Share

Chapter 5

Gabi na pero hindi parin siya makatulog kahit anong pikit niya ng mata. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman kong bakit pumapasok sa isip niya ang imahe ng asawa ni Lolo Mario.

"Amanda." Ang pangalan nito na hindi mawala sa isip niya. Tumagilid siya ng higa paharap sa pinto nang maaninag n'ya na umikot ang doornub.

Agad agad namang nagtulokbong siya gamit ang kumot. Narinig nyang bumukas at sinirado ang pinto na lalong nagpapabilis ng kabog ng dibdib niya.

Nanginginig na ang buong watawan niya sa takot at lihim na nagdasal.

"Ahhh!" Impit na napatili siya ng tinanggal nito ang kumot na naka takip sa mukha niya. Agad na umupo siya at may nahawakan siya na agad niyang pinagpapalo ang multo habang mariing nakapikit ang mata.

"Ikaw na multo ka! papatayin talaga kitang h*******k ka!" Patuloy parin siya sa pag papalo.

"Ouch! baby stop it!" Natigilan siya ng mapagtantong si Luis ang pinapalo niya. Natarantang binitawan niya ang hawak na unan at hinawakan ang kamay nito nakapatong sa ulo.

"Masakit ba? patingin nga ng ulo mo?" Biglang tumayo si Luis na kinalito niya at lalo na ng binaba nito ang zipper. Napamaang siya sa nakita at agad pinalo ang katawan nito ng unan.

"Baliw kaba? bakit mo binubuksan yan? pag yan tinuloy mo puputulin ko talaga yan!" Nanggalaiting sigaw niya habang dinuduro ang ari ng lalaki.

Umangat ang gilid ng labi nito na parang pinipigilan ang pagtawa. "Sige! subukan mong tumawa at malalagot ka sakin!"

"Baby I was just joking at you, at pag ito pinutol mo pano na ang kaligayahan mo, pano na ang maging lahi natin?" ani nito na nakanguso pero hindi hindi niya naintindihan ang tinutukoy ng binata.

"Ano ba ang sinasabi mo? at ang ulo mo naman kasi ang tinutukoy ko, bakit ba kasi binaba mo yang pantalon? Kita ko tuloy yong bukol mo, gusto mo pa atang ipakita sakin yang utin mo?" Pinagmulahan ata siya ng pisngi dahil sa sinabi niya. Agad na tumalikod siya at humiga sa kama para itago ang namumula niyang pisngi. Naiinis siya sa lalaki dahil dito nakakapagsalita siya ng hindi maganda.

Naramdaman niyang lumubog ang higaan at may pumulupot na kamay sa baywang niya. Nakatagilid siya kaya nararamdaman niya ang matigas na dibdib nito. Maingay na inangat nito ang ulo niya tsaka pinatong sa matigas na braso nito. At mas lalong humigpit ang pagyakap nito sa katawan niya na halos naiipit na ang dibdib niya. Hindi niya rin sinaway si Luis dahil ang sarap sa pakiramdam.

"Bakit ba kasi andito ka, uuwi kapa bukas tapos hindi kapa nag papahinga." Nararamdaman niya ang hininga nito na tumatama sa batok niya na nagparamdan nang kiliti sa kaibuturan niya.

"Ma mimiss kita kaya andito ako." Bumaba ang labi nito sa leeg niya at pinapatakan nang maliit na halik. Nararamdaman niya ang pag s****p nito sa balat niya. May halong kirot at kiliti 'yon pero masarap.

"Lu-is," impot na ungol niya ang pangalan nito at napahigpit ang hawak sa kamay nitong nakayakap sa kanya.

"Fuck! we should stop," kumirot ang puso niya sa sinabi nito. Humarap siya at niyakap ang lalaki at tsaka isinubsob ang mukha sa dibdib nito.

"Bakit ka huminto?" may pagtatampong tanong niya. Napakagat labi siya habang nagpipigil namang natawa ang lalaking nakatingin sa kanya.

Nanlaki ang mata niya ng mapagtanto kong ano ang tanong niya. So ayaw mong tumigil siya ganon? nahihiyang sumiksik siya lalo dito.

Marahan itong tumawa na kina simangot niya. "Anong nakakatawa don?" Naiinis niyang tanong at kinurot ang tagiliran nito. Tumawa lang ito at hinigpitan ang pag kakayakap sa kanya.

"Luis?"

"Auhmm."

"Matagal na bang mag asawa si lolo at ang asawa niya?"

"Yeah. Why?"

"Wala lang mabait ba siya?"

"Yes, She's kind. Tahimik lang siya minsan ko lang siyang nakakausap." Napatango siya, kaya pala ang gaan ng pakiramdam niya kanina dahil mabait naman pala ito.

Umiling siya. "Wala naman tulog kana."

"Good night," malambing sabi nito at hinalikan ang ulo niya.

"Good night din," ani niya at niyakap ng mahigpit ang binata.

"Where's my kiss?" tnong nito na ikinatawa niya. Pinatakan niya ito ng halik sa noo pababa sa mata at ilong. Natawa naman ito sa ginawa niya.

"Happy?"

"Yes." Umayos siya ng higa at mas lalong yumakap sa lalaki. Hindi niya alam kong bakit masaya ang pakiramdam niya . Sa tanang buhay niya nyayon lang siya yumakap sa lalaking hindi ka pamilya pero gusto niya at ang sarap non sa pakiramdam. Natulog nang may ngiti siya labi at payapa.

-------

Nagising na lang siya ng may malakas na katok, Natarantang bumangon siya at napaupo. Kinakabahan siya at baka makita sila ng kung sino man ang tao sa labas na natulog ang lalaki sa kwarto niya.

Nakahinga rin siya nang maluwag ng makitang wala na syang katabi. Inaantok na napangiti siya.

"Ang aga namang umalis ng lalaking 'yon." Tumayo siya.

"Wait lang po!" Binuksan niya ang pinto at sa gulat niya ng makita si lolo mario hindi siya makagalaw.

"Follow me, to my office now ."

Hindi niya maintindihan ang nangyayari, bakit ito pa talaga ang pumunta sa kwarto niya mukhang galit pa ata sa kanya.

Kinakabahang sumunod siya rito, pati ang kabog ng puso niya hindi na naging normal.

"I'm asking you sam. Ano ang relasyon mo sa apo ko?"

"Kai-bigan lang po." Nahihiyang sagot niya at nagbaba ng tingin.

"Wala ba siyang ginawa sayo? I saw him last night na pumasok sa kwarto mo," ani nito. Pumikit na lamang siya ng mariin at pabulong na pinagalitan ang sarili. nakakahiya sam! ano ang isasagot mo ngayon?

Malalim na bumuntong hininga ito. "Hindi ako makiki alam sa inyo, pero nag alala ako sayo, baka saktan ka niya not physical pero pano pag sinaktan niya ang puso mo? hindi ka pwedeng mag kagusto sa kanya. I know him. kaya mas mabuting umiwas iwas ka sa pang bobola niya." Malumanay na sabi nito, napangiti siya. Alam niya kong ano ang pinupunto nito. Ayaw lang nitong masaktan siya.

"Opo Lolo," ani niya na nakangiti.

Bata palang siya, kilala niya na ito magkaibigan ang lolo niya at si lolo mario, ito din ang tumutulong sa kanila, tuwing naglilipat sila ng bahay,

Ganon ang kinagisnang buhay ni Sam. Palipat lipat sila ng bahay na para bang nagtatago sila.

Hindi na rin siya nagtangkang mag tanong sa lolo at Lola nya. Kahit tungkol sa mga magulang n'ya, ang alam niya lang ay patay na ang mga ito bata pa lamang sya.

Paalis na siya ng kwarto ng magsalita ulit ito.

"Please don't be angry to me." May pakiusap na boses nito.

"Hindi po lolo." Matamis siyang ngumiti at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto pagkatapos magpaalam.

Napangiti siya sa mga sinabi nito. Alam niya kong gano kalapit ang lolo n'ya at si lolo Mario kaya walang siyang naramdamang galit dito dahil alam din niyang ang sinasabi nito ay para rin sa kanya.

Papunta na siya ng kusina ng makita n'ya ang babae. Si maam Amanda.

"Hala maam! bakit po kayo nagluluto dito?" Natarantang tanong n'ya at lumapit dito para agawin ang pang sandok.

Nagulat ito sa biglang pagsulpot niya pero natawa. "Hey, i'm okey and beside Imiss doing this." Nakangiting sabi nito. Natigil naman siya sa ginagawa.

"Ahm can you get a plate? ilalagay ko lang tong niluto ko." Magiliw na ani nito.

Napangiting sumunod siya, kahit mayaman si ma'am Amanda, o sila dito. Wala kang makikitang kaartihan sa mga bagaybagay, lalo na si maam Amanda, makinis ang balat at makikita mo talagang galing ito sa yamang angkan. Pero sobrang bait niya at hindi maarte.

"Buti po at magaling kayong mag luto," ani niya at ibinigay dito ang plato

"Yeah, When I was pregnant nag-aral ako kung pano mag luto. Para ako ang magluto ng pagkain ngbaby ko." Ngumingiti ito pero alam niyang nalulungkot din ito. Hindi niya lang alam kung bakit.

"May anak po kayo?" Gulat na tanong niya. "Asan po yong anak niyo? ang swerte niya naman dahil kayo po ang niya," ani niya. Nakaramdam siya ng kunting inggit lalo na pagdating sa usapang magulang.

Pinatay nito ang kalan at humarap sa kanya na may mga luhang tumulo sa mga mata. Agad namang nitong pinahid. Naguguluhan siya, bakit ito umiiyak?

"Shes not with me but i'm sure she's safe," bulong nito na tumagos sa puso niya. Para siyang nasasaktan.

Nagpatuloy ito. "I just want her to be safe, pero ang hirap, lalo bilang isang ina. Ang hirap na malayo ka sa anak mo pero kailangan para lang hindi siya mapahamak at tuluyang mawala sayo. Siguro akong magagalit siya pag nalaman niyang iniwan ko siya." Ang bigat ng pakiramdam niya na makitang may mga luhang pumapatak sa pisngi nito.

"An-g hirap na lumaki siyang hindi mo nakikita."

"Alam ko pong naintindihan niya po kayo, Kong ako po ang magiging anak niyo ay naintindihan ko po kayo," ani niya. Ngumiti siya para pagaanin ang loob ng ginang.

Tumango ito at matamis na gumiti sa kanya."Can I hug you?" Gulat na napatingin siya dito. Hindi siya pwedeng humindi lalo na at umiiyak ito.

Hindi pa man siya nakakasagot ng lumapit na ito sa kanya at kinabig siya nito ng yakap na kinatigas ng katawan niya. Ang yakap niya, Napaka sarap sa pakiramdam.

Mahigpit itong yumakap sa kanya habang humihikbi.

"I miss you, god knows how much I miss you." Gumuhit ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito.

Hinagod niya ang likod ng ginang. "Alam ko pong miss niya na po kayo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status