thank you po sa inyong lahat ❤️
ELLIA ELLIZENa unang pumasok ang parents ko sa loob ng bahay namin. Ako naman ay mabagal lang na naglalakad hanggang sa tuluyan na akong nakapasok.“E–Elli,” narinig ko na tawag sa akin ni Eva.Hindi ko siya pinansin. Mas pinili kong lumapit sa grandma at grandpa ko.“Are you okay, baby?” tanong agad sa akin ni grandma.Ngumiti naman ako sa kanya at sinagot ko siya na okay lang ako. Ayaw ko rin kasi na mag-aalala sila sa akin. Alam ko rin na si mommy na at daddy ang magpapaliwanag sa kanila sa nangyari kanina. Nagpaalam na ako sa kanila na papasok na ako sa room ko.“Elli, I’m sorry,” sabi ni Eva pero hindi ko pa rin siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako na pumasok sa loob.Nang makapasok na ako sa room ko ay mabilis akong nagbihis ng damit dahil gusto ko ng magpahinga. Hindi ako puwedeng ma puyat dahil may trabaho pa ako bukas. Maaga pa naman ‘yon. I locked my door para wala ng ibang makapasok pa. Alam na rin naman nila na magpapahinga na ako lalo pa at kumain na ako kanina.Busog na
ELLIA ELLIZE“Elli, baby.” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni mommy.“M—Mom,” nauutal na sambit ko at mabilis na pumatak ang mga luha ko.“Baby, are you okay?” tanong niya sa akin at niyakap niya agad ako.“I’m fine, mom.” sabi ko sa kanya.“I’m sorry, baby. Sana ay hindi ka na lang namin iniwan sa bahay,” sabi niya sa akin.“It’s my choice po, kaya ‘wag ka po mag-sorry, mom. Gusto ko kasi sanang linisin ang magiging room ni ate. Because hindi po ako komportable na kasama ko siya sa room ko,” sabi ko sa kanya.“Ako ang may kasalanan dahil ako ang may gusto na doon siya sa ‘yo. Akala ko kasi ay magkakasundo kayong dalawa,” sabi niya sa akin.“Iyon rin po ang tingin ko. Akala ko po kasi magkakasundo kaming dalawa pero ayaw ko po sa kanya.”“Baby,” sambit ni mommy.“I don’t like her kasi ginagamit niya ang mga gamit ko at hindi siya nagpapaalam sa akin. Ayaw ko po ng ganun, hindi naman po ako madamot pero ayaw ko na pinapakialaman ang akin,” sabi ko sa kanya.“I understand, ala
ELLIA ELLIZE “Dapat lang na ligpitin ko. Nakakahiya naman sa prinsesa ng Villamor,” nakangiti na sabi niya sa akin. “Hindi ako tunay na prinsesa. Ampon lang naman nila ako, hindi ako tunay na anak, kaya siguro hindi ako kinikilala ng iba dahil hindi naman ako tunay na Villamor,” sabi ko sa kanya pero nakangiti ako but deep inside ay nasasaktan ako. “Elli, don’t say that. Hindi ‘yan totoo, malulungkot sila ate kapag narinig ka nila na sinabi mo ‘yan,” sabi sa akin ni kuya. “Kuya, kahit naman po anong gawin ko ay ‘yon ang totoo. Talaga namang ampon lang ako. Kaya minsan, iniisip ko kung may karapatan ba talaga ako na umasta na isang Villamor. Kasi ang katotohanan na hindi ko kayang baguhin ay ang pagiging ampon ko. Namatay ang tunay kong mommy na wala man lang siyang pakialam sa akin. At noong baby pa lang ako ay iniwan lang niya ako sa labas ng condo unit ni daddy Noah. My own mother abandoned me and that’s the truth,” sabi ko sa kanya. “Siguro ampon ka at hindi ka nila tunay na an
ELLIA ELLIZE“Akala ko talaga mabait ka pero mukhang nagkamali ako. Mukhang ayaw mo sa akin, sana talaga ay hindi na lang ako pumunta dito. Ganito lang pala ang trato niyo sa akin dito, hindi pala kayo mabait. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ka iniw—”“Na iniwan ako ng tunay kong pamilya?” ako na mismo ang nagdugtong sa dapat niyang sasabihin.“That’s not what I mean.” sabi niya sa akin.“So, ano ang ibig mong sabihin? Mukhang marami kang alam tungkol sa akin,” sabi ko sa kanya.“Hindi lang ako pumapayag sa mga gusto mo ay ganyan ka na magsalita sa akin. Na para bang kailangan na ako ang mag-adjust para sa ‘yo. Bakit sino ka ba? Ano ka ba sa bahay na ito?” tanong ko sa kanya at malamig ko siyang tinitigan.“Elli–”“You’re just our maid kaya wala kang karapatan na magdemand ng mga gusto mo. Ano man ang alam mo ay mananatili akong Villamor at anak ng boss mo at wala kang magagawa sa bagay na ‘yon,” sabi ko sa kanya at mabilis akong lumabas sa room ko at nagpipigil ako ng galit ko.
ELLIA ELLIZE“Elli, anong ginagawa mo?” tanong sa akin ni ate.“Maglilinis po ako dito, dahil dito na ang magiging room m–”“Okay lang ba kung palit na lang tayo ng room?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“What did you say?” tanong ko sa kanya dahil gusto ko na malaman kung tama ba ang narinig ko na sinabi niya.“Sabi ko, kung okay lang ba na ikaw na lang dito at ako na lang sa room mo,” sagot niya sa akin kaya kaagad na kumunot ang noo ko.So, gusto pa talaga niya na magpalit kami ng room. Bakit? “Ate, hindi puwede ang gusto mo. Dito ang room mo kaya nga nililinis ko na para makalipat ka dito mamaya,” sabi ko sa kanya.“Alam mo ba kung bakit ako pumayag na dalhin ako dito ni Ma’am Lav? Dahil sa ‘yo, ang dami niya kasing magagandang kwento sa amin. Ang sabi niya ay mabait ka, maganda at mapagbigay,” sabi niya sa akin.“Ate, hinayaan na nga kita kahit pa–”“Kaya talagang umasa ako na magkakasundo tayong dalawa dahil ang alam ko mabait ka,” sabi niya sa akin kaya mas lalong kumunot
ELLIA ELLIZE“Okay lang ba kung dito na lang ako hihiga sa bed mo?” tanong niya sa akin.Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Lalo pa ang alam ko ay dito siya sa sofa bed ko matutulog. “Mukhang ayaw mo, sige dito na lang ako–”“Ate, I’m sorry pero hindi kasi ako makatulog na wala ako sa bed ko, mas sanay na ako sa kama ko,” sabi ko sa kanya.“Okay lang, dito na lang ako,” sabi niya sa akin at inayos na niya ang sofa bed ko.Malambot naman ito pero hindi talaga ako nakakatulog sa ibang higaan, tanging sa kama ko lang. Mas gusto ko pa rin talaga matulog sa sarili kong bed dahil iyon na ang nakasanayan ko. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin dahil naging tahimik na siya. Pero ang akin ay akin at hindi naman siguro masama na ipagdamot ko ito.And besides, katulong siya at ako pa rin ang anak ng amo niya. Kaya matuto siyang makuntento sa kung ano lang ang puwede. Kahit nga medyo labag sa loob ko ay hinayaan ko siya na ilagay niya ang mga gamit niya sa cabinet ko.