THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS YOU ALL PO!
THEA FAITH“Ano ba ang tanong mo? Puwede ka naman magtanong ng kahit na a–”“Sino ba talaga si Elli? Saan ba siya galing?” lakas loob na tanong ko sa kanya.“Si Elli? Anak ko siya, love,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Alam ko naman na anak mo siya, na anak ang turing mo sa kanya. Pero saan ba ang pamilya niya? Bakit ikaw ang nag-aalaga sa kanya? Saan siya nanggaling?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“They abandoned her,” sagot niya sa akin kaya biglang nalungkot ang puso ko sa narinig ko.“Pero kilala mo ang parents niya?”“Yes, her mom is my ex, and also my childhood bestfriend” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.“Saan na siya ngayon?”“I don’t know, hindi ko alam. Dahil noong huling nakita ko siya ay iniwan niya sa labas ng condo unit ko ang anak niya,” sagot niya sa akin.“Alam ba ni Elli? Alam ba niya kung sino ang mommy niya?”“Hindi ko sinabi sa kanya dahil hindi naman kailangan,” sagot niya sa akin.Dapat ay masaya ako ngayon dahil sinagot niya ang mga tanong ko sa kan
THEA FAITH“Umupo ka, tatayo ka na lang ba d’yan?” tanong niya sa akin.“Sorry po,” sabi ko at umupo ako sa tapat niya.“Hindi na ako mag-papaligoy-ligoy pa. Gusto ko na bigyan mo ako ng apo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Po?”“Sabi ko bigyan mo ako ng apo dahil mukhang wala naman kayong balak na dalawa na gawing seryoso ito,” sabi niya sa akin.“Ang totoo po a–”“Ay ano? Na nagpapanggap ka lang na asawa ng anak ko. Sa tingin mo ba maloloko niyo kami? Inaanak ka niya, anak ka ng itinuturing niyang kuya noon. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko gusto na ikaw ang maging asawa niya dahil kahihiyan ng pamilya namin ito. Kaya hangga’t kaya naming itago ay gagawin namin. Mabuti na rin pala na hindi ka niya ipinapakilala na asawa dahil sisirain mo lang ang reputasyon niya,” sabi niya sa akin.“Bigyan mo ako ng apo at babayaran kita kahit na magkano. Seduce my son, dahil mukhang naglalaro lang kayo para maniwala ako na nagmamahalan kayong dalawa.”Dahil sa sinabi niya ay lalo akong na
THEA FAITH“Teacher Thea, kaninong anak siya? Sa lalaking ‘yon ba?” tanong nila sa akin.“Si Elli ay–”“Excuse me but we need to go now,” bigla na lang nagsalita si ninong na nasa likuran ko na pala.“Okay po, sa ‘yong-sa ‘yo na po siya,” nakangisi pa na sabi ng mga co-teachers ko sa asawa ko.“Nauna na po kami,” paalam ko sa kanila.“Okay po, diretso sa bahay ha.” pabiro pa nila na sabi sa akin kahit ang totoo ay sa iisang bahay lang naman kami nakatira.Hawak ko ang kamay ni Elli at sabay kaming pumasok sa loob ng kotse. Habang nasa daan kami ay hindi ako mapakali. Kaya naman nagsalita na talaga ako.“Love, ayaw mo ba na ipakilala ko si Elli sa mga co-teachers ko?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman sa ayaw ko pero may tamang oras para ipakilala mo kami sa kanila,” sagot niya sa akin.“Per–”“Mommy, it’s okay po. Hindi mo naman po ako kailangan na ipakilala sa kanila. Okay na po sa akin na love mo ako. Masaya po ako dahil alam ng mga students mo na anak mo ako.” nakangiti na sabi niya
THEA FAITHSi ninong naman ay hinawakan ang kamay ko. Mas tumabi ako sa kanya at bigla na lang siyang bumulong sa akin.“Thank you, love. I really appreciate it,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako.“Behave ka muna dahil nasa school tayo,” paalala ko sa kanya.“I will, love.” nakangiti na sagot niya sa akin. Kaya itong puso ko na naman ngayon ay malakas na naman ang t*bok ng puso ko.Medyo naiilang at nahihiya ako sa mga parents ng mga students ko dahil nakatingin sila sa amin. Binalewala ko na lang ito dahil darating rin talaga ang time na malalaman nila na may asawa na ako. Hindi ko rin ito maitatago ng matagal dahil kahit ang asawa ko ay pinapasok na ang mundo na mayroon ako.“Sige na, doon ka na sa kanila. I’m good, upo lang ako here,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya napangiti na lang ako. Ako naman ay ginawa ang kailangan kong gawin hanggang sa dumating na ang mga pagkain na binili ko para sa mga students ko. Hindi ko naman kayang bigyan ang lahat ng libre kaya ang mga stu
THEA FAITHKahit na late na ako ay hindi niya ako pinaalis ng bahay na hindi kumakain ng breakfast. Siguro nga ay hindi siya papasok sa office dahil hindi naman siya nakabihis. Nakasuot lang siya ng t-shirt at shorts. Simple lang ang suot niya pero bagay na bagay sa kanya dahil ang gwapo niya. Si Elli rin ay walang pasok kaya naman sasama raw siya sa daddy niya na ihatid ako sa school kung saan ako nagtatrabaho.“Pasok na ako sa loob,” paalam ko sa kanila dahil nandito na kami sa tapat ng gate ng school.“Bye po, mommy.” malambing na sabi ni Elli at nagkiss siya sa akin.“Bye, love.” malambing na sabi sa akin ni ninong at hinalikan niya ako sa lips.“Ingat kayong dalawa–”“Are you sure na kaya mong maglakad? Gusto mo bang ihatid kita–”“I’m okay, kaya ko ito.” sagot ko sa kanya.“Okay, see you later,” nakangiti na sabi niya sa akin at inalalayan ako na lumabas sa kotse niya.Ako naman ay kumaway na sa kanila bago ako pumasok sa loob ng school. Kahit na masakit ang nasa pagitan ng mga h
THEA FAITH Nagising ako na dito na ako sa room namin sa bahay niya. Siguro ay binuhat na lang niya ako kaninang madaling araw. Bigla tuloy ako nag-alala sa beddings ko doon sa dati naming bahay. Paano ba naman kasi may marka ng dugo kagabi sa bedsheet. Babalikan ko na lang ‘yon at lalabhan ko na lang kapag may time ako. Nang tumingin ako sa may orasan na nasa side table ay napabangon ako bigla. May pasok pa ako ngayon sa school at hindi ako puwedeng umabsent dahil nga may program. Inaasahan ako ng mga anak ko doon. “Ouch!” napadaing pa ako dahil ang sakit ng katawan ko lalo na ang ibabang parte ng katawan ko. Tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi ay bigla akong nakakaramdam ng hiya. Sino ba kasi ang hindi mahihiya. Parang hindi ako ang babaeng kasama niya kagabi. Dahil nga panay sunod lang ako sa mga sinasabi niya sa akin ay hindi ko na tuloy namalayan na marami na akong natutunan mula sa kanya. “Love, maaga pa. Matulog pa tayo,” sabi niya sa akin at hinila niya ako para humiga u