December 2016
NITE
"Now choose... necklace or death?" tanong sa akin ng dose anyos na batang babae habang nakatutok pa rin sa akin ang hawak niyang baril.
Mga gago na kausap ko ang pumasok sa isip ko. Ang sabi ay bata lang ang ililigtas ko. Dose anyos na kapatid ni Zeno Scotto. Tama at bata nga pero walang nagsabi na hindi naman nito kailangan ng tagapagligtas. Ito pa nga ang gustong iligtas ang kidnapper niya na si Berto mula sa akin.
Kanina, pagpasok ko rito sa building ng hideout nila, ay ingat na ingat ako para hindi mabulabog ang mga kidnapper kung susugurin ko bigla. Ayokong mapahamak ang kidnap victim. Humanap pa ako ng pwesto para sigurado magagawa ko nang mabilis ang trabaho. Naiwan pa ang rifle ko na ginamit sa pag-snipe kanina doon sa pinwestuhan ko.
Nagmadali ako dahil nagpauto ako sa batang kanina ay sumisigaw at humihingi ng tulong. Umiiyak pa kanina nang babain ko at akala ay totoong na-hostage siya.
Fuck me! Sa edad ko na ito at sa dami kong nagawang trabaho na naayos ko, nauto pa ako ng bratinellang ito?
Gago ko lang talaga!
Napabuga ako ng hangin sa asar sa naging maling kalkulasyon ko. Nakita ko naman kanina kung paano niya in-spin ng kutsilyo ang isang lalaki. I was even shocked, natigilan pa nga ako sa kasunod na pag-snipe sana sa lalaking iyon dahil naunahan na niya ako.
But then the next thing, nakita ko nga na hostage na siya ng isang lalaki at ilang sandali lang ay sumisigaw na takot siyang mamatay. Tanga ko talaga! Tanginang kabobohan ko na lang.
I was stupid dahil naniwala ako, na dahil bata ay baka naman nakatsamba lang sa pag-spin ng kutsilyo kanina. At ngayon nga... ang katangahan na nagpadala ako sa awa sa kaniya na umiiyak kanina ay nandito na ang resulta, nakatutok na sa akin ang baril na hawak niya sa kaliwang kamay at ang kanan niya ay may hawak na kuwintas na ano na nga ang sabi niya...
2.5 million dollars. Fuck. This kid is taunting richness in my face.
"Choose, Nite." She tilted her head at pinaputukan ng baril ang lalaki sa gilid na ini-spin niya kanina ng kutsilyo. She giggled. "At least I double killed him, right? You know what... he wanted to rape me earlier. He's a pedophile."
Napatitig ako sa kaniya na sinasabi iyon. I clenched my jaw as a memory of what happened to—No! I should not go there! She's dead, and she must rest in her peace.
"I hate rapists and pedophiles," December or November, whatever her name is, shrugged her shoulders and puckered her lips.
The girl is cute. She has short straight black hair. Her nose is perfectly high and sharp. Her lips are with a mischievous grin. And her eyes, between innocence and danger, were all I could see. She's undoubtedly become a beautiful woman someday but thinks her abductors want to rape her. Tsk.
I glanced at the man she was saying who almost raped her. Fuck... almost. If hindi ako dumating ay baka napahamak na siya. The girl is cute but not desirable for she's very young. Ano ang trip ng gago na ito at muntik gahasain ang bata?
But no... with the way she deceived me, and I ended here on the floor, kneeling down, facing the barrel of the gun she was holding... no... she won't be raped. Kaya niyang patayin lahat ang mga kidnappers niya na walang tulong na hinihingi sa iba.
"Are you listening, Nite?" Her bratty tone became pitch higher.
Inis akong napatingin sa kaniya. "Do I look like someone who's not listening?" asar kong tanong. "Did that bastard touched you? Make any advancement to molest you?"
"Nah... thanks to Berto. If it's not Berto, they probably raped me. And I was scared..." she said and pursed her lips. Maniniwala sana ako kaso ngumiti na naman nang nakakaloko.
"Cut the drama, kiddo. I know you're not."
Inirapan nya ako at hindi ko alam bakit parang natutuwa ako bigla sa batang ito. Pero lintik na Stan at siya ang nakausap ng Zeno Scotto na 'yon. I just need money. Money that I can used sa plano kong pagpasok sa Foedus Corp. kaya pinatulan ko ang pag-rescue sa kapatid ni Zeno na nawawala. Location was sent to me after they tracked the call.
Bata lang naman daw na baka takot na takot na... Bata nga talaga! At takot? Oo, nakakatakot nga ang bata lang na sabi nila!
"Now choose... this 2.5 million necklace or your death?" tanong na naman ng bata sa akin.
Madaling sabihin na ang kuwintas pero kanina pa nasasaling ang pride ko na dose anyos lang pala ang katapat ko.
She pulled the trigger at pinaputukan ako sa tainga. Damn this girl! Nabingi ang kaliwang tainga ko sa kalokohan niya.
"Oh, shoot! Did I make you deaf?" pang-asar na tanong niya. "Well, it's fine dahil mukhang ayaw mo naman intindihin ang sinasabi ko."
"Are you really only twelve?!" galit kong pasigaw na tanong dahil parang nagri-ring na ang tainga ko sa ginawa niya.
Kinapa ko ang tainga na pinadaplisan niya at napangiwi ako. Mahapdi. But the girl is a sharpshooter. Alam niya ang mga pinapatamaan niya, kalkulado niya ang babarilin niya.
"Yes, I'm twelve. Why? Don't tell me that I look sixteen..."
"You look twelve but your language and characteristic are not suitable for you!"
"Why? Do I need to use 'po' or 'opo' while talking to you? You are the same age as my brother Zeno, I think."
Tinitigan ko na lang siya. Mahirap siyang kausap. Hindi siya kagaya ng mga spoiled na bata na nakilala ko. Ang sabi ni Stan ay spoiled ang bata kaya baka na-trauma na. She's not spoiled, she's a psycho. At tingin ko ay si Berto ang tamang na-trauma na.
"Kapag hindi pa ako nakauwi ay sure na magpapadala ng bagong tao rito si Zeno. Gusto mo bang sa 'yo mapunta ang kuwintas na ito o hihintayin ko ang kasunod na rescuer ko?"
Naningkit ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya. Tiningnan ko si Berto na nasa isang gilid at walang salita, mukhang aatakehin na nga sa takot sa gawa ng batang biktima nila.
Tiningnan ko ang baril na nakatutok sa akin. Hinawakan ko ang barrel at hinila sa kaniya. Hindi man lang siya makikitaan ng pagkabigla at binitiwan naman agad. Tumayo ako. Napailing.
"You're still a baby," sabi ko sa bata. "You should pull the trigger pero binigay mo sa akin nang walang kahirap-hirap."
"Ibibigay ko talaga kasi alam ko naman na hindi mo ko papatayin." She cocked her chin up. "You are here to save me. Am I right again?"
I chuckled. Delikado ang bata na ito mag-isip. Mukhang ang dahilan kaya pinapaligtas ito ng kuya niya ay dahil sa ugali nito pala. I was about to say something when my phone vibrated in my pants' pocket.
Who's calling me?
Nagtataka man ay kinuha ko na ang phone mula sa bulsa ko pero numbers lang ang nakita ko. Nakakunot akong nakatingin sa phone's screen. Alam nina Stan na kapag may misyon ako, ay mahigpit ang bilin ko na bawal akong istorbohin. Nagulat na lang ako nang lumapit ang bata at nakisilip sa phone ko sabay kuha nito sa akin.
"Zeno!!!" patili nitong sagot sa tawag.
Nakinig na lang ako sa usapan nila pero wala rin akong naintindihan dahil Italian na ang mga salitang gamit niya. Nilapitan ko si Berto at kinausap.
"Sino nagpakidnap sa bata na 'yan?" tanong ko rito.
"Hindi ko kilala, boss."
Asar kong tinutukan ito ng baril. "Sino?"
"Hey!!! What are you doing to my friend?!" tanong ng bata sa akin.
Lumakad siya palapit sa amin ni Berto habang kausap pa rin ang kuya niya. Nang makalapit ay hinawakan ang dulo ng baril.
"Okay, Zeno. Here..." bigay niya sa akin ng phone at kinuha ko na lang. "Talk to my brother," utos niya.
Itinapat ko sa tainga ko ang earpiece ng phone habang masama ang tingin ko kay Berto. Hindi ko siya hiniwalayan ng tingin at wala akong tiwala sa kaniya. As in wala.
"Alberona here," I informed the brother of the brat na kinakausap na ulit si Berto.
"What's the situation when you got there?"
"Your sister didn't need help." Napailing ako sa kalokohan na rescue operation na ito. "Actually, I am the one she almost killed just to save one of her kidnappers."
"What are you saying?"
"You heard it right. She wants to save her kidnapper."
"She said you rescued her but wanna kill her new friend."
Napabuga na lang ako ng hangin para makalma sa inis. Hindi ko na alam bakit ba ako nagtitiyaga pa makipag-usap dito.
"What does my sister's friend look like? Is that friend the same age as her? What's the name?"
Doon ako natawa. "Berto is the name and he looked to be in his middle thirties. Again... the friend she was referring to is her kidnapper she wants to save from me."
"That brat!"
"You worry for nothing."
"Bring Novee here!" Iyon lang at pinatayan na ako ni Zeno Scotto ng tawag.
Nang tingnan ko ang bratinellang kapatid ni Zeno Scotto ay napangiti na lang ako.
Novee. A cute nickname for someone as kickass as her.
"Hey! Why are you smiling?" tanong niya.
"Let's go!" aya ko na sa kanila ni Berto. "Follow me if you don't want to be spanked by your brother for bringing home your kidnapper. I wanna go home. Let's not waste time here."
"Nite!" tawag niya sa akin at napalingon ako. "Catch!"
Initsa niya ang kuwintas na sinalo ko gamit ang kanang kamay ko.
"Hide it so Zeno won't see it... It's yours now. Sell it to its double price and that's a lump sum amount of money for you, I believe. Much bigger the amount my brother will pay you for finding me, right?"
"Cute mong bata ka..." asar kong sabi na lang at tumalikod. Napailing na lang sa inis na nararamdaman.
Masyadong inaapakan nitong bata ang kalagayan ko sa buhay. Hindi ako mahirap at may ilang milyon ako sa bangko pero aaminin ko na hindi ko nga kayang bumili ng 2.5 million dollars na kuwintas.
Nakakainsulto ang bata pero mukhang malaki ang magagawa sa akin ng kuwintas niya.
Foedus, here I come...
NITE “You’re weird…” bulong ni November pagkatapos niyang matigilan nang ilang segundo na nakatitig lang sa akin. “I’m not weird,” sabi ko at tumingin sa unahan. “I just informed you that I am not good at mending a broken heart. Nakakaisip ako nang kung ano-anong plano para makaganti basta nabigo ako.” Hindi ako nagbabanta. Totoo iyon. Kung noon ay gumawa ako ng plano para lang makaganti kay Trace at sa buong Foedus, ay ano pa ang kaya kong gawin ngayon? Kahit sabihin pang malakas ang Russian Mafia organization ni Yuri Chernoff ay balewala sa akin pasukin ‘yon. I always have my ways. I always prepared myself to die. “At bakit ka naman mabibigo?” tanong ni November sa akin na ikinakunot ng noo ko. Bakit parang hindi talaga niya maunawaan ang punto ko? “You can’t be broken after this arranged relationship, Nite. May usapan lang tayo na mag-enjoy kaya hindi ka mabibigo. You should stick with that para hindi kung ano-ano ang naiisip mo. Let us enjoy ourselves just like what you promis
NOVEMBER Nagising ako at napatitig kay Nite na nagda-drive sa tabi ko. I smiled. Having a boyfriend like him, even if it was just an agreement, still gave me romantic vibes. Remembering how we ended up kissing that night sets me into fantasizing us doing more than just a kiss. ‘Now kiss me. Make this official, my knight.’ That was what I said that night and he kissed me, he did. I had a taste of him and it haunts me almost every night. Gabi-gabi simula noong maging ‘kami na’ ay siya ang laman ng isip ko. Not only gabi-gabi, araw-araw pa pala. Kahit magkasama naman kami ay mawala lang siya sa paningin ko ay hinahanap ko na agad. Hindi ko masabi kay Zeno ang relasyon namin ni Nite at baka magalit pa. Isa pa ay para saan pa sabihin kay Zeno ay wala naman siyang magagawa? Zeno could not stand against our father. Kagaya noong sabihin na ikakasal siya kay Chloe ay umoo na lang. Moreover, I know how occupied Zeno is right now. Sa dami niyang inaayos sa kalagayan ng asawa niya ay normal
NITE Nilingon ko si November na nasa tabi ko. She’s sleeping at hinayaan ko na lang siyang matulog habang nasa byahe kami. We are heading to Sagada, doon ko siya naisip dalhin para mamasyal. I smiled thinking na girlfriend ko na si November. Ngiti na nawala nang maisip ko na napilitan lang siyang sumang-ayon sa inalok ko. She is young and tempted only with my offer to venture into wanderlust of being with me. At ano pa ba ang dapat asahan ko sa isang tulad niya na napagkaitan ng kabataan kaya ngayon ay gusto na magrebelde sa ama? Glancing at November's serene sleeping profile made me understand the danger she was telling me. Masyadong palaban si November dahil impulsive at nagrerebelde sa ama. At ang pakikipagrelasyon ko sa kaniya ay isang hamon kay Don Mauricio Scotto sakaling malaman nito. Binalikan ko ang nangyari para makahanap ng rason kung bakit ko ba naisip sabihin kay November ang mga bagay na iyon. Kung bakit ko inalok siyang maging girlfriend. Isa lang ang dahilan ko, gus
NOVEMBER “How was your day?” salubong na tanong sa akin ni Zeno habang papasok ako ng mansion niya. Mansion niya na ako at ang mga tauhan niya ang nakatira dahil sa penthouse siya tumutuloy. “Fine,” I answered simply or, needless to say… boringly. “How’s Nite?” tanong niya na ikinalingon ko sa isa na alam kong sumusunod sa akin. “Still breathing as you can see,” I lamely said habang nakatingin kay Nite na lumalakad palapit sa amin. Zeno chuckled na hindi ko na inabalang lingunin dahil nakatingin ako kay Nite. It was amazing to think na lumipas ang buong maghapon na magkasama kami sa sasakyan at sa opisina na hindi kami nag-uusap. “How’s Delphi?” naisip kong itanong dahil napansin ko na wala pala iyon. “Hindi yata kayo magkasama? Himala.” “Nasa ospital at nagbabantay kay Daphne. Alanganin na sa oras kung dadaanan ko pa kaya ako na lang ang dumiretso rito.” “Does your wife still not remember anything?” tanong ko dahil nagdududa ako sa amnesia ni Delphi. Hindi ko alam pero
NITE Kanina pa ako naroon at wala akong plano mangialam sa pagtatalo ng magkapatid dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko talaga gustong bihisan si Novee kaya itinawag ko kay Zeno ang kalagayan ng kapatid niya. Ayoko gawin pero… badtrip. Muli ay binalikan ko ang naging usapan namin ni Zeno. ****** “How wasted is that brat?” tanong ni Zeno na alam kong mas nagagalit dahil naistorbo ko ang tulog sigurado. Malapit na mag-alas-dos. “Wasted like bathing with her vomit.” “Fuck! Where are you exactly?” tanong nito. “In her bedroom,” sagot ko at biglang pakiramdam ko ay nagdududa si Zeno sa maaring gawin ko sa kapatid niya. “Bakit ba kasi wala kang katulong na babae rito sa mansion mo?” asar kong tanong at huli ko na naisip na boss ko nga pala si Zeno at wala akong karapatan na magtanong ng kung ano-ano. Boss. Fuck the reality! Kung dati ay si Trace lang ang masasabi kong boss na naiuugnay sa akin at ang Foedus ang pinagsisilbihan ko, ngayon ay tila hindi na ako taga-Foedus talaga. M
NOVEE Nagising ako na masakit ang ulo masyado. Naparami ang nainom ko kagabi at… at napakunot ang noo ko. Sino ang naghatid sa akin pauwi? Ang huli kong natatandaan ay kausap ko si Chiclet at sabi niya… sabi niya ay siya na ang maghahatid sa akin pero dumating si Nite at… at kinarga ako. Bumangon ako sa kama at napatingin sa ayos ko sa salamin. Who dressed me like this?! Hell! Galit akong tumayo at inis na hinubad ang suot kong pantulog na halatang basta na lang isinuot sa akin. Baligtad ang pajama top ko at nasa likod ko ang mga butones, ang pajama bottom ko naman ay tabingi ang pagkakasuot sa akin. At isa pa… who dared to change my clothes? Sino ang gumawa na gusto na yatang mamaalam sa mundo? Mabilis akong naligo at nagbihis. Tamang naka-crop top lang ako at jogger ng bumaba ako sa salas ng mansion at nagsisigaw para lumabas ang mga tauhan ni Zeno. Wala sina Dante at Ramon. Wala rin si Rogelio. Ang mga naririto ay ang apat na bantay rito sa mansion at taga-report ni Zeno sa mg
NITE Damn that November Scotto! Dumating ako sa mansion ng kuya niya na wala ang sasakyan niya roon. Kung wala ang sasakyan niya ay ibig sabihin wala pa siya. I waited for another fifteen minutes at saka ako umalis. I know that brat, hindi no’n ugali ang mag-drive ng normal. She loves beating the red light. Hindi ko man gusto ay parang kinabahan ako. Nasaan kaya ang bratinellang iyon? Asar kong naihilamos ang palad sa mukha ko at pinaandar na ulit ang motorsiklo para hanapin ang pasaway na pinangalan sa buwan ng undas. Pwede ko namang pabayaan at hindi maaano iyon. Kung tutuusin ay kawawa ang magti-trip sa babaeng iyon. Kaso ewan ba… tsk! Bakit ba ako nag-aalala para kay November? Kasi nga ang kuya niya ay baka pabalikin siya ng Italy kapag pinabayaan ko at kapag nalaman na natakasan ako. Oo, iyon ang sagot. Wala nang iba. Nag-aalala ako kasi kailangan ko ang trabaho at kapag wala na siya sa Pilipinas ay wala na akong trabaho! Pero puta! Sinong ginagago ko?! Hindi ko kailangan a
NOVEE “Bitiwan mo nga ako,” inis kong sabi kay Nite na hawak pa rin ang kamay ko habang nilalakad namin ang papunta sa kotse ko. Huminto siya maglakad at nilingon ako. “Don’t flatter yourself, kid,” sabi niya at muli ay hinila ako pasunod sa kaniya. “Sinisiguro ko lang na papasok ka na sa sasakyan mo. Sakay na!” utos niya sa akin nang nasa tapat na kami ng kotse ko. “Woah!” pang-asar kong sabi. “Scary?” I rolled my eyes. “Angas ng angas, bakla naman.” I made a face. “I’m not gay,” he calmly said. “Then you’re not.” I shrugged. “You know I’m not.” “Yeah, you’re not gay. Bisexual only.” “Hindi kita papatulan, bata, pasalamat ka na lang.” “I am not a child!” I hissed. “Stop calling me bata!” asar kong sabi. Padabog na akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at nakita ko siyang sumakay sa big bike niya. Banggain ko kaya siya mamaya? Nakakainis na, eh! Pinaandar ko na ang kotse at nag-drive paalis ng area. Bahala siyang sumunod! Sa ganitong gabi ay mas maluwag ang traffic kaya ha
NITE Nanlalaking mga mata ni November ang nakatingin sa akin. She’s glaring at me like telling me kung bakit ko sinabing boyfriend niya ako. Sinabi ko lang naman para matahimik na sana at umalis ang lalaking nakilala niya kaso… “Boyfriend mo?” tanong ng lalaking kaharap niya. He was also grimacing. Parang diring-diri ang gago, at parang sinasabi na ang tanda ko na para maging boyfriend ni November. Akala ko magmamaldita pa si November pero bigla na lang siyang tumango. Himala at walang sumpong. “So you are into older guys?” dagdag tanong ng lalaki na parang nanghihinayang dahil may boyfriend na pala ang crush niya. Pero teka… anong older pinagsasabi nito? Oo, at matanda naman talaga ako sa kanila, pero bakit parang ang tono nang pagkakasabi niya ng salitang older ay parang pa-senior citizen na ako bigla? I am only fucking twenty-eight! “Novee likes matured guys,” I interrupted and shrugged when the boy Bradley glanced at me. “Some daddy or uncle type, right?” “Well, Novee is in