Nagsalita ulit ang boses na may kakaibang accent, puno ng pangmamaliit ang tono niya. "Umaarte na parang Diyos?" "Hindi, hindi, hindi. Hindi lang ako umaarte, Diyos talaga ako!" "At nandito ako para patayin kayo!" "Kapag bumagsak kayong lahat, lalabas ako at pupugutan ko kayo ng ulo!" "Lalo ka na, magandang babae ng Country H! Ang ulo mo ang magiging pinakamahalaga kong pag-aari!" "Ang kapal ng mukha mo!" Sumigaw sa galit ang isang bodyguard at nagtapang na humakbang bilang sagot sa kanyang pang-iinsulto. Sa sandaling ginawa niya iyon, bumagsak siya sa lapag at hindi makakilos. Para bang wala siyang lakas ba manlaban. Laban sa lason na dahan-dahang bumabalot sa kanila, wala silang kalaban-laban. Sa puntong ito, maputlang-maputla ang mukha ni Macy. Gusto niyang magsalita pero di niya magawa. Naningkit ang mga mata ni Harvey habang tahimik na pinag-aralan ang paligid niya. Nang makita niyang nagsisimula na siyang mapalibutan ng lason, nilapag niya si Macy. Pagkatapos
Kahit na hindi mukhang masyadong matanda ang ninja na mukhang palaka, sapat na mukha niya para masuka ang kahit na sino sa pandidiri. Naglakad siya nang nakangisi habang tinitignan ang mga walang malay niyang biktima na nakahiga sa lapag. Lalo siyang natuwa nang makita niyang maging asul ang mukha ni Harvey na nanginginig ang katawan. "Magaling! Magaling!" "Ngayon magiging madali para sa'kin na iligpit kayong lahat." Mabigat ang boses niya kahit nakakabingi ito sa lakas. "Lalo na ang magandang babaeng ito…" "Sisiguraduhin kong paglalaruan kita, pagkatapos ay pupugutin ko ang ulo mo para gawing pinakamalaking kayamanan ko!" Bigla siyang tumawa nang walang humpay. Sa lahat ng tao roon, pinakainteresado siya kay Yvonne. Nagpunta siya sa Country H nang may misyon. Ang totoo, siya ang unang taong nilagay sa misyong ito. Hindi niya inasahang napakadali niyang matatapos ang trabaho. Kung mapapatay niya si Harvey, siya ang magiging pinakamalaking bayani sa paglalakbay na
Walang nasabi si Harvey. Tumingin siya sa ibang direksyon at nakita niya na nailigtas din si Macy kahit na mukhang nanghihina pa siya. Nilapitan siya ni Harvey. Sinenyasan niya ang doktor na nakatayo sa tabi niya para bigyan siya ng injection na magpapalakas sa kanya. Hindi nagtagal, gising na gising na si Macy. Nang makita niyang ang taong nakatayo sa harapan niya ay si Harvey, nagtaka siya. Kahit ano pa ang ginawa ni Lucas, si Harvey pa rin ang responsable sa pagpatay sa kanya. Bilang tapat na tao ni Lucas, dapat ay ipinaghihiganti ni Macy ang master niya. Pero nandito siya ngayon, iniligtas siya ng walang iba kundi si Harvey. Hindi alam ni Macy kung anong mararamdaman niya. "Magsalita ka. Anong nangyari?" Nagtanong si Harvey nang may malalim na boses at naniningkit na mga mata. Bumuntong-hininga si Macy bago malungkot na nginitian si Harvey. "Nangyari ang lahat ng ito dahil sa sarili kong desisyon." "Nang nagsabi ang prinsipe tungkol sa pakikipagtulungan niya sa Sh
Kinuha ni Harvey ang selyo at tinignan ito bago kalmadong nagsabi, "Dahil pakay ako ng mga Islander, syempre ililigpit ko sila." "Sapat na siguro to para ipaghiganti ka." "Isa pa. Manatili ka muna kasama ni Aiden sa ngayon kung wala kang ibang mapuntahan." Walang ekspresyon si Harvey. Totoo na kalaban si Macy, pero talentado siya at maparaan. Ngayon na mag-isa na lang siya, walang kukupkop sa kanya maliban kay Harvey. Kung magawa ni Harvey na panatilihin sa panig niya si Macy, tiyak siya na magagamit niya siya sa mga importanteng sitwasyon. Syempre, hindi ito kasama sa plano. Nagsisimula pa lang ang lahat kaya walang nakaaalam kung magagamit niya ito o hindi. … Hindi nagtagal ay malapit nang maghapunan. Lumabas si Yvonne mula sa kwarto. Ang isang magandang babaeng kagaya niya na nakasuot ng nightgown ay napakagandang tignan at hindi maikukumpara kahit na gaano pa kaganda ang itsura at katawan ng iba. Sa ngayon, tuluyan nang gumaling si Yvonne. Namumula ang mukha n
Tinignan ni Harvey ang matangkad at gwapong lalaki sa harapan niya at napansin niya ang magandang nameplate na nasa dibdib niya na may nakasulat na "Robin Baker". Kumunot ang noo ni Yvonne. "Muka sa Baker family ng San Francisco, ang First Squad Captain ng Dragon Cell." Nang nabanggit ang Baker family, kaagad itong naintindihan ni Harvey. Ang kalaban naman nila ngayon ay si Sam Baker, ang pinsan ni Hugh. Gustong-gusto siguro ng Baker family ang ulo ni Harvey. Hindi naisip ni Harvey ang isang mukhang pangkaraniwang top rated family ay magiging ganito kalakas. Lumabas na kahit ang mas nakababatang henerasyon ng pamilya nila ay nagawang makapasok sa Dragon Cell. Nang hindi nagdadalawang-isip, tahimik na nagpadala ng text si Harvey. “Harvey! Yvonne!”Kumumpas si Robin para senyasan ang mga tao niya na palibutan sina Harvey at ang iba pa sa villa. Pinagpatong niya ang mga braso niya sa dibdib niya at nagsabing, "Nakatanggap kami ng report!" "Binali mo ang braso't binti ng i
Bang!Hindi na nagsayang pa ng oras si Harvey at sumipa siya paharap. “Harvey!”Kaagad na pinigilan ni Yvonne si Harvey at nagmamadaling sinabi, “‘Wag kang magpadalos-dalos!”Hindi kilala ni Harvey kung sino si Robin, pero alam ni Yvonne ang reputasyon ni Robin. Ito ang First Squad Captain ng Dragon Cell na may lisensyang pumatay, isang malupit na pinuno. Sinadya nitong sampalin si Yvonne dahil gusto nitong makita ang magiging reaksyon ni Harvey.Kapag talagang pumalag si Harvey, siguradong ‘magkakamali ng putok’ ang mga baril ng Dragon Cell. Kahit ang isang makapangyarihang taong tulad ni Harvey ay hindi mabubuhay dito. Walang magawa si Harvey kundi tumigil dahil sa babala ni Yvonne. Naningkit ang mga mata niya at tinitigan nang masama si Robin habang sinasabi, “Tatandaan ko ang pagsampal mo sa kanya.” “Maniwala ka, pagsisisihan mo ‘yan.” “Ano? Sasampalin mo ba ako pabalik?” Tiningnan siya ni Robin nang mapagmataas. Simple lamang ang plano niya: gusto niyang pilitin
Kahit na natatakot si Robin sa katayuan ni Kait, kumunot pa rin ang noo nito at nangatwiran, “CEO Walker… o hindi kaya, Chairman Walker, trabaho ito ng Dragon Cell. Isa ka lang negosyante, hindi isang tauhan ng gobyerno. Hindi naangkop para sa’yong makisali sa ganito, tama?” “Alam ba ni Senior Anton Walker na pinagtatanggol mo ang isang tagalabas?” Kalmadong sumagot si Kait, “Hindi ko kailangang ibalita ang lahat ng ginagawa ko sa aking lolo. Atsaka, boyfriend ko si Harvey. Kasama ako lagi sa mga ginagawa niya!” “Madadamay ang Walker family sa sitwasyong ito, kahit anong mangyari!” Palihim na kinurot ni Yvonne si Harvey sa sinabi ni Kait.Umirap si Harvey at tahimik na tumitig sa kisame.‘Di naman ikaw ang asawa ko, kaya bakit mo ako kinukurot nang ganyan?’ Kumirot nang husto ang mga mata ni Robin sa tapang ni Kait. Natural mararamdaman niya ang matinding galit sa tono ni Kait.Kahit anong mangyari, hindi madaling kalabanin ang Walker family.Ngunit ganito rin kalakas ang
Habang tulala ang lahat sa biglaang pagdating ni Yona, walang-bahala itong lumapit kay Robin. Minata niya si Robin at seryosong sinabi, “Hindi ko alam kung sapat na ba ako para respetuhin mo.” “May karapatan ba akong sampalin ka!” Pak! Hinampas ni Yona ang kanyang palad sa mukha ni Robin.Kaagad na sumigaw ang mga tao niya, “Captain!” “Captain?” kalmadong sinabi ni Yona. “Noon, pero hindi na ngayon.” “Tinawag na mismo ni Sir Lynch ang master ng Dragon Cell. Mula ngayon, wala nang kinalaman si Robin Walker sa Dragon Cell!” Ang isang simpleng pangungusap ay sapat na upang patunayan ang matinding impluwensya ni Yona. Lumalabas na pakana ni Benjamin Lynch ang pagpunta niya! Sa madaling salita, sinusuportahan ni Benjamin Lynch si Harvey! Si Robin na nagpapakahirap bumangon, ay namutla nang husto nang mapagtanto niya ito. Alam na alam niyang lagot na siya. Hindi lamang nasira ang maganda niyang kinabukasan, baka mahila niya pa pababa ang buong pamilya niya!Ngunit wala