Nagtataka sai Kait. pakiramdam niya ay tama ang hula ni Harvey, pero imposible na muntik nang tumaob ang kotseng ito ng dahil lang sa ilang sampal. Mahinahon na sinabi ni Harvey, “Sige, tigilan mo na masyadong pag-iisip. Ito ang 3.2 bilyong dolyar. Paghatian natin ito dahil tayo ang nakakuha nito, kunin mo ang kalahati.” Walang pakialam si Harvey. Ang totoo, wala naman siyang masyadong ginawa. Ang branch leader badge na iyon ay inukit mula sa isang Thousand-Year Ice Crystal, na may taglay na lamig na nunuot hanggang sa buto. Kung isang tao na nagsasanay ng ancient martial arts ang magsusuot ng badge ng matagal na panahon, bukod sa hindi maapektuhan ang may suot nito, magagawa pa ng may suot nito na tipunin ang kanilang kapangyarihan ng husto kaysa sa iba pa nitong benepisyo. At kapag isang pangkaraniwang tao ang magsusuot ng badge, tiyak na magkakaroon sila ng sipon. At para naman kay Angelina, na may karamdaman, tiyak na babalik ang kanyang sakit dahil dito. Ito ang isa
"Ganoon pala." Tuluyan na itong naintindihan ni Harvey. "Kaya pala ayaw na ayaw sa'yo ng ama mo at ni Angelina at gusto ka nilang ipakasal kaagad." "Dahil lahat yun sa shares na hawak mo." "Pero kung ganun ang sitwasyon, hands akong tulungan ka para maibalik sa'yo ang Walker Corporation." Bakit hindi siya magpapatuloy na tulungan si Kait kung kaya naman niya?"Mmm. Salamat." Nagtaka si Kait. Alam niya na mahirap para kay Harvey na tulungan siyang maibalik sa kanya ang kontrol sa kumpanya, pero tumango pa rin siya dahil hindi niya gustong tanggihan ang alok niya. Nasa daan papunta sa villa ang kotse nang tumunog ang phone ni Harvey. Tinignan ni Harvey ang phone habang para bang nagtataka siya. ‘Hazel?’Hindi sila masyadong nag-uusap, kaya bakit niya tatawagan si Harvey sa sandaling ito? Sandali itong pinag-isipan ni Harvey, pagkatapos ay sinenyasan si Kait na ihinto ang kotse sa tabi ng daan at sinagot ang tawag. "Hazel, anong problema? Ililibre mo ba ako ng tang
Binago ni Kait ang direksyon ng kotse mula sa driver's seat, pagkatapos ay tumingin kay Harvey habang puno ng pagtataka. "Steven? Anong nangyayari?" Kumibit-baliktat si Harvey. "Sinabihan ng uncle na kilala ng pamilya ko ang anak niya na hanapan ako ng posisyon sa Kaizen Group bilang isang salesman." "Ginamit ni Steven ang pangalan mo para hanapan ako ng isang hundred thousand dollar na order; dapat ko ba siyang pasalamatan at ang buong pamilya niya?" Bahagyang tumawa si Kait. "Harvey, nagbibiro ka ba? Pwede kang magbigay ng 1.6 billion nang biglaan, pero magtatrabaho ka pa rin sa isang posisyon na ilang daang libong dolyar lang ang sweldo kada buwan?" Walang magawa si Harvey kundi magkibit-balikat. "Wala akong ibang magagawa, iniisip ng mga mas nakatatanda sa'kin na hindi ako nagtatrabaho nang marangal. Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng trabaho bilang isang higher-up?" "Sige, pwede kang pumunta at maging higher up sa Walker Corporation; papapasukin kita kaagad, pe
Sa mga mata ni Hazel, kaagad na pumalpak si Harvey na makuha ang pagkilala niya pagkatapos niya itong muntikang makuha. Hindi man lang maikukumpara si Harvey kay Steven, lalo na sa top big bro na nasa listahan ni Hazel. Nagsimulang magdasal si Hazel sa sandaling iyon, umaasa siya na hindi siya ulit ipares kay Harvey. Hindi pwedeng magsama ang mahirap at ang isang prinsesa. Hindi pinansin ni Harvey ang tingin ni Hazel sa kanya at mabilis na binasa ang mga dokumento; hindi nagtagal ay naintindihan na niya ang buong sitwasyon. Humiling si Timothy ng shipment ng supplies mula sa Kaizen Group noon at pumayag na magbabayad sa loob ng isang buwan. Pero lagpas na ng isang iwan at hindi pa rin siya nagbabayad. Kung naibang tao lang ito, matatakot silang lahat kapag nabanggit ang pangalan ng kumpanya. Pero naiiba si Timothy; siya ang brother-in-law ni Benjamin! Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagamit ng dahas laban sa brother-in-law ng first-in-command ng Mordu? Ang laking bir
"Una, kaya ko to nang mag-isa. Hindi to problema kaya hindi niyo kailangang hanapin sina Leader Walker at Lady Walker." "Pangalawa, kukunin ko ang dalawampung porsyento ng bayad kapag nakuha ko to." "Nagkakasundo ba tayo?" ‘Harvey?’'Siya ang sisingil ng pera?' 'At gusto niyang makuha ang dalawampung porsyento nito?' Suminghal ang lahat kay Harvey pagkatapos makita ang kanyang walang pakialam na ekspresyon. 'Hindi siguro alam ng batang to kung sinong binabangga niya.' 'Iniisip ba niya na magbibigay ng respeto ang isang taong kagaya ni Timothy sa kahit na sino?' 'Baka masipa lang siya sa mukha kapag nalaman ni Timothy na may pumunta sa bahay niya na hindi niya kilala.''Syempre, hindi to magagawa ni Timothy dahil naka-wheelchair siya, pero marami siyang kasama!' Napahinto si Hazel pagkatapos makita si Harvey na magpakita sa lahat; hinila niya siya pagkatapos at nagsabing, "Harvey, wag ka nang gumawa ng kalokohan!" "Hindi mo to kayang ayusin!" "Pwede ba wag ka nan
"Hindi mo man lang kailangan ng tatlong araw?" Iniunat ng isang magandang saleswoman ang kanyang binti habang bahagyang nginitian si Harvey. "Ang sabi mo kaya mong ayusin ang problema gamit ng isang tawag kagaya ng ginawa mo noon?" Hinawakan ni Harvey ang screen ng phone niya at sumagot, "Tama, yun lang ang kailangan ko." Pfft!Tumawa ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon habang tinititigan nang masama si Harvey. Alam na ng lahat na napapirma lang ni Harvey si Hailey dahil kay Steven. Ang plano ay ang bigyan ng kahit kaunting respeto si Hazel sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho kay Harvey. Pero iniisip ng payasong ito na lahat ng iyon ay dahil sa ginawa niya? Nakakatawa! Sa sandaling ito, ang bawat isang titig kay Harvey ay puno ng pagkamuhi. Minamaliit ng iba pang female staff si Harvey. 'Mahirap lang siya! Sa tingin ba niya ay ganoon siya kalakas sa Mordu?' 'Kung hindi dahil kay Hazel, ano bang mararating niya?' 'Iniisip talaga ng isang walan
Habang nagmamadali si Harvey patungo sa ospital, sinama ni Larry si Fred at ang ibang sinampal sa mukha pagkatapos siraan si Xynthia at umupo sa labas ng ospital.Nasa bingit na ng pagkalugi ang Hengdian World Studios dahil sa ginawa ni Harvey. Ngunit pagkatapos makuha ang suporta ng isa sa Six Princes of Mordu na si Elias Patel, sumigla si Larry! Hindi man lang nag-abala si Larry na paimbestigahan ang pagkatao ni Harvey at dinala ang mga tao niya upang ipagmalaki ang kanyang lakas.Maliit na tao lamang si Fred, ngunit hindi lamang niya sinisipa ang mga gamit ng pasyente noong makarating siya ng ospital, tinataboy niya pa ang mga pasyente! Nang makarating sila sa kwarto ni Xynthia, gusto pa nilang lumabas si Harvey at humingi ng tawad.Napakagulo ng ospital. Ang mga pasyente ay nagtatago sa likod; wala sa kanilang naglalakas-loob na lumapit sa kaguluhan.Si Old Niner, George, at Tyson ay nasa loob ng kwarto ni Xynthia.Handa na si Old Niner na pakilusin ang mga tao niya upan
Dahil sa kagagawan ni Harvey, nagkagulo nang husto ang Hengdian World Studios. At bilang isa sa mga taong nagdulot ng sitwasyong ito, binaha ng tanong si Fred ng kompanya mismo at nabahala siya nang sobra dito.Sumunod siya ay Larry upang apihin ang isang tao, kaya natural na nagpakita siya ng tapang. Ang pagbuhos ni Fred ng tubig sa mukha ni George ay isa lamang pagbati.Mas marami pa siyang ipapakita pagkatapos.Ang ilang mga babaeng sumama ay nagpapakita ng lubos na pagkamuhi. Ginalit ni Harvey si Larry at ang Hengdian World Studios, hindi ito isang bagay na maaayos lang ng ilang baso ng tubig. Tiningnan ni Larry ang eksena habang nakaupo at humihipak sa kanyang sigarilyo.Sa mga mata niya, dapat nagpapakita siya ng tapang kay Harvey sakaling isipin ng mga tao na madali siyang apihin. Ngunit hindi nagalit si George; pinunasan niya ang tubig sa kanyang mukha at kalmadong sinabi, “Director Miller, masyado kang nagiging marahas! Hindi mo ba alam na mas magkakaroon tayo ng