TATLONG MAHINA at sunod-sunod na katok ang narinig ni Taj mula sa nakasaradong pinto ng kanyang opisina. Sandali siyang nag-angat ng paningin mula sa binabasang papeles at bahagyang umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi bago isinandal ang likod sa kinauupuang swivel chair. Inaasahan na niyang darating si Tori pero hindi niya naisip na ganoon kabilis na susulpot sa Guimaras ang babae. "Come in," pormal ang tinig na aniya bago muling ibinalik ang pansin sa hawak na papeles. Dinig niya ang mahinang tunog ng bumukas na pinto kasunod niyon ay napuno ang loob ng kanyang opisina ng pamilyar na pabangong minsan na rin niyang kinabaliwan. Nang muling magsara ang pinto ay sunod niyang narinig ang tunog ng papalapit na magaang mga yabag. Tumigil iyon sa harapan ng kanyang mesa at tila walang balak na umupo ang babae kaya bagot na nag-angat ng paningin si Taj. Kunot ang noong tiningnan niya si Tori na nakatayo lang sa harapan niya. Nakatitig ito sa kanya at hindi nakatakas sa pansin niya
BLANGKO ang anyong tinitigan ni Taj ang annulment papers na nakapatong sa ibabaw ng kanyang working table. "You really never fail to surprise me, Tori," usal niya bago nangalumbaba. At nasa ganoong sitwasyon si Taj nang umalingawngaw sa loob ng kanyang opisina ang tatlong sunod-sunod na katok mula sa nakasaradong pinto. Umangat ang mga kilay niya."Come in!" walang emosyong turan niya bago isinandal ang likod sa upuan habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak na ballpen.Nang tuluyang bumukas ang pinto ay bumungad mula roon ang nakangiting mukha ni Landon habang hawak sa kamay ang isang folder. Dumating ito kanina para ihatid ang annulment papers niya. Lumuwas ng bansa ang abogado niya kaya ang kaibigan niya ang nagdalaw bukod pa sa may papipirmahan daw itong papeles sa kanya. "What's up?" tanong ni Taj sa kaibigan. Itinaas naman ni Landon ang hawak niyang folder bilang sagot."I need you to sign this. Nakalimutan ko pala kanina na isama ito sa pipirmahan mo." Umangat ang
"THAT was great, Tori!" malapad ang ngiti sa mga labi na puri kay Tori ng manager niyang si Ember. Nakasunod ito sa kanya at ang iba pang staffs habang naglalakad sila palabas ng studio ni Crizzan, ang kilalang TV host at siya ring publicist ni Tori simula nang bumalik siya sa Pilipinas a month ago. "Just take me back to my house, please," walang ganang sabi ni Tori sa manager na kaagad namang natigilan. "I'm tired, Ember." dugtong niyang pilit na pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay kanina pa niya gustong bumigay. Naroon sila sa R4 network dahil kailangan ni Tori na sagutin ang lahat ng mga katungang ibinabato sa kanya ng marami. At kagaya ng inaasahan ay tila kabuteng biglang nagsulputan ang mga bashers niya na mabilis na sinamantala ang pagkakataon. Ah, para siyang ibinalik sa eskandalong kinasangkutan niya limang taon na ang nakakaraan."Okay, okay..." sang-ayon ni Ember habang nakasunod pa rin kay Tori. Nang tuluyang makalabas ng dumiretso na sila sa elevator at bumaba sa
HALOS alas-nuebe na ng gabi nang makarating sa Clay's Garden si Tori at habang minamaneho niya ang sasakyang nirentahan ay hindi niya napigilan ang mga luhang muling pumatak mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Halos isang buwan na ring mahigit ang nakalipas simula nang araw na umuwi siya ng San Lorenzo para sana kausapin si Taj pero hindi niya nagawa. At ngayong gabi ang engagement party ng lalaki at ni Kara. Late na si Tori dahil ayon kay Lorie ay alas otso daw ang proposal pero dahil na-delay ng kalahating oras ang flight niya galing sa Manila ay hindi na siya aabot pero gusto pa rin niyang tumuloy. Hindi niya alam kung bakit siya naroon pero hindi rin siya matatahimik hangga't hindi niya pinagbigyan ang kanyang hibang na sarili. Oo, galit siya sa dati niyang asawa pero hindi niya pa rin maiwasang hindi masaktan nang marinig niya ang balitang magpo-propose na ito sa socialite na si Kara Alvarez. Ni hindi man lang nito pinalipas ang isang buwan pagkatapos nilang pormal a
TORI found herself in an outskirt town, kilometers away from San Lorenzo and another feeling of deja vu enveloped her. Para siyang hinugot at muling ibinalik sa nakaraan, limang taon ang nakakalipas. The same place. Different dilemma.Mapaklang napangiti si Tori."Another glass of brandy, please," tawag niya sa waitress na nakatayo sa isang bahagi ng Drifting Mist. Isa iyong pub house na itinayo bago ang Drifting Mist Club Bar sa bayan ng San Lorenzo.Five years ago, she was also here, sitting on the same chair. Ang kaibahan lang ay kasama niya si Taj noon. "Ito po," mahina ang boses na sabi ng babae bago ibinaba sa harap niya ang basong may lamang brandy. Tatalikod na sana ito nang muli itong tawagin ni Tori."And give me two buckets of beer, please," aniya ritong nakayuko bago ikinumpas ang kamay na tandang p'wede na itong umalis. Dinampot ni Tori ang baso at inisang lagok ang laman niyon. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang pait na dulot ng alak ngunit wala iyon kumpara sa pait na
IPINILIG ni Tori ang kanyang ulo para alisin ang masakit na alaalang nagsimula na sanang manariwa sa kanyang isipan. Hindi niya namalayang naubos na pala niya ang dalawang bucket ng beer na inorder niya kanina. Muli niyang tinatawag ang waitress at muling nagpahatid ng tatlo pang bucket ng beer. Ah, gusto niyang magpakalunod sa alak ngayong gabi. Baka sakaling mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Lumipas ang ilan pang oras at marami nang nainom si Tori. Nang tingnan niya ang labas ng pub house ay kaunti na lang mga sasakyang nakaparada sa parking lot. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sinulyapan niya ang suot na relong-pambisig para tingnan ang oras. Pasado ala-una na ng madaling-araw. Ganoon na pala siya katagal na nasa loob ng pub. Inabot niya ang sumbrerong hinubad niya kanina at muling isinuot nang pabaliktad sa ulo. Tinawag niya ang waitress at inabot dito ang ilang perang papel. Sobra pa iyong pambayad sa mga nainom niya pero bale-wala iyon kay Tori. K
MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas na sinundan pa ng malalakas na kulog at pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan, ngunit hindi iyon sapat na dahilan para hindi mahagip ng paningin ni Oxygen ang pigurang nasa labas ng bahay nila. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng bintana ng kanyang silid na nakaharap naman sa kalsada. Nasa loob ng banyo ang asawa niyang si Lorie habang siya naman ay nanonood ng panggabing balita nang makarinig siya ng sunod-sunod na tunog ng doorbell.Sinulyapan niya ang relong nakasabit sa dingding at nang makita niyang halos mag-alas dos na ng madaling-araw ay napuno ng pagtataka ang isip niya. Hinawi ni Oxygen nang mabuti ang makapal na kurtina para matingnan kung tama ba ang nakikita niya. Sumilip siya sa labas ngunit dahil sa lakas ng ulan ay hindi na halos niya makilala ang tao sa labas kahit pa nakasindi ang ilaw sa tabi ng gate na bakal.Naniningkit ang mga matang mas lalo pang sinipat ni Oxygen ang pigurang nakatayo sa labas ng bakod nila. Bahagya pa si
DINAMPOT ni Taj ang remote ng TV at binuksan. Nasa loob pa ng banyo si Kara at naglilinis ng katawan. Bahagya siyang napangiti nang muling sumagi sa kanyang isipan ang nangyaring engagement. Huh! Ilang hakbang na lang ang kailangan niyang gawin.Natigilan si Taj nang tuluyang bumukas ang malaking flat screen television na nakadikit sa pader ay bumungad sa kanya ang mukha ni Tori. Kumpara noong nakita niya ang babae nang umuwi ito sa San Lorenzo para sa binyag ng anak ng kaibigan niyang si Oxygen at ni Lorie ay ibang-iba ang itsura nito. Kahit iyong napanood niya na video noong nagkaroon ng concert ang babae ay malayo rin ang anyo nito sa nakikita niya ngayon. May hawak din itong microphone habang kumakanta. Ang buhok nitong kulot ay mahigpit na nakatali paitaas. Isa lang siguro ang hindi naiba sa anyo ni Tori—at iyon ay ang makeup nitong kagaya sa ilang video nito na napanood na niya ay makapal din. Medyo magaan lang ang anyo nito ngayon dahil na rin sa kinakanta nito. Napatitig na