunit biglang nagsalubong ang kanilang mga tingin ni Katreese, na tahimik na n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews