Contracted to the Devil Billionaire

Contracted to the Devil Billionaire

last updateLast Updated : 2025-02-24
By:  KnightNovelOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
80Chapters
3.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

In a world ruled by power and betrayal, Atticus Escoban, the younger daughter of the influential Escoban family, has always lived away from the dangerous chaos of their criminal empire. For 21 years, she was sheltered, hidden, and protected. But her life changes forever when Alijax Costaloña, the cold and calculating heir of the Costaloña dynasty, violently confronts her father, leaving him gravely wounded. Atticus never expected to be caught in the crossfire of her family’s schemes. Worse, Alijax discovers her existence and shocks everyone by choosing her—over her older sister Anneth—to be his fiancée. The engagement is a sham, a dangerous ploy to secure alliances, but Alijax has plans no one can predict. Determined to protect her family at any cost, Atticus agrees to the engagement, kahit na lumalaban ang puso niya sa ideya. Behind her composed exterior, she plots her way out, refusing to let the Costaloñas dictate her future. But the closer she gets to Alijax, the harder it becomes to distinguish between the man who ruined her family and the one who seems capable of understanding her like no one else. “Do you think you can escape this, Atticus?” he said, his voice dangerously low as he cornered her in the dimly lit study. “You’re mine now. Whether you like it or not.” Her fists clenched, and she met his cold, unreadable gaze with defiance. “You can own the world, Alijax Costaloña, pero ako? Hindi mo ako makukuha.” In a game of power, deception, and forbidden emotions, Atticus must make the ultimate choice. Will she sacrifice her freedom to protect her family, or will she risk it all to claim the life she truly deserves? Love and survival collide in a story where nothing is what it seems, and every decision could be deadly.

View More

Chapter 1

01

Atticus POV.

Noong limang taong gulang ako, binalaan ako ni Papa na huwag na huwag akong lalapit sa opisina niya. Pero hindi naman ako gano’n kadaling makinig, lalo na kung usapang bawal. Ang totoo, mas malaki ang kuryosidad ko kaysa sa takot. Kaya hindi nakapagtataka na natutunan kong alamin ang mga sikreto sa likod ng mabibigat na pinto ng opisina niya. Alam ko kung anong oras ako pwedeng pumasok doon, paano pigilan ang paghinga ko, at paano kontrolin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sa tapat ng opisina niya, may maliit na espasyo sa pagitan ng mga muwebles. Sakto para magtago ang isang batang gaya ko. Doon ako sumiksik noong araw na iyon—at doon ko rin nakita ang isang eksenang hindi ko na makakalimutan habang-buhay.

Bang!

Isang malakas na tunog ang bumasag sa katahimikan. Kasunod nito, bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang tanawin ng isang lalaki—nakahandusay, duguan, ang ulo niya nakalubog sa pulang likido na unti-unting lumalagos sa makapal na carpet ng opisina ni Papa.

Hindi ko alam pero sa murang edad ko ay ni isang sigaw sa oras na iyon ay hindi ko ginawa. Kung normal lang na batang matatakutin ay siguro sumigaw at umiyak na sa takot— pero ako? Ni hindi ko nagawang magsalita.

Kinabukasan, pinalitan nila ang carpet. Alam kong nilinis na ang dugo ng lalaking nakahandusay sa lugar na iyon. Parang walang nangyari dahil malinis na ang lugar.

Noong gabing iyon, natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa kama ng ate kong si Anneth. Ang mga daliri niya ay marahang naglalakbay sa buhok ko, ginagawan ako ng isang French braid na tila bihasa na niyang gawin.

“Alam mo ba, Ate,” tanong ko, mahinang boses, “may patay na tao sa opisina ni Papa?”

Tumigil siya. Ramdam ko ang bigat ng reaksyon niya kahit hindi niya sabihin. Pero mabilis siyang nakabawi, at sa halip na sagutin ako, ngumiti lang siya at itinuloy ang pagbraid ng buhok ko. “Kaya sabi ni Mama, tigilan mo na ang panonood ng horror movies, Atticus. Hindi maganda ang dulot n’yan sayo.”

Ang hindi niya alam, hindi ko iyon inimbento. Hindi rin iyon galing sa horror movies.

Marami akong naririnig sa opisina ni Papa—mga usapan na hindi ko dapat naririnig. Isang gabi, narinig ko ang pangalan ng isang batang labing-anim na taong gulang pero may sariling mga tauhan na.

“Si Alijax Costaloña,” sabi ng isa sa mga tauhan ni Papa. “Hindi na ang tatay niya ang may hawak ng negosyo. Siya na. Mas madali na lang natin kukunin ang satin.”

“Mas matalino siya,” dagdag pa ng isa. “Mas malakas. Bata pa lang, halimaw na.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kalimutan ang pangalang iyon. Hindi rin ako sigurado kung takot o galit ang nararamdaman ko. Pero alam kong hindi maganda ang dala niya.

Ngayon, labing-anim na ako. Si Anneth, labing-walo na, at parang laging prinsesa sa paningin ko. Siya ang araw sa buhay namin. Palaging nakaayos, palaging maganda. Kahit sa kaarawan niya, siya pa rin ang nag-aalaga sa akin, naglalagay ng mga alahas sa buhok ko habang nakaupo kami sa kama niya.

Pero kung si Anneth ang araw, ako ang anino. At ngayong gabi, ang anino ko ay sumisigaw ng babala na hindi ko kayang sabihin nang malakas.

Bumalik si Papa sa bahay matapos ang party ni Anneth. May kung anong galit sa bawat hakbang niya. “Annethstasia!” sigaw niya mula sa ibaba.

Sumikip ang dibdib ko. Ramdam ko ang pamilyar na takot na gumagapang sa akin—takot na alam kong darating din.

Ang pangalan ni Alijax Costaloña ang dala ni Papa. Kasabay nito ang pinakamalaking utang na kailangang bayaran. Pero hindi pera ang hinihingi. Buhay ni Anneth ang kapalit.

At nang dumating si Alijax, ang mundo ko ay tuluyang nagbago.

Nakatago ulit ako sa dati kong puwesto. Puno ng kaba ang dibdib ko, pero hindi ko kayang hindi makita ang mangyayari. Sa harap ni Alijax, parang lumiit si Anneth. Ang ganda-ganda niya sa suot niyang champagne dress, pero hindi man lang siya tinapunan ng pansin ng lalaki.

Kung ibang tao ang nandiyan, marahil matutuwa ako na hindi siya interesado kay Anneth. Pero iba si Alijax. Hindi lang basta kawalan ng interes ang nakita ko. Parang mas malalim pa. Parang alam niyang wala siyang dapat ikonsidera kay Anneth.

Kaya doon, habang nakatago, nag-umpisa akong magalit. Sa kanya. Sa lahat. Sa kung ano ang ginagawa nila kay Ate.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Anneth bago siya pumasok sa opisina kasama si Mama. “Ayos lang ako.”

Pero hindi iyon totoo. Hindi iyon kailanman magiging totoo.

Nang isara nila ang pinto, hindi ko kayang iwan si Anneth nang ganoon na lang. Bumalik ako sa dati kong puwesto, sa likod ng mga muwebles.

At doon ko ulit nakita ang lahat. Si Alijax, si Papa, si Mama, si Anneth. Ang buong eksena na parang palabas sa isang kwento ng trahedya. Hindi ko akalaing kasabay ng kasiyahan ay may kapalit na trahedyang babago sa buhay ko.

At nang biglang tumingin si Alijax sa direksyon ko, alam kong nakita niya ako. Alam kong naramdaman niya ang presensya ko kahit gaano man kahusay ang pagtatago ko.

Parang ramdam ko ang bigat ng tingin ko na bumabagsak sa mga balikat ni Alijax, pero hindi siya natinag. Bahagya niyang iniangat ang ulo niya, dahan-dahan, na parang alam niyang may nagmamasid. Sa gilid ng kanyang mga mata, sigurado akong nakita niya ako. Nararamdaman niya ang presensya ko, kahit anong tago ang gawin ko.

Mabilis ang tibok ng puso ko, parang gusto nitong makawala sa dibdib ko. Pero pigil ang bawat galaw ko, bawat hinga. Ang buong pagkatao ko ay nakalutang sa pagitan ng takot at galit. Pero muli siyang bumaling kay Papa. Diretso ang tingin, hindi man lang nag-aalangan.

“I thought we were friends.” Ang boses niya ay parang malamig na hangin sa isang abandonadong gusali.

Dikit ang panga ni Papa, mahigpit ang hawak niya sa kanyang upuan. “We are.”

Isang kasinungalingan. Alam kong galit na galit si Papa sa mga Costaloña, lalo na kay Alijax. Ganun din ang pamilya nila sa amin. Ilang taon na ang lumipas mula nang muntikan nang sumabog ang giyera sa pagitan ng dalawang pamilya, pero bigla silang umatras.

Ngayon, kahit na napapaligiran siya ng mga Escoban, walang bakas ng takot sa tindig ni Alijax. Bagkus, parang siya pa ang nagkokontrol sa buong silid. Nasa teritoryo siya ng bahay namin pero gayunpaman ay parang siya kumokontrol dito.

“Are you hiding something from me?” Ang tanong niya ay parang sibat na tumama sa hangin—tahimik pero nakamamatay.

Muntik nang huminto ang mundo ko. Para akong sinilaban ng gasolina, at ramdam ko ang apoy sa ilalim ng balat ko. Pero pilit kong pinipigilan ang pagkatalo ng dibdib ko sa kaba. Hindi niya ako nakita. Hindi niya alam na naririto ako.

Kahit si Papa, hindi niya ako nahuli sa taguan ko noon. Pero sa bawat galaw ni Alijax, parang mas lumalapit siya sa lihim ko.

Hinayaan ni Papa ang tanong na maglagi sa ere bago magkunwaring kalmado. “I have nothing to hide.”

Ngunit ang pawis sa noo niya ang nagsasabing kabaligtaran ang totoo.

Ang ngiti ni Alijax ay manipis, halos hindi halata. “Hm.”

Hindi niya kailangang bigkasin ang mga salita—alam mong ang ibig niyang sabihin: May itinatago ka.

Sa katahimikan, ini-slide ni Alijax ang isang manila envelope sa ibabaw ng glass desk ni Papa. Tahimik. Sigurado. Ang tunog ng papel laban sa salamin ay parang espada sa gitna ng digmaan.

“You know how this works,” sabi niya, punong-puno ng panunuya.

Ang mga kilay ko ay nagsalubong. Hindi man lang niya binalingan si Anneth nang higit sa isang beses, pero nagpatuloy pa rin siya sa kontrata?

Huminga nang malalim si Papa, parang nasa hangganan na ng pasensya niya. Pero kahit galit, wala siyang nagawa kundi kunin ang ballpen at ilapit ito sa papel.

Ang puso ko ay parang nasa lalamunan ko na, parang sasabog anumang sandali. Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang kamay ni Papa sa ibabaw ng dotted line.

Sa tabi ni Anneth, marahang hinagod ni Mama ang likod niya, may pilit na ngiti sa labi. Pero kahit sa malayo, ramdam ko ang bigat sa kanyang mga mata. At sa isang pirma, parang tinatakan ni Papa ang buhay ni Anneth—binigay niya ito sa isang halimaw.

At wala akong nagawa para pigilan ito.

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Nakatingin lang ako sa kisame habang ang bawat alingawngaw ng pirma sa papel ay parang paulit-ulit na sinasaktan ang isip ko.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto, at doon ko nakita si Anneth, nakalubog sa liwAnnethg ng buwan na parang diwata. Suot pa rin niya ang silk dress niya, ang itsura niya ay parang isang prinsesa sa isang malupit na kwento.

Naglakad siya palapit, marahan at walang ingay. Hinubad niya ang kanyang iridescent heels at dahan-dahang pumasok sa kama ko. Bumaling ako, ang tunog ng sapin ay marahang gumalaw, at pareho kaming nakahiga sa katahimikan bago niya ito binasag.

“I’ll be okay, Atticus,” sabi niya, mahina at halos bulong lang.

Isang pangako na alam kong hindi niya kayang tuparin.

Tahimik akong tumugon, pero saglit na nAnnethtili ang mga salita sa hangin bago ko binitiwan. “You don’t know him.”

Ngumiti siya, isang ngiting puno ng kasinungalingan. “He’ll be good to me. You’ll see.”

Si Anneth, ang taong hindi kayang sumuko. Kahit nasa kanya na ang lahat ng dahilan para mawalan ng pag-asa, nanatili siyang positibo. Pero alam kong kahit sa pinakamalalim niyang paniniwala, hindi niya makukuha mula kay Alijax ang totoong nais niya.

Habang hinahaplos ko ang heart-shaped locket na nakasabit sa leeg ko, dahan-dahan kong binitiwan ang isang pangako.

Hindi ko hahayaang mangyari sa akin ang nangyari kay Anneth. Hindi ko hahayaan na gawin akong pamalit sa kung ano mang alitan nila o ng kahit sino sa pamilya namin dahil ako si Atticus. Hindi ako takot mamatay dahil alam ko ang salitang ‘Dignidad.’

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
KnightNovel
I want to here ur response here salamat
2025-03-21 19:20:46
1
80 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status