Erica POV
***
After One Month
"Ms. Mendoza, you are two weeks pregnant" Nanlalaki ang mata ko sa gulat. Hindi nag si sink sa utak ko ang sinabi ng OB - Gyne Doctor sa akin.
Buntis ako?
Buntis talaga ako?
Ang bata ko pa! Kaka Eighteen years old ko pa lang. Naglaglagan ang luha sa mga mata ko. Nang malaman ko ang result ng bloodtest sa akin.
Kanina nahimatay ako sa classroom at dinala sa school clinic.
Sinabihan ako ng Doctor na pumunta ako sa specialist. Ibinigay niya sa kin ang calling card ng OB gyne Doctor. Bigla akong kinabahan. Eto nga ang sinabi sa kin na buntis ako.
Anong gagawin ko? Paano na ang pangarap ko makapag tapos? Nanghihina ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gulo gulo na ng isip ko. Saan ako hihingi ng tulong dahil wala akong malapitan na kamag anak.
Matatanggalan ako ng Scholarship lalo na isa ako sa pambato ng San Agustin University.
***
Naririnig ko ang bulungan sa akin ng mga estudyante habang nag lalakad ako papasok sa classroom. Kinausap ako ng principal sinabi na tatanggalan ako ng scholarship dahil sa pag bubuntis ko. Sa susunod na pasukan. Second year college na ako. Nanghihinayang ako sa opportunity na binigay sa akin. Lalo na ang San Agustin University ang isa sa mga nag ta top na school sa buong mundo.
Buntis daw yan? Hinimatay sa classroom nila.
Akalain mo yun akala mo ta tahi tahimik yun pala nasa loob ang kulo.
Naninikip ang dibdib ko halos lahat ng mga tao hinuhusgahan nila ako. Mag tatatlong buwan ang nasa sinapupunan ko. Wala na din akong trabaho dahil tinanggal na ako. Bawal mag trabaho ng buntis sa club. Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko ngayon.
Hindi ko naman kayang ipalaglag ang bata sa loob ng tyan ko. Kinukulit na din ako ni Miranda na kausapin ko si Greg
"Erica, kailangan mong kausapin ang ama ng anak mo. Bakit hindi ka pumunta sa kanya?" Yan ang palagi niyang sinasabi sa kin.
"Natatakot ako. Miranda, hindi ko alam paano ko siya pakikiharapan." Huminga ako ng malalim. Napapahilamos ako sa mukha. Magkano na lang ang pera ko sa banko.
Dalawang libo na lang. Sinubukan ko mag apply sa iba pero hindi nila ako tinanggap ng malaman na buntis ako. Baka may mangyari sa akin sasagutin pa ng kumpanya.
"Nandito lang ako. Huwag kang mag takot. Kailangan mo lakasan ang loob mo para sa anak n'yo ni Greg. Para sa kinabukasan din niya." Iniisip ko ang mga pang gastos ko sa araw araw at sa school ko. Ayokong mahinto sa pag aaral.
***
Ngayon nasa harap ako ng bahay ni Greg. Nakailang lunok ako at nanginginig ang mga tuhod ko. Nag buzz ako sa gate ng Mansion ni Greg. Lumabas ang security guard nagbabantay sa Mansion.
"Sino po sila?" Magalang na tanong ng matandang lalake habang naka suot ng uniform na pang security guard.
"Magandang hapon po. Ako po pala si Erica Mendoza. Gusto ko po sanang makausap si Gregory Miller?" Kinakabahan kong sinabi sa guard.
"Naku. Ma'am, wala po si Sir Greg ngayon nasa opisina." Nanghina ako sa sinabi ng Guard sa akin.
Anong gagawin ko?
"Kuya, anong oras po uuwi si Mr. Gregory Miller?" Napa cross ako sa daliri.
"Naku. Ma'am, pasensya na hindi po tumatanggap ng bisita dito sa bahay si Sir Greg. Baka ako ang mapagalitan" Halatang nag sasabi ng totoo ang security guard. Sa nakita kong reaksyon ni Greg mukhang strikto nga siyang amo.
Nauunawang tumango ako.
"Sige po. Kuya, pasensya na sa abala" Nakayuko kong sinabi. Nanlulumo ako habang nag lalakad palabas ng subdivision.
Nakapasok ako dahil namukhaan ako ng isang security guard sinabi ko na may nakalimutan ako kay Mr. Gregory Miller.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Umiling ako sa mabait na security guard. Nang makita niya umiiyak akong naglalakad.
Iisa na lang ang option ko ang pumunta ako mismo sa Miller's group.
***
Nakatayo ako ngayon sa harap ng building ng Miller's Group. Nakasuot ako ng uniform ng San Agustin University. Nangangatog ang tuhod ko. Kailangan ko lakasan ang loob ko. Dahil walang wala na ako. Lumapit ako sa front desk ng Miller's Group.
"Good Afternoon. I'm Erica Mendoza, I would like to talk to Mr. Gregory Miller. If he's available today? " Tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nagtataka sila kung anong ginagawa ng isang estudyante ng San Agustin University.
"Do you have any appointment. Ma'am?" Tanong ng receptionist na babae. Umiling ako sa kanya.
"I'm sorry but we can't accommodate you. Ma'am because Mr. Greg Miller, won't accept any visitor without appointment." Maiyak iyak ako sa sinabi ng Receptionist.
"I see" Nanlumo papalabas na sana ng building. Napabaling ang tingin ko nang makita kong lumabas ng elevator ang taong inaasahan ko. Mukhang dininig ang panalangin ko. Wala na akong choice kailangan ko na siyang makausap.
This is now or never.
"Mr. Gregory Miller!" Sigaw ko. Napalingon sa akin si Greg. Nagsalubong ang kilay. May mga guard nag lapitan sa akin.
"What are you doing here?" Malamig niya sinabi sa akin. Pilit niyang hindi umalpas ang galit sa kanyang boses.
"I need to talk to you" Naiiyak kong sinabi.
"Ma'am, bawal po kayo dito!" May mga tao na nakakapansin na sa amin.
"Palabasin ninyo ang babaeng yan!" Utos ni Greg sa mga guard.
"Please kailangan kitang makausap!" Umalpas ang luha sa mga mata ko. Hindi niya pinakinggan ang pakiusap ko. Papalabas na sila ng building bigla akong sumigaw.
"Buntis ako!" Napalingon sa akin si Greg biglang nanlaki ang mga mata sa gulat. Napaawang ang kanyang labi. Bigla siyang lumapit sa akin. Hinaklit niya ang braso ko.
"What?!" Kung kanina salubong ang kilay. Ngayon namumula na siya sa galit.
"Mr. Miller, nag mamakaawa ako sa inyo na... na panagutan ninyo ang pinagbubuntis ko" Lumuluha kong sinabi. Nangangatog na ang mga tuhod ko. May nag kislapan na camera sa gilid at naglabasan na paparazzi.
"Shit!" Mura niya.
"Mr. Miller, is that true nakabuntis po kayo?" Tanong ng isang babaeng reporter.
"Mr. Miller, siya na po ba ang pinalit ninyo kay Ms. Amira Black? Paano po ang engagement ninyo? " Tanong ng isang lalakeng reporter. May kumukuha din sa akin ng picture. Itinago ko ang mukha. Lalo na nakauniform ako ng San Agustin University.
Tumiim ang bagang niya. May nakaharang na bodyguard sa lalake.
"Palabasin ninyo ang mga paparazzi!" Utos niya sa mga tauhan. Bigla niya akong hinila. Kulang na lang kaladkarin niya ako papasok sa loob ng elevator.
Erica POV Pagkatapos kong manganak sa anak naming babae ni Greg. After two months, nandito ako ngayon sa simbahan habang naglalakad sa aisle kasama si Genesis. Siya ang nag hatid sa akin papuntang altar kung saan nag hihintay si Greg. Halos ayaw i abot ni Genesis ang kamay ko kay Greg. "Try to hurt my cousin again. I won't hesitate to kill you!" Malamig pa rin ang tingin ni Genesis kay Greg. Napalunok si Greg sa banta ni Genesis. "Eto den' moyey svad'by! ne pugay yego (It's my wedding day! Do not frighten him)" Natatawa kong sinabi kay Genesis. "Mne vse ravno! (I don't care!)" He said with his famous poker face. Mas sinamaan niya ng tingin si Greg. Talagang bad shot sa kanya si Genesis. Nakangiti akong nakatitig kay Greg na halos naluluha ang kanyang mata. Inakay niya ako papunta sa altar. "I love you so much. Wife!" Mahina niyang bulong. "I love you too. Hubby" Ganting sagot ko. Hinalikan niya ang kamay ko. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa. Nabaling ang tingin na
Erica POV Limang buwan na ang nakakalipas. Nang huling nakita ko si Greg. Nandito ako ngayon sa davao nagtatago. Hindi ako maaaring kumilos dahil maselan ang pag bubuntis ko. Hinaplos ko ang aking tyan. Hindi ko alam na buntis na ako habang nakikipag patayan ako kay Neville at kay Nelson De Luca. Dala ng pagod ng katawan kaya nahimatay ako ng araw na iyon. Itinago ako ni Genesis kay Greg. Nagising na lang ako nasa hospital. Nalaman ko na buntis ako ng dalawang buwan nang sinabi ng Doctor. Hindi ko akalain nabuo ang pangalawang anak namin sa Hotel de Baler. Dahil hindi na ako umiinom ng pills. Simula nang umalis ako sa poder ni Greg. Dahan dahan akong tumayo. Mabigat na din ang pakiramdam ko dahil malaki na ang tyan ko. Mahigit pitong buwan na. Papalubog na ang araw kaya naisipan ko na bumalik sa loob ng hacienda. Isa sa binili ko na bahay bakasyunan ko dito sa Davao. Isa ito sa pinag ipunan ko bukod sa pag aari ko ang Novikov Hotel sa Russia at sa ibang bansa. Binigay ni
Greg POV Pinuntahan ko si Grandpa sa bahay ng magulang ko. Para humingi ng tulong na mahanap ang asawa ko at gusto kong malaman ang tungkol sa pamilyang Novikov. "Grandpa, I want to know about the Royal Mafia?" I asked him. Habang nakaupo siya sa kanyang opisina. "Why?" Ngumisi si Grandpa sa akin. "I want to see my wife. Please...Help me to find her" Nakikiusap kong sinabi. "Are you sure? Are you willing to die?" Napalunok ako sa tanong niya. "Y - Yes" Pilit kong tinapangan ang boses ko. Tumawa ng malakas si Grandpa. "Okay! I will tell you everything" Mariin siyang nakatitig sa akin. Pinaliwanag sa akin ni Grandpa ang napakagwapong lalake muntikan ko na masuntok sa mukha ay si King Genesis. Bigla akong nangilabot sa kwento ni Grandpa. Kung wala si Erica sa tabi ko. Sa oras na iyon baka nakabaon na ako sa ilalim ng lupa. Nalaman ko na pinsan ni Erica si Genesis or Bradley Kuzmin - Novikov. Ang kanilang magulang magkapatid sa ama. Maagang namatay ang Asawa ni Osvaldo Novi
Erica POV Nagulat si Nelson nang marinig ang pangalan ko. "So, you are Lady Hawk, The Queen of Royal Mafia!" Matiim ang tingin niya sa akin. "Hindi kami nakielam sa Royal Mafia but why are you fighting with us?" Malamig ko siyang tinignan. "Because, he is my husband" Sagot ko. Pagkagulat ang nabanaag sa mukha ni Nelson."I see" Itinutok niya ang baril sa ulo ni Greg. Napalunok ako dahil hindi mangingiming pindutin ni Nelson ang gatilyo ng baril. Tatlong tauhan niya ang hindi ko pa napapatay. Hindi ako makapag isip ng maayos pag dating kay Greg. "Papatayin ko ang lalakeng ito. kung hindi mo ibaba ang baril" Dumiin ang kamay ko sa pag hawak ng baril. May takot na lumukob sa dibdib ko. Ayokong mamatay ang asawa ko! "Erica. No! Huwag mo akong isipin! barilin mo na siya!" Matigas na sigaw ni Greg. "One -" Unang bilang n'ya pa lang mabilis kong binaba ang baril. Wala na talo na ako. Pagdating sa kaligtasan ng asawa ko."Good! Marunong ka palang makinig!" Nakakalokong sinabi ni N
Erica POV Kausap ko si Genesis at Light tungkol sa nangyari kanina. Pinaliwanag ni Light na nakatakas si Nelson De Luca. Habang hostage niya kanina si Georgie. "Kailangan natin higpitan ang pagbabantay. Lalo na alam na ngayon ni Nicodemus ang nangyari kay Neville" Napakuyom ang kamao ko. May galit nababanaag sa mukha ni Light habang nag ke kwento. Gusto kong malaman kung bakit pursigido si Light na mapabagsak ang Dragon Mafia. "Light, tell me the truth. Bakit galit ka sa Dragon Mafia?" Pareho kaming nag hihintay ni Genesis sa isasagot ni Light. "I'm an illegitimate son of Nicodemus De Luca" Napaawang ang labi ko sa gulat. Si Genesis napatuwid ng tayo. "He raped my mother. After a month when she gave birth to me. He killed my Mom. Luckily, my grandparents naitago nila ako." Nanlalaki ang mata ko sa nalaman. Now i know, kung bakit galit siya kay Nicodemus. Gusto niyang ipaghiganti ang nangyari sa kanyang ina. Si Genesis hinawakan sa balikat si Light. "I'll take care of
Erica POV Inalalayan ako ni Greg papunta sa venue kung saan ang pamilyang Miller. Iniligtas sila ng Royal Mafia mula sa kamay ng Dragon Mafia. Sinalubong ako ng matalim na tingin ng ina ni Greg. "Anong ginagawa ng babae yan dito?!" Nang gagalaiti sa galit ang ina ni Greg, si Mrs. Giselle Miller. "Mom, will you just shut up?!" Pagpapatigil ni Greg sa ina. Sinamaan niya ito ng tingin. "Giselle, don't be rude to your son's wife!" Nagbabantang saway ni Mr. Robert Miller sa asawa. Biglang natakot si Mrs. Giselle dahil sa pag babantang tingin ng kanyang asawa at anak. Natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Lahat napatingin nang pumasok sa loob ng venue ang matandang Miller. May mga kasama siyang naka itim na kalalakihan. Tumiim ang bagang ko. Hawak ko pa rin ang baril sa kamay. Tinignan ni Alberto ang paligid dahil sa nangyaring gulo. May ilang mga bangkay nakahiga. Napatingin siya sa akin bago lumapit. Napasinghap ang magulang ni Greg nang makitang lumuhod at yumuko sa