THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!
LIBBYHindi ko alam kung matatawag ba na bakasyon ito ngayon dahil nagtatrabaho naman ako sa kuya ko. Oo, alipin ako ng salapi kaya kahit sarili kong kapatid ay pinagbabayad ko sa serbisyo ko. Masyado siyang maraming pera kaya kailangan na bawasan ko naman minsan. Malaki rin ang bigayan kay Gallong kaya masasabi ko na ang ahas na ito talaga ang lucky charm ko. Isang milyon ang binigay ni kuya na bayad sa serbisyo niya. Oh bida, ang bongga ng ahas ko.“Gallong, galingan mo sa trabaho mo. Masyadong malaki ang bayad ni kuya kaya dapat lang na magtrabaho tayo. Saka na lang tayo magpahinga kapag naging tatay mo na si gov. Need natin ng maraming pera para mabili na natin ang tatay mo,” nakangiti na sabi ko sa kanya. Dahil ang ex-jowa ng kuya ko ang dapat naming pahirapan.Masyadong epal at bida-bida sa pamilya namin. Hindi na lang bumalik sa pinggalingan niya. Inaalam ko na rin ang tungkol sa mga nangyari sa babaeng ‘yo, kung bakit ba siya biglang nawala at babalik na lang dito. Nakagat tul
LIBBY“Hi po,” nakangiti na bati niya sa amin dito at ang lakas ng loob niyang lumapit sa amin.“Who are you?” tanong ni mommy sa kanya.“I’m Arthur Alcantaria, I’m Libby’s friend–”“Hindi ah, hindi ko nga kilala ‘yan.” Itinama ko agad dahil hindi naman kasi talaga. “Liberty, magsabi ka ng totoo.” sabi ni mommy.“Umalis ka nga dito! Bwisit ka!”“Ayaw mo ba akong ipakilala sa pamilya mo. Pasalamat ka nga dahil kaibigan lang ang sinabi ko. Paano na lang kung sinabi ko sa kanila na ako more than friends ang mayroon tayong dalaw–”Maang naman akong nakatingin sa kanya dahil may saltik na talaga siya. Ang lakas ng loob niyang magpakita sa pamilya ko tapos maging feeling close siya. Ang kapal niya talaga, lagot talaga siya sa akin.“Akala ko ba ‘yong Adam ang gusto mo?” biglang tanong sa akin ni mommy. Kaya naman nilakihan ko ng mata ang mommy ko dahil talagang gusto niya na malaman ng iba kahit pa ang totoo ay alam naman ng isang ito. Pero sa amin na lang kasi sana ‘yon.“I’m her boyfrien
LIBBYAng misyon ko ay natapos ng masaya at matagumpay pero may kaunting lungkot dahil tuluyan nang natapos ang samahan namin nila Yanne at Gene. Hindi naman bilang magkaibigan kundi ang maging agent.Buntis ang kaibigan namin at hindi na rin talaga papayag si yorme na bumalik pa siya. And we fully understand naman, her situation. Kung ako rin naman ang pagbabawalan ni Adam ay walang pagdadalawang isip ko agad na susundin.Speaking of Adam na hard to get ay iniinis na talaga niya ako. Hindi na niya tinatanggap ang mga bulaklak na bigay ko sa kanya. Kaya naman pasimple lang akong pumunta sa office niya kahit pa wala naman akong kailangan.Sumali pa ako sa mga seminar na wala naman akong interes. Gusto ko lang talagang makalapit sa kanya, gusto ko lang talaga na ma-amoy ko siya. Ang bango talaga ng lovey dovey ko. nakaka-ad*k ang amoy niya.“Mangku, ano ang ginagawa mo dito? Hindi ako na inform na mahilig ka pala sa ganitong mga seminar?” nakangisi na tanong sa akin ni Arthur.“At ikaw n
LIBBY “Ready na ba kayo?” tanong sa amin ni Yanne. “Ready na po,” nakangisi na sagot ko sa kanya. Habang inaayos ko ang buhok ko. Ang maganda kong buhok na pang bruha. “Okay, ingat kayo. Alam ko na magagawa niyo ito ng maayos,” sabi niya sa amin. “Kayang-kaya,” magkasabay pa na sabi namin ni Gene. Kung nakikita lang talaga niya ako ngayon ay baka magulat siya sa akin. At kung alam lang ng nanay ko ang mga ginagawa ko ay sure ako na magugulat rin siya. Ang maganda niyang anak ay bigla na lang naging mangkukulam. Ako ang pumili na doon na lang ako kay Ayra. Personal na ang dahilan ko dahil gusto ko siyang gantihan. Naiinis ako sa ginawa niya sa sarili niyang anak at syempre papahirapan ko siya dahil pinipilit niya ang sarili niya kay mayor. Gusto pa niyang guluhin ang love story ng kaibigan ko at hindi ko ‘yon hahayaan. Nang mawala na ang tawag ay bumiyahe na ako papunta sa kanila. Natutuwa ako sa itsura ko. Sa trabaho kong ito ay ito talaga ang laging best part, ang magbalat kayo
LIBBYHindi ako mapakali kaya naman bumalik ako sa lugar kung saan ako galing kaninang umaga. Kaya naman nagmamadali ako para malaman ko kung nagsasabi ba sa akin ng totoo si Arthur dahil kung hindi ay lagot talaga siya sa akin. Hindi na ako natutuwa sa kanya. Kung ano-ano na lang ang mga sinasabi niya sa akin. At talagang ang mga imposible ko pang gawin.Nang makarating ako ay agad akong tumingin sa itaas at nanlaki ang mga mata ko dahil nandoon nga ito ngayon. Nasa taas nga ang damit ko at nakasabit.Oh my gosh! Bakit naman? Bakit naman nandoon? Paano na lang kapag sinilip nila ang CCTV dito at makita nila na ako ang may gawa. Tanda ko pa naman kung saan ang unit ng lalaking ‘yon kaya naman balak ko na doon na dumiretso. Nagdoorbell ako pero ang tagal naman niyang buksan kaya wala na akong ibang choice kundi gamitin ang skills ko sa pagbukas ng pintuan. Napangiti ako dahil hindi pa rin naman pala kumupas ang skills ko. Talagang magaling pa rin ako.“Holly sh*t! What are you doing h
LIBBY“Ahhhhhh!” napasigaw ako dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin sa pagmulat ko ng mga mata ko.“Anong ginawa mo?!” sigaw ko sa kanya pero ang totoo ay nasipa ko na siya at nahulog siya sa kama.“Wala akong ginawa,” mabilis na sagot niya sa akin pero mabilis akong lumapit sa kanya at sinugod ko siya..Pero mabilis naman niyang sinasalag ang atake ko sa kanya.“Liar!”“Anong liar?! FYI lang naman, Miss Suplada. Kahit na ganito ako ay hindi kita type, walang maganda d’yan sa katawan mo,” sabi niya sa akin kaya mas lalong uminit ang ulo ko.“Talaga ba? Bwisit ka! P*pat*yin kita!” sigaw ko sa kanya.“Tama na nga! Masakit na ‘yang ginagawa mo! Kahit pa hindi kita type ay puwede na kitang pagtyagaan–”Sa sobrang inis ko ay mabilis ko siyang inatake na dahilan para mawalan siya ng malay. Ang bwisit na ‘to, ang lakas ng loob niyang laitin ang sexy body ko. Siya lang ang bukod tanging nagsabi sa akin ng ganito. Pinakiramdaman ko ng mabuti ang sarili ko at mabuti na lang na wala akon