Share

Chapter 4

(Sam) 

Umaga na, kagabi halos hindi siya makatulog dahil sa nangyari. Bumangon siya at tiningnan ang katabing mahimbing na natutulog.

Hindi niya naman alam na ganon pala kahirap katabi si Luis, kahit may distansya ang higaan nila, pero parang ang sikip non para sa kanilang dalawa, Dumapa siya sa higaan para mahaplos ang mukha ng lalaki. 

Ang gwapo nito, nakatihaya ito at medyo nakabuka ang bibig. Napangiti siya ng humilik si Luis, nakita niya pa ang pag taas baba ng Adams sapple nito.

Naiilang si Sam dahil ang gwapo nitong tingnan kahit natutulog.Hindi niya alam kong bakit pero parang gusto niya itong halikan katulad nang ginawa nito kagabi.

Tinukod niya ang mga siko, habang nakadapa para mahalikan ito.

Dahandahang niyang lumapit ang mukha niya habang ang mga mata ay nakatingin sa labi ng binata.

Nang naglapat ang mga labi nila. May pakiramdam si sam na hindi n'ya alam kong ano ang tawag, para bang may paruparong nagliparan sa t'yan na. Dahandahang ginalaw n'ya ang labi gaya nang paggalaw  ng labi nito kagabi. 

Pinasok n'ya ang dila sa bibig ng binata at s******p niya rin ang dila nito, ginaya nya lahat kong ano ang ginawa ni Luis sa kanya kagabi. Dahan dahang tinanggal nya ang kumot ng lalaki at unupo sa plat nitong tiyan.

Hinalikan nya ulit ito, ang mga kamay nya ay ipinasok nya sa damit ng lalaki at dinama ang matipunong katawan. Natigil si Sam ng biglang na gising ito at napaupo, mabuti na lang at mabilis din ang kamay ng binata at nawakan ang likod nya. Kung hindi nahulog na sya sa kama.

"Fuck!" parang mag kung anong masakit sa puso nya ng makita ang reaksiyon nito.

Nagbaba siya ng tingin. "S-orry kala ko kasi magustuhan mo tulad ng ginawa mo kagabi, bakit hindi mo nagustuhan? ginaya ko naman ang ginawa mo kagabi." 

"Fuck! sorry." agad na sinapo nito ang pisngi niya. "I'm sorry, nalimpungatan lang ako at nagulat, but of course I like it." 

Hindi niya parin mapigil ang pag tulo nang luha sa pisngi niya. "Hey, I already told you that I like it, ssshhh." pagtatahan nito at pinunasan ang luha sa mga mata niya. 

Nakaupo siya sa kandungan nito pero mayamaya lang nanlaki ang mata niya nang may naramdaman siyang bukol na tumutusok sa pang upo niya. 

"L-luis, lumalaki ata ang putotoy mo," ani niya at nakaawang ang mga labi. Biglang namula ang pisngi nito at dali daling tumayo,nakakandong siya dito kaya pag tayo nito ay nasama siya. Hindi man lang siya ibinaba. 

Nakakapit siya sa leeg nito habang ito naman ay inilalayan ang katawan niya para hindi mahulog. 

"I want to cook for our breakfast, can you teach me?" tanong nito. Nakangiting tumango siya dito. mag luluto sila, sana nga lang masarap.

bumaba sila na buhat buhat siya nito. kagat labing yumapos siya dito at nagpipigil sa kilig. Isang linggo pa lang silang magkakilala ng amo niya pero ganito na sila ka-close.Hindi niya alam kung bakit. 

Andito na sila ngayon sa kusina at hinahanda na ang lulutuin. "Close na kayo? " Gulat na tanong ni nanay fe, na hindi man lang nila namalayan na nakapasok na ang ito sa kusina kasama ang dalawa. 

"Pang isang linggo palang ni sir dito, pero mukhang mag ka sundo sila ni sam." Ngising sabi ni elsa at parang kinikilig pa. Naiilang na tiningnan niya na lamang ito at nilapag ang gulay sa lamesa. 

"Yeii parang may nabubuong couple ngayong linggo." kinikilig na sabi ni ana na kinatawa niya. Aaminin niyang Gusto niya rin ang lalaki, at hindi siya makapaniwala lalo na at isang linggo pa lang. Nangyayari ba talaga 'yon? 

"Hiwain mo yan," ani niya kay luis at sinunod naman nito. Tumalikod na rin siya at kumuha ng bawang at sibuyas para gayatin.

"Tulungan kana namin." presenta ni namang fe at lumapit naman silang tatlo sa mesa at nagkanya kanya ng kuha ng gulay para hiwain. 

"Anong bang lulutuin?" tanong ni luis at si ana naman ang sumagot. 

"Pakbit po sir, 'yon yong lagi niyang niluluto. Yong gulay na ayaw mo po sir dahil pang kaing aso." Natatawang sabi nito. Tumango lamang ang lalaki, tiningnan niya ito. hindi ito pwedeng mag inarte. Hindi niya ito papakainin kung ganoon nga. 

"Oy si sir," tukso ni elsa kay luis.

"May gusto kay sam, patingin tingin ka po eh." Napatingin naman kaming lahat kay luis. 

Nang tingnan niya si luis, parang wala lang ito, kaya nagbaba na lang siya nang tingin.

"Tapos na, kami na mag luluto nito. " Umiling ako sa sinabi ni manang fe. 

"Wag napo, turuan kopo kasi si luis." Gulat na tumingin ang matanda sa kanilang dalawa. 

"Talaga? mag papaturo to? ang alam ko tamad mag luto tong bata nato." 

"Manang fe." awat ni luis at ngumuso. 

"Ahh sige , magpaturo ka, mag linis lang kami ng bahay," ani nito at hinila ang dalawa. 

Nag luluto na sila pero nakatingin naman ito sa kanya na kinailing niya. 

" Tingin ka ng tingin sa'kin, malapit kona tong matapos wala kapang alam diyan." Sita niya dito at tinakpan ang niluluto. Lakas mag aya na magpaturo hindi naman nakikinig. 

"Pag malambot na yong huling gulay na nilagay ko luto nayon, kaya pwede na siyang kunin at hainin," ani niya at tumango naman ito. 

"Tawagin muna sila manag fe, kakain na tayo." Utos niya dito. 

"Seriously? inutusan mo ako ." Tanong nito na kina taas ng kilay niya. Ano naman kaya ang problema ng taong to. Hindi porket boss siya dito hindi na siya pwedeng utusan. 

"Bakit? may problema ka sa utos ko ?" Naka taas ang kilay na tanong niya.

Umiling na napa kamot ito sa ulo. "There's no problem about it ." Ngisi nito at tumalikod. 

Wala sa sariling napa ngiti siya, mukhang UNDERstanding naman pala ang lalaki di tulad ng akal niya. 

Agad naman niyang hinanda ang mga pagkain sa mesa at mga plato. Agad din siyang umupo ng napaghanda niya na ang lahat. 

"Mukhang ang sarap ng ulam natin ngayon." Tuwang tuwa sabi ni ana ng nakapasok at nakita ang nasa lamesa.

"Swepre luto ng dalang nagkakagustuhan kaya malamang masarap yan," ani ni elsa. 

Umupo na ang tatlo pati na rin si Luis na nasa gilid niya at nagsasandok na rin ng kanin. 

"Anong ginagawa mo?"

"Nilalagyan kita ng pagkain," saagot nito at may kasama pangkindat. 

Kaya na pa ngiti na naman siya at ang puso niya, ganon na naman kaya mamaya mag hahanap na siya ng gamot para dito. Hindi niya na pwedeng hindi pansinan ang lalaki dahil wala namang nangyayari. Maghahanap na lang siya ng gamot.

"Sana nga lang talaga Luis hindi mo nakalimutan ang bilin ng lolo mo na wag siyang hawakan at pakialaman. Pero mukhang hindi kana naman nakikinig sa kanya." M Napatingin naman siya kay manag fe sa sinabi nito. Oo nga pala, Naalala niya ang bilin ni lolo mario sa kanya na sasabihin niya kong hinawakan ba siya ni Luis. 

" Manang fe " Tawag niya dito ."Hindi niya ako hinawakan, sinapo niya lang ang pisngi ko tapos hinalikan, kaso nasarapan na kami kaya du - " Natigil siya sa pag sasalita ng naramdaman niya ang kamay ng lalaki na pinisil ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Napalingon siya dito at nalilito.

"Bakit? may problema ba?" 

"Because you don't need to tell them what happen to us," 

"Pero yon ang bilin ni Lolo," ani niya. 

"Dapat satin lang yon." Bulong nito, napakagat siya sa labi at napalingon sa tatlo na ngayon ay naka nganga at halatang gulat sa nang yari.

"Lagot ka talaga sa lolo mo, tutuliin ka na naman non." ani ni manang fe na kinagulat niya. Gulat na napalingon ulit siya sa lalaki. 

-----

"Baby?" Tawag ng lalaki na hindi niya pinansin. Dito siya ngayon sa kwarto at nag kukulong. 

Walang imikan silang kumain kanina hanggang matapos ang umagahan. Dahil sa sobrang kahihiyan pumasok na siya sa kwarto na hindi pinansin si Luis. 

Narinig niyang sinirado na nito ang pinto kaya nakahinga na siya ng maluwag.

"What is the problem?" tanong nito ulit. Ang akala niya ay umalis na ito, sinirado lang naman pala ang pinto. 

Naramdaman niyang lumubog ang kama kaya alam niyang sumampa ito. 

Ang kamay nito ay yumakap sa baywang niya at ang leeg nanan nito ipinatong sa balikat niya. 

"Luis? mali bang sinabi ko sa kanila yong ginawa natin? dahil tuloy sakin, mukhang mapipilitan kang mag patuli kay lolo. Dahil tutuliin ka non pag uwi niya," ani niya at malalim na bumuntong hininga. Kasalanan niya talaga ang lahat ng ito. 

Marahan na natawa ito. 

"baby, about what we did last night, you shouldn't not tell them what happen. Dapat satin lang yon, privacy. Bawal mong sabihin sa kanila na hinalikan kita. I mean you can tell them that we kissed, but not every details." Paliwanag nito. Naintindihan niya naman, kaso, basta naguguluhan parin siya bakit hindi. 

"Bakit ba kasi hindi pwedeng sabihin." 

"Dahil satin lang yon, hindi mo pwedeng sabihin sa kanila kong ano man ang ginagawa natin,dahil nakakahiya yon."paliwanag ulit nito. Tango lang ang sinagot niya dito. 

"At tungkol sa tanong mo na hindi pa ako tuli. Tuli na ako baby, ang sinasabi lang nila na tutuliin ako ni lolo ulit pag nalaman nilang hinalikan kita, ayaw nilang nilalapitan kita." Napanguso siya. Ang akala niya talaga supot pa ito.

"Nakakahiya sa kanila ni ana na sinabi ko yon. Siguro sinasabi nilang kaladkarin ako dahil hinalikan kita." Bulong niya at napahikbi. Bago lang siya kaya ayaw niyang may maka away siya o may magalit sa kanya.

At Pakiramdam niya parang mali ata ang ginawa nilang halikan dahil isang linggo pa lang ang lalaki dito. Parang ang landi niya tuloy. 

"He,why your crying?"

"Nahihiya ako." Sagot niya at pinunasan ang luha. Agad naman itong umalis sa likod niya at umalis sa kama. Pumwesto ito sa gilid ng kama kung saan siya naka harap. 

Sinapo nito ang pisngi niya kaya nakatingala na siya ngayon dito. "Hindi mo kailangang mahiya,ndid you regret na pumayag kang halikan kita?" tanong nito kaya agad siyang umiling.

"Then no need to shy, basta wag mona ekwento sa kanila kong ano pa ang gagawin natin, mmm?" Matagal na pinatitigan niya. Nakangiting tumango siya sa sinabi nito at naintindihan niya na ang lahat. 

"Luis, gusto ko ng kiss." Ngusong sabi niya na kina ilang nito ay natawa pero agad din naman itong humalik sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti nitong pinutol nito ang halik at pinatitigan siya sa mga mata. 

"I think I like you already," ani nito. Gulat na napatingin siya dito. Gusto siya nito? parang ang gandang pakinggan. Totoo ba ito? 

"I know what you think, na bakit ang bilis pero baby yon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama kita, at ngayon lang din ako umamin sa isang tao at nagkagusto ako, ngayon ko lang to nararamdaman," seryosong saad nito. Sigurong Gusto naman siya nito. 

"And I know that you like me too," Nangunot ang noo niya. Pano niya nalamang na Gusto niya ito? Hindi niya naman sinabi. 

"Hindi kita gusto," saad niya at itonatanggi ang paratang niti. Tinaasan niya ito ng kilay. 

Umiling at ngumiti ito. 

"No you like me, sabi mo sakin bumibilis ang tibok ng puso mo pag nakikita mo ako, it's the sign baby that you like me, dahil ganyan din ang nararamdaman ko. I Know it sound corny but we like each other. Say it, say that you like me baby."pag papamilit nito. Hinawakan pa siya nito sa kamay at piniga. 

Tama ito, gusto niya ang lalaki . Pero tama ba? Boss niya ito at higit sa lahat hindi niya pa lubusang kilala ang lalaki. Pero Kahit ganon paman, alam niya sa sarili niyang gusto niya talaga ito. 

Wala sa sarili napa napangiti siya. Akalain mo yon, ang isang engkantong gwapo, nag kagusto sa kanya. Pakiramdam niya ang ganda niya tuloy. 

"Okey, gusto rin kita ." Ngiti ko sa kanya.

Ay mali! dapat may pa heart-I

Oppa, sabi nila pag may gusto ko sa isang tao, gawin mo ang heart. 

Agad niyang inayos ang daliring hinlalaki at hintuturo pa heart. "Gusto rin kita." Ngiti ko habang pinapakita ang hugis heart."

"What is that? " Litong tanong nito sabay turo sa daliri niya. Pambihira sa probensiya lang pala na uso yang pa heart oppa nayan. Umusli ang labi niya. 

"Heart yan tingnan mo." Turo ko sa shape ng daliri ko.

"Auh, I see ." Tumango ito. 

"Ikaw din, sabihin mo saking gusto moko tapos mag heart oppa ka." 

Utos niya sa lalaki pero lumabi lang ito. Naiilang na tumingin ito sa kanya at umiling. " No i can't, hindi ako marunong. Parang gawain ng bakla yang ganyan." Umiling na sabi nito.

"Turuan naman kita bilis. Sige wag mong gawin, Hindi kita papansinin buong araw." Pag babanta niya dito at tinaasan ng kilay.

Napakamot naman ito sa ulo at bumuntong hininga. 

"Okey fine, turuan mo ako, sino ba naman kasi ang nakaimbinto nito." Bulong bulong nito. hindi niya na lang pinansin ang huli nitong sinabi at nagsimula na siyang tunuruan ito. 

"I like you," ani nito at pinakita sa kanya ang heart sabay kindat. Ayon! perfect. Hindi niya mapigilan ang kiligin at ang puso niya ay gustong lumabas dahil sa bilis at lakas ng pagtibok. 

"Ang gwapo mo." Pigil ang kiling na sabi niya sa binata pero tumawa lang ito. 

"Ginawa mo lang akong bakla." Ugot nito at dumapa sa kama. Humiga na rin siya nang patagilid paharap dito.

"Gusto ko ng yakap luis." Ngusong sabi niya. Napapansin niyang ang pabebe niya ngayon eh ano naman? jowa niya naman ang lalaki atleast ang jowa niya gwapo hindi tulad ng iba d'yan. 

"Come here," ani nito. Agad naman siyang lumapit, pag katapos nitong umayos ng higa ay yumakap na ito sa kanya at ganon din siya pabalik. 

"Kahit buong araw tayong nakahiga dito, gustong gusto ko. Basta ikaw ang katabi ko," ani nito na kina ngiti niya.

Parang uminit tuloy ang pisngi niya sa sinabi nito. Pinikit niya ang mata at pinakiramdaman ang puso niya at ganon din sa lalaki 

-------

"Sam." Napa dilat siya ng may narinig na parang may kumatok. 

Napalingon sa katabi, nakatulog pala sila pag katapos mag kwentuhan. Nakangiting tiningnan niya ang katabi, ang gwapo talaga ni Luis, nakakainis dahil napagwapo nito baka mamaya may lumandi pa ay malalagot talaga sa kanya.

"Sam, andiyan kaba?" Si manang fe yon, siya pala ang tumawag kanina. Malalaman niyang andito si Luis! 

"Luis, gising ." Tinatapik tapik niya pa ang pisngi nito para lang magising ang lalaki.

"Isa, hoy gising!" Bulong na pasigaw niya at mas nilakasan ang pag tapik sa pisngi nito.

"Mm? " Dahan dahang dumilat ito.

"Mag tago ka bilis !" Pag mamadali niya dito at pina upo ito. Naguguluhang tumingin ito sa kanya. 

"Sam! andiyan na si Don mario, andiyan na si luis?" Sigaw na naman ni Manang fe na nasa labas kaya napatingin si Luis dito at nanlaki ang mata. 

"Sabi ko sayo eh." Bulong niya dito.

"Mag tago kana kasi." 

"Opo manang fe! Palabas napo ako!" Sigaw niya. 

"Andiyan ba si Luis!" Nanlaki ang matang napa lingon siya sa katabi. 

"Bakit po manang fe !" Sagot nito, sabi ng wag magsalita ang kulit talaga! 

"Lagot ka sa lolo mo! " Sigaw nito pabalik na kina kaba niya ng husto. 

Naiinis na tiningnan niya ito at kinurot ang hita. 

"Bakit kapa kasi sumagot? sabi ko mag tago ka." 

"Hindi ako takot sa kanya," ani nito at mabilis siyang hinalikan sa labi. Malalim na bumuntong hininga ito at tumayo.

"Hindi ako takot kay lolo, ofcourse i'm not," bulong nito at parang kinukumbinsi ang sarili. 

"Baby, sabay na tayong bumaba," ani nito habang hindi nakatingin sa kanya kaya nag tataka tuloy siya. 

"Hindi ako takot kay lolo at kay tita Amanda," bulong na naman nito tsaka binuksan ang pinto at lumabas.

"Anong nangyari sa taong yon?" Litong tanong niya sa sarili at nailang, hindi man lang nito na pansin na hindi siya nakasunod. Bumaba na siya sa kama at sumunod dito na ngayon ay nakalabas na ng tuluyan

Peking ngumisi siya nang pagbaba ng hagdan ay napatingin sa kanya ang lahat. naka upo silang lahat sa sofa habang naka tingin sa kanya. Si Lolo Mario, kasama nito ang isang babae na maganda. At nasa tabi niya naman si Luis pero medyo malayo. Kaya nag baba siya nang tingin. 

Napatingin siya sa babaeng katabi ni lolo Mario, Hindi niya alam Kong ano ang nangyayari, parang bumagal ang paggalaw ng lahat, hindi niya naintindihan pero nakaramdam siya nang pangungulila at pagkasabik ng mapagmasdan niya ang mukha nito. 

Nagulat siya ng may pumatak na luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya kaya dahan dahan siyang tumingin sa katabi niyang si Luis na alam niyang naguguluhan din sa nangyayari. 

Mas lalong naiyak ito at yumakap kay lolo, may binulong si Lolo Mario dito at tumango naman ang babae. Nakatingin 

lang siya sa ginang habang umiiyak, Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang hindi maganda para umiyak ito ng makita siya. 

Lumapit ang ginang sa kanya na may ngiti at batid parin sa mukha nito ang saya at lungkot na hindi alam ni sam kong bakit. Agad na tumayo siya dahil nasa harapan niya na ang ginang. Ang akala niya ay pagagalitan siya nito, at nagulat siya sa nangyari. 

"Sa wakas nakita rin kita," ani nito at yumakap sa kanya hindi alam ni sam pero may luhang pumatak sa mata nya at napapikit na lamang siya, Hindi niya alam kung para saan ang takap nito pero ang alam niya ang sarap non sa pakiramdam. 

Bakit ganito ang naramdaman niya? Ang sikip sa dibdib at ang gusto niya lang ay umiyak nang umiyak. Parang may pumuno sa puso niyang matagal ng may kulang. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status