Share

WARN HIM

CONSUNJI REAL ESTATE AND CONSTRUCTION COMPANY

ORTIGAS CENTER, MANILA

“GOOD MORNING, MISS KARA,” bati ng secretary ni Taj na nakasalubong ni Kara na palabas ng cubicle nito.

Tumango lang si Kara bilang tugon bago tuloy-tuloy nang humakbang patungo sa pinto ng opisina ni Taj.

“Ah, Miss Kara,” tawag ng sekretarya nang tila may maalala.

Tumigil si Kara bago kunot ang noo na lumingon. “Yes?” untag niyang medyo umangat ang kilay.

Kiming ngumiti ang sekretarya bago nagsalita. “May kausap lang ho si Sir Sebastian. Nagbilin po siya na ‘wag daw istorbohin. Pakihintay na po siya sa lounge.” magalang na sabi ng babae na bahagya pang yumukod.

Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ni Kara. “Business?” tanong niya sa sekretarya.

Sandaling natigilan ang sekretarya. Bakas sa anyo nito ang bahagyang alinlangan pero nang makitang nagsalubong ang mga kilay ni Kara ay kaagad din nitong sinagot ang tanong.

“Ah, hindi ko po kilala kasi naka-direct po kay Sir ang appointment niya pero ang dinig ko po ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status