Share

UNEXPECTED

TATLONG MAHINA at sunod-sunod na katok ang narinig ni Taj mula sa nakasaradong pinto ng kanyang opisina. Sandali siyang nag-angat ng paningin mula sa binabasang papeles at bahagyang umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi bago isinandal ang likod sa kinauupuang swivel chair. Inaasahan na niyang darating si Tori pero hindi niya naisip na ganoon kabilis na susulpot sa Guimaras ang babae.

"Come in," pormal ang tinig na aniya bago muling ibinalik ang pansin sa hawak na papeles.

Dinig niya ang mahinang tunog ng bumukas na pinto kasunod niyon ay napuno ang loob ng kanyang opisina ng pamilyar na pabangong minsan na rin niyang kinabaliwan. Nang muling magsara ang pinto ay sunod niyang narinig ang tunog ng papalapit na magaang mga yabag. Tumigil iyon sa harapan ng kanyang mesa at tila walang balak na umupo ang babae kaya bagot na nag-angat ng paningin si Taj.

Kunot ang noong tiningnan niya si Tori na nakatayo lang sa harapan niya. Nakatitig ito sa kanya at hindi nakatakas sa pansin niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status