Short
Nababasa Nila Ang Isip Ko

Nababasa Nila Ang Isip Ko

Oleh:  Kiteflyer TortoiseTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
150Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Ako ang tunay na anak ng pamilya Stone. Gamit ang gossip-tracking system ko, nagkunwari akong mahinhin at masunuring tao, pero sa loob-loob ko, matindi ako gumanti sa tamang oras. Ang hindi ko napansin ay may nakakarinig sa isip ko. “Kahit na anak ka naming tunay, si Alicia lang ang tunay naming tinatanggap. Kailangan mo matututong lumugar,” sambit ng mga kapatid ko. ‘Iniisip ko na baka sinira ko ang usapan namin ng demonyo sa nakaraan kong buhay kaya ako napuntas a pamilya Stone ngayon, naisip ko. Tumigil bigla ang mga kapatid ko sa paglalakad. “Si Alice ay masunurin, may sense kausap at mahal ng lahat sa pamilyang ito. Huwag ka magsimula ng drama para lang magpapansin.” Hindi ko mapigilan isipin, ‘Kung ganoon, may sapat ang sense niya para sirain ang buhay ng lahat at mahal na mahal kayo sa puntong nakakasuka na.’ Natanga ang ekspresyon ng mga magkakapatid.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1 Nakauwi Ka Na Din Sawakas

Naging magaling ako makatunog ng chismis na ipinapaalam sa akin na ang mundo kung saan ako nabubuhay ay libro pala.

At ako? Ako ang kawawang side character, itinadhanang magkaroon ng miserableng kinabukasan.

Ang bida ay si Alicia Stone, pekeng tagapagmana na pinaulanan ng pagmamahal ng pamilya Stone.

Matapos basahin ng ilang ulit ang tungkol sa wala sa lugar na pag-iisip ng pamilya Stone at sarili kong mga sunod-sunod na kamalasan, nakapagdesisyon na ako. Titigil na akong umasa na mamahalin ako ng pamilya ko, irerespeto ko ang hindi na maiiwasang pagkabankrupt, at susundin na lang ang plot.

Ang pamilya Stone ay mahal na mahal ang peke nilang tagapagmana at mababa ang tingin sa akin, ang tunay nilang anak, na tahimik na nabubuhay sa labas ng tahanan nila.

Tulad ng inaasahan ko, sa oras na pumasok ako sa bahay nila, wala pa nga ako halos sa pinto at ang tatlo kong mga kapatid ay humarang na sa akin.

“Kahit na tunay ka namin na kapatid, si Alicia lang ang tinatanggap namin. Kailangan mo matuto lumugar at hindi naisin ang mga bagay na hindi mo pagmamayari.”

“Kahit na tunay ka namin na kapatid, si Alicia lang ang tinatanggap namin. Kailangan mo matuto lumugar…”

Bago pa sila natapos magsalita, bigla nila akong tinignan na parang nakakita sila ng multo. Natataranta nilang tinignan ang isa’t isa at kakaiba ang kanilang mga ekspresyon.

Sa papel ko bilang hindi nararapat na tagapagmana, sumagot na lang ako, “Naiintindihan ko. Masusunod. Malinawa ang lahat.”

Pero sa loob-loob ko, hindi ko mapigilan isipin, “Puwede ba, ilang beses ko ng narinig ang linyang yan na kaya ko ito sabihin kahit tulog ako. Kung hindi ninyo ako nirerespeto, okay lang. Hindi naman sa desperado akong mapunta dito. Sa tingin ba ninyo gusto ko mamatay, willing na pupunta sa gulog dito?”

“Seryoso talaga, hindi ako makapaniwala sa inyo. Ayaw ninyo akong payagan na lumayo, pero ngayon at nandito ako, hindi kayo masaya.”

Ang ikatlo kong kapatid, si Harvey Stone, ay tumaas ang kilay ng mapanglait ang ekspresyon. Sinabi niya, “May mga tao talaga na kailangan tumigil sa pagkukunwari habang lihim na sinasabotahe si Alicia.”

“Oh, nagagalit na naman ako. Tama lang sa walang kuwentang tao na ito kung mawawala ang lahat sa kanya, pati ang dignidad niya,” sabi ko sa loob-loob ko.

Lalong lumalim ang simangot niya bigla ng hawakan ng madiin ang mga balikat ko.

“Harvey! Naghahanap ka ba ng gulo? Ganito mo ba itrato ang kapatid mo?” Isang istriktong boses ng middle-aged na lalake ang maririnig sa likod namin.

“Yunice!” Isang eleganteng middle-aged na babae ang nagmadaling lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “Ang pinakamamahal kong anak, nakauwi ka na din sawakas!”

Tinignan ko sila at mayabang na inisip, “Maganda at guwapo talaga ang mga magulang ko. Kaya pala namana ko ang genes nila.”

Nanigas ng kaunti bigla ang babaeng nakayakap sa akin. Napatingin siya sa akin at mga tahimik niyang anak na lalake bago nag-aalinlangan na sinabi, “Yunice, nagluto ako ng soup para sa iyo. Umuwi na tayo at magdinner.”

Ang ama ko, na si Thomas Stone, ay sinabi, “Sinabi ko sa walang kuwentang mga lalake na ito na ihatid ka sa loob ng bahay, pero heto ka, nasa labas pa din. Aasikasuhin ko sila mamaya.”

“Sayang lang. Ang babait nilang mga magulang, pero sa huli, pinili pa din nila akong talikuran dahil sa pagmamanipula ng bida. Ayaw nila akong tanggapin, at hindi na rin naman ganoon kaganda ang tadhana nila. Kabaliwan para sa isa, kamatayan naman sa isa. Sayang, isinumpang tunay ang pamilya Stone.”

Sa oras na iyon, nanigas silang lahat. Humigpit ang kapit ng nanay ko sa akin sa puntong bumaon ang mga kuko niya at nag-iwan ng marka.

“Ma?” tanong ko, nagulat ako.

Agad siyang bumitaw, naiilang na ngumiti sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. “Yunice, okay ka lang ba? Kumportable ka ba?”

Umiling-iling ako sa masunuring paraan. “Hindi, okay lang ako.”

“Pero ko masabi na okay ako kapag nakikita ko ang tatlo mong anak na biased at walang mga utak,” inisip ko.

“Yunice Stone!” bigla sinabi ni Harvey ng galit ang pangalan ko.

“Ano ngayon? Nakatayo lang ako dito ng tahimik, hindi nga ako nagsasalita, at nababaliw ka na naman?”

“Harvey!” Tinignan ng masama ni Thomas ang pinakamatanda kong kapatid, senyas para pigilin niya ang kanyang galit.

“Yunice, huwag mo siyang pansinin. Kumain na tayo.”

Sa hapag kainan, sabik akong kumain, pero may sumira sa gana ko bigla.

Ang ikalawa kong kapatid, si Jimmy Stone, ay naglagay ng mangkok na walang laman sa tabi niya at sinabi, “Yunice, alam mo naman siguro na may ibang babae na nakatira dito. Ang pangalan niya ay Alicia. Hindi maganda ang kalusugan niya, kaya umaasa ako na makakasundo mo siya at magiging mainit ang pagtanggap.”

Nanatiling tahimik ang iba pang mga miyembro ng pamilya, malinaw na sumasangayon sa kanya.

“Sige,” kalmado kong sagot.

“Heto na naman tayo. Ang tinatawag kong pinakamamahal na kapatid, na walang iba kung hindi tapat na sunud-sunuran ng bida, ay nagbalik na naman sa kanyang karaniwang mga babala. Hindi ba’t dahil lang sa premature ang pagkakapanganak sa kanya at maselan ang lagay? Ilang taon na iyon. Matagal na siyang nakarecover. Pinepeke lang niya ito, ginagatasan kayong mga hangal na napapasunod niya sa gusto niya. Sa totoo lang, hindi ko matiis kung gaano kauto-uto ang mga kapatid ko.”

Bago pa ako makapag rant pa sa loob-loob ko, isang mahinang sweet na boses ang maririnig mula sa hagdan. “Ama, Ina, kayong lahat!”

Parang mga makina, sabay-sabay tumayo ang mga magulang ko at mga kapatid,a tila ang munting prinsesa ng pamilya ay bumaba mula sa kalangitan.

Ang nanay ko, na si Natalie Stone, ay nababalisang tumingin sa pagitan namin ni Alicia, nag-aalala na baka mabigo ako na makasundo ang pekeng tagapagmana.

Sa labas, nanatili akong kalmado tulad ng dati, pero sa isip ko, may tumutugtog na para sa engrande niyang pagdating. “Heto na na siya, masayang naglalakad palapit sa amin at masisimula ng maghasik ng pagkasira at lagim sa pamilyang ito.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status