LOGINAkala ni Athena Vionne Cortez, sa wakas magkakaroon na siya ng pagkakataong makatakas sa buhay na ilang taon niyang tiniis. Pero nang ipadala siya ng ama niya sa Manila, isang bagay lang ang sinabi nito—kailangan niyang pakasalan si Lucien Xavier Montenegro, isang billionaire CEO na hindi pa niya kailanman nakikilala. Dahil sa isang kasunduan tungkol sa kanyang mana, kailangan nilang magsama sa iisang bahay at mamuhay bilang mag-asawa sa loob ng tatlong taon bago niya tuluyang makuha ang lahat ng naiwan para sa kanya. Ang problema, ayaw ni Lucien sa kasal na ito. Malamig at tahimik, agad niyang ipinaalam kay Athena na kasunduan lang ang lahat. Pero habang tumatagal ang pagsasama nila, may isang bagay na hindi niya maipaliwanag—matapos mawalan ng pang-amoy sa loob ng maraming taon, si Athena lang ang tanging taong naaamoy niya. At bago pa makarating si Athena sa Manila, may isang lalaking naka-maskara na tumulong sa kanya sa isang gabing muntik nang magbago ang buong buhay niya. Hindi niya nakita nang maayos ang mukha nito. Hanggang sa makilala niya si Lucien. Habang unti-unting nagiging malapit ang dalawa, napapansin ni Athena ang mga bagay tungkol kay Lucien na tila pamilyar sa kanya. Kasabay nito, unti-unti ring lumalabas ang mga lihim na matagal nang itinago ng kanilang mga pamilya. Dahil ang arranged marriage na pinilit nilang tanggapin ay maaaring hindi pala isang simpleng kasunduan. At ang lalaking pinakasalan ni Athena ay maaaring konektado sa estrangherong minsang nagligtas sa kanya. Kapag nalaman niya ang katotohanan, maaaring magbago ang lahat ng alam niya tungkol sa kanyang buhay.
View MoreATHENA'S POV PAK!
Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa hallway ng isang exclusive VIP club sa Makati. Napahawak ako sa pisngi ko habang pilit na pinipigilan ang mga luha. “Sinagot-sagot mo pa ako?” singhal ni Marina. “Sinabi ko lang naman po na ayoko.” “Wala akong pakialam kung ayaw mo.” Hinawakan niya ang braso ko at hinila papasok sa VIP room.Hindi naman ako kusang pumunta roon. Dinala ako ni Marina matapos kong tumangging gawin ang ipinapagawa niya. Wala rin akong choice kundi sumunod dahil alam kong kapag lumaban ako, ako na naman ang pagbubuntungan niya ng galit. Mula Zambales hanggang Makati, paulit-ulit niyang sinabi na kailangan kong sumunod kung ayaw kong gumawa siya ng gulo sa bahay. Pero nang makita ko kung saan niya ako dinala, agad kong pinagsisihan kung bakit hindi ako tumakas. Madilim ang buong room. May mga lalaking naka-suit, mga babaeng naka-dress, at lahat ay nakamaskara. Sa gitna ng silid, may isang babaeng mukhang mas bata sa akin na umiiyak habang pilit na lumalayo sa isang lalaking nasa middle age. “Please… tama na po. Maawa po kayo.” “Shut up, you whore! I paid for this!” Nagsitawanan ang mga tao sa paligid, at nanlamig ako nang tuluyang maintindihan kung ano ang nangyayari. “Ganoon din ang gagawin mo mamaya,” bulong ni Marina. Napatingin ako sa kanya. “Hindi.” “After everything I did for you?” “Hindi ko po kayang gawin ’to.” “Then consider it payment.” Umiling ako at pilit na kumawala sa hawak niya. “Hindi ako papayag.”Hindi puwede. Hindi ko ibibigay ang virginity ko sa mga pangit na ’to.Sa dami ba naman ng lalaki sa mundo, dito pa talaga? Kung mamamatay man ako sa kahihiyan, sana kahit sa gwapong lalaki na lang. Napapikit ako sandali nang mapagtanto kong hindi ito oras para magbiro sa sarili ko. Kailangan kong makaalis. Nang subukan niya akong pigilan, mabilis akong tumakbo papunta sa exit. Pero bago pa ako makarating doon, may isang lalaking naka-black suit at maskara ang humarang sa daan ko. “Let her go.” Malamig ang boses niya. “Mind your own business,” sagot ni Marina. “I said, let her go.” Biglang tumahimik ang room. Hindi ko alam kung ano ang meron sa lalaking iyon, pero kahit ang mga taong kanina pa nagtatawanan ay wala nang nagsalita. Unti-unting bumitaw si Marina sa akin. Napaatras ako at napatingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil sa maskara at sa dilim ng room, pero nakita ko ang mga mata niya. Hindi ko alam kung anong kulay iyon, pero alam kong may kulay ang mga ito. Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya bahagyang lumapit, na para bang may napansin siyang kakaiba. Hindi ko alam kung ano iyon. Tumabi siya at itinuro ang exit. “Go.” Hindi na ako nagdalawang-isip. Mabilis akong lumabas ng VIP room at hindi na lumingon pa. Hindi ko alam kung sino ang lalaking iyon, pero alam kong kung hindi siya dumating, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin nang gabing iyon. Habang pauwi ako, iisa lang ang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.Magkikita pa kaya kami muli?ATHENA’S POV “Wifey, aalis na ako.” Napatingin ako kay Lucien habang inaayos niya ang relo niya. “Ang aga mo naman.” “May meeting ako.” “Meeting lang ba talaga o may ibang babaeng naghihintay sa’yo?” Napataas ang kilay niya bago lumapit sa akin. “Nagseselos ka na naman?” “Excuse me. Nagtatanong lang ako.” “Then stop imagining things, Athena.” Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang tumalikod. Pero bago siya makalayo, hinawakan ko ang kamay niya. “Lucien.” He looked at me. “Hmm?” “Uuwi ka mamaya?” Bahagyang lumambot ang tingin niya. “Of course. I told you I would.” Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit, pero malaking bagay sa akin ang simpleng pangakong iyon. “Okay. I’ll wait for you.” He leaned down and kissed my forehead again. “Good girl.” “Hoy! Hindi ako aso!” Mahina siyang natawa bago tuluyang umalis. Napailing ako habang nakangiti. Ang yabang talaga ng lalaking iyon. ‘Mahal mo naman Self!’ ⸻ LUCIEN’S POV “Sir, may bisita po kayo.” Hindi ako agad nag-anga
ATHENA’S POVHindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Lucien. Kanina pa kami tahimik mula nang sabihin kong gusto kong makipagkita kay Marina. Pumayag siyang samahan ako, pero halatang hindi siya komportable sa ideya.“Athena.”Napalingon ako sa kanya. “Hmm?”“Kapag may sinabi siya na hindi mo maintindihan, huwag kang agad maniwala.”“Alam ko naman.”“I’m serious.”Napabuntong-hininga ako. “Lucien, hindi naman ako basta-basta maniniwala sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano ang gusto niyang sabihin.”Sandali niya akong tinitigan bago hinawakan ang kamay ko.“Okay. Pero nandito ako. You don’t have to face her alone.”Napangiti ako nang kaunti. “Alam mo, minsan ang sweet mo.”“Sometimes?”“Don’t push it.”Mahina siyang natawa at hinalikan ang likod ng kamay ko bago muling tumingin sa daan.Grabe. Paano ako mananatiling galit sa mundo kung ganito ang asawa ko?Pagdating namin sa Café Aurelia, agad kong nakita si Marina na nakaupo sa isan
MARINA’S POV“Hindi ko hahayaang basta na lang tayo itapon ni Lucien Montenegro na parang wala tayong halaga!”Napabagsak ko ang folder sa mesa habang nakatayo sa harap ni Arthur. Kanina pa ako naiinis sa balitang tuluyan nang binawi ni Lucien ang suporta niya sa kumpanya namin.Simula nang dumating ang babaeng iyon sa buhay namin, puro problema na lang ang dala niya. Dati, madali siyang utusan at kontrolin. Ngayon, dahil lang naging asawa siya ng isang bilyonaryo, akala mo kung sino na.“Arthur, may balak ka bang gawin o hahayaan mo na lang tayong mawalan ng negosyo?” tanong ko.Napabuntong-hininga siya. “Hindi ko puwedeng pilitin si Lucien. Desisyon niya ang partnership.”“Pero puwede mong kausapin si Athena!”“Hindi siya ang nagpapatakbo ng kumpanya.”“Pero asawa siya ng nagpapatakbo!”Napatingin siya sa akin, halatang napipikon na rin.“Marina, tama na. Hindi lahat ng problema natin ay kasalanan ni Athena.”Napatawa ako nang mapait.“Talaga? Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo m
ATHENA’S POV Pagmulat ko ng mga mata ko, unang bumungad sa akin ang mukha ng lalaking ilang araw kong hinintay na umuwi. Si Lucien. Nakahiga siya sa tabi ko, isang braso ang nakapulupot sa baywang ko habang mahimbing na natutulog. Magulo ang buhok niya at wala ang karaniwang kunot sa noo niya. Sa unang pagkakataon, mukha siyang ordinaryong lalaki lang at hindi ang seryosong CEO na parang kayang bilhin ang buong mundo kapag nainis. Napangiti ako nang hindi sinasadya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Wait. Asawa ko? Napakagat ako sa labi nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa baywang ko. Balak ko sanang bumangon bago siya magising, pero bago pa ako makaupo nang maayos, bigla niya akong hinila pabalik. “Athena, saan ka pupunta?” Napasinghap ako nang mapadikit ulit sa dibdib niya. “Good morning din sa’yo!” reklamo ko. Bahagya niyang iminulat ang mga mata niya. “Good morning.” “Bitawan mo nga ako. Kukuha lang ako ng tubig.” “May












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore