Tinignan ko ang grupo ng mga tao na nagtipon sa madilim na hagdan noong hating gabi, wala akong masabi.Kahit si Harvey, na balot pa ng benda ang isang hita at naiilang na bumalanse gamit ang sakley.“Anong ginagawa ninyo dito?” tanong ko sawakas.Si Natalie, na may hawak na selfie stick kung saan nakalagay ang phone niya, ay inilapit ang daliri sa kanyang mga labi. Bumulong siya. “Shh! Yunice, naparito kami para hanapin si William.”Katabi niya, ang ama ko, si Thomas ay nakaharang ang kamao sa bibig, sinusubukan na maging kalmado pero dahil sa kakaiba niyang lakad, nasiwalat nito ang tunay niyang nararamdaman. Lumapit siya sa akin at sobrang hina ng bulong na parang lihim itong misyon.“My dear Yunice, may nakuha akong tip. Ang walanghiyang si Alicia ay nakatakas dahil sa kawalan ng ebidensiya tungkol sa paggamit niya ng droga. Balak niya ngayon pumasok dito gamit ang nakatagong extra na susi at dungisan si William. Tumahimik ka, hindi natin siya balak na takutin paalis.”Bumala
Noong magising ako kinabukasan, tulala pa din ako.“Sandali, hinawakan ko ba talaga ang abs ni Donald kahapon? Nananaginip ba ako o ganito lang kaganda ang show na ito?”Noong bumaba ako ng hagdan, nag-aalmusal na ang lahat. Si Jeremy, na nagmamalabis ang karisma, ay inabutan ako ng baso ng apple juice.“Good morning, Yunice,” mainit na bati niya sa akin.Sumingkit ang mga mata ko sa kanya. “Ang pambobola ng mga tanga ay may itinatagong kalokohan madalas. Bakit ang bait bigla ng turing mo sa akin?”“Pfft—“ hindi mapigilan ni Harvey ang matawa.Si Jeremy na madalas na sigurado sa sarili niya, ay nanigas ang ngiti sa mukha, at nalipat ang atensyon ng lahat ng nasa lamesa sa amin.“Naisip ko lang, dahil ginagawa naman natin ang film show na ito ng magkakasama, mas mabuti na rin na magkasundo tayo,” alok niya, sinusubukan niyang ipaliwanag.“Kalokohan! Sinusubukan mong dumiskarte sa akin!” galit ko na sinabi sa loob-loob ko.Maririnig ang mga malalim na paghinga ng mga tao sa pali
Wala pang sampung minuto ang takbo ng show kung saan tatlong staff members ang nagquit bigla.Ang natitirang mga miyembro ng crew ay tumanggi na maging direktor. Sa huli, ang isa sa mga assistant producers ay lumapit at sumigaw, “Wala tayong script! Magfocus lang kayo sa pagiging tunay at natural. Mga bisita, gawin ninyo ang gusto niyo!”Pagkatapos, parang bugso ng hangin, naglaho siya ng parang bula.Nagkatinginan ang mga bisita, hindi sila sigurado sa gagawin nila. Sobrang bigat ng katahimikan.Umamoy ako sa ere bigla. Ano itong… parang sumuko na na nararamdaman ko kanina? Maaari kayang napagdesisyunan na ng lahat na wala ng pag-asa ang show at napagkasunduang sumuko?Lumapit sa akin si Angela at bumulong, Yunice, gawin mo ang gusto mo, sasama ako sa iyo.”Napatingin ako sa kusina. “Pagkain. Nagugutom ako.”Pasado tanghali na, at wala pang may nag-aabala na banggitin ang tanghalian!Si Alicia at Jeremy ay nagtatampo sa isa’t isa. Si Angela at Henry? Halos hindi pa sila naghuh
“Hindi ba’t nakikipaglokohan si Alicia sa bagong baguhan na aktor mula sa production crew kagabi? Mayroon kayang delayed aftereffect iyon?” tanong ko sa loob-loob ko.Namula bigla si Alicia, pagkatapos namutla siya.Sa oras na iyon, si Jeremy ay hindi na mukhang gusto niya akong patayin. Sa halip, habang napapaisip siyang tinitignan ng mga tao, galit siyang tumitig ng masama kay Alicia dahil nangaliwa siya.Samantala, si Henry naman ay napapakamot ng ulo, desperado na makuha ang atensyon ko.Hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanya, napukaw ang atensyon ko ng mga kakaiba niyang ginagawa.“Sa ganyang klase ng talino… Kaya pala ang sugar mama na nakuha niya ay inagaw ng sarili niyang teammate! Hahaha! Hula ko hindi pa niya alam kung paano siyang natalo, hindi ba?” nilait ko siya sa loob-loob ko.Ang lahat ng mga tao sa paligid ay mayroong ekspresyon na, “Gusto din namin malaman!”“Ikinama na ng teammate niya ang sugar mama niya, pero munting virgin pa din si Henry!” natawa ako sa
Guwapo talaga siyang allake na nahulog ako sa unang tingin.Siya si Donald Winner, ang nag-iisang tagapagmana ng prominenteng pamilya Winner mula sa Japris. Siya ang klase ng tao na kaswal na pumasok sa entertainment industry for fun at nakuha ang iba’t ibang Best Actor awards. Hindi mabilang ang mga fans niya at siya ang lalake sa rurok ng entertainment industry.Sa oras na nakita siya ni Alicia, kuminang ang mga mata niya. Hindi na niya binigyan pansin ng tuluyan ang meal lead niyang fiance na si Jeremy, at walang hiyang kumapit kay Donald na parang gamo-gamo sa apoy.Habang nagsasalita ang direktor tungkol sa mahabang mga rules, nanatili akong nakayuko, nagbibilang ng mga langgam sa sahig habang lumilipad ang isip ko.“Mahalaga talaga ang pangalan. Tignan mo si Donald Winner. “Winner” na ang ibig sabihin ay “taong nanalo,” at parang ipinanganak siya na panalo. Ang mukhang iyon, ang family background—nakatadhana siyang dumating sa rurok. Tapos heto ako. Yunice Stone. At grabe tal
“May gusto siya sa ama ko!” sambit ko sa loob-loob ko.Nanginig ang ama ko sa gulat, nabasag ang mangkok na hawak niya.“Anong nangyayari sa kanya ngayon? Parang bigla siyang nagkaroon ng Parkinson’s,” inisip ko, hindi ako natutuwa.Inabandona ko ang kaninan at bumalik sa malalim na bahagi ng chismis. “Ang butler namin ay sampung taon ng nasa pamilya Simula sa oras na nag-apply siya sa trabaho, patay na patay na siya sa karisma at guwapong itsura ng ama ko. Habang mas matagal silang nagkakasama, mas lalong lumalim ang nararamdaman niya para sa kanya, umabot na sa puntong obsession.”“At! May fetish siya sa paa!” Dagdag ko habang lalo akong nandidiri. “Ang bawat isa sa mga sapatos ng ama ko, dinilaan niya ang loob at labas gamit ang dila niya. Ang malala pa dito, natutulog pa siya ng kayakap ito sa gabi. Ang rason niya kaya kampi siya kay Alicia ay dahil matagal ng nadiskubre ni Alicia ang lihim niyang gusto sa Ama ko! Kumpara sa kanya, ako, na tunay niyang anak, ay marahil isang ma