LOGINAtalia POVMedyo humupa na ang issue about sa nangyaring pagsabog at pagkasunog ng building ng GOAT TV show, kasi lahat nang nasugatan, namatayan at naabala ay inalam ko ang mga pangalan at kinontak. Maluwag naman nilang tinanggap ang tulong na nais kong ibigay, kaya kahit pa paano, wala na rin talagang saysay ang pamba-bash sa akin ng mga taong binayaran ni Jalipa para sirain ako.Oo, alam ko na rin lahat. Sinabi na ni Nolan. Simula nang malaman ko ang tungkol sa chip na nakakabit sa katawan niya, halos gabi-gabi na akong hindi mapakali. Bilang ate, pakiramdam ko ay wala akong magawa para iligtas siya. Ang lala ng sitwasyon niya ngayon, kahit ako ay nalulungkot para sa kaniya.Nakasandal ako sa balkonahe nang maramdaman kong may yumakap sa baywang mula sa likuran ko.Hindi ko na kailangang lumingon dahil alam ko naman kung sino iyon.“Ang aga mo na namang nag-iisip,” kalmado niyang bulong.Humarap ako sa kaniya. “Nolan.”“Oh?” taas-kilang niyang sagot.“Okay lang ba talaga iyon?”Nap
Jalipa POVHindi pa man ako nakakapasok sa unang subject ko sa school nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen ng phone ko, parang agad nanlamig ang buong katawan ko. Kapag nakikita ko ang pangalan ng bruhang iyon, natatakot na agad ako.Nakita ko ang pangalan ng bruhang si Naomi. Tumatawag na naman ito sa akin at mukhang may pasiklab na naman.Hindi ko na pinatagal ang call at baka uminit ang ulo nito sa akin. “Hello po, Miss Naomi?” magalang kong bati sa kaniya, kahit dito sa personal ay napapairap ako kasi ginagalang ko pang siyang gaga siya!Hindi ko na kailangang marinig ang boses niya para malaman kong nakangiti siya.“Good morning, Jalipa,” sagot naman niya sa akin.Napapikit ako sandali.“Good morning din po.”“Wala ka bang klase?” cold niyang tanong.“Meron po, nandito na nga po ako sa school.”“Magpaalam ka, hindi ka muna papasok ngayong araw.”Sabi na, e. Hindi naman siya tatawag kung walang kailangan sa akin.“Bakit po? Ano pong kailangan ninyo?” t
Nolan POVHindi ko na hinintay pang matapos ang klase ni Jalipa. Maaga pa lang ng umagang iyon, nakaparada na ang sasakyan ko sa tapat ng unibersidad nila. Tahimik akong nakaupo sa likod ng sasakyan ko habang nakatanaw sa gate.Simula nang malaman kong isa si Jalipa sa mga account na bumabatikos kay Atalia sa social media, hindi mapakali ang isip ko. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong baka may dahilan siya, hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko kayang panoorin na unti-unting sinisira ang pangalan ng asawa ko ng sarili pa niyang kapatid.After a few minutes, I saw Jalipa come out. She was wearing a simple uniform. She had a backpack on her shoulder and her left arm was still in a cast. Her body's weakness was still obvious, even though she was trying to look normal.Agad akong bumaba ng sasakyan ko.“Jalipa.”Napahinto siya sa paglalakad. Paglingon niya sa akin, nakita kong namutla ang mukha niya.“Kuya Nolan.”Lumapit ako sa kaniya. “We need to talk.”Hindi
Jalipa POVHindi ako dalawin ng antok noong gabing iyon. Siguro dahil sa kunsensya dahil sa ginawa ko na kay Ate Atalia. Nag-message ako kanina sa kaniya, kinamusta ko siya. Mukhang okay naman siya. Mabuti na lang, kasi iyon din ng gusto ko. Na sana, huwag siya paapekto sa ginawa kong ingay sa social media.Nakahiga na ako sa kama habang nakatitig sa puting kisame, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi talaga ako makatulog.Paulit-ulit din kasing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Rapha. Hindi dahil cute siya, kundi dahil sa huling sinabi niya sa akin kanina. Umaasa ako na magiging kakampi ko siya. Umaasa akong hindi niya ako pinagti-trip-an lang.Bigla namang umilaw ang screen ng cellphone ko.Napabangon agad ako. Pagtingin ko, sa wakas ay nag-message na siya.Rapha: “Awake?”Mabilis akong nag-reply.Jalipa: “Oo.”Halos isang minuto rin ang lumipas bago siya muling nag-type.Rapha: “Good. Huwag tayong mag-call, alam mo naman. Mas ligtas ang text, text lang.”Napati
Nolan POVIritang-irita ako habang nakatitig sa monitor sa loob ng office ko. Tatlong malalaking screen ang nakabukas sa harapan ko ngayon. Puno iyon ng mga IP logs, encrypted connections, social media reports, at iba’t ibang data na sinusuri ng mga pinakamagagaling kong hacker.Buwisit kasi, dahil halos dalawang araw na silang walang tigil sa pagtatrabaho, pero hanggang ngayon, wala pa ring magandang balita.“Boss,” tawag sa akin ng isa sa mga hacker ko, kaya agad akong napalingon sa kaniya. “Wala pa rin po talaga.”Napailing ako. “Impossible,” inis kong wika. “Isa pa, mahuhuli rin natin ang mga ‘yan.”Sumunod agad sila. Sunod-sunod na naman ang pagtakbo ng iba’t ibang software. May nagta-trace. May sumusubok mag-decrypt. May nagco-cross reference ng mga account. May nag-aanalisa ng posting patterns.Kung ordinaryong troll farm lang ang kaharap namin, matagal na sana naming nahuli ang mga ito.Pero hindi. Iba ang kalaban.Makalipas ang halos sampung minuto, isa na namang buntong-hini
Jalipa POVHindi ako mapakali buong umaga. Kahit nasa loob ako ng classroom at nagtuturo ang professor namin tungkol sa business management, wala ni isang salitang pumapasok sa isip ko. Nakatingin lang ako sa whiteboard, pero ang utak ko ay nasa ibang lugar. Nasa Ate Atalia kong kaawa-awa ngayon dahil trending sa social media.Kaya siya pinagkakaguluhan ngayon sa socmed ay dahil sa kasalanang napipilitan kong gawin.Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas. Hindi ko na namalayang nakatitig na pala sa akin ang professor namin.“Miss Jalipa?”Nagulat ako. “Y-Yes po, sir?”“Are you okay?” tanong niya.Pinilit kong ngumiti. “Yes po, sir.”Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang lecture, pero wala talaga akong maintindihan. Hindi mawala-wala sa isip ko ang pagiging traydor ko ngayon sa mahal kong kapatid. Pero siguro naman ay maiintindihan niya ako kaya ko ito ginagawa. Para kay Mama Celestine, para kay Alon at lalong para sa sarili ko.Maya maya lang, biglang nag-vibrate ang cell
Janessa POVPagkakain ni Uncle River ng tanghalian, naligo at gumayak na siya kasi kailangan niyang sundan si Tita Merbella sa ospital. Manghihina raw kasi iyon sa oras na ma-chemo na ito.Hindi pala pumasok ngayong araw si Uncle River sa trabaho dahil gusto niyang suportahan ang asawa niya sa unan
Janessa POVNakita kong bumaba na si Uncle River mula sa itaas. Pagbaba sa hagdan ay nakita ko siyang topless, pawisan pa rin at tanging boxer short lang ang suot. Agad siyang nagulat nang mapatingin sa akin.“Excuse me, pero sino ka?” tanong niya nang lapitan ako rito sa mahabang bangko sa sala.H
Janessa POVHabang tinatapunan ako ni Madam Imelda ng juice sa ulo ko ay biglang dumating sa loob ng bahay si Tita Merbella. Tanda ko ang mukha niya, siya ang kapatid ng Mama Maribel ko na sumalangit nawa ang kaluluwa.“Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa pamangkin ko!” sigaw niya nang lapitan si Ma
River POVNakapasok na ako sa bakery ngayong umaga. Sabi ni Merbella ay kaya naman niyang mag-isa sa bahay kahit wala kami ni Janessa. Ang bilin ko sa kaniya, kapag nagkaroon ng problema o kailanganin niya ako ay tumawag lang siya sa cellphone ko.“Ano bang nangyari at ilang araw kang hindi nakapas







