CONSUNJI REAL ESTATE AND CONSTRUCTION COMPANYORTIGAS CENTER, MANILA“GOOD MORNING, MISS KARA,” bati ng secretary ni Taj na nakasalubong ni Kara na palabas ng cubicle nito.Tumango lang si Kara bilang tugon bago tuloy-tuloy nang humakbang patungo sa pinto ng opisina ni Taj. “Ah, Miss Kara,” tawag ng sekretarya nang tila may maalala. Tumigil si Kara bago kunot ang noo na lumingon. “Yes?” untag niyang medyo umangat ang kilay.Kiming ngumiti ang sekretarya bago nagsalita. “May kausap lang ho si Sir Sebastian. Nagbilin po siya na ‘wag daw istorbohin. Pakihintay na po siya sa lounge.” magalang na sabi ng babae na bahagya pang yumukod.Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ni Kara. “Business?” tanong niya sa sekretarya.Sandaling natigilan ang sekretarya. Bakas sa anyo nito ang bahagyang alinlangan pero nang makitang nagsalubong ang mga kilay ni Kara ay kaagad din nitong sinagot ang tanong. “Ah, hindi ko po kilala kasi naka-direct po kay Sir ang appointment niya pero ang dinig ko po ay
SABADO NG HAPON at tahimik na tahimik ang buong paligid ni Tori. Wala si Hajie dahil isinama ng ina at mga kapatid ni Taj ang anak niya sa Hongkong. Alas nuebe pasado na pero nanatili pa rin siyang nakapamaluktot sa kanyang kama. Hindi siya inaantok kahit ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Sadyang wala lang siya sa mood na kumilos. Hindi rin niya sinasagot kahit ang mga tawag ni Ember.Nilaro ni Tori ng kanyang mga daliri ang kobre-kama habang blangkong nakatitig sa kulay kremang pader ng kanyang silid. Samo’t-sari ang tumatakbo sa kanyang isipan. Iniisip niya na kung hindi siya pumunta sa Guimaras para magbakasyon ay hindi sana niya nakilala si Taj.Kung hindi sana niya hinayaan ang kanyang sarili na mahulog sa dati niyang asawa ay hindi sana siya nasaktan nang todo na halos sumira sa buhay niya. Kung hindi sana siya nagpakasal kay Taj ay baka hindi naging mahirap ang lahat para sa kanya. Kung hindi lang sana nakialam ang Mommy niya at si Sid ay hindi sana sila nagkahiwal
TAHIMIK AT NAKAHALUKIPKIP na itinuon na lamang ni Tori ang kanyang paningin sa labas kung saan ay nakikita niya ang mga puno ng mangga na maayos na nakalihera sa malawak na lupain ni Taj. Kasalukuyan nilang binaybay ang daan patungo sa dulong bahagi ng plantasyon kung saan naroon ang private farm resort ng lalaki. Ang Greenwoods Cabin.Ayaw na ni Tori na makipagtalo pa kay Taj kaya sumama na lamang siya. Wala na siyang lakas. Sa unang pagkakataon simula nang mangyari ang hiwalayan nila ng dating asawa at ang paglipad niya palabas ng bansa limang taon na ang nakakaraan ay nakaramdam ng pagod si Tori. Para siyang naubos nang dahil sa biglaang pagkawala ni Wanji. Para siyang napilayan. Pakiramdam niya ay para siyang ibon na nabalian ng isang pakpak kaya hindi niya alam kung paano makakalipad ulit.Pagod at hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam. Bukod sa anak niyang si Hajie at si Wanji na lamang ang mayroon siya tapos bigla pang nawala ang lalaki. Paano na siya ngayon? Selfish nga si
HINDI NA ALAM ni Tori kung gaano karaming bote ang nabasag niya. Basta ang tanging alam lang niya ay gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit at kirot na naipon sa puso niya sa loob ng ilang taon. Punong-puno rin ng mga luha ang kanyang magkabilang mata habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang sipon kaya hindi na niya alam kung ano ang una niyang pupunasan hanggang sa hinayaan na lamang niya. Wala na siyang pakialam. Panay na lamang ang singhot niya para mapigilan ang kanyang sipon na mas tumulo pa palabas ng kanyang ilong.“Ang sabi mo…” humihikbi na turan ni Tori. Halos hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa walang tiigil na pag-iyak. “I-Ikaw na lang ang meron ako pero bakit kailangang pati ikaw, eh, mawala din sa akin?” patuloy niya na tila saka pa lamang nakaramdam ng labis na pagod. Pagod ba ng katawan dahil sa ginawa niyang halos walang tigil na paghagis ng mga bote o pagod dahil sa samo’t-saring emosyon na halos hindi na niya mapangalanan kung ano? Hindi na alam ni T
MALAKAS ANG BUHOS ng ulan sa labas dahil sa super typhoon na si Mareng at kagaya ng nag-aalimpuyong panahon ay ganoon din si Kara. Kasalukuyan siyang naroon sa bahay ni Landon sa San Juan at naglalabas ng galit dahil nalaman niyang nagpagawa si Taj ng Stress Wall para kay Tori.“Shit! Shit!” galit na sigaw ni Kara.Wala siyang pakialam sa bagyo o kung binabaha na ba ang Pilipinas. Basta ang alam niya ay gusto niyang makaganti kay Tori. Hindi siya makakapayag na mauwi sa wala ang mga pinaghirapan niya nang dahil lang sa pagpa-papel nito kay Taj. No! Hindi maaari…Tumigil naman sa pagsimsim ng alak mula sa hawak niyang baso si Landon at kunot ang noo na tiningnan si Kara na kanina pa lakad nang lakad sa kanyang harapan. “Akin lang si Taj. Akin—”Tuluyan nang napatid ang pagtitimpi ni Landon. Galit na ibinalibag niya sa pader ang hawak na baso at lumikha iyon ng ingay nang mabasag. “Enough!” sigaw ni Landon.Napapitlag naman si Kara. Napatigil din siya sa walang tigil na paglalakad at
Sabado ng umaga. Halos kahuhupa lang ng bagyong Mareng na sumalanta sa malaking bahagi ng Visayas maging sa ilang rehiyon ng Luzon. At pang-apat na araw na ring pansamantalang nakatira sa poder ni Taj ang mag-inang Tori at Hajie. Nasira kasi ang isang bahagi ng ancestral house dahil sa natumbang puno ng mangga na dulot ng malakas na hangin.Dala ang ginawang pancake para kay Hajie ay naglakad na si Tori patungo sa veranda kung saan naroon ang anak kasama ang ama nito. Malaking tulong din ang apat na araw na pamamalagi nila sa bahay ni Taj para mas maging malapit sa isa’t-isa ang dalawa. Sandaling tumigil si Tori nang mula sa kanyang kinatatayuan ay matanaw niya si Hajie na masayang nakasakay sa likod ni Taj. Naglalaro ang dalawa ng kabayo-kabayoan sa veranda habang nakangiti namang nakamasid si Giorgia. May hawak pa itong cellphone at tila kinukunan ng video ang mag-ama. Kagabi lang dumating si Giorgia dahil na-stranded ang babae sa Iloilo. Hindi na sila nagpang-abot dalawa dahil tul
MAAGA pa lang ay nasa gitna na ng malawak na manggahan si Taj kasama ang anak niyang si Hajie. Wala si Tori. Alas sais pa lang ng umaga ay bumiyahe na patungo sa Manila ang babae para sa isang importanteng meeting kasama ang ilang boss ng Crystal Music at ang organizer. Pag-uusaan ng mga ito ang tungkol sa na-cancel na concert ng pop star sa Los Angeles dahil sa pagkamatay ni Wanji.“Malaki rin ho ang pinsalang natamo ng manggahan nang dahil sa bagyo, Sir Taj,” imporma ng isang tauhan ni Taj na nakasunod sa kanilang dalawa ni Hajie.Isag mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj. Ano pa nga ba ang magagawa niya? “Oho nga, Tata Teban, eh. Gawan na lang ho natin ng paraan na kahit paano ay hindi tayo malugi sa ginastos natin ngayong season.” turan niya bago yumuko para damputin ang isa sa maraming bunga ng mangga na naglaglagan dahil sa lakas ng hangin. Sinuri iyon ni Taj at nang masigurong magulang na ang hawak na bunga ay isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. P’w
“Hi…”Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa magkabilang sulok ng mga labi ni Tori nang marinig niya ang pamilyar na tinig ni Darlene. Ang kanyang personal financial consultant simula pa noong pumasok siya sa showbiz.“Thank God, pinaunlakan mo ang invitation ko,” bakas ang tuwa sa tinig na turan ni Tori sa bagong dating.Alam ni Tori na maraming ginagawa ang babae ngayon dahil bukod sa pagiging financial consultant ay nagta-trabaho din si Darlene sa isang sangay ng gobyerno bilang isang accountant. Isa pa ay nagtuturo din si Darlene sa isang university sa Bulacan. Masyadong workaholic ang babae kaya ang tawag niya rito ay ang babaeng walang pahinga.Umirap naman si Darlene bago siya b****o kay Tori. “Sus, porke alam mong hindi kita kayang tiisin,” naka-ismid na aniya sa pop star. Nang mapatingin siya sa upuang nasa kaliwa ni Tori ay kaagad na umangat ang kilay niya nang makilala ang lalaking nakaupo roon. “Mr. Sebastian, what a pleasant surprise!” puna niya sa kilalang negosyan